Ang Islam sa Kasalukuyan-Final Draft
-
Upload
nathalie-dagmang -
Category
Documents
-
view
262 -
download
0
Transcript of Ang Islam sa Kasalukuyan-Final Draft
Ang Islam sa Kasalukuyan
Ang Islam sa Pilipinas
Mula pa lamang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay naranasan na ng
mga Muslim ang paghihirap sa kamay ng mga Kristiyano. Ngunit sa pagtatapos ng
digmaang Muslim at Kastila noong 1898 ay dumating naman ang mga Amerikano na
siya ring nagpahirap sa mga Pilipinong Muslim.
Marso 2, 1906, naganap ang tinaguriang First Battle of Bud Dajo o mas kilala
bilang Moro-Crater Massacre. Mahigit 800 hanggang 1000 armadong Muslim ang
nagtago sa isang volcanic crater sa isla ng Jolo. Sa madugong labanan na ito, anim
lamang ang nabuhay mula sa panig ng mga Muslim habang dalawampu lamang ang
namatay sa kampo ng mga Amerikano, mula sa ilang daan nilang mga sundalo.
Makikita sa mga panahong ito ang katatagan ng mga Muslim at ang lakas ng
paniniwala nila sa kanilang relihiyon. Hindi gaya ng mga “Indio” (ngayon ay Filipino), sila
ay nanatiling malaya mula sa mga impluwensya at pananakop ng mga dayuhan dahil sa
kanilang tapang at malakas na pananampalataya.
Nang lumaya tayo mula sa mga Amerikano noong 1946 ay hindi pa rin natapos
ang laban ng mga Muslim laban sa mga Kristiyano. Noong 1968 ay naganap naman
ang Jabidah Massacre kung saan pinatay ang maraming nireklutang Muslim ng
Philippine Army ng kanilang mga pinuno nang tumanggi itong sumama sa pagsugod sa
Sabah.
Nang sinimulan ni Ferdinand Marcos ang Martial Law noong 1972 ay nakaranas
ng matinding paghihirap ang mga Muslim sa Pilipinas. Sa kanyang rehimen ay nabuo
ang Moro National Liberation Front, ang rebeldeng kilusan ng mga Muslim na binuo ni
Nur Misuari, isang dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang layunin ay
walang kinalaman sa relihiyon. Ang kanila lamang ipinaglalaban ay ang mga lupain na
minana nila mula pa sa kanilang mga ninuno. Kalaban nila ang mga mararahas na
1 – Islam sa Kasalukuyan
grupong Kristiyano tulad ng ILAGA(Ilonggo Land Grabbing Association). Ang karahasan
ng ILAGA ay nagbunga ng isang massacre noong Hunyo 1971 kung saan pinatay ang
65 na kababaihan, kalalakihan at mga batang Muslim sa isang Mosque.
Noong ika-13 hanggang ika-17 ng Enero, 1975 ay nagkaroon ng pagtatangkang
iresolba ang kaguluhan na nangyayari sa pagitan ng gobyerno at ng mga Muslim.
Noong 1976 ay nilagdaan ang Tripoli Agreement at mahigit dalawang dekada ang
itinagal ng paguusap ng gobyerno at MNLF bago malagdaan ang 1996 Peace Accord.
Bunga nito ay nabuo ang ARMM o ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Pagkatapos naman ng negosasyong GRP-MNLF, nagkaroon naman ng isa pang
negosasyon noong ika-7 ng Enero, 1997 sa pagitan ng gobyerno at ng MILF (Moro
Islamic Liberation Front), isang grupong tumiwalag sa MNLF na pinamunuan ni Amirul
Mujahid Hashim Salamant. Hindi gaya ng MNLF, ang mga adhikain ng grupong ito ay
may kinalaman sa relihiyon. Samantala, ang mga Abu Sayyaf naman ay isang
teroristang grupo na ang tingin sa mga Kristiyano ay ang mga kalaban ng Islam.
Nang nagdeklara ng “All-out War” si Joseph Estrada noong 2000 bilang resulta
ng labanan noong 1997 at 1999 sa pagitan ng gobyerno at MILF, nabuo naman ang
MPPM (Mindanao Peoples’ Peace Movement) upang lutasin ang kaguluhan.
Sa taong 2001, sa pamumuno si Gloria Macapagal-Arroyo ay maraming mga
pulitikal na aktibista at mahigit 50 mamamahayag ang napaslang ng mga grupong
rebelde.
Ayon sa mga Muslim, ang preskripsyon ng ARMM ay hindi naaangkop
sakanilang pangangailangan. Ang pagbuo ng ARMM ay ayon parin sa framework ng
Konstitusyon ng Pilipinas at ang mga Muslim ay hindi kinikilala ang Konstitusyon ng
Pilipinas dahil para sakanila ay hindi naman sila naimpluwensiyahan ng sinumang
dayuhan na nagtangkang sumakop sa buong Pilipinas. Sa tingin nila ay hindi dapat sila
sumunod sito dahil sa hindi naman nasakop ng España ang Mindanao sa araw ng
paglagda sa Treaty of Paris sa pagitan ng España at Estados Unidos. Sinasabi rin
nilang wala sa mga kamay ng Filipino ang kalayaan nila at wala silang karapatang
2 – Islam sa Kasalukuyan
magkaroon ng veto power sa mga karapatan at sa lehitimong pagsasarili ng mga
Muslim.
Sa loob ng 35 taon ay nakikipaglaban ang mga BangsangMoro (Ang kahulugan
ng bangsa ay angkan) para sa kanilang mga karapatan. Sa pakikipaglaban nilang ito ay
120,000 buhay ang nawala, karamihan ay mga sibilyan, mahigit isang milyon ang
nawalan ng tirahan at kabuhayan, at mula 200,000 hanggang 300,000 ang napilitang
lumipat ng tirahan para sa sarili nilang kaligtasan.
Sa ngayon, ang mga grupong Islamiko ito ay ginagamit na lamang ng gobyerno
na dahilan upang ipakita sa mga Pilipino ang panganib na dinadala ng mga Muslim sa
bansa at maikatuwiran ang pagdating ng Philippine troops at ang mga “tagapayong”
Amerikano sa tinatawag nilang pinakabagong “depensa” ng bansa laban sa mga
terorista.
Mula 2000 hanggang 2008 ay apat na delegasyon mula sa Holland ang
dumating sa isang pamayanang Muslim upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan
ng mga Kristiyano at Muslim. Ngunit kung titingnan ay hindi na naman ito kinakailangan
dahil mula sa 55 porsyentong Kristiyano at 45 porsyentong Muslim na Pilipinong
nakatira dito ay wala pa namang naging problema na naganap at wala pang
Kristiyanong nagpapaalis o nagrereklamo tungkol sa mga Muslim na kasama nila sa
pamayanan sa kabila ng isang insidente kung saan dumakip ang ASG (Abu Sayyaf
Group) ng mga dayuhan sa isang ospital at pinatay ang ilan sa mga ito. Habang
nagaganap ang pagpupulong ay nagkaroon lamang ng kaunting paguusap tungkol sa
kapayapaan sa Mindanao, sa halip ay lumabas ang mga isyu tungkol sa hindi
pagkakapantaypantay ng mga kababaihan at kalalakihan, kalusugan, edukasyon at
pagpapaunlad ng agrikultura.
Mahihinuha natin sa mga sitwasyon na ito kung paano nakakaranas ang mga
Muslim ng diskriminasyon sa Pilipinas.
Ang hinihingi ng mga Muslim ay pantay na karapatan at pagtanggap sa kanilang
kultura at ibang pamumuhay. Gusto nilang makuha ang mga lupaing tunay na sila ang
3 – Islam sa Kasalukuyan
nagmamayari, at hindi lamang ibigay ito sa mga kuruptong opisya, mapangabusong
negosyante at mga dayuhan.
Sinasabi ng mga Kristiyano na walang kaugnayan sa relihiyong Islam ang
pakikipaglaban ng mga Muslim sa gobyerno. Ang akala nila ay ang pinagugatan lamang
ng problema ay ang pagaagawan ng mga pinuno sa mga lupain sa Mindanao at iba
pang mga suliranin sa agrikultura. Pinagdududahan ng mga Kristiyano ang mga Muslim
at sinasabi nilang ginagamit lamang ang relihiyong Islam upang makuha nila ang
kanilang teritoryo at makapagbuo ng sariling estado.
Isang ring problema ang representasyon ng mga Muslim sa ating bansa. Sa aklat
ni Edward Said na Orientalism noong 1978, ay ipinaliwanag ng awtor na ang
presentasyon at representasyon ay malaki ang pagkakaiba at epekto sa pagiisip ng
lipunan. Ang presentasyon ay ang natural na paglalahad ng kultura o lipunan habang
ang representasyon naman ay ang artipisyal na paglalahad ng kultura o lipunan. Sa
ating bansa sa kasalukuyan ay makikitang representasyon parin ang ating ginagamit na
pantukoy sa mga Muslim. Dahil sa nakatali ang kasaysayan ng ating bansa sa mga elite
o maykapangyarihan ay sila na lamang ang nagbibigay sa mga Pilipino ng kanilang
posisyon sa lipunan. Dahil dito ay nagkahiwalay ang mga Kristiyano at Muslim sa bansa
at hindi naging malinaw ang tunay na papel ng mga Muslim sa pagbuo ng Pilipinas
bilang isang bansa. Ang mga tinatawag natin ngayon na Filipino ay tumutukoy lamang
sa walong pangunahing grupo ng bansa na pawang kinabibilangan lamang ng mga
grupong naimpluwesiyahan ng mga mananakop.
_____________________________________________________________________
Makikitang ang mga Muslim ay sensitibo at malaki ang pagpapahalaga sa
kanilang Islamikong pagkakakilanlan. Para sakanila ay hindi pinahahalagahan ng mga
Pilipino ang kanilang relihiyon, na parang hindi ito mahalaga sa pamumuhay ng mga
Muslim. Sila ay sensitibo sa mga programa ng gobyerno kung saan ang isinasaalang
alang lamang ay ang pagkakapareho ng mga Muslim sa Kristiyano at sa iba pang mga
Pilipino at isinasantabi ang kanilang pagkakaiba. Pinahahalagahan ng mga Muslim ang
kanilang pagkakaiba sa ibang mga Pilipino kung kaya’t gusto nila ng kalayaan sa
4 – Islam sa Kasalukuyan
pamumuhay at ayaw nang tumanggap pa ng mga utos mula sa gobyerno na ang tingin
nila ay pinahahalagahan lamang ang mga elite (maykapangyarihan at mayaman) at
Kristiyano. Dahil rin sa mababa nilang katayuan ay gusto nilang makita ng mga
Kristiyano ang kanilang kaibahan upang maprotektahan ang kanilang Islamikong
pagkakakilanlan. Kaya naman, ang hinihiling ng mga Muslim sa kasalukuyan (at simula
pa noon) ay isang autonomiyang pederal bilang alternatibo sa hinihingi nilang kalayaan.
Upang mas maunawaan natin ang mga Muslim, particular na ang rebeldeng
grupo ng mga Muslim na MILF, unawain natin ang perspektibo ng isang Muslim sa
kaguluhang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Sa pahayag ng lider ng MILF na si Abdul
Rahman Macapaar (Alias Commander Bravo) sa isang panayam ng ABS-CBN,
nagbigay siya ng kanyang reaksiyon sa isyu ukol sa pagpapatigil ng MOA-AD. Ayon
sakanya, ang sinusunod lamang nila ay ang Koran at hindi ang Supreme Court. Tingin
nila ay hindi nila ito Supreme Court kundi Supreme Court lamang ng mga Filipino o ang
mga mayayaman, may pangalan at may pera. Ang importante lamang sakanila ay hindi
sila mga terorista sa mga mata ni Allah.
Ang isyu tungkol sa pagpapatigil ng MOA sa pagitan ng gobyerno at ng MILF ay
masasabing isang sitwasyon kung saan makikita ang diskriminasyon at
pagsasawalangbahala ng mga Kristiyano sa mga Muslim. Makikitang ang MOA, isang
dokumentong nagbibigay ng permiso sa Mindanao na magkaroon ng sariling gobyerno
at karapatan sa mga lupain, ay parang nakatali o nakadepende lamang sa gobyerno. At
dahil rito ay nagkaroon ng mas malaking kaguluhan sa bansa at lumaban ang mga
mujahideen at dinakip at pinatay ang maraming inosenteng Pilipino.
______________________________________________________________________
Masasabing ang mga kaganapan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa
Pilipinas sa kasalukuyan ay isa lamang pagpapatuloy sa away ng dalawang panig na
nagsimula pa noong panahon ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang problema
ay hindi parin nasolusyonan at patuloy lamang na lumalala. Ang mga kasalanan at
alitan ng dalawang panig sa isa’t isa ay naaalala parin nila. Kanila parin itong isinisisi sa
5 – Islam sa Kasalukuyan
bawat isa kung kaya’t nagpapatuloy parin ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at
Kristiyano.
Ngunit sa kabila ng awayan ng dalawang relihiyon ay mayroon paring mga
pamayanan sa Pilipinas kung saan ang mga Kristiyano at Muslim ay nagtutulungan at
nagkakaisa. Isang halimbawa nito ay ang Quiapo kung saan kalahati ng mga nakatira
ay mga Kristiyano habang ang kalahati naman ay mga Muslim. Ang dalawang grupo ng
tao ay nagkakaisa at tinuturing ang bawat isa bilang kaibigan. Ito ay dahil sa mga
pamilihan at mga negosyo sa Quiapo kung saan ang mga customer nila ay ang isa’t isa.
Mapapansin rin sa kanilang pamahalaan na binubuo ng mga opisyal na magkakaiba
ang relihiyon ang pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang layunin. Sila rin ay
nagtutulungan upang mapangalagaan ang kanilang mga natural na pinagkukunan gaya
ng Pasig river. Patunay lamang ito na ang dalawang pangunahing relihiyon sa PIlipinas
ay maaari ding magkaisa. Iisa lamang ang layunin ng mga Kristiyano at Muslim, at kung
magtutulungan lamang ang mga relihiyong ito ay mas magiging maunlad ang bansang
Pilipinas.
Ang Islam sa Iba’t ibang Bansa
Ang Islam sa Canada
99 porsyento ng mahigit 85,000 na nakatira sa Brantford, Ontario, Canada ay
mga Kristiyano. Sa kasalukuyan ay 50 pamilya o 300 katao na ang bilang ng mga
Muslim dito, karamihan ay galling pa sa Palestine, Pakistan, India, England,
Scotland,Turkey at Timog Silangang Asya. Simula nang nawala ang paghihigpit sa mga
dayuhang dumadayo sa Canada noong 1960s ay nagsidatingan ang mga banyaga sa
lugar. Dahil sa pagkakaroon ng Brantford ng mamamayang magkakaiba ng relihiyon at
lahi, ang mga Muslim ay tinanggap agad sa lugar.
6 – Islam sa Kasalukuyan
Ayon kay Muhammed El-Ferram, ang imam ng mosque ng Brantford na galing
pa ng Palestine, ang mga Muslim ay medaling nakakasalamuha ng mga Kristiyano.
Sinabi niyang ang dalawang pangunahing dahilan nito ay ang edukasyon at estado ng
pamumuhay ng mga Muslim sa Brantford. Dahil sa mataas ang nakuhang edukasyon
ng mga nag-migrate sa Canada, ang mga mamamayang magkakaiba ang relihiyon ay
nagkaroon ng magandang relasyon sa isa’t isa. Hindi nagkaroon ng mga isyu sa lupain,
sa pagiging dominante ng relihiyong Kristiyanismo o kahit sa diskriminasyon. Ang mga
Muslim at ang kanilang mga kasama sa BrantFord ay pantay pantay lamang, magkaiba
man ang kanilang katayuan sa buhay, natamong edukasyon, kultura o relihiyon.
Islam sa Malang, Indonesia
Ang mga Muslim sa Malang, Indonesia ay nahahati sa dalawang grupo na
nagrerepresenta sa kani-kanilang kultura: ang Muhammadiyah, ang grupong istrikto sa
kanilang relihiyon, at ang Nahdhatul Ulama na hindi gaano ka-istrikto sa kanilang
relihiyon.
Ang mga Muhammadiyah ay hindi sumasangayon sa modernisasyon at mga
impluwensiyang dala ng mga Kanluranin sa bansa dahil sa tingin nila ay sinisira nito
ang purong kultura at paniniwala ng Islam. Dahil dito ay naging banta sila sa mga
Kristiyanong hangarin ang mapalaganap ang relihiyon nila sa bansa. Hindi rin sila sang-
ayon na sambuuin ang relihiyong Islam sa mga lokal na tradisyon ng Indonesia. Dahil
dito ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Muhammadiyah at
Nahdhatul Ulama.
Ang mga Muhammadiyah naman ay pinapalawak ang kanilang mga paniniwala
sa pamamagitan ng pagpapatayo ng paaralan at pangeenganyo sa pamahalaan na
magpatupad ng mga batas laban sa Kristiyanismo. Dahil dito ay nagkaroon din ng ilang
labanan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa Malang.
7 – Islam sa Kasalukuyan
Islam sa Mumbai, India
Sa Mumbai (noon ay Bombay), ang mga hidwaan ay mas madalas na Islam-
Hindu kaysa sa Islam-Kristiyano. Maiuugat ang hidwaang ito sa konseptong ipinairal ng
Gobyerno na Hindutva, isang ideolohiya na siyang dahilan ng pagpapaalis ng lahat ng
mga nagpapaalala sa bansa ng pananakop ng mga British sa pamamgitan ng pagpalit
ng mga pangalan ng mga gusali, lugar, atbp. Dahil rin dito kaya nagkaroon ng ilang
mga batas kung saan ipinagbabawal ang pagiging Kristiyano sa India. Ang hindutva ay
hindi pinahahalagahan ang pagkakaroon ng India ng diverse culture. Ang
pinapahalagahan lamang nito ay ang relihiyon na Hindu.
Ang National Party (RSS), isang grupong may relihiyon na Hindu ay untiunting
naging makapangyarihan noong 1925. Ang grupong ito ay ginamit ang konsepto ng
Hindutva upang gawing iisa ang kultura at relihiyon ng mga Indian. Tinangka nilang
palitan ang mga nakasulat sa mga libro ukol sa kasaysayan upang mas maipalaganap
nila ang Hindu. Ipinasok nila sa isipan ng mga mamamayan ng India na ang pagiging
isang Indian ay pagiging isang Hindu na rin. Dahil sa mga kaisipang ito, nakaranas ang
mga Muslim ng paglabag sa kanilang karapatan sa bansa.
Makikitang ginamit lamang ng National Party ang kanilang relihiyon upang mas
maging makapangyarihan sila. Ang mga layunin nila ay purong pulitikal lamang at
nakasama sa mga Indian na may ibang relihiyon maliban sa Hinduismo gaya ng mga
Muslim.
Islam sa Soviet Union
Sa ngayon, ang bilang ng mga Muslim sa Soviet Union ay umaabot na ng 45
hanggang 50 milyon, ang ika-anim na pinakamalaking populasyon ng Muslim sa buong
mundo. Ngunit dahil sa propagandang anti-Islamic at aetheistic ng pamahalaan ng
bansa, na tumagal nang mahigit 70 taon, ay naging mahirap ang pagpapalaganap ng
relihiyong Islam sa lugar na ito at ang bilang ng mga Muslim ay unti-unti nang
8 – Islam sa Kasalukuyan
nababawasan. Ang mass media at iba’t ibang organisasyon sa rehiyong ito ay
ineenganyo ng pamahalaan na palaganapin ang konsepto ng atheism. Makikita ang
resulta ng mga ito sa bilang ng mga Mosque sa Soviet Union ngayon—mula 28,000 na
itinayong mosque noong imperyong Russian, 400 na lamang ang natitirang nakatayo
ngayon.
Ang ilang mga opisyal naman ng gobyerno ay binibigyang halaga ang relihiyong
Islam. Pero ang layunin nila sa kanilang pagsuporta ay upang makakuha lamang ng
maraming boto mula sa mga mamamayang Muslim at hindi dahil sa paniniwala ng mga
ito sa relihiyon.
Hindi lantaran ang pagpapahayag ng pamahalaan ang pagtutol nito sa relihiyon.
Gumagamit lamang sila ng mga guro at mga manggagawa upang maenganyo ang mga
mamamayan na maging mga atheist. Simula pa lamang ng pagaaral sa nursery ay
itinuturo na sa kabataan ang pagiging atheist at ang maitutulong nito sa bansa. Sa
Kazan, mahigit 25 na mga likhang anti-Islam ang nailimbag mula 1960 hanggang 1981.
Ang mga awtor ay binibigyan ng pamahalaan ng pahintulot upang laitin at insultuhin ang
mga Muslim. Ang mga ritwal rin ng mga Muslim ay sinisiraan sa mga likhang ito gaya
ng fasting at pagtutuli na sinasabi nilang hindi raw ligtas at hindi malinis.
Noong 1917, ang Kazan ay mayroong 206 na mamamayan at 22 porsyento nito
ay mga Muslim na mayroon namang mahigit 13 mosque na ipinatayo sa siyudad.
Ngunit sa kasamaang palad, sa milyon-milyong populasyon ng Kazan na ang kalahati
ay mga Tartar na karamihan naman ay mga Muslim, iisa na lamang ang mosque na
kanilang ginagamit sa napakalaking lungsod na ito. Ayon kay Imam Zeki Safiullin,
mahigit dalawang libong deboto ang dumadalo tuwing Biyernes sa 200 taong gulang na
Merjani mosque upang magdasal. Sa kasalukuyan rin ay anim na kalalakihan lamang
mula sa Kazan ang pinahintulutan na magaral sa Bukhara at bawat taon ay dalawa
lamang mula sa rehiyon ng Volga-Ural ang pinapayagang isagawa ang Hajj.
Islam laban sa Kristiyanismo
9 – Islam sa Kasalukuyan
Ang mga Kristiyano ay masasabing mga mortal na kaaway ng mga Muslim sa
kasalukuyan. Sa Pilipinas pa lamang ay matutunghayan na natin ang galit ng Islam sa
mga Kristiyano. Hindi lamang makikita ang mga kaguluhang gaya nito sa ating bansa.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga napapanahong kaganapan sa mga
bansang nakakaranas din ng hirap sa gitna ng labanan ng Muslim at Kristiyano:
1. Iraq
Mahigit kumulang kalahati ng populasyong Kristiyano sa Iraq ay tumakas
mula sa bansa noong buwan ng Abril, 2003. Ito ay dahilan sa ilang pagkidnap,
pagpapahirap at pagpatay sa mga Kristiyano, pagbobomba sa mga simbahan at
pagsunog sa mga gusaling ipinatayo ng mga Kristiyano. Nagkaroon din ng isang
banta mula sa mga Islam sa Iraq na papatay sila ng tig-isang miyembro ng bawat
pamilya sa bansa dahil sa mga kababaihang nakakatanggap ng edukasyon at
hindi nagsusuot ng hijab.
2. Egypt
Sa Egypt, ang araw ng Biyernes ay ang pinakadelikadong araw sa lingo. Ito
kasi ang araw kung kalian madalas na sinusugod ng mga Muslim ang mga
Kristiyano. Ang mga araw ng selebrasyon ng relihiyong Kristiyanismo, gaya ng
Pasko at Semana Santa, ay ang mga araw rin kung kailan nagiging marahas ang
mga Muslim sa kanilang kalaban.
3. Gaza
Sinabi ni J ihadia Salafiya sa mamamahayag na si Aaron Klein na ang kahit na anong aktibidad na pangrelihiyon ng mga Kristiyano ay hindi pinapayagan ng mga Muslim, at kung isasagawa parin nila ang mga aktibidad, tatapatan ito ng karahasan.
4. Saudi Arabia
Isang Sri Lankan na Kristiyano ang muntikan nang patayin ng mga Islam
dahil sa nahuli itong nagtatrabaho sa Mecca, ang pinakabanal na lugar ng Islam.
Isa namang taga-India na Kristiyano ang hinatulan ng kamatayan ng mga Muslim
dahil sa pagtapak nito sa Mecca.
10 – Islam sa Kasalukuyan
5. Pakistan
Anim na estudyanteng Kristiyano ang pinatalsik sa isang Nursing School sa
Pakistan dahil sa paghihinalang sinira nila ang isang Quran. Ilang mga armadong
Muslim naman ang sumugod sa isang simbahan sa Bismillahlpur Kanthan
habang tahimik na nagmimisa ang mga Kristiyano rito.
6. Bangladesh
Halos 12 Kristiyano na naninirahan sa Nilphamari district ang binugbog ng
mga Muslim at nagbanta na papatayin nila ang mga ito kung hindi sila aalis sa
lugar. Pagkatapos ng pambubugbog, ang mga Kristiyano ay hindi tinanggap at
binigyan ng tulong sa mga ospital na kanilang pinuntahan. Ang mga Kristiyano
rin ay hindi pinahintulutan na kumuha ng tubig sa kaisa-isang pagkukunan ng
tubig sa lugar.
7. Malaysia
Ilang opisyal ng gobyerno ang nagpagiba sa isang simbahan sa Gua Musang
sa Ulu Kelantan noong ika-4 ng Hunyo, 2008, sa kabila ng pahintulot na ibinigay
nito noon para sa pagpapatayo ng simbahan. Malaking kawalan sa mga
Kristiyano ng Gua Musang ang pagpapagiba ng simbahan dahil sa ito ay
donasyon lamang mula sa mga kababayan nilang Kristiyano.
8. Indonesia
Isang atake na isinagawa ng Islamic Anti-Apostate Movement ang dahilan ng
pagpapasara ng mahigit 30 simbahan sa Kanlurang Java. Sa kasalukuyan ay
patuloy parin ang pagsira sa mga simbahang Kristiyano sa Inonesia.
9. Turkey
Pagkatapos ng pagpatay sa tatlong Protestante sa Malatya noong Abril, 2007
ay pinatay naman ang paring si Andrea Santoro sa Trabzon at sa Armenian na
mamamahayag na si Hrant Dink sa Istanbul noong buwan ng Enero, 2008. Anim
11 – Islam sa Kasalukuyan
na kalalakihan naman ang inaresto noong ika-30 ng Mayo, 2008 nang
nadiskrube ang plano nilang pagpatay sa isang Kristiyanong pastor sa
Diyarbakir.
10.Lebanon
Mula magumpisa ang labanan sa pagitan ng Hezbollah at Israel noong isang
taon ay mahigit 60,000 na Kristiyano ang lumabas ng bansang Lebanon dahil sa
takot sa pagdating ng mga teroristang Sunni at Shi’ite.
11.Morocco
Ang lahat ng ipinapanganak sa Morocco ay kaagad-agad na nagiging Muslim
at makatatanggap ng tatlong taon na pagkakakulong kung lilipat ito sa relihiyong
Kristiyanismo. Hindi rin sila maaaring pumunta sa mga simbahang Kristiyano sa
bansa at magpalibing sa mga pangKristiyanong sementeryo. Kailangan rin nila
makapangasawa ng Muslim kundi ay kakasuhan sila ng adultery.
Makikita sa mga sitwasyong ito ang matinding epekto ng tunggalian ng dalawang
relihiyon sa iba’t ibang bansa sa mundo. Ang patuloy na labanan sa pagitan ng Islam at
Kristiyanismo ay nagbunga na ngayon ng karahasan at kaguluhan. Dahil dito ay
nawawala ang katahimikan kaayusan sa mundo at patuloy na bumabagal ang pagunlad
ng tao.
12 – Islam sa Kasalukuyan