Ang Behetasyon

download Ang Behetasyon

of 10

description

Vegetation in Asia

Transcript of Ang Behetasyon

  • ARALING PANLIPUNAN 7

    ANG BEHETASYON SA ASYA

    IPINASA NI:

    RAMIR VINCENT CHAN Baitang 7 Pangkat 2 IPINASA KAY:

    Ms. JOY R. TOLOSA Guro, Araling Panlipunan 7

  • 1

    ANG BEHETASYON Noon sa ating pagkakaalam, ang uri ng lupa sa mundo ay iisa lamang , ngunit mayroon din

    palang uri ng lupa na matataba at mayroon ding tinatawag na vegetation cover. Ano nga ba ang ibig sabihin ng vegetation cover?

    Ang Behetasyon (o sa Ingles ay vegetation) ay isang panlahatang kataga para sa mga halaman. Tumutukoy ito sa "panakip sa lupa" na ibinibigay ng mga halaman, at hindi tumutukoy sa tiyak na taxa, mga uri o mga anyo ng buhay, kayarian, kasaklawan ng puwang, o anumang iba pang tiyak na mga katangiang pambotanika atpangheograpiya. Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na tumutukoy lamang sa kumposisyon o mga bumubuo sa espesye. Marahil, ang pinakamalapit na kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman", subalit ang "behetasyon" ay maaaring tumukoy, sa kadalasan, sa isang mas malawak na nasasakupan na mga sukat na puwang na hindi natutukoy ng katagang iyon, kabilang na ang sukat na kasinlaki ng "pangglobo".

    ANG "VEGETATION COVER" SA ASYA Ang Asya ay isang malawak na kontinente sa daigdig. Sa mga Asyanong halaman, nakapaloob

    dito ang mga ferns, gymnosperms,at flowering vascular plants, at may 40% na bahagi sa plan species ng planeta. Ang endemic na mga halaman ay mula sa mahigit sa 40 plant families at 1,500 na genera.

    Ang Asya ay tahanan ng iba't ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,

    talampas, disyerto, at kabundukan. Ang Asya ay dinadaluyan ng mga ilog na lubhang napakahalaga sa buhay at kalinangan.

    Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan:

    steppe, prairie, savanna, tundra, taiga, at rainforest. Malaking salik ang klima sa paghubog sa kapaligiran ng Asya. Ang bawa't rehiyon ng Asya ay may kanya-kanyang pisikal na katangiang namumukod sa iba pang bahagi ng Asya at mundo:

    Sa Hilagang Asya matatagpuan ang mga grassland tulad ng mga steppe at prairie. Nasa bahagi

    naman ng Siberia ang mga Tundra at Taiga.

    Ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya ay disyerto.

    Pangunahing katangian ng Timog Asya ay ang nagtataasang kabundukan nito. Nasa bahaging ito ng Asya ang matatayog na sistema ng kabundukan tulad ng Himalayas at Hindu Kush.

    Ang Silangang Asya ay tahanan din ng kabundukan at disyerto.

    Ang Huang Ho at Yangtze River ay ilan sa mga anyong tubig na matatagpuan sa China.

    Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng bahaging nasa kontenente ng Asya o mainland at bahaging nasa karagatan o insular. Ang klima sa rehiyong ito ay apektado ng mga monsoon, ang mga hanging habagat at amihan.

  • 2

    Naririto ang ibat ibang klase ng vegetation covers sa Asya: 1. STEPPE

    Ang steppe ay isang malawak na lupain na nagtataglay ng damuhang mayroon lamang na

    ugat na mababaw (o shallow-rooted short grasses). Maliit lamang ang mga damong matatagpuan sa ganitong lupain.Ito ay dahil nasa pagitan ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng steppe.

    Nasa 20,000 hanggang 25,000 klase ng halaman sa rehiyon ng Gitna at Kanlurang Asya. Kasama dito ang:

    a. Hilaga hanggang hilagang-kanluran ng China

    Ang Yulin Steppe, China b. Silangan ng Mongolia

    Tibetan Steppe, Mongolia

    c. Kanluran ng Turkey

    Anatolia, Turkey

  • 3

    d. Hilaga ng Kazahztan

    Astana & Korgalzhyn Steppe, Kazakhstan e. Timog ng Arabian Peninsula

    Fujairah, United Arab Emirates

    Sa heograpiyang pisikal naman ang steppe ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

    2. PRAIRIE (PARANG)

    Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may matabang lupa. Ang lupaing ito ay may mga

    damuhang mataas na malalim na ugat(o deeply-rooted tall grasses). Ang parang o prairie sa ingles ay

    isang anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito

    natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may mga damo, walang

    mga punong-kahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa prairie ang mga ahas at iba pang mga hayop.

    a. Timog na bahagi ng steppe ng Russia

    Zabaykalye prairie in Buryatia Republic, Russia

  • 4

    b. Hilagang bahagi ng China

    Bayanbulak, Tianshan mountains, Heijing Kangxi prairie, China

    c. Mongolia

    Xilingon Prairie, Mongolia

    Xilamuren Prairie, Mongolia

    Gegentala Prairie, Wulanchabu, Mongolia

    d. Inner Manchuria (kasama ang Inner Mongolia at Hilaga-silangang bahagi ng China)

    Hulun-Buir Prairie, Inner Manchuria

  • 5

    3. BOREAL FOREST O TAIGA

    Ang Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng lupaing matatagpuan sa Hilagang Asya.

    ang salitang taiga ay wikang russian na nangangahulugang Rocky mountain terrain. Ang mga

    kagubatang ito ay coniferous at kadalsang nasapagitan ng ng katimugan ng mga tundra at hilaga ng

    mga grass land.

    Buhat sa salitang Ruso na nangangahulugan ng Pamayanang Kagubatan. Binubuo ng

    kagubatang coniferous. Ang conifer ay punong may dahong tila karayom na nabubuhay lamang sa

    mga rehiyong napakalamig.

    Ang mga puno rito ay mahalaga sa mga mangtotroso.matatagpuan ang klimang ito sa

    gawing timog ng tundra. Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw ito ay pinakamalaking biome sa mundo, na matatagpuan sa bandang timog ng tundra.Ito ay sagana sa mga halaman. Matatagpuan ito sa: a. Malaking bahagi ng Siberia

    Khabarovsk Krai, Eastern Siberia

    b. At sa pagitan ng Mongolia at Russia

    Trans- Baikal, Mongolia-Russian boundary

  • 6

    4. TUNDRA

    Ang tundra ay isang malawak na lupain. Pinipigilan ang paglago ng mga puno dito at

    maikling panahon ng paglago. Isa itong rehiyon hindi na tinutubuan ng punong kahoy. Nagmula

    ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga rehiyong artiko. Nagmula ang

    katawagang tundra sa salitang tundar na nangangahulugang tuyo na kapatagan. Kadalasan ang

    klima sa lugar na ito ay malamig kaya hindi tinutubuan ng mga puno kundi halos puro damo lng

    ang nakapaligid.

    Buhat sa salitang Ruso na ag ibig sabihin ay Marshy plains. Ang mga pook na ito ay karaniwang napakalamig at mayelo (permafrost) na nababalutan lamang ng lumot o lichen. Tinutubuan ng mga pinakamabagal na lumagong halaman. Ang reindeer ay karaniwang hayop na makikita rito.

    May dalawa itong klase:

    Arctic Tundra Nasa Hilagang Polo at itaas na bahagi ng hemispero, may matinding lamig na umaabot ng 25cm na pagbaba ng niyebe sa buong taon. Sa taglamig ay umaabot ng -1 hanggang -200 Celsius, at sa tag-init naman ay 2-13 degree Celcius. a. Siberia (Kasama ang New Siberian Islands, Sevemaya Zemlya, Franz Josef Land and Novaya Zemlya)

    b. Hilagang bahagi ng Russia

    Yamal Peninsula, Russia

    c. Mongolia

    Quttinirpaaq national park

  • 7

    d. Burma / Myanmar

    Hkakabo Razi, Myanmar

    Alpine Tundra Katulad ng Artic Tundra ngunit nakapwesto sa mga rehiyaong malalamig, at umuulan ng niyebe tuwing tag ulan na may 50.8 cm na presipitasyon sa buong taon. Mas mahangin ito na may lakas na 100 milya kada oras. a. Nepal (Himalayan mountains)

    b. Japan

    Mt. Fuji, Japan

    c. Korea

    5. TROPICAL RAINFOREST O MAULANG GUBAT

    Ang rainforest o maulang gubat,ito ay mayrooong mataas na antas ng pag ulan kaya mayabong ang mga puno dito.alam natin na kaya may rainforest ay dahil may malaking papel na ginagampanan ito sa mundo.

    Sa rainforest ay may milyon milyong uri ng mga halaman at mga kulisap na hindi pa natutuklasan. Ang kagubatan ang pinakamalaking parmasya sa mundo dahil sa dami ng likas na gamot na matutuklasan dito, at makakakuha ka ng ibat ibang halamang gamot o herbal na maaring makagamot ng ibat ibang uri ng mga karamdaman.Ang mga puno dito ay taga linis ng hangin sa ating mundo. Ang halamang tumutubo sa kagubatan ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.

    Kung ang tabing ng dahon ay nasira o nabawasan,ang lupa ay kaagad na tinutubuan ng

    makakapal na mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat o rainforest ito ay tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

  • 8

    Ang ganitong uri ng lupain ay matatagpuan sa:

    a. Timog Silangang Asya

    Pilipinas

    Monkey Trail, Puerto Princesa Palawan

    Thailand

    Elephant Rainforest, Khao Sok, Ratchaburi

    Laos

    Kuang Si, Prabang, Laos

    Nepal

    Sauraha, Chitwan District, Nepal

    Malaysia

    Mt. Kinabalu, Malaysia

  • 9

    6. SAVANNA

    Ang Savanna ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Ang ganitong uri ng lupain

    ay matatagpuan sa:

    b. Timog Silangang Asya

    Nepal

    Famous Chitwan Rhino Savanna, Nepal

    Indonesia

    Gunung Bromo, East Java, Indonesia