ANG MAGKAIBIGANG BAKA AT KALABAW · 2021. 1. 12. · ang kalabaw, ay maitim at mahaba ang sungay....

2
16 ANG MAGKAIBIGANG BAKA AT KALABAW Sa isang bukid sa baryo ng Linao sa Tuguegarao, nakatira ang magkaibigang baka at kalabaw. Si Furaw, ang baka, ay maputi at maigsi ang sungay. Si Ngisi naman, ang kalabaw, ay maitim at mahaba ang sungay. Si Mang Berong ang may-ari ng bukid. Isang araw, nagkukwentuhan ang magkaibigan sa harap ng kamalig ni Mang Berong.Habang nagkukwentuhan, biglang sinabi ni Furaw kay Ngisi “Maitim ka na nga, mahaba pa ang sungay mo.” Nasaktan si Ngisi sa sinabi ni Furaw, pero dahil kaibigan, hinayaan na lang niya ito. Dumating ang panahon ng pagtatanim ng mais. Kinuha ni Berong ang kanyang kalabaw na si Ngisi upang mag- araro sa bukid. Agad namang ginawa ni Ngisi ang kanyang trabaho. Natuwa si Mang Berong sa ginawa ng kanyang alaga. Nagkaroon ng maraming ani si Mang Berong. Laking pasasalamat niya kay Ngisi. Dahil dito, binigyan ni Mang Berong si Ngisi ng masisilungan habang namamahinga.

Transcript of ANG MAGKAIBIGANG BAKA AT KALABAW · 2021. 1. 12. · ang kalabaw, ay maitim at mahaba ang sungay....

  • 16

    ANG MAGKAIBIGANG BAKA AT KALABAW

    Sa isang bukid sa baryo ng Linao sa Tuguegarao, nakatira ang magkaibigang baka at kalabaw. Si Furaw, ang baka, ay maputi at maigsi ang sungay. Si Ngisi naman, ang kalabaw, ay maitim at mahaba ang sungay. Si Mang Berong ang may-ari ng bukid.

    Isang araw, nagkukwentuhan ang magkaibigan sa harap ng kamalig ni Mang Berong.Habang nagkukwentuhan, biglang sinabi ni Furaw kay Ngisi

    “Maitim ka na nga, mahaba pa ang sungay mo.” Nasaktan si Ngisi sa sinabi ni Furaw, pero dahil kaibigan, hinayaan na lang niya ito.

    Dumating ang panahon ng pagtatanim ng mais. Kinuha ni Berong ang kanyang kalabaw na si Ngisi upang mag-araro sa bukid. Agad namang ginawa ni Ngisi ang kanyang trabaho. Natuwa si Mang Berong sa ginawa ng kanyang alaga. Nagkaroon ng maraming ani si Mang Berong. Laking pasasalamat niya kay Ngisi. Dahil dito, binigyan ni Mang Berong si Ngisi ng masisilungan habang namamahinga.

  • 18

    Nainggit si Furaw sa ibinigay ni Mang Berong kay Ngisi.Habang nagpapahinga at nakasilong si Ngisi, nakabilad naman si Furaw sa araw.

    Naisip ni Furaw na kahit maitim si Ngisi ay may halaga rin pala siya at masipag sa trabaho sa bukid.

    Hindi nagtagal, naging mabait si Furaw kay Ngisi.

    “Kaibigang Ngisi, patawarin mo ako sa mga sinabi kong hindi maganda sa iyo.” ang sabi ni Furaw.

    “Walang anuman, kaibigang Furaw.Ganun talaga ang tunay na magkakaibigan, laging nagkakaintindihan at nagbibigayan.” sambit ni Ngisi.

    Nagpursige ang magkaibigan sa pagtutulungan sa mga gawaing bukid.

    Si Ngisi ay hindi naging maramot. Hinayaan niyang makisilong si Furaw kapag maaraw at maulan.

    Simula noon, naging mas matalik na silang magkaibigan.