8. Linggwistika - Ponolohiya

19
Ponolohiya

Transcript of 8. Linggwistika - Ponolohiya

Page 1: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Ponolohiya

Page 2: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Gawin Natin!

• Hatiin ang klase sa mas maliliit na pangkat na may 10 kasapi bawat isa.

• Isagawa ang sumusunod na mga sitwasyon:

1. Tatapusin na ang relasyon sa kasintahan.2. Nanalo sa lotto.3. Nakasaksi ng aksidente sa kalsada.4. Manganganak na.5. Magtatapat ng pag-ibig

Page 3: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Ponetika

• Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao.

• Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita.

Page 4: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Articulatory Phonetics

Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita:1. Enerhiya o pinanggagalingan

ng lakas2. Artikulador o kumakatal na

bagay3. Resonador o patunugan

Page 5: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Articulatory Phonetics

Tatlong bahagi ng katawang mahalaga sa pagsasalita:1. Dila at panga2. Ngipin at labi3. Matigas na ngalangala (palate)

at malambot na ngalangala (velum)

Page 6: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Ponolohiya

• Ang pag-aaral sa mga padron ng tunog sa isang wika.

• Tinatalakay kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang maunawaan ng mga nakikinig ang sinasabi ng nagsasalita.

• Ponemang segmental ang tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino. Hal., magalang / magulang

Page 7: 8. Linggwistika - Ponolohiya
Page 8: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Ponolohiya

• May 21 ponema sa Filipino: 16 na katinig (kabilang na ang impit na tunog o glottal stop) at 5 patinig. (p. 45)

Page 9: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Diptonggo

• Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.

Halimbawa:

• kalabaw reyna kahoysaklay giliw baduy

Page 10: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Diptonggo

• Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang kakahuyan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).

Page 11: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Klaster

• Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc.

• Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Page 12: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Klaster

• Halimbawa:

• pyesa trabaho klase• gripo produkto tsansa• tabla gyera timpla• krus dyamante mwebles

Page 13: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Klaster

• Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).

Page 14: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Gawin Natin!

• Kumuha ng ¼ na papel at sumulat ng liham pangkaibigan sa isang mag-aaral na kakilala sa Unang Taon, sa ibang pangkat man o sa sariling seksyon, na ginagamitan ng tiglimang diptonggo at klaster. Salungguhitan ang mga diptonggo at klaster na ginamit.

Page 15: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Mga Ponemang Suprasegmental

Ito ang mga tunog na bibinigkas ng tao na hindi kinakatawan ng titik ngunit maituturing na makabuluhan sapagkat may kakayahang baguhin ang kahulugan ng salita o pangungusap. Ginagawa ng mga itong tiyak ang intensyon ng tao sa kanyang sinasabi, pinalilinaw ang kahulugan ng salitang kanyang binibigkas at dinaragdagan ng buhay ang pagpapahayag upang lalo itong maging kawili-wiling pakinggan.

Page 16: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Mga Ponemang Suprasegmental

Tono

Ito ang pagbaba o pagtaas ng himig sa pagsasalita. Karaniwan, pababa ang tono kapag nagsasalaysay o nagpapahayag ng impormasyon. Pataas naman kapag nagtatanong.

Page 17: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Mga Ponemang Suprasegmental

Haba

Ito ang pagpapahaba sa bigkas ng patinig ng pantig ng isang salita. Maipapakilala kung pangngalan o pandiwa ang isang salita batay sa pantig nito na pinahahaba.

Page 18: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Mga Ponemang Suprasegmental

Diin

Ito ang pagpapalakas sa bigkas ng salita upang mabigyan ito ng empasis. Sa isang pangungusap, naipapakilala ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga ito.

Page 19: 8. Linggwistika - Ponolohiya

Mga Ponemang Suprasegmental

Antala

Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mapagbukod-bukod ang mga kaisipan o di kaya’y lalong mapaigting ang pananabik sa susunod na salitang sasabihin nang magkaroon ito ng higit na dating (impact). Sa pagsasalita, nalalaman kung iba na ang paksang tinatalakay o bago na ang talatang binabasa o magkakaiba ang kaisipang tinutukoy sa pamamagitan ng saglit na paghinto.