27091887 Ang Bawal Na Gamot Sa Buhay Ng Isang Kabataan
Embed Size (px)
description
Transcript of 27091887 Ang Bawal Na Gamot Sa Buhay Ng Isang Kabataan
-
PARTIDO STATE UNIVERSITY
LABORATORY HIGH SCHOOL
GOA, CAMARINES SUR
A/Y 2009-2010
PAMANAHONG PAPEL
MGA MANANALIKSIK:
QUENNIE N. QUIOBE IV- ARCHIMEDES
KEN M. GALVEZ IV- ARCHIMEDES
INIHANDA PARA KAY:
GNG. NELIA HERRERO
TAGAPAYO SA FILIPINO IV
PEBRERO 19, 2010
-
PARTIDO STATE UNIVERSITY
LABORATORY HIGH SCHOOL
GOA, CAMARINES SUR
A/Y 2009-2010
ANG BAWAL NA GAMOT,
SA BUHAY NG ISANG KABATAAN
ISANG PAG- AARAL
MGA MANANALIKSIK:
QUENNIE N. QUIOBE IV- ARCHIMEDES
KEN M. GALVEZ IV- ARCHIMEDES
INIHANDA PARA KAY:
GNG. NELIA HERRERO
TAGAPAYO SA FILIPINO IV
PEBRERO 19, 2010
-
Pasasalamat
Isang taos pusong pasasalamat ang ipinararating ng mga mananaliksik sa
Maykapal, para sa lahat ng mga magagandang bagay na inihandog Niya sa mga
mananaliksik. Binigyan Niya ito ng nauukol na talino at galing upang matapos ang
pag-aaral na ito, kung wala Siya, hindi sana magiging posible ang katuparan ng
pag-aaral na ito.
Para kina Nicky Jonna Pitallano, Jonalyn Padillo, Isabel Ramos, Roda
Autor, Elsa Mae Villarosa, Catherine Ortinero, Mary Ann Jacinto, Vina Samonte,
Claudine Valencia at Sheenna Romero, maraming salamat sa tulong niyo bilang
mga respondents sa ilang katanungang ibinigay naming, dahil sa inyo nagkaroon
pa ng mas malalim na kabuluhan ang pag-aaral na ito.
Kay Gng. Nelia Herrero na nagbigay sa amin ng pag-aaral na ito at
nagsilbing patnubay naming para magkaroon ng maayos na pagsasa-ayos ng mga
impormasyon at upang maihanda kami sa paggawa ng parehong proyekto sa
hinaharap.
Kay Kuya Rico, maraming salamat sa ibinigay mong mga tips para mas
mapadali ang pagsasa-ayos namin ng mga datos, sa lahat ng kasapi ng S24CA,
salamat sa inyong pag-damay sa pagpupuyat ng mananaliksik para matapos sa
oras ang pag-aaral na ito.
-
Sa aming mga butihing guro na walang sawang umintindi sa amin sa
pagiging late at absent dahil sa pangangalap ng impormasyon, isang taos pusong
pasasalamat ang nais naming iparating.
At higit sa lahat sa naging inspirasyon ng mga mananaliksik para siguruhin
na matapos ang pag-aaral na ito, ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
Salamat sa walang sawang pagbibigay ng pagkakataon para makapag-computer sa
gabi at ang pagbibigay ng lakas ng loob at gabay.
Maraming, maraming, maraming salamat po!
Quennie at Ken
Mga Mananaliksik
-
Introduksyon
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang
malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na
nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating
nasasayang.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang
kalagayan ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang ibat
ibang konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol
sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at
mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga paksa ukol sa tamang
pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas.
Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, propesyunal at iba
pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang
lulong sa bawal na gamot.
Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay nakaayos ayon sa kahalagahan upang
magamit at makatulong sa ibang tao.
Sa hulihan ng pag-aaral ay may nakalagay na bibliyograpiya para sa mas
malawak pa na kaalaman at bilang patunay na ang lahat ng nakapaloob rito ay
katotohanan.
-
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa bilang proyekto sa Asignaturang
Filipino.
-Quennie N. Quiobe at Ken Galvez IV-Archimedes
Mga Mananaliksik
-
Talaan Ng Nilalaman
I. Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. ii
II. Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . iii
III. Talaan Ng Nilalaman
IV. Kabanata I . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .1
V. Kabanata II (Kaugnay na Literatura) . . . . . . . . . . . . .3
A. Ano ang Bawal na Gamot?
B. Mga Pangkat Ng Bawal Na Gamot
C. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot
D. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot
E. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot
F. Ang Mga Mag-aaral At Ang Bawal Na Gamot
G. Rehabilitasyon
H. Sintesis ng Pag-aaral
VI. Kabanata III (Disenyo Ng Pag-aaral) . . . . . . . . . . . . . 20
VII. Kabanata IV (Pagtatapos) . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . 21
A. Lagom
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon
VIII. Bibliograpiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
IX. Appendix . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .27
-
KABANATA I
Bawal na Gamot: Isang Masamang Elemento sa Buhay ng Kabataan
Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting
pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na
makaiwas sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng
bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng
mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas
(escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at
pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.
Layunin ng pag-aaral na ito ang maglikom at magbigay impormasyon sa
mga kabataan at magulang, hinggil sa naging epekto ng paglaganap ng bawal na
gamot sa bansa sa mga estudyante.
Sa ginawang pananaliksik ng mga may-akda, tiyakang sinagot ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang bawal na gamot?
2. Ano ang solusyon sa problemang kinakaharap ukol sa bawal na gamot?
3. Anu-ano ang mga paraan para maiwasan ng isang indibidwal ang bawal na
gamot?
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral, guro, mga magulang,
paaralan at pamayanan ito ay sa kadahilanang nakapaloob sa pag-aaral na ito ang
-
mga bagay na dapat nating malaman para mabigyang lunas ang napakatinding
suliranin ng ating bansa kaugnay sa bawal na gamot.
Lubhang mahalaga rin sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil itoy
isang requirement sa asignaturang Filipino.
Ang mga hinuhang sinubok sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
1. Problema at koryusidad ang nagtutulak sa isang estudyante/ kabataan
para malulong sa bawal na gamot.
2. Kailangan ang disiplina at wastong patnubay ang isang tao upang
maiwasan niya ang tukso para gumamit ng bawal na gamot.
3. Kailangan ng pamahalaan na magkaroon ng maraming programang
maaaring pagkaabalahan ng mga estudyante at mamamayan para
maiiwas sila sa bawal na gamot.
-
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA
A. Ano ang bawal na Gamot?
Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga
gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi
kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng
tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o
sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa
malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga
produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga
inhalante, ang marihuwana o 1cannabis,
2heroina, at mga
3isteroyd.
Ang droga ay isang kemikal na 4substance na bumabago sa kondisyon ng
isip o katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng
modernong medisina. Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal
ng sakit, iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng
tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at nagpapababa ng 5appetite.
1 Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka halaman, na
kung saan ay pinausukan o chewed para sa kanyang psychoactive-aari 2 Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng opyo
amapola. 3 Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay ng carbon na may apat na
fused singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang 6-6-6-5 paraan. 4 Substance- isang uri ng material na may definite composition
5 Appetite- ganang kumain
-
B. Mga Pangkat ng Bawal na Gamot
Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-
pangkat ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng
katawan. Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga
pampahina o depresante (pampakalma), mga pampasigla o 6estimulante, at mga
pampatakbo ng guni-guni o halusinoheno.
Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na
nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos
ng katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng
papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang
paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o
nagpapalungkot sa isang tao.
Kabilang sa mga illegal na pampahina ang mga marihuwana, 7hashish,
langis ng hashish, heroina at iba pang mga pampakalma.
Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong
pangkatawan ng tao ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa
pagtugon ng tao sa mga hindi inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib
6 Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay karaniwang
may mas mataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas resetang gamot o mga bawal na gamot. 7 Hashish- isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed trichomes tinipon mula sa cannabis
planta. Ito ay nagtataglay ng parehong aktibong ingredients kundi sa mas mataas concentrations kaysa sa ibang bahagi ng halaman tulad ng buds o mga dahon.
-
para sa taong nakainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag
naghalo sa katawan ng tao ang ibat ibang uri ng mga pampahina (tulad ng
pinagsamang alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.
Dahil sa kaantasan ng pagkapuro o pagkadalisay ng mga pampahinang
gamot, nagkakaroon ng mga malalalang mga epekto ito sa katawan ng tao.
Kabilang sa mga malalalang epekto at kumplikasyon ng mga pampahina ang
pagkakaroon ng HIV o AIDS, Hepatitis B, Hepatitis C, at mga katulad na
impeksiyon. Nagiging kinalabasan ang mga ganitong malalalang epekto dahil sa
pakikigamit ng taong nalulong sa pampahinang mga gamot na nakikisalo o
nakikigamit ng karayom ng hiringgilya, ng mismong 8hiringgilya, at mga katulad
na kasangkapang pang-iniksiyon ng pampahinang mga gamot.
Tinatawag na mga pampasigla o estimulante ang mga bawal na gamot
kung nakapagpapabilis o nakapagpapadali ito sa pagtakbo ng pang gitnang sistema
ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na rin ng mga mensaheng papunta at palabas
mula sa utak ng tao. Dahil sa kanila, dumadagsa rin ang pintig ng puso, tumataas
ang temperatura ng katawan, at umaangat din ang presyon ng dugo o nagkakaroon
ng 9altapresyon.
Kabilang sa mga bawal ang kokaina, walang pagrereseta ng manggagamot
na mga ampetamina, speed, LSD, at ekstasi.
8 Hringgilya- Hiringgilya ay simpleng piston pump na binubuo ng isang pangbomba sa kubeta na akma sa
mahigpit sa isang tube. 9 Altapresyon- sa isang medical condition na kung saan ang presyon ng dugo ay chronically
-
Kabilang sa mga hindi bawal na pampasiglang gamot ang nikotina ng mga
sigarilyo; ang kapeina ng kape, kola, tsokolate, tabletang nakapagpapapayat, at
ilang mga inuming nakapagpapalakas; at ang sudoepedrina mula sa mga gamot
na para sa ubo at sipon.
Kabilang sa mahihinang mga epekto ng mga pampasigla ang pagkauhaw,
walang ganang kumain, hindi makatulog, kadaldalan, at pagiging balisa.
Kabilang sa malalakas na mga epekto ng mga pampasigla ang pagkabalisa,
pagkatakot, atake, sakit ng ulo, pangangalambre ng sikmura, pagka-
agresibo, nakakatuwang guni-guni, pagkawala ng malay-tao, kalituhan ng
isipan, at kapaguran.
Tinatawag na halusinoheno o mga pampatakbo o pampaandar ng guni-
guni ang mga bawal na gamot kapag nakakaapekto ito sa pang-unawa o
kakayahang umunawa ng isang tao. Dahil sa pag-inom ng mga pampatakbo ng
guni-gunit, nakakakita o nakakatanaw ang tao ng mga baligtad na mga bagay-
bagay, nagkakaroon ng kaguluhan ang isipan ng tao particular na kung may ingay
at kulay sa paligid.
Kabilang sa mga bawal na halusiheno ang LSD, kabuti ng salamangka
(magic mushrooms), meskalina, ekstasi, marihuwanang may matapang na
dosis o dosahe.
-
Kabilang sa mga epekto sa katawan ng tao ng mga halusinoheno ang
pagkakaroon panlalamig ngunit may biglaang pagkaramdam ng init, panlalaki
ng balintataw, walang gana sa pagkain, pangangalambre ng sikmura,
pagduduwal, pagkakaroon ng kabilisan o pagmamadali sa paggawa, pagsasalita
at pagtawa, mayroon din pagkatakot, pagkaramdam ng nakakatuwang guni-
guni, pakiramdam na naaapi, at may mahabang panahong pagbabalik ng mga
nangyari na sa nakaraan.
C. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot
Narito ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang
tao ng bawal na gamot at ito ay nakalap natin sa isang site na pinaliwanag ng
ahensiya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino:
Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga) :
Una, pagkakaroon ng panghihina ng katawan,
pagbabago sa gawi sa pagkain,
labis na pagkasumpungin,
may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit,
paglabas ng bahay sa kabuoan ng magdamag,
madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada,
kataka-takang pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi, pagkakaroon ng
labis na bilang ng pera,
pagkawala ng mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan
-
D. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot
Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa
pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa
kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang
pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na
gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din
ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang
magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na
mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.
Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa
pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan
ang kanilang pangangailangan.
E. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot
Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang
pagkalulong sa mga bawal na gamot. Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito ay
ang mismong pag-iwas na makasanayan ng isang tao o pasyente ang pagkakaroon
ng pagkahumaling sa mga ito.
-
Kabilang ang mga sumusunod sa mga bagay na maisasagawa ng mga
magulang upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng posibilidad na
gumamit ang anak ng bawal na gamot: ang pagiging mabuting huwaran (hindi
paninigarilyo, hindi pag-inom ng alak, at hindi paggamit ng bawal na gamot), ang
pagiging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa bawal na gamot upang
magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag sa anak ukol sa masasamang mga
maidudulot nito, ang pagiging bukas at pagkakaroon ng katapatan hinggil sa
paksa, at ang hindi pagtatangkang takutin lamang ang anak hinggil sa bagay na ito.
Mahalaga rin ang tamang pakikipag-usap at pakikinig sa anak, na kinasasangkutan
ng pagdinig at pag-unawa sa kanilang mga problema at mga alalahanin, ang hindi
pagkakaroon ng labis na reaksiyon, ang hindi pagbabalewala sa mga sinasabi ng
anak. Sa pakikipag-usap, kinakailangan ang pagpapalitan ng mga opinyon at
pananaw. Hindi lamang ukol sa bawal na gamot ang huwarang tinatalakay ng mga
magulang at anak, kasama dito ang mga pang-araw-araw na mga paksang katulad
ng kaugnay ng pangyayari sa paaralan, musika, at palakasan. Sa pagiging bukas sa
ganitong mga paksa, mas magaang mapag-usapan ang hinggil sa bawal na gamot.
Kabilang pa rin sa katungkulan ng magulang upang maiwasan ng anak ang
paggamit ng bawal na gamot ang paggawa ng mga patakaran at pagpaplano.
Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang pagturo sa anak hingil sa katanggap-
tanggap na gawi sa pamumuhay, at pagpapangaral kung paano lulutasin ang mga
pagsusulangatan o hindi pagkakaintindihan.
-
Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging
kaibigan ng kanilang anak, pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito.
Magagamit ding pang-iwas sa masasamang mga gamot ang paghimok at pagtuturo
sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks o pamamahinga at mga
mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.
Kalimitang inilalaan lamang sa mga kamay ng mga kuwalipikadong mga
manggagamot, dentista, at siruhanong mga beterinaryo ang paggamit at
pagtatago ng mga gamot na bawal ngunit ginagamit sa larangan ng medisina.
Ibinibigay lamang nila ang mga ito sa pasyente sa pamamagitan ng pagrereseta.
Sa kaso ng mga pasyenteng may paulit-ulit o 10
kronikong mga
karamdaman, pinapalitan ng mga manggagamot, hangga't maaari, ang
nakakaadik na mga gamot ng hindi nakakalulong na mga uri.
May mga lehislayong inihanda at ipinatupad ang mga bansa upang
mabigyan ng regulasyon at matabanan ang pamumudmod o pamimigay ng mga
bawal na gamot sa madla. Isang halimbawa ng batas laban sa mga ipinagbabawal
na gamot ang 11
Komprehensibong Batas sa Mapanganib na Gamot ng 2002
(Batas Republika 9165) ng Pilipinas.
10
Kronikong karamdaman- isang talamak na karamdaman ay isang sakit na ito ay pang-walang pagkupas o pabalik-balik. 11
Ang Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas ay isang Batas Republika ng Pilipinas. Kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nilalayon ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
-
Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o
hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente
sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng
isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente.
Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon
sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang
hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang
magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa
sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang
adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa
itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.
Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o
pagkaadik sa iba pang mga gamot.
Ang panganib na dulot ng mga ipinagbabawal na gamot ang pangunahing
hinaharap ng bansa. Maraming pilipino, lalo na ang kabataan, ang nalululong sa
droga araw-araw. Isa sa mga ibedensya nito ay ang mga batang makikita sa
lansangan na may hawak na plastik at inaamoy ang rugby sa loob nito. Kapag
nalulong sa droga ang isang tao, nawawala ito sa tamang pag-iisip. Hindi na niya
malalaman kung ano ang ginagawa niya kung ito ba ay tama o mali. kapag ang tao
ay nalulong sa droga, kakambal na nito ang iba pang krimeng lumalaganap.
Natututo ang isang tao ng pagnanakaw kung wala na itong pambili ng gamot, ang
-
ilan ay mananakit ng ibang tao kung hindi magbibigay ng perang pambili o hindi
kaya ang pinakasama sa lahat, ang pumatay sa kapwa.
May kaugnay sa personal na pagkalito ng tin-edyer ang kanyang paggamit
ng 12
depressants. Dagdag pa pagkalito ang mass media particular na ang
telebisyon at ng sistema ng pag-aanunsyo sa paggamit ng mga gamot katulad ng
sleeping pills, tranquelizers at kemikal katulad ng alkohol.
Sa pagsusumikap na makaiwas sa sariling problema may ilang mga
kabataan ang gumagamit ng barbitures o depressants. Ang ilan ding dahilan ay
ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasama (peer group pressure), di-
panatag na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot
(boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa pakahulugang pakikipag-
ugnayan.
Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o
hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente
sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng
isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente.
Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon
sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang
hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang
magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa
12
Depressants- Ang isang ahente, lalo na ng mga bawal na gamot, na bumababa ang rate ng mga mahahalagang physiological mga gawain.
-
sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang
adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa
itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.
Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o
pagkaadik sa iba pang mga gamot.
F. Ang Mga Mag-aaral At Ang Bawal Na Gamot
KAMAY na bakal ang dapat sa drug traffickers. Sabi ng National Capital
Region Police Office (NCRPO), mga barangay naman ang kanilang susuyurin
para ganap na malipol ang mga salot ng lipunan. Ganito rin naman ang banta ng
13Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang
14Dangerous Drugs Board. Magkakaisa sila laban sa mga nagpapakalat ng bawal
na droga. Hindi raw sila titigil lalo pat si President Arroyo na ang nag-utos na
wasakin ang drug traffickers.
Ang pakikipaglabang ito laban sa mga salot ay maaaring maging simula
para mabawasan ang problema sa illegal na droga. At mas magiging epektibo ang
13
The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino: Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga) (KPLD) was established by Republic Act 9165, and enacted in the year 2002 as the leading anti-drugs office in the Philippines, under the supervision of the Dangerous Drugs Board, which in turn, is under the supervision of the President of the Philippines. 14
Ang Delikadong Gamot Board ay nilikha sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act 6,425 sa dakong huli repealed sa pamamagitan ng RA 9,165, sa kabilang banda ay kilala bilang ng Comprehensive Delikadong Drugs Act of 2002. Ang mga bago at stiffer ng batas ang mga utos na DDB na sa National patakaran ng paggawa at diskarte formulating katawan sa lahat ng bagay na nauukol sa mga bawal na gamot na pang-aabuso prevention at control. Bilang tulad ng, ang mga isyu sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa, para sa pagsunod ng lahat ng mga operating gamot katawan ng pagpapatupad ng batas at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ito ay, subalit, hindi limitado sa pagbabalangkas ng patakaran na maaaring gleaned mula sa mga enumerated function sa ilalim ng Seksyon 81 ng Drug Law.
-
kampanya, kung kasabay ding ililigtas ang mga estudyanteng lulong na sa bawal
na gamot. Sa kasalukuyan, may mga public high school students sa Metro Manila
ang gumagamit ng illegal na droga na kinabibilangan ng shabu at marijuana. Nala
thala kamakailan sa mga pahayagan ang tungkol sa mga estudyante sa isang public
high school sa Cubao, Quezon City na nahuli ng mga pulis dahil sa aktong
nagdodroga sa bakanteng lote na malapit sa school. Ayon sa mga pulis,
pagkatapos ng klase, sa bakanteng lote nagtutungo ang mga estudyante para
gumamit ng shabu at marijuana. Walang kamalay-malay ang magulang ng mga
estudyante na lulong na sa bawal na droga ang kanilang pinag-aaral na anak.
Ayon kay USEC. ANSELMO S. AVENIDO JR. Director General ng
Philippine Drug Enforcement Agency:
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating
bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang
pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang
dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi
gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang.
Kaya nang ihayag noon ni Mrs. Arroyo na siya na ang bagong anti-drug
15czar, marahil ay maraming magulang ang natuwa sapagkat sa wakas ay
napagtuunan din ng pansin ang talamak na paggamit ng illegal na droga. Sabi pa
ni Mrs. Arroyo, ang bawal na droga ang umaagaw sa lakas, kaligayahan,
kasiglahan at sigasig ng mga kabataan. Maigting ang kanyang babala sa mga drug
traffickers na tatapusin ang mga ito. Ipinag-utos din naman ng Presidente ang pag-
15
Czar- isang kataga sa wikang Eslabo na tumutukoy sa ilang mga monarchs
-
drug testinghindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga empleyado,
pulis, artista at marami pang iba.
Pero tumutol ang Commission on Human Rights sa drug testing sa mga
estudyante. Baka raw malabag ang karapatan ng mga estudyante. Ayon naman sa
Department of Education, legal ang pag-drug-test sa mga estudyante. Nakasaad
daw ito sa DANGEROUS DRUGS ACT OF 2003.
Para mas lalo pang mapaigting ang pagbibigay kaalaman ng mga
estudyante sa bawal na gamot mimabuti ng Department of Education na sundin
ang ARTICLE V., SECTION 29 NG DANGEROUS DRUGS ACT kung saan ang isinasaad ay:
Sek. 29. Delikadong Gamot Batas bilang bahagi ng School
Curriculum tagubilin sa adverse effects ng mga mapanganib na droga,
kabilang ang kanilang legal, panlipunan at pang-ekonomiyang
implikasyon, ay isinama sa existing curricula ng lahat ng mga
pampubliko at pribadong paaralan, kung pangkalahatan, teknikal,
bokasyonal o Agro-pang-industriya. Ang Kalihim ng Edukasyon,
Kultura at Sports ay dapat ipahayag tulad ng mga alituntunin at
regulasyon ng maraming ay kinakailangan, upang tuparin ang mga
probisyon nito, at sa pamamagitan ng tulong ng Board, ay dapat
maging sanhi ng publikasyon at pamamahagi ng mga materyales sa
mga mapanganib na droga sa mga mag-aaral at ng
pangkalahatang publiko.
Iligtas ang mga estudyante sa high school sa lalo pang pagkalulong sa
droga. Ipatupad na ang pagsasailalim sa kanila sa 16
drug test. Hindi dapat makinig
sa iba pang pumupuna na lalabagin ang karapatan ng mga estudyante kapag
16
Drug test-karaniwang isang teknikal na pagsusuri ng ihi, tabod, dugo, pawis, o likido sa bibig sample upang matiyak ang pagkakaroon o kawalan ng tinukoy na mga bawal na gamot o sa kanilang mga metabolized traces.
-
isinailalim sa drug testing. Nararapat nang kumilos ngayon para maagaw sila sa
lalo pang pagka lulong sa bawal na droga.
KUNG inaakala ng gobyerno na maliit na problema lamang ang ukol sa
paglaganap ng methampetamine hydrochloride o shabu, nagkakamali sila. Mabigat
na problema ang patuloy na pagkalat ng shabu sa bansa sapagkat maraming
kabataan ang sinisira. Sa kasalukuyan, pabata nang pabata ang mga nalululong sa
paggamit ng shabu. May mga estudyante sa high school na gumagamit na ng
shabu.
Kahit ilang ulit pang sabihin ng Philippine National Police (PNP) na
malaking porsiyento ng mga shabu laboratories ang kanilang sinalakay, hindi pa
rin ito katibayan para masabing buwag na ang mga sindikato. Ga-tinga lamang ang
nabawas sa kanila.
Kahit na nga maraming shabu lab ang sinalakay at nahuli ang mga Chinese
na nagluluto ng shabu kataka-taka pa rin ang pagdagsa ng shabu sa maraming
lugar. Kahit na nga ang mga liblib na lugar sa bansa na wala pang kalsada at
kuryente ay kataka-takang mayroon nang shabu. Hindi kataka-taka sapagkat
ngayon ay masyadong matapang na ang mga sindikato at idinadaan na sa
maraming port ng bansa ang shabu. Kamakailan, sangkatutak na shabu ang
nasabat ng Presidential Anti-Smuggling Group sa Subic Bay Free Port. Galing
Hong Kong umano ang shabu. Bilyong piso ang halaga ng shabu. Ang
-
nakapagtataka ay hindi na malaman kung nasaan na ang may-ari ng kargamentong
iyon. Nakatakas na o pinatakas?
Hindi maikakaila na malala na ang problema ng illegal drugs sa Pilipinas. Kung
hindi masasawata ang sindikato sa pagpupuslit sa bansa ng shabu, marami pang
sisiraing buhay.
Ang pagkakahirang kay dating senador Vicente Sotto bilang chairman ng
Dangerous Drugs Board (DDB) noong nakaraang linggo ay magandang simula
para masupil ang mga nagpapakalat ng illegal drugs. Ito ang pagkakataon para
maipakita ni Sotto ang lubusang paglaban sa illegal na droga. Si Sotto ang awtor
ng 17
RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ang batas na ito ang
naging daan para maitatag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Sotto walang lugar ang pulitika sa pakikipaglaban niya sa illegal
drugs. Sana nga ay totoo ang sinabi niya. Maraming masisiyahan kung mapalalaya
ang ilang Pinoy sa pagkasugapa sa illegal na droga.
G. Rehabilitasyon
Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o
hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente
sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng
17
isang intituating act comprehensive sa mapanganib na mga bawal na gamot ACT NG 2002, REPEALING Republic Act NO. 6,425, na kilala bilang mapanganib na mga bawal na gamot ACT NG 1,972, AS susugan, na nagbibigay ng pondo para dito, at para sa ibang layunin
-
isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente.
Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon
sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang
hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang
magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa
sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang
kanyang adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang
bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng
panggagamot.
Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na
alkoholismo o pagkaadik sa iba pang mga gamot.
H. Sintesis Ng Pag-aaral
Ang pag-aabuso sa bawal na gamot ay lumaganap sa bansa dahil sa
illegal na pagpupuslit ng bawal na gamut at drug trafficking. Maraming mga
pangkat ng bawal na gamot at kadalasang ito ang nagiging dahilan ng pag-aabuso
nito. Ang bawat mag-aaral at kabataan ay nalulong sa bawal na gamot dahil sa
kapabayaan at kadalasan pa, sa pagrerebelde. Sa kasalukuyan, maraming mga
organisasyon ang kumikilos upang masugpo ang mga nagpapalaganap ng bawal na
gamot sa bansa. Ayon sa mga pag-aaral at ibang mga psychologists, kadalasan na
ang impluwensya ng ibang tao at pagbabago sa teknolohiya ang lumalabas na
-
nagiging rason kung bakit maraming mga kabataan, kahit masama sa kalusugan,
ang tumatangkilik sa ipinagbabawal na gamot.
Ipinapatupad na sa ibang eskwelahan ang Drug-Awareness
Curriculum kung saan masusing itinuturo sa mga mag-aaral ang masamang epekto
ng bawal na gamot at kung paano ito iiwasan.
-
KABANATA III
DISENYO NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pagkalap ng mga datos sa
pamamagitan ng mga libro at babasahin o ang tinatawag na secondary source. Ito
ang paraang ginamit sapagkat hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ayos
ng isang panayam sa isang taong may kinalaman sa paksa o suliranin na mas
mainam sana. Ganunpaman ang mga datos na nakalap ay nasisigurong may
pinagbasehan at totoo.
Gumamit din ang mga mananaliksik ng internet para mas lalo pang
mapaliwanag ng maayos ang paksa. Nakatulong ito sa pagbibigay ng opinion at
rekomendasyon para sa paksang napili para sa pag-aaral.
Mayroon pang ibang ginamit tulad na lamang ng paggamit ng talaan ng
mga tanong o questionnaire, kung saan nakasaad ang mga tanong na
kapakipakinabang sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang
mga mananaliksik ng mga datos na ginamit sa graph na kabilang sa
dokumentasyon.
-
KABANATA IV
PAGTATAPOS
A. LAGOM
Ang pag-aabuso ng mga kabataan sa bawal na gamot ay bunga ng
kapabayaan at hindi wastong pag gabay sa mga kabataan. Ayon sa mga datos na
nakalap ang bawal na gamot ay may ibat-ibang pangkat at ito ang nagiging
dahilan ng pagkalito o di sinasadyang pag-abuso ng bawal na gamot na nauuwi sa
pagkalulong pa rito. Marami ang mga ahensya ng gobyerno ang kumikilos upang
maresolbahan ang napakasakit na katotohanang ang mga kabataan sa panahong ito
ay tuluyan ng naligaw ng landas. Kahit ang simpleng mamamayan ay may
magagawa upang matapos na ang problema sa bawal na gamot.
Dapat nating isuplong sa mga alagad ng batas ang mga taong nagpapakalat
ng bawal na gamot, hindi lang upang mailigtas ang mga taong maaaring gumamait
nito kundi maging iligtas ang mga taong naging masama dahil sa epedemyang
dulot ng paglaganap ng bawal na gamot.
Sa tulong ng Dangerous Drugs Board, magtatayo sa kani-kanilang
tanggapang panlalawigan ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
(DILG), ang National Youth Commission, at ang Kagawaran ng Kagalingan at
Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ng special education center para sa mga out-
of-school youth at batang-kalye. Ang nasabing Center, na pamumunuan ng
-
panlalawigang Social Welfare Development Officer, ay magiisponsor ng mga
programa sa pagsugpo sa ilegal na droga, mga gawain at kampanya na layuning
turuan at imulat ang mga out-ofschool youth at batang-kalye tungkol sa
masasamang epekto ng pang-aabuso ng ilegal na droga. Ang mga programang
sisimulan ng Center ay susundan naman ng lahat ng mga pampubliko at pribadong
bahay-ampunan at sentro para sa mga batang-kalye.
Mungkahi ng ibat ibang awtor ang pagkakaisa at pagdadamayan para
matigil na ang walang kabuluhang pagdanak ng dugo dahil sa epekto ng bawal na
gamot.
B. KONKLUSYON
Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin ang
pagbabagong buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong kinabukasan.
Maaaring may mga taong walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan nila
ngunit natitiyak naman na mayroong mga taong hangad ang kanilang magandang
kinabukasan at pagbabago. Ang ibat-ibang organisasyon tulad na lamang ng
Dangerous Drugs Board o DDB ay naglalayong maisalba ang mga kabataan mula
sa kasawiang idinulot ng bawal na gamot. Ang mga kabataang nasa ilalim ng
kanilang bubong ay nabibigyan ng pagkakataong tumira sa maayos na tahanan na
may kaakibat na wastong pangangalaga, rehabilitasyon at counseling kung saan
tinuturuan sila ng mga alternatibong mga gawain para tuluyan na nilang maiwasan
ang bawal na gamot.
-
Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil lamang sa
sandaling pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi lamang ang buhay
niya kundi pati na rin ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Totoong napakahirap lutasin ang ganitong klaseng problema, lalung lalo na
kung wala tayong pagkakaisa at pagtutulungan. Sa dami ng mga kaso ng
kabataang nalulong sa bawal na gamot siguradong mahihirapan ang mga ahensya
ng gobyerno na tulungan sila. Ang mga mamamayang may malasakit at
kagandahang loob ay maaaring mga taong magsilbing gabay at tulong sa ilang
kabataang minsan nang naligaw ng landas.
C. REKOMENDASYON
Dahil sa hindi nabibigyan ng pansin ng gobyerno o ibang mga ahensya ang
karamihan sa mga kabataang lulong sa bawal na gamot, tuluyan ng naliligaw ng
landas ang mga ito at nawawalan ng pag-asa. Makakatulong sa mga kabataang
lulong sa bawal na gamot kung magbibigay ng ispiritwal, emosyona at pisikal na
tulong sa mga ito.
Hindi lamang makakabigay ng kaalaman sa pag-iwas sa bawal na gamot
kundi ang pagkalinga at pagmamahal para muling mabuo ang maayos na
pagkatao.
-
Inererekomenda ng mga mananaliksik na gawin ng pamanahong papel sa
mahabang oras, sikapin din na maghanap pa ng iba pang pagkukunan ng
impormasyon tulad ng mga departmento.
-
BIBLIYOGRAPIYA
BOOKS
Remedios Nalundasan Abijan, DR. R.C. Cruz at Dr. A.L. Miranda, Physical Education Health and Music II, pp. 193-194, St. Augustine
Publication Inc., 1997
Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagarawan ng Edukasyon at Sports, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan, at Musika III, p.77, Book
Media Press, Inc., Ediyon 1997
Impact of Science on Society: Mans Addiction and How to Deal With Them Volume 34, No. 33, 1984
Celia T. Adriano, G.I Sacdalan at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika III, p. 168, FNB EDUCATIONAL
INC., Ediyon 2000
Guineveve I. Sacdalan, I.B. Avino at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika IV, p. 97, FNB EDUCATIONAL
INC., Ediyon 2000
Robert C. Kolodny, N.J. Kolondy, T.E. Bratter at C.A. Deep, How to Survive Your Adolescents Adolescence, p.95, Brown and Company, 1984.
Are, Eriksen et al. Alcohol and Drugs Perspective: Prevention and Control Asia Pacific Region, Ramatlana, Sri Lanka Fe. 1988
Gold, Mark, The Facts About Drugs and Alcohol
Nowlis, Helen. Drugs Demystified. UNESCO Press, Paris 1975
SOURCE BOOKS/HANDBOOKS
Questions Young People Ask, Answers that Work, pp. 280-281, Watchtower bible and tract Society of New York Inc. 1989
Source Book on Drug Education, DECS, Pasig Metro Manila, 1999
A Primer, Drug Abuse and You R.A No. 6425 as amended
Handbook and Resource Guide on the Intensified School-Based Community Oriented Drug Abuse Prevention and Control Program.
Resource Book for drug Abuse Education (Second Edition) National Clearing House for Drug Abuse Information.
MAGAZINES/PAMPHLETS/JOURNALS
The Dangerous Drugs Act of 1972
What you should Know About Drugs- An Information Kit for a Drug-free Philippines
Adolescent Counselor, Vol. I, No. 6, February-March 1989
-
Health and Home VIII (compilation from August to November)
A Primer of Parent How Can You Tell of Your Child Is Into drugs
WEBSITES
denzy-dane.xanga.com, ni Dane Anderson P. Estialbo, Mga Suliranin ng Bansa: Paano ka mawawala?, ikalawang talata, Monday, 08 September
2008
Web address: dxupfm.i.ph/blogs/dxupfm/2009/.../epekto-ng-bawal-na-
gamot/, (November 11 2009, -Miyerkules - Script na sinulat ni Alih
Anso para sa programang Buhay buhay sa DXUP (7:00-8:00 A.M) sa segment na Nakaka. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=434030,
EDITORYAL - Iligtas ang mga estudyanteng lulong sa bawal na
droga (Pilipino Star Ngayon) Updated January 23, 2009 12:00 AM
Wikipedia.org
Urbandictionary.com
http://www.gov.ph/cat_pubsafety/drugst.pdf
http://encyclopedia.thefreedictionary.com/drug+test
http://www.docstoc.com/docs/8080035/RA-9165-Comprehensive-Dangerous-Drugs-Act
-
APPENDIX
Ang mga mananaliksik ay nagpakalat ng questionnaire para masagot
ang mga katanungang kinailangan upang mabuo ang graphical
representation na ito.
Paliwanag: Sa bawat 10 estudyante 5 ang nagsasabing depresyon ang dahilan ng
pagkalulong ng isang indibidwal sa bawal na gamot.
Paliwanag: Sumasang ayon ang mga kabataan ang paglalagay sa mga taong
lulong sa bawal na gamot sa mga rehabilitasyon.
0246
Bila
ng
Ng
Kab
ataa
n
Mga Sanhi
Ano ang dahilan kung bakit nalululong ang kabataan sa bawal na gamot?
0
5
10
Oo Hindi Ewan
Dapat bang ipasok sa mga rehabilitasyon ang mga kabataang lulong sa bawal na gamot?
Series1