3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

51
B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 3 3 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

Transcript of 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

Page 1: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

33333 Landas ng PagbabagoTungo sa Teknolohiya

Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

Page 2: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

Karapatang Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO

Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ngorganisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Inilathala sa Pilipinas ng:

Landas ng PagbabagoTungo sa Teknolohiya

Page 3: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

Landas ng PagbabagoTungo sa Teknolohiya

Page 4: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

PANIMULA

Teknolohiya!!!

Katulong ka sa sa Pag-unlad atPagsulong ng Kabuhayan?

Pagbabago

Kaagapay ka ba sa pag-unlad?

Page 5: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

1

Tungkol Saan Ang Modyul Na Ito?

Anong pinakamakabagong kagamitan sa teknolohiya ang nakita mo?Alam mo ba kung paano ito gamitin? Anu-anong mga gawain ang madalingmagagampanan kung gagamit ng mga makabagong kagamitan?Nakabubuti ba ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao? Mayroondin ba itong masamang dulot sa buhay ng tao?

Tuklasin at alamin natin ang katotohanan. Pag-aralang mabuti angmodyul na ito. Mabibigyan ka nito ng pangunahing kaalaman ukol samakabagong takbo ng buhay mo.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1 Halika sa Landas ng Pagbabago

Aralin 2 Kabutihan o Kapahamakan?

Page 6: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

2

Ano-ano Ang Matutuhan Sa Modyul Na Ito?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magkakaroon ka ng sapatna kaalaman upang maisagawa ang mga sumusunod:

• naipaliliwanag ang kahulugan ng teknolohiya sa buhay ng tao

• naipaliliwanag ang dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay ngtao sanhi ng teknolohiya

• natutukoy ang iba’t ibang makabagong kagamitan na karaniwangginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay

• nailalapat o nagagamit ang kaalaman sa pagdaragdag,pagbabawas, pagpaparami at paghahati sa paglutas sa mga pang-araw-araw na suliranin

• nakikilala ang mga kabutihan at di-mabuting dulot ng teknolohiyasa buhay ng tao

Page 7: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

3

Ano-ano na ang Alam Mo?

Tukuyin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng kabutihan o di-mabuting epekto sa buhay ng tao ng makabagong teknolohiya. Isulat angS kung sang-ayon at DS naman kung hindi sang-ayon sa mga pangungusapna sumusunod.

1. Ang teknolohiya ay isang paraan upang mapaunlad angbuhay ng tao.

2. Ginagamit ang mga makabagong teknolohiya upangmakatulong sa paglutas ng mga pang-araw-araw nasuliranin.

3. Maaaring magdulot ng katamaran ang teknolohiya dahilmagiging madali at mapagaan ang trabaho

4. Nagiging mabagal ang pag-unlad natin dahil samakabagong teknolohiya.

Page 8: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

4

5. Malinaw ang pakikipagtalastasan natin sa mga mahalnatin sa buhay sa ibang lugar sa tulong ng teknolohiyangpangkomunikasyon katulad ng “cellphone”.

6. Malaki ang pakinabang natin sa paggamit ngmakabagong makinarya.

7. Mabilis naipadadala ang pera sa ibang lugar o bansa sapamamagitan ng “money order transfer”.

8. Ang mga gawaing bahay ay mas magaan dahil sa mgamakabagong kagamitan.

9. Maaaring makaragdag sa polusyon ang pang-aabuso odi wastong paggamit ng mga makabagong kagamitansa teknolohiya.

10. Napauunlad ng teknolohiya ang kakayahan ng tao upangmabilis niyang magampanan ang iba’t ibang gawain.

Page 9: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

5

HALIKA SA LANDAS NG PAGBABAGO

May mga miyembro ng ating pamilya ang nakikipagsapalaran namagtrabaho sa malalayong lugar. Nais nating magkaroon ng malinaw atmabilis na ugnayan sa mga nalayong mga mahal sa buhay upang maibsannatin ang pangamba at pangungulila sa kanila. At sa pamamagitan ngmakabagong teknolohiya ng komunikasyon ay mayroong mabilis na paraanng pakikipag-ugnayan sa mga malalayong mga mahal sa buhay.

Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan ng teknolohiya sa buhayng tao at ang ilan sa mga makabagong kagamitan na karaniwang ginagamitsa pang-araw-araw na mga gawain.

Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo na ang mgasumusunod:

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng teknolohiya sa buhay ng tao• Naipaliliwanag ang dahilan ng pagbabago sa buhay ng tao dulot

ng teknolohiya• Nakikilala ang iba’t ibang makabagong kagamitan na karaniwang

ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay

Page 10: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

6

Pag-isipan Natin

Atin ngayong pag-usapan ang mga iba’t ibang makabagongteknolohiya. Tingnan maigi ang nasa larawan. Naranasan mo na banggamitin ang mga ito o nakasakay sa ganitong uri ng mga sasakyan.

Page 11: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

7

Basahin Natin

Pagbabago

Hindi na tayo maiinis,Tinitiyak ko sa iyo

Pagkat gawai’y mabilisKahit konti lamang tayo.

Makabagong teknolohiyaTiyak matutulungan tayo

Upang ang ating kabuhayanMapaunlad at magbago.

Page 12: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

8

Subukin Natin

Mag-isip ng mga salitang tumutukoy o nagbibigay kahulugan sa salitangnasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa mga bilog sa paligid ng kahon.

Teknolohiya

Hal.Cellphone

Page 13: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

9

Pag-aralan Natin

Marami ng nagsulputang makabagong teknolohiya sa panahong ito.May mga gamit pangkomunikasyon, pampaglilibang, pantransportasyon,pangkalakalan o pananalapi at gamit sa bahay na nagpapagaan ngtrabaho. Maaaring ang iba ay pamilyar na sa iyo at ginagamit mo na.Ipakikilala ko sa iyo uli ang mga makabagong teknolohiya.

Teknolohiyang Pangkomunikasyon

cellphone desktop computer laptop with wifi

Page 14: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

10

Teknolohiyang Pampaglilibang

cable television Ipod, MP5 PSP, Wii Games

Teknolohiyang Pantransportasyon

Light Rail Transit eroplano barko

Page 15: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

11

Tandaan Natin

Bahagi na ng buhay ng tao ang teknolohiya sa pang-araw-araw na mgagawain. Ang teknolohiya ay ang pamamaraang teknikal na ginagamit ngtao upang mapaunlad ang pamumuhay. Nangangahulugan din ito ngpagsulong at pag-aangkop ng kaalaman sa mga kasangkapan, makina,kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas sa mga suliranin ng tao.Sa pamamagitan ng teknolohiya, nagagampanan natin ang iba’t ibanggawain sa mga sumusunod na aspeto:

• komunikasyon

• transportasyon

• kalakalan at pananalapi

• mga gawaing bahay at paglilibang

Page 16: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

12

Ang mga sumusunod ay itinuturing na mga makabagong kagamitanna karaninwang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Komunikasyon Transportasyon Kalakalan at Gawain sa BahayPananalapi at Paglillibang

cellphone tren Automated microwaveTeller Machine oven

(ATM)fax machine eroplano money order telebisyon

transfercomputer kotseo internet

Bagama’t matagal nang naimbento at ginagamit ang iba-ibangkagamitan sa teknolohiya, patuloy pa ring ginagamit at binabago ang anyong mga ito. Ilan sa mga ito ay ang telebisyon, radyo, kotse, eroplano at tren.

Page 17: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

13

Kwentahin Natin

Buwan-buwan ay nagpapadala si Iya ng pera sa kanyang mga kapatidsa probinsya sa pamamagitan ng “money order transfer”. Pag-aralan angtalaan ng kanyang ipinadalang pera mula noong Enero hanggang Mayona nasa ibaba:

Buwan Halagang Ipinadala

Enero P 600.00

Pebrero P 700.00

Marso P 800.00

Abril P 650.00

Mayo P 750.00

Page 18: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

14

1. Magkano ang pinagsamang halaga ng ipinadala ni Iya sasumusunod na mga buwan:

a) Enero P600.00+ Pebrero P700.00

b) Marso P800.00+ Abril P650.00

c) Mayo P750.00+ Enero P600.00

d) Pebrero P700.00+ Marso P800.00

e) Abril P650.00 + Mayo P750.00

2. Sa anong mga buwan pinakamalaki ang padalang pera ni Iya?

Page 19: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

15

Alamin Ang Iyong Natutuhan

A. Pangkatin ang mga sumusunod na makabagong kagamitan. Isulat angsagot sa mga kahon sa ibaba.

computer eroplano digital cameracellphone fax machine microwave ovenmoney order transfer cable television Digital Video Disc

o DVD playerLight Railway Transit Automated Teller kotseo LRT (tren) Machine (ATM)

Kalakalan Transportasyon Komunikasyon Gawaing Bahay o Pananalapi at paglilibang

Page 20: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

16

B. Bumuo ng isang kumpletong pangungusap. Gamitin ang mga salita saibaba.

Halimbawa:

Salita: Teknolohiya, makabagong kagamitan

Pangungusap: Ang teknolohiya ang naging daan upangmakagamit tayo ngayon ng mga makabagongkagamitan.

1. teknolohiya, kasangkapan, makina at kagamitan

2. teknolohiya, paglunas sa pang-araw-araw na suliranin

3. komunikasyon, cellphone, internet, fax machine

4. kalakalan, ATM at money order transfer

5. gawaing bahay, microwave oven

Page 21: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

17

C. Sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1. Si Aira ay nasa ikatlong antas ng sekondarya ngayon. Binigyan sila ngkanilang Facilitator ng takdang aralin ukol sa bansang Inglatera.Walang sapat na sanggunian o mga aklat ang kanilang silid-aklatankaya naisip niya na magpunta sa isang malapit na internet shop upangmagsaliksik ukol dito. Ang upa sa pag-iinternet ay P25.00 bawat oras.Pagkatapos mag-internet ni Aira sa loob ng isang oras, bumili namansiya ng isang kwaderno sa halagang P28.00. Magkano lahat angginastos ni Aira?

P 25.00 upa sa internet shop 28.00 kuwaderno

2. Dahil sa kagipitan, si Lino ay nakautang ng kaunting halaga sa kanyangkaibigan na negosyante na si Carlos. Si Carlos ay nagdadala ngiba’t ibang paninda sa mga karatig probinsya kaya siya ay madalasna wala sa kanilang bahay. Upang makuha ni Carlos ang bayadkahit saan siya naroon, iminungkahi niya kay Lino na ideposito nalang ito sa kanyang account sa bangko. Kwentahin natin angibinayad ni Lino sa dalawang magkasunod na buwan.

Page 22: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

18

P 300.00 Mayo 350.00 Hunyo

3. Nagtatrabaho sa isang pabrika sa Pasig sina Rosa at Perla. Si Rosa aynakatira sa Pasay. Sumasakay siya ng Metro Rail Transit (MRT) o tren. SiPerla naman ay taga- Quezon City. Tatlong sakay ng jeep siya bagomakarating sa pabrika. Mula sa Pasay, 35 kilometro ang distansyahanggang Pasig. May 28 kilometro naman mula sa Quezon Citypatungong Pasig. Alin ang mas malayo? Ilang kilometro ang kalayuanng Pasay patungong Pasig kaysa sa Quezon City?

35 kilometro Pasay – Pasig – 28 kilometro Quezon City – Pasig

Page 23: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

19

KABUTIHAN O KAPAHAMAKAN?

Naging bahagi na ng pamumuhay ng tao ang teknolohiya. Ngunit anonga ba talaga ang dulot nito sa atin? Kabutihan ba o kapahamakan? Alaminnatin ang kasagutan sa araling ito. Matatalakay dito ang mga dulot nito.Mabuti man o kapahamakan.

Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, maisasagawa mo na ang mgasumusunod.

• Natutukoy ang kabutihan at kasamaang dulot ng teknolohiya sapamumuhay ng tao

• Naipaliliwanag ang mabuti at masamang dulot ng teknoloohiya

• Nagagamit ang kaalaman sa pagdaragdag, pagbabawas,pagpaparami at paghahati sa paglutas ng mga pang-araw-arawna suliranin.

Page 24: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

20

Pag-isipan Natin

Suriin ang mga sumusunod na larawang may kaugnayan sa teknolohiya.Sabihin kung ito ay nagsasaad ng kabutihan o kapahamakan sa buhay ngtao. Panindigan ang iyong sagot.

Page 25: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

21

Page 26: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

22

Basahin Natin

Teknolohiya sa Buhay

Balita’y napakinggan sa isang kaibigan,Sa tulong ng gamit pangkomunikasyong hinahawakan

Narating agad lugar na hinangad maratingGawain sa bahay madaling nagampanan.

Kaybilis natapos sa sandaling oras lamangMakabagong kagamitan katulong ko’t kaagapay.

Ngunit kahit sa dibdib ko ay may tuwang nadaramaMayroon din alinlangan at puso’y waring may kaba.

Page 27: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

23

Subukin Natin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit sa patlang ang ☺☺☺☺☺

####

kungsumasang-ayon ka at kung # hindi ka sang-ayon.

1. Malaki ang naitulong ng makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng tao.

2. Nagiging sanhi ang paglalaro ng counter strike sa computerna masira ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

3. Ang cellphone ay isa sa mga pangunahing gamit sakomunikasyon sa mga kamag-anak, kaibigan at gayon dinsa mga katrabaho.

4. Kabutihan lahat ang dulot ng makabagong teknolohiya.

5. Ang imbensiyon ng computer ay malaking ginhawa ang dulotsa trabaho.

Page 28: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

24

6. Ang eroplano ay ang pinakamabilis na paraan ngtransportasyon sa ibang bansa.

7. Tama lang na hayaang gumamit ng internet ang mgakabataan na wala nang pagsubaybay.

8. Ang ibinubugang usok ng mga sasakyan ay nakapipinsala sakalikasan.

9. Pinabibilis ng washing machine ang paglalaba.

10. Naging dahilan ang makabagong teknolohiya na mabagoang paraan ng ating pamumuhay.

Page 29: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

25

Alamin Natin

Mag-asawa sina Antonio at Agnes. Si Antonio ay mahilig magbasa ngmga libro samantalang si Agnes naman ay mahilig magbasa ng mga balitasa pahayagan at magsaliksik sa internet ng iba’t ibang paksa. Isang araw,naging paksa ng usapan nilang dalawa ang teknolohiya at ang dulot nito sabuhay ng tao. Basahin natin ang naging pag-uusap ng dalawa.

Iba talaga ang nagagawa ngteknolohiya, ano?

Oo naman. Kasi sa teknolohiyamas madaling makapag-usap.

Hindi lang‘yon. Dahilsa mga nai-imbento namakinarya

atkagamitan,

nagigingmadali ang

mga gawain.

Pero maymasama rin

itong dulot, diba? Maaaringmaging tamadang isang tao

kung may mgakagamitannaman na

gagawa parasa kanya.

Page 30: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

26

Kapaginaabuso angpaggamit ng

mga ito,maaaring

makapinsala itosa kapaligiran

dahil dulotnitong polusyon.

Tama ka. Ngunitkung tama angpaggamit natinsa teknolohiya

mapauunlad nitoang ating

kakayahangayundin ang

atingpamumuhay.

Kung iisipin nga,may mabuti at

masamangnaidudulottalaga ang

teknolohiya saating buhay.

Tao anggumagawa ng

teknolohiyakaya’t tao rinang dapat

nakakaalamkung paano

makabubuti itosa ating buhay.

Page 31: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

27

Isulat sa kahon sa ilalim ng Hanay A ang mga kabutihan at sa Hanay Bang mga di mabuting dulot ng teknolohiya na nabanggit sa pag-uusapnina Antonio at Agnes.

Hanay A Hanay B

Page 32: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

28

Tandaan Natin

Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa ating pang-araw-araw napamumuhay. Ngunit dapat nating malaman na may mabubuti at di-mabubuting dulot ang teknolohiya sa buhay ng tao.

Ilan sa mga kabutihang dulot ng teknolohiya ay ang mga sumusunod:

• mabilis at malinaw na paraan ng komunikasyon

• matipid at mabilis na daloy ng transportasyon

• mabilis na paraan ng pangangalakal at pananalapi

• madaling pagganap sa mga gawaing bahay

• nakapagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao na magampananang isang gawain nang maayos

Page 33: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

29

Ilan naman sa mga di-mabubuting dulot ng teknolohiya ay ang mgasumusunod:

• nagiging tamad ang isang tao dahil sa may kagamitang maaarinang gumawa ng gawain na dapat niyang gampanan

• nagiging sanhi ng pagkatanggal sa trabaho ng karamihan sa mgamanggagawa sa mga pabrika na gumagamit na ng massopistikadong makinarya

• maaaring maging sanhi ng pagkapinsala ng kapaligiran tulad ngpolusyon sa hangin, lupa at tubig

Ganoon pa man, ang teknolohiya ay nilikha ng tao at dapat lang naalamin din niya ang mabuti at di-mauting dulot nito sa buhay ng tao at sakalikasan. Maging maingat tayo at laging alamin ang mga babala o mgapanganib na dulot nito.

Page 34: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

30

Kwentahin Natin

Isulat sa patlang ang T kung tama, M kung mali ang isinasaad ng mgasumusunod na sitwasyon.

1. Ang baon ni Jacob pagpasok sa eskwelahan ay P50.00. Nag-internet siya ng isang oras pagkatapos ng klase at nagbayadsiya ng P25.00. Ang natira sa baon ni Jacob ay P30.00.

2. Pumunta si Leanne sa bayan para bumili ng load sa kanyangcellphone. Ang pamasahe papuntang bayan ay P9.00 at angload niya na binili ay P115.00. Pag-uwi sa bahay ay nagbayadulit siya ng P9.00 bilang pamasahe. Ang lahat ng nagastos niLeanne ay P150.00.

3. Namasyal ang pamilya nina Josh sa Star City. Sumakay silang MRT o tren papunta doon. Ang bayad sa MRT ay P12.00ang isang tao. Si Josh, ang nanay at tatay niya at ang kanyang

Page 35: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

31

bunsong kapatid ang namasyal. Ang ibinayad nila lahat saMRT ay P48.00.

4. Nagpadala ang tatay ni Nina ng kanilang panggastos parasa buwan ng Abril. Ang P500.00 sa ipinadalang pera ngkanyang tatay ay ang kanyang pambaon sa eskwela saloob ng 5 araw. Ibig sabihin, ang baon sa isang araw ni Ninaay P100.00.

5. Nagbawas ng manggagawa ang pabrika nina Lucky. Mulasa bilang na 86 ay naging 48 na lamang sila ngayon.Natanggal ang 34 na manggagawa sa pabrika.

Page 36: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

32

Alamin Natin Ang Iyong Natutuhan

A. Lagyan ng tsek ($) ang pahayag na nagsasaad ng mabuting dulot ngteknolohiya at lagyan ng ekis (%) ang pahayag na nagsasaad ng di-mabuting dulot ng teknolohiya sa tao.

Mabilis anggalaw ng

transportasyon.

Malinaw atmabilis ang daloyng komunikasyon

Maaaringmaging tamad angisang tao dahil sa

mga kagamitan nagumagawa nggawaing tao.

Maginhawa angparaan ng

transportasyon.

Nakapipinsalarin sa kalikasankapag inabuso

ang teknolohiya

Page 37: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

33

B. Punan ng wastong salita o mga salita ang patlang upang makabuo ngisang kumpletong pangungusap o kaisipan.

1. Ang teknolohiya ay nakapagpapabilis ng .2. Madaling matapos ang mga gawain dahil sa .3. Malinaw at mabilis ang dahil sa teknolohiya.4. Isang di-mabuting dulot ng teknolohiya ang pagkapinsala ng ating

.5. Kung may mga makabagong kagamitan na ang maaaring gumawa

ng gawain ng tao makahihikayat ito ng ugaling sa tao.

6. Ang pagpapadala ng pera sa ibang lugar ay gamit ang teknolohiya.

7. May mabilis at matipid na paraan na ng dahilsa teknolohiya kaya mas madali tayong nakararating sa atingpupuntahang lugar.

8. Ang kakayahan ng isang tao na magampanan ang iba’t ibanggawain ay dahil sa teknolohiya.

Page 38: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

34

9. Napabibilis din ng teknolohiya ang paraan ng at kaya natatanggap natin agad angipinadalang pera mula sa ibang lugar.

10. Napananatili ang mabisang ugnayan sa malalayong lugar dahil samabilis na .

C. Sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1. Iisa ang pinapasukang opisina nina Noel at Ronald. Si Noel aysumasakay ng tricycle at jeep papunta sa opisina. Si Ronald namanay sumasakay ng tricycle pagkatapos ay tren o ng MRT sa EDSA. Angpamasahe sa tricycle ay P25.00 at sa jeep naman ay P18.00 para kayNoel. Ang pamasahe sa tricycle ay P21.00 at sa tren ay P12.00. Sinokaya sa palagay mo ang mas nakatitipid sa pamasahe? Kwentahinang pamasahe ng bawat isa:

Noel RonaldP25.00 P21.00

+ P18.00 + P12.00

Page 39: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

35

2. Ang pabrika ng sinulid sa may bayan ng Pasig ay may 125manggagawa. Nang nakabili ng isang bagong makina ang pabrika,kinailangang magbawas ng tauhan nito dahil ang makina na anggagawa ng kanilang gawain. Pinaalis sa pabrika ang 36 na mgamanggagawa. Ilan na lang ang natira sa mga manggagawa doon?Isulat ang sagot sa loob ng bilog.

125– 36

3. Ang bayad sa kada “text” sa cellphone ay P1.00. Si Amy ay madalasmagtext sa kaniyang pamilya sa probinsya. Sa isang araw aynakakapagtext siya ng 30 beses upang mangumusta at makibalitasa kanila. Sa 3 araw, ilang lahat ang mensaheng naipadadala niyasa kanyang pamilya sa pamamagitan ng text? Isulat ang sagot saloob ng kahon.

30 x 3

Page 40: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

36

4. Pinalad na makapagtrabaho si Rodlie sa ibang bansa. Sa unangsweldo niya ay nagpadala agad siya ng pera sa kanila sapamamagitan ng “money order transfer”. Sinabi niya na anghalagang P800.00 mula sa kanyang ipinadala ay hahatiin sa kanyang4 na kapatid. Magkano ang dapat matanggap ng bawat isangkapatid ni Rodlie?

Page 41: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

37

Post Test:

Ano-ano ang iyong natutuhan?

Sagutin:1. May kabutihan bang naidudulot ang teknolohiya?

a. oo c. walab. hindi d. ewan

2. Ang teknolohiya ay nakapagpapadala ng mgaa. komunikasyon b. pa-aaral c. pagtitinda d. paglalaro

3. Masaya si Joy at natanggap siya sa trabaho sa Singapore.Pagkaraan ng isang buwan pinadalhan ang nanay niya nghalagang P 5,000.00. Magkano ang dapat matanggap ng isangkapatid?a. P 1,000.00 c. P 500.00b. P 5,000.00 d. P 100.00

Page 42: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

38

Batayan sa Pagwawasto

Ano-ano na ang Alam Mo?

Tukuyin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng kabutihan odi-mabuting epekto sa buhay ng tao ng makabagong teknolohiya. Isulatang S kung sang-ayon at DS naman kung hindi sang-ayon sa mgapangungusap na sumusunod. S 0 1. Ang teknolohiya ay isang paraan upang mapaunlad ang

buhay ng tao. S 0 2. Ginagamit ang mga makabagong teknolohiya upang

makatulong sa paglutas ng mga pang-araw-araw nasuliranin.

S 0 3. Maaaring magdulot ng katamaran ang teknolohiya dahilmagiging madali at mapagaan ang trabaho

DS 0 4. Naging mabagal ang pag-unlad natin dahil samakabagong teknolohiya.

S 0 5. Malinaw ang pakikipagtalastasan natin sa mga mahal natinsa buhay sa ibang lugar sa tulong ng teknolohiyangpangkomunikasyon katulad ng “cellphone”.

S 0 6. Malaki ang pakinabang natin sa paggamit ng makabagongmakinarya.

Page 43: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

39

S 0 7. Mabilis naipadadala ang pera sa ibang lugar o bansa sapamamagitan ng “money order transfer”.

S 0 8. Ang mga gawaing bahay ay mas magaan dahil sa mgamakabagong kagamitan.

S 0 9. Maaaring makaragdag sa polusyon ang pang-abuso o diwastong paggamit ng mga makabagong kagamitan sateknolohiya.

S 0 10. Napauunlad ng teknolohiya ang kakayahan ng tao upangmabilis niyang magampanan ang iba’t ibang gawain.

Subukin NatinAno ang ipinahihiwatig ng mgabagay na nakasulat sa bilog.

Cellphone

laptop ATM

Ipod cable

faxmachine

Page 44: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

40

Kwentahin Natin1. Magkano ang pinagsamang halaga ng ipinadal ni Iya sa sumusunod

na mga buwan:

a) Enero P 600.00 d) Pebrero P 700.00+ Pebrero + 700.00 + Marso + 800.00

1,300.00 1,500.00

b) Marso P 800.00 e) Abril P 650.00 + Abril + 650.00 + Mayo + 750.00

1,450.00 1,400.00

c) Mayo P 750.00 + Enero + 600.00

1,350.00

2. Sa anong mga buwan pinakamalaki ang padalang pera ni Iya?Pebrero at Marso

Page 45: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

41

Alamin Ang Iyong Natutuhan

A. Pangkatin ang mga sumusunod na makabagong kagamitan. Isulat angsagot sa mga kahon sa ibaba.

Komunikasyon Transportasyon Kalakalan o Gawaing BahayPananalapi

cellphone Light Railway Automated microwaveTransit (tren) Teller Machine oven

(ATM)fax machine eroplano money order telebisyon

transfercomputer kotseo internet

Digital Video Disco DVD player

Page 46: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

42

B. Bumuo ng isang kumpletong pangungusap. Gamitin ang mga salita saibaba.

1. Ang teknolohiya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa ating mgakasangkapan, makina at kagamitan.

2. Ang teknolohiya ay isa sa mga paraan sa paglunas sa pang-araw-araw na suliranin.

3. Napapabilis ang komunikasyon sa pamamagitan ng mga kagamitantulad ng cellphone, internet at fax machine.

4. Mas madali ang paraan ng kalakalan ngayon sa pamamagitan ngATM at money order transfer.

5. Nakatutulong sa gawaing bahay lalo na sa paghahanda ng pagkainang paggamit ng microwave oven.

C. Sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1. P 25.00 upa sa internet shop+ 28.00 kwaderno P 53.00

Page 47: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

43

2. P 300.00 Mayo 3. 35 kilometro Pasay - Pasig+ 350.00 Hunyo – 28 kilomtero Quezon - PasigP 650.00 7 kilometro

Aralin 2

Subukin NatinSang ayon 1. Sang ayon 6.Sang ayon 2. Di-sang ayon 7.Sang ayon 3. Sang ayon 8.Di-sang ayon 4. Sang ayon 9.Sang ayon Sa5. ng ayon 10.

Kwentahin Natin1. Mali2. Mali3. Tama4. Tama5. Mali

Page 48: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

44

Alamin ang Iyong NatutuhanA. Lagyan ng tsek ($) ang pahayag na nagsasaad ng mabuting dulot ng

teknolohiya at lagyan ng ekis (%) ang pahayag na nagsasaad ng di-mabuting dulot ng teknolohiya sa tao.

B. Punan ng wastong salita o mga salita ang mga patlang upang makabuong isang kumpletong pangungusap o kaisipan.1. Ang teknolohiya ay nakapagpapabilis ng gawain.2. Madaling matapos ang mga gawain dahil sa teknolohiya.

Mabilis anggalaw ng

transportasyon.Malinaw atmabilis ang

daloy ngkomunikasyon

Maaaringmaging tamad ang

isang tao dahil samga kagamitan na

gumagawa nggawaing tao.

Maginhawaang paraan ngtransportasyon.

Nakapipinsalarin sa kalikasankapag inabusoang teknolohiya

Page 49: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

45

3. Malinaw at mabilis ang komunikasyon dahil sa teknolohiya.4. Isang di-mabuting dulot ng teknolohiya ang pagkapinsala ng

ating kapaligiran.5. Kung may mga makabagong kagamitan na ang maaaring

gumawa ng gawain ng tao makahihikayat ito ng ugalingpagkatamad sa tao.

6. Ang pagpapadala ng pera sa ibang lugar ay madali o mabilisgamit ang teknolohiya.

7. May mabilis at matipid na paraan na ng transportasyon dahil sateknolohiya kaya mas madali tayong nakararating sa atingpupuntahang lugar.

8. Ang kakayahan ng isang tao na magampanan ang iba’t ibanggawain ay napauunlad dahil sa teknolohiya.

9. Napabibilis din ng teknolohiya ang paraan ng pangangalakal atpananalapi kaya natatanggap natin agad ang ipinadalang peramula sa ibang lugar.

10. Napananatili ang mabisang ugnayan sa malalayong lugar dahilsa mabilis na komunikasyon.

Page 50: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

46

C. Sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1. Kwentahin ang pamasahe ng bawat isa:

Noel Ronald

P25.00 P21.00+ 18.00 + 12.00

P43.00 P33.00

2. Ilan na lang ang natira sa mga manggagawa doon?

125 – 36

89

3. Ilang lahat ang mensaheng naipadadala niya sa kanyangpamilya sa pamamagitan ng text?

30x 3 90

Page 51: 3 Landas ng Pagbabago Tungo sa Teknolohiya

47

4. Magkano ang dapat matanggap ng bawat isang kapatid niRodlie?

P800.00 ÷ 4 = P200.00

Post Test1. a. Oo2. a. Komunikasyon3. c. P 500.00