Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

13
Acropolis naman ang tawag nila kung saan nakatayo ang mga moog, na nangangahulugang "mataas na lungsod" (high city). Dito nagkukubli ang mga mamamayan kapag lumulusob ang mga kalaban. Habang umuunlad ang mga polis, ang mga acropolis ay nagiging sentro ng relihiyon kung naitatag ang mga templo, altra, at mga monumentong pampubliko. Pangunahing bahagi rin ng polis ang agora na isang pamilihan. Karaniwang isang malaking parisukat ang agora na napaliligiran ng mga pagawaan at gusaling pampamahalaan. Ang pólis ( Gryego : πόλις ) ay isang lungsod o lungsod- estado . Orihinal itong tumukoy sa mga lungsod estado ng sinaunang Gresya . Ipinatayo ang PARTHENON bilang pagpupugay kay Athena, ang diyos ng karunungan.

Transcript of Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Page 1: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Acropolis naman ang tawag nila kung saan nakatayo ang mga moog, na nangangahulugang "mataas na lungsod" (high city). Dito nagkukubli ang mga mamamayan kapag lumulusob ang mga kalaban. Habang umuunlad ang mga polis, ang mga acropolis ay nagiging sentro ng relihiyon kung naitatag ang mga templo, altra, at mga monumentong pampubliko. Pangunahing bahagi rin ng polis ang agora na isang pamilihan. Karaniwang isang malaking parisukat ang agora na napaliligiran ng mga pagawaan at gusaling pampamahalaan.

Ang pólis (Gryego: πόλις) ay isang lungsod o lungsod-estado. Orihinal itong tumukoy sa mga lungsod estado ng sinaunang Gresya.

Ipinatayo ang PARTHENON bilang pagpupugay kay Athena, ang diyos ng karunungan.

Page 2: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Ang Dagat Jonico o Honiko (Ingles: Ionian Sea) ay isang look ng Dagat Mediterraneo, timog ng Dagat Adriyatiko. Napapaligiran ito ng timog Italya sa kanluran, timog Albania sa hilaga, at Gresya (at ng mga pulo nito) sa silangan; ang mga ito ay tinatawag na "Mga Pulong Jonico." Ang dagat na ito ay isa sa mga pinakamalindol[1] na sa daigdig.

Bundok Olympus - pinaniniwalaang dito nakatira ang kanilang mga diyos at diyosa

620 BCE – naatasan si DRACO, isang Archon na bumuo ng kodigo ng mga batas para sa Athens upang mabasa ng lahat.

Page 3: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

SOLON – napiling tagapamagitan upang humawak ng lahat ng suliraning pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiya.

Pheidippides – Tumakbo ng mula Marathon hanggang Athens.

Si Aléxandros III ng Masedonya (Griyego: Αλέξανδρος Γ' ο Μακεδών, Aléxandros III o Makedón) (huling Hunyo 356 BKE–Hunyo 10, 323 BKE), higit na kilala bilang Dakilang Alexander o Alejandro ang Dakila (Griyego: Αλέξανδρος ο Μέγας, Aléxandros o Mégas) ang

isa sa mga pinakamatatagumpay na pinunong militar sa kasaysayan.

Page 4: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Archimedes (Griyego: ΑΡΧΙΜΗΔΗΣ) (287 BC–212 BC) ay isang sinaunang griyegong siyentipiko, matematiko, pisiko, inhinyero, astronomo atpilosopo na ipinanganak sa Syracuse. Tinuturing siya ng ilang dalubhasa sa kasaysayan ng matematika bilang isa sa pinakamagaling matematiko sa kasaysayan, at maihahambing kina Newton, Gauss at Euler. Sa agham at imbensiyon, kabilang sa mga natuklasan niya ang kalo. Siya rin ang unang nakapagpaliwanag kung bakit lumulutang (sa likidong tulad ng tubig) ang mga bagay.

Si Pericles o Perikles (ca. 495–429 BK, Griyego: Περικλῆς, na nangangahulugang "napapalibutan ng luwalhati" ay isang tanyag at maimpluhong politiko. Isa rin siyang orador, at heneral ng Atenas. Namuhay siya sa pagitan ng mga digmaang Persyano at Peloponesyano. Ninuno niya, sa pamamagitan ng kanyang ina, ang pamilyang Alcmaeonidae.

Si Homer o Homero (Griyego Όμηρος Hómēros) ay isang mala-alamat na unang Griyegong manunula at rapsodista, na binigyan ng kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan), bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga ito.[1] Karaniwang sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit, manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya.

Page 5: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Si Aristotélis (sulat Griyego: Αριστοτέλης; Latin: Aristoteles) (384 BCE–Marso 7, 322 BCE) ay isang Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral niPlato at ang guro ni Dakilang Alexander. Kasama ni Plato, itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin..

Si Euclid, Euclides, o Eukleides  – mula sa Griyegong Ευκλείδης o "Eukleides"  – (ipinanganak noong mga 330 BK) ay ang Griyegong pilosopong Ama ng Heometriya. Siya ang unang sumulat ng unang aklat hinggil sa larangan ng heometriya na pinamagatang Elements o "Mga Elemento" at naglalaman ng maraming mga teorya o panukalang nasa loob ng heometriya, na kinabibilangan ng teorya ni Pitagoras. Bagaman kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid, siya ang nagtatag ng isang unang paaralan ng matematika sa Alexandria ayon sa isang pilosopong Griyego. Siya ang nagturo ng heometriya kay Haring Ptolemy ng Ehipto.

Page 6: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Si Aristarco ng Samos o Aristarco lamang

(Ingles: Aristarchus, Griyego: Ἀρίσταρχος, Arístarchos; 310 BK/320 BK – bandang 230 BK/250 BK) ay isang Griyegong astronomo at matematiko na ipinanganak sa pulo ng Samos sa Gresya. Siya ang unang nakikilalang tao na nagpahayag ng modelong heliosentriko ng sistemang solar, na naglalagay sa Araw, hindi ang Mundo, sa gitna ng nakikilalang sanlibutan.

Si Hippocrates ng Kos, Gresya (sulat Griyego: Ιπποκράτης; Latin: Hippocrates) (ca. 460 BKE–370 BK/380 BKE[2]) ay isang sinaunang manggagamot, at kadalasang kinikilala bilang isa sa pinakatanyag na institusyon o karakter sa medisina. Tinatawag na Ama ng Medisina ang manggagamot na ito, na nagsanay sa Templo ng mga Panaginip ng Kos, at maaaring naging isang mag-aaral ni Herodicus.

Haring Darius – Pinasigla ang pagsasaka at kalakalan sa buong imperyo upang ang lahat ng distrito ay makabayad ng buwis.

Page 7: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Ang Isparta o Esparta ay isang lungsod-estado ng sinaunang Gresya. Tinatawag na mga Ispartano o Espartano ang mga mamamayan ng Isparta. Kilala ang mga Ispartano bilang mga sanay sa mga gawaing militar o pangkawal. Mayroon silang katangiang nakapapamuhay ng walang karangyaan.

Ang Atenas (Griyego: Αθήνα, Athína; Inggles: Athens) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya. Ito ay isa sa mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may nakasulat na kasaysayan na humihigit sa 3,000 taon. Ipinangalan ito sa dati nitong patron na si Athena noong unang panahon.

Ang naging makapangyarihan noong 507BCE, ay isang mayaman at mataas na posisyon sa lipunan.

Page 8: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma])[2] ang punong lungsod ng Italya at ng regione ng Lazio. Matatagpuan ito sa mga ilog ng Tevere at Aniene, malapit sa Dagat Mediterranean, sa 41°54′ N 12°29′ E

Ilog Tiber – ang makasaysayang ilog ng Roma. Sentro ng sibilisasyong klasikal ng Greece at Italy

Cato- Isang tagapagsalita ng senado, ang isang pangkat ngg mayayamang may-ari ng lupa na makuha ang lahat ng teritoryo ng carthage.

Ang mga Digmaang Puniko (Ingles: Punic Wars) ay isang serye o magkakasunod na tatlong digmaang pinaglaban sa pagitan ng Roma at Kartago noong 264 hanggang 146 BK[1],

at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo.[2] Kilala sila bilang Digmaang Puniko (Punic Wars) dahil saPunici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano (o Phoenicianng Phoenicia).

Page 9: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Ang mga plebo[1], plebyano, o plebeyano ay ang mga karaniwang tao sa lipunan ng Sinaunang Roma. Sa hanay ng kaantasang panlipunan ng matandang Roma, nasa ibaba sila ng mgapatrisyano, subalit mas nakaaangat kaysa mga taong pinalaya at higit na nakaaangat kaysa mga alipin. Sila ang mga taong ipinanganak na malaya ngunit may kaunting kapangyarihan sa Sinaunang Roma.

Si Imperador Gaius Julius Caesar Divus (CAIVS IVLIVS CAESAR sa Klasikong Latin) (Hulyo 12, ca. 100 BCE–Marso 15, 44 BCE) ay isangRomano pinunong militar at pampulitika. Susi siya sa pagbabagong-anyo ng Republikang Romano tungo sa pagiging Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat Atlantik at nagbigay daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensyang Romano sa ang ngayon ay Pransya, kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Keltik sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britain.

Si Cesar Augusto, Caesar Augustus, Augustus Caesar, o Imperator Caesar Divi filius Augustus (Setyembre 23, 63 BCE–Agosto 19, 14 CE), ipinanganak Gajus Julius Caesar Octavianus Augustus at kilala bilang Octavianus sa mga mananalaysay sa unang bahagi ng kaniyang buhay bago mag-27 BCE, ay ang kauna-unahan at itinuturing na isa sa pinakamahalagang Emperador Romano (naging emperador sa Roma mula 30 BK hanggang 14 AD[1]), bagaman iminaliit niya ang kaniyang sariling posisyon sa pamamagitan ng pagpili ng kinaugaliang titulong oligarkiyang na princeps, madalas sinasalin bilang “unang mamamayan”.

Page 10: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog

Si Marcus Aurelius Antoninus Augustus[notes 1](Abril 26, 121 – Marso 17, 180) ay ang emperador ng Roma mula 161 hanggang sa kanyang kamatayan noong 180. Siya ay naging Emperador ng Roma mula sa taong 161 hanggang 180. Kasabay niyang naging emperador si Lucius Verushanggang sa pagpanaw ni Verus noong 169.

Si Mārcus Tullius Cicerō (Enero 3, 106 BCE–Disyembre 7, 43 BCE) ay isang Romanong pilosopo at consul. Siya rin ay isang bihasang manunulumpati at manunulat at kinikilalang pinakamagaling sa wikang Latin.

Si Publius Ovidius Naso (20 Marso 43 BK – AD 17/18), na mas nakikilala bilang Ovid lamang o kaya ay Ovidio at Publio Ovidio Nasón, ay isangRomanong makata na higit na nakikilala bilang ang may-akda ng tatlong pangunahing kalipunan ng panulaang erotiko: ang Heroides ("Kababaihang Bayani"), ang Amores ("Mga Pag-ibig"), at ang Ars Amatoria ("Sining ng Pag-ibig"), at pati ng Metamorphoses ("Mga Pagbabagong Anyo" o "Mga Transpormasyon"), isang tulang heksametro at mitolohikal. Nakikilala rin siya dahil sa Fasti ("Mga Pestibal") na hinggil sa kalendaryong Romano; at ngTristia ("Mga Kalungkutan") at ng Epistulae ex Ponto ("Mga Liham mula sa Itim na Dagat"), dalawang katipunan ng mga tulang nasulat habang namamalagi sa Itim na Dagat pagkalipas na mapalayas siya mula sa kaniyang pook na pinaninirahan.

Page 11: Acropolis Naman Ang Tawag Nila Kung Saan Nakatayo Ang Mga Moog