Ang Bulaklak

1
ANG BULAKLAK Sa mayamang lupa mayroong sumilip Na halamang lunti’t anong pagkaliit, Pilit tumataas at nais mabatid Ang ano at dahil ng munting daigdig. Hindi nga naglaon at nagging malusog Lumaki at saka nagkabukong lubos… Bukong hindi maabot ng araw sa pagkakatulog. Ngunit napasok din ng sinag ng araw Ang tulog na buko at saka pinukaw, Binating masigla at pinagsabihang Gumising at masdan ang lupang ibabaw. Kaya’t munting buko dito’y napahantad Sa init ng araw ay kukurap –kurap, Nakita ang langit na napakalawak At mga naglipad na mga kulisap. Hinagkan ng hangin ang mga talulot. At sa pagbukadkad ay agad nagsabog Ng bangong matamis sa buong palibot Bangong sinisinta ng mga bubuyog.

Transcript of Ang Bulaklak

Page 1: Ang Bulaklak

ANG BULAKLAK

Sa mayamang lupa mayroong sumilipNa halamang lunti’t anong pagkaliit,Pilit tumataas at nais mabatidAng ano at dahil ng munting daigdig.Hindi nga naglaon at nagging malusogLumaki at saka nagkabukong lubos…Bukong hindi maabot ng araw sa pagkakatulog.

Ngunit napasok din ng sinag ng arawAng tulog na buko at saka pinukaw,Binating masigla at pinagsabihangGumising at masdan ang lupang ibabaw.

Kaya’t munting buko dito’y napahantadSa init ng araw ay kukurap –kurap,Nakita ang langit na napakalawakAt mga naglipad na mga kulisap.Hinagkan ng hangin ang mga talulot.At sa pagbukadkad ay agad nagsabogNg bangong matamis sa buong palibotBangong sinisinta ng mga bubuyog.