9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA...

6
KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 393 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD — PANGANGALAGANG DENTAL (ORAL) AT PAGSESEPILYO 9,30 MALUSOG NA NGIPIN AT MALUSOG NA MGA BATA Maaaring magkaroon ng problema ang lahat ng bata sa ngipin nila; pero mas apektado nito ang mga batang may kapansanan. Ilang mga espisipikong problema ang pagkasira ng ngipin, pagkabulok ng ngipin o mga sakit ng ngipin at gilagid. Ang kalusugang oral ay ang paunang praktika ng pagpapanatiling malinis at malusog ng bibig (ngipin, dila, pisngi at labi) sa paggamit ng mga regular na gawain tulad ng pagsesepilyo, pagfo-floss at pagmumumog. MGA PROBLEMANG KAUGNAY NG HINDI MALUSOG NA NGIPIN AT GILAGID Dagdag na panganib ng sakit sa puso Dagdag na panganib ng pulmonya at iba pang sakit sa baga Dagdag na sakit o hindi pagiging komportable sa bibig (kumakain/umiinom man o hindi) Bawas na pagkonsumo ng pagkain o likido dahil sa sakit o pagiging hindi komportable Di pagkakapantay-pantay ng ngipin o pagkabungi BAKIT MAS APEKTADO ANG MGA BATANG MAY KAPANSANAN? 37 Mas malaki ang panganib ng mga batang may espesyal na pangangailangan na magkaroon ng mahinang kalusugang oral kumpara sa ibang bata, dahil sa maraming dahilan. May mas mataas na pagkakaugnay sa mga kahirapang pam-behavior, kognitibo (pag-iisip) o mobilidad (pagkilos) o mga problema sa paglunok, pagkahirin o gastroesophageal reflux. Maaaring maging hadlang ang mga kahirapang ito sa pagpapanatili ng angkop na kalusugang oral. MGA ESPISIPIKONG KONDISYON NA NAGLALAGAY SA MGA BATA SA PANGANIB Cleft lip at/o palate o iba pang mga kaibahan sa estruktura ng bibig, mukha o ulo Cerebral palsy Down syndrome Mga kapansanang biswal Mga kapansanan sa pandinig Mga seizure disorder Mga kapansanang developmental o sa pagkatuto Impeksiyong HIV Isa sa mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan ng bawat bata ang pagkakaroon ng malusog na bibig. Madalas na kailangang sumalalay sa iba ang mga batang may espesyal na pangangailangan para mapanatili nila ang kalusugang oral nila. Ibig sabihin, kritikal ang papel ng mga tagapangalaga sa pagpapanatili ng malusog na mga bibig ng mga batang nasa pangangalaga nila.

Transcript of 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA...

Page 1: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T A G A PA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

393

9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD — PANGANGALAGANG DENTAL (ORAL) AT

PAGSESEPILYO9,30

MALUSOG NA NGIPIN AT MALUSOG NA MGA BATA

Maaaring magkaroon ng problema ang lahat ng bata sa ngipin nila; pero mas apektado nito ang mga batang may kapansanan. Ilang mga espisipikong problema ang pagkasira ng ngipin, pagkabulok ng ngipin o mga sakit ng ngipin at gilagid. Ang kalusugang oral ay ang paunang praktika ng pagpapanatiling malinis at malusog ng bibig (ngipin, dila, pisngi at labi) sa paggamit ng mga regular na gawain tulad ng pagsesepilyo, pagfo-floss at pagmumumog.

MGA PROBLEMANG KAUGNAY NG HINDI MALUSOG NA NGIPIN AT GILAGID

⇒ Dagdag na panganib ng sakit sa puso ⇒ Dagdag na panganib ng pulmonya at iba pang sakit sa baga ⇒ Dagdag na sakit o hindi pagiging komportable sa bibig (kumakain/umiinom man o hindi) ⇒ Bawas na pagkonsumo ng pagkain o likido dahil sa sakit o pagiging hindi komportable ⇒ Di pagkakapantay-pantay ng ngipin o pagkabungi

BAKIT MAS APEKTADO ANG MGA BATANG MAY KAPANSANAN?3 7

Mas malaki ang panganib ng mga batang may espesyal na pangangailangan na magkaroon ng mahinang kalusugang oral kumpara sa ibang bata, dahil sa maraming dahilan. May mas mataas na pagkakaugnay sa mga kahirapang pam-behavior, kognitibo (pag-iisip) o mobilidad (pagkilos) o mga problema sa paglunok, pagkahirin o gastroesophageal reflux. Maaaring maging hadlang ang mga kahirapang ito sa pagpapanatili ng angkop na kalusugang oral.

MGA ESPISIPIKONG KONDISYON NA NAGLALAGAY SA MGA BATA SA PANGANIB

⇒ Cleft lip at/o palate o iba pang mga kaibahan sa estruktura ng bibig, mukha o ulo ⇒ Cerebral palsy ⇒ Down syndrome ⇒ Mga kapansanang biswal ⇒ Mga kapansanan sa pandinig ⇒ Mga seizure disorder ⇒ Mga kapansanang developmental o sa pagkatuto ⇒ Impeksiyong HIV

Isa sa mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan ng bawat bata ang pagkakaroon ng malusog na bibig. Madalas na kailangang sumalalay sa iba ang mga batang may espesyal na pangangailangan para mapanatili nila ang kalusugang oral nila. Ibig sabihin, kritikal ang papel ng mga tagapangalaga sa pagpapanatili ng malusog na mga bibig ng mga batang nasa pangangalaga nila.

Page 2: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

394

IBA PANG SALIK

Kapag ang bata ay…

o hindi madaling maigalaw ang labi, dila at pisngi niya sa pagkain at pag-inom, hindi niya magagamit ang natural na paglilinis na nagagawa ng mga estrukturang ito.

o hindi makagalaw o maikoordina ang mga braso at kamay niya, maaaring magkaroon siya ng problema sa pagsesepilyo o sa pagfo-floss.

o hindi sapat ang laway, maaari siyang magkaroon ng problema sa pagtanggal ng mga piraso ng pagkain palabas ng bibig niya.

o nasa limitadong dieta o hindi sa bibig pumapasok ang pagkain o likido, maaaring matuyo ang bibig niya at may tumubong masasamang bakterya na maaaring maging sanhi ng sakit niya.

o umiinom ilang mga gamot, maaaring makaranas siya ng pagdurugo o pamamaga ng gilagid at pagkabulok ng ngipin.

o gumagamit ng bote nang masyadong matagal, baka magkaroon siya ng labis na pagkabulok ng ngipin at/o mga isyu sa pagkakapantay ng ngipin.

o nabigyan ng labis na dami ng malagkit o matamis na pagkain/likido, maaaring magkaroon siya ng nabubulok na ngiping natatanggal na.

MGA TANDA NG PROBLEMA SA KALUSUGAN NG BIBIG

⇒ Pagtanggi sa pagkain o likido ⇒ Pagkahilig sa mas malambot na mga pagkain kaysa mas

matitigas, mas may teksturang pagkain ⇒ Magngalit ang ngipin ⇒ Paninilaw ng ngipin ⇒ Mabahong hininga ⇒ Sensitibidad sa paghawak sa bibig o sa paligid nito

BATAYANG PAG-AALAGA SA BIBIG AT PAGSESEPILYO

Karapat-dapat ang bawat bata sa malinis at malusog na bibig. Hindi kailangan ng maraming dagdag na oras ang pagbuo ng plano para sa batayang pag-aalaga ng bibig para sa bawat bata. Katulad ng paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, kayang maipasok nang madali ang paglilinis ng bibig ng bata sa mga gawain.

Mga Direksiyon sa Batayang Pag-aalaga sa Bibig MAINAM PARA SA: Lahat ng sanggol at mga bata KAILAN GAGAWIN:

o Araw-araw, iminumungkahing 2-3 beses kada araw. Madalas pagkatapos ng araw-araw na pagkain/meryenda o pagkagising at bago matulog.

Ipakilala ang kalusugan ng bibig at mga gawain sa pagsesepilyo sa mga sanggol at bata sa pinakamaagang panahong kaya. Kapag lumitaw na ang unang ngipin, handa na ang bata sa pagsesepilyo. Kayang ituro ang kalinisan ng bibig nang mas maaga.

Page 3: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

395

PAANO GAGAWIN:

o Kargahin ang bata nang deretso sa braso mo o iposisyon sila nang deretso sa komportableng nakaupong posisyon.

o Gumamit ng malinis na tubig kasama ang sepilyo, finger brush, o malambot at mainit-init na tela.

o Ipakita sa bata ang sepilyo o tela at ibigay ito para supsupin, isubo o kagatin nang may bantay. (Baka kailangang mangyari ito nang maraming beses bago subuking linisin ang bibig ng bata.)

o Sa pagpapakita ng bata ng pagtanggap sa mga bagay, unti-unting masahihin ang labi, dila, loob ng pisngi at nakalabas na ngipin at gulagid gamit ang sepilyo o tela. Maaaring saglit lang ito sa umpisa (5-10 segundo) o hanggang 2 minuto.

o Ulitin hangga’t kailangan bago at pagkatapos ang oras ng pagkain sa araw. o Ulitin pagkatapos ng iba pang pangyayari kung kailan kailangang malinis ang bibig

(halimbawa: pagkatapos ng pagkakasakit o pagsusuka).

Ideal na makatanggap ang mga bata ng wastong pangangalaga ng bibig nang di bababa sa tatlong beses kada araw. Kailangan ng mga batang may espesyal na pangangailangan ng pangangalaga nang mas madalas. Rekomendadong linisin ang buo nilang bibig bago at pagkatapos ng bawat pagkain. Mapipigilan nito ang pagkakasakit pati na ang aspirasyon kung masyadong maagang pinahiga ang bata pagkatapos kumain at may natirang pagkain sa bibig nila.

ANG 1-2-3 GAME3 8

Isa itong nakatutulong na paraang mabisa sa mga batang may sensitibong sistema ng pandama, sa mga hindi komportable sa pangangalaga sa bibig o para sa mga may limitadong karanasan sa pangangalaga ng bibig. Nakatutulong ang larong ito para mabuo ang tiwala ng bata sa tagapangalaga nila sa mga gawain sa paglilinis ng bibig. Natututuhan nila na ang paghawak, o karanasan, ay hindi lalagpas sa “3.” Mga Direksiyon:

① Ipakita sa bata ang sepilyo o tela. ② Hawakan ang bahagi ng katawan na pinakakomportable ang

bata (halimbawa: sa labi, sa kamay, sa balikat o sa loob ng bibig).

③ Para sa bawat hawak ng sepilyo o tela, bilangan nang malakas ang bata ng “1-2-3.” Huwag bumilang hanggang 4!

④ Pagdating ng “3,” itigil ang paghawak at tanggalin ang sepilyo o tela sa katawan ng bata.

⑤ Ipupuwesto uli ang sepilyo o tela sa katawan ng bata (sa parehong bahagi ng katawan o mas malapit sa target—sa loob ng bibig) at magsisimula uli ang pagbilang “1-2-3.”

⑥ Ulitin ang prosesong ito hangga’t hinahayaan ng bata, palapit sa loob ng bibig niya.

⑦ Kapag nasa loob na ng bibig, pareho pa rin ang proseso. Bumilang nang malakas ng “1-2-3” habang hinahaplos o sinesepilyo ang dila, pisngi at ngipin.

⑧ DAGDAG: Simulan sa pagbibilang nang mabilis para maging saglit lang ang haplos. Kapag pumayag na ang bata, unti-unting bagalan ang pagbibilang (“1 … 2 … 3 …” “1 ……… 2 …….. 3 …….” “1 …………………. 2 ……………….. 3 ………………”.

Page 4: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

396

Para sa mga sanggol at mga batang may sensitibong sistema ng pandama o may limitadong karanasan sa pangangalaga ng bibig, mahalagang magsimula sa maiigsing paglilinis para mapanatiling positibo ang karanasan.

MGA TIP SA PAGSUPORTA NG MALULUSOG NA BIBIG AT NGIPIN

① Tumulong. Malaki ang posibilidad na kakailanganin ng mga batang may kapansanan ang kung

anong tulong (mula sa kaunti hanggang sa buo) para sa mga gawain sa kalinisan ng bibig (paglilinis ng bibig/ngipin). Araw-araw dapat ibigay ang wastong pangangalaga ng bibig, at maraming beses para sa bawat bata.

② Maging malikhain. Pumili ng sepilyo na angkop sa pisikal na kakayahan at mga kagustuhan sa pandama ng bawat bata. Para sa mga batang may problema sa paghawak ng sepilyo, pumili ng may mas maigsi at mas makapal na hawakan. Iangkop ang sepilyo sa pagpapakapal ng hawakan gamit ang foam o tape. Kapag inayawan ng bata ang sepilyo, sumubok ng tela o finger brush.

③ Magbigay ng maraming ensayo. Magbigay ng maraming pagkakataon para makasali ang bata sa mga gawain sa paglilinis ng bibig araw-araw. Mas madalas na gumamit ang bata ng sepilyo, mas dadali ang mga gawaing ito at mas mabilis niyang magagawa ang pangangalagang ito mag-isa.

④ Mabagal at maigsi. Kapag nagsisimula pa lang na magkaroon ng pangangalaga sa bibig ng bata, magbigay ng maiigsing karanasan lang at dahan-dahanin ang pagpasok sa loob ng bibig ng bata. Baka hindi payagan ng bata ang paghawak sa bibig o sa mukha. Respetuhin ang kaya niyang tanggapin at unti-unting pahabain ang oras at pagandahin ang kalidad ng pangangalaga niya ng bibig.

⑤ Huwag magsimula sa bibig. May ilang mga batang hindi bukas sa paghawak sa labas o loob ng bibig. Nakatutulong na estratehiya ang pagbibigay ng haplos/masahe sa ibang mga bahagi ng katawan tulad ng kamay at braso at unti-unting paglapit sa mukha at bibig. Respetuhin ang kayang tanggapin ng bata at unti-unting pahabain ang oras at pagandahin ang kalidad ng pangangalaga niya ng bibig.

⑥ Maging masaya. Gawing masaya ang pangangalaga ng bibig sa pagiging mapaglaro palagi. Mapananatili ring positibo ang mga bagay sa pamamagitan ng pagdahan-dahan at pagrespeto sa kayang tanggapin ng bata.

⑦ Magbigay ng mabuting mga pagpipilian. Limitahan ang pagkain ng bata ng matatamis na pagkain o pag-inom ng mga likidong maraming mga sangkap na masama para sa ngipin at gilagid (halimbawa: asukal).

⑧ Limitahan ang mga bote. Mas malaki ang posibilidad na mabulok ang ngipin ng mga batang gumagamit ng bote nang matagal. Kapag kailangan ng bata ang bote para makapahinga,

Page 5: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

397

subuking magbigay ng tubig sa halip na gatas o formula—linisin ang bibig niya pagkatapos niyang uminom ng gatas o formula mula sa bote.

⑨ Humanap ng dentista. Kailangang magpadentista ang bata (doktor sa bibig/ngipin) paglabas pa lang ng una niyang ngipin. Pagkatapos noon, kailangang makatanggap ang bata ng regular na pangangalagang dental sa buong taon. Sa ganitong paraan, kapag nagkaroon ng problema, maagap itong matutugunan bago maging seryoso.

Page 6: 9L.5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA ......KAB. 9|9L 5: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 394 IBA PANG SALIK Kapag ang bata ay… o hindi madaling maigalaw

K AB . 9 | 9 L 5 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A A T MG A K O MU N I D A D

398