2012 Fil UBD First Term #1

7
UbD Yunit 1 – Ikaapat na Baitang Pamagat: Kapayakan Asignatura: Filipino 4 Panahon: 21 araw Designers: Bb. Abat ,Bb. Buentipo at Gng. Soliman Stage 1 – Inaasahang Bunga Mga Tunguhin: Pagkatapos ng yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: - Nalalahad ang mga gawaing nagpapakita ng payak na pamumuhay - Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin - Natutukoy ang balangkas ng akda gamit ang mahalagang detalye nito - Nasusuri ang mga pahayag kung ito ay parirala o pangungusap - Nakapagpapahayag ng mga paalala / pagwawasto kamalian ng isang pahayag gamit ang mga ayos ng pangungusap - Nakapagbibigay ng mungkahi tungkol sa isang paksa gamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit - Nagagamit ang panghalip sa araw araw na pakikipagtalastasan - Naipapakita ang wastong gamit ng panghalip mula sa ginawang iskit Mga Pangunahing Kaalaman: Mauunawaan ng mga mag- aaral na: - Mahalaga ang pamumuhay na payak - Nagiging mabisa ang pakikipag kominikasyon kung wasto ang pagkakabigkas ng salita - Mahalaga na maipahayag ko ng wasto ang aking mensahe sa aking kausap. - Ang pagiging mabuti ay mahalaga sa lahat ng pagkakataon. - Sa aking simpleng paraan, ay maipapaabot ko ang aking tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng aking sarili at panahon. - Nakatutulong ang pagtukoy sa mga mahahalagang detalye ng kwento upang mas maunawaan ko ang akdang nabasa. Mga Pangunahing Katanungan: - Nabubuhay ba ako ng payak araw araw?.Paano ko ito naipapakita? - Paano ko mapapabuti ang pakikipag usap ko sa ibang tao? - Ano- ano ang aking mga pamantayan upang mailahad ko ang tamang mensahe sa pakikipagtalastasan? - Bakit ako gumagawa ng mabuti? - Sa simple kong pamumuhay, ano- ano ang mga maari kong maibigay sa mga tao sa aking paligid? - Ano- ano ang mga istratehiya na maari kong gamitin upang mas maunawaan ko ang aking nabasang kwento? Mga Nilalaman: A. Pagpapalawak ng Talasalitaan - Pagbibigay ng kahulugan sa salita ayon sa pagkakagamit nito. B. Pagbasa -Pagtukoy sa detalye ng kwento Mga Kasanayan: - Nagagamit sa pasalitang komunikasyon ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit. - Naisasalaysay na muli ang kwento gamit ang mga mahahalagang detalye - Naisasatinig ang kahalagahan

description

ubd plab

Transcript of 2012 Fil UBD First Term #1

Page 1: 2012 Fil UBD First Term #1

UbD Yunit 1 – Ikaapat na Baitang

Pamagat: Kapayakan Asignatura: Filipino 4Panahon: 21 araw Designers: Bb. Abat ,Bb. Buentipo at Gng. Soliman

Stage 1 – Inaasahang BungaMga Tunguhin: Pagkatapos ng yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:- Nalalahad ang mga gawaing nagpapakita ng payak na pamumuhay- Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba

ang diin- Natutukoy ang balangkas ng akda gamit ang mahalagang detalye nito- Nasusuri ang mga pahayag kung ito ay parirala o pangungusap- Nakapagpapahayag ng mga paalala / pagwawasto kamalian ng isang

pahayag gamit ang mga ayos ng pangungusap - Nakapagbibigay ng mungkahi tungkol sa isang paksa gamit ang mga uri ng

pangungusap ayon sa gamit- Nagagamit ang panghalip sa araw araw na pakikipagtalastasan- Naipapakita ang wastong gamit ng panghalip mula sa ginawang iskit

Mga Pangunahing Kaalaman:Mauunawaan ng mga mag- aaral na:- Mahalaga ang pamumuhay na

payak - Nagiging mabisa ang pakikipag

kominikasyon kung wasto ang pagkakabigkas ng salita

- Mahalaga na maipahayag ko ng wasto ang aking mensahe sa aking kausap.

- Ang pagiging mabuti ay mahalaga sa lahat ng pagkakataon.

- Sa aking simpleng paraan, ay maipapaabot ko ang aking tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng aking sarili at panahon.

- Nakatutulong ang pagtukoy sa mga mahahalagang detalye ng kwento upang mas maunawaan ko ang akdang nabasa.

Mga Pangunahing Katanungan:- Nabubuhay ba ako ng payak araw

araw?.Paano ko ito naipapakita? - Paano ko mapapabuti ang

pakikipag usap ko sa ibang tao?- Ano- ano ang aking mga

pamantayan upang mailahad ko ang tamang mensahe sa pakikipagtalastasan?

- Bakit ako gumagawa ng mabuti?- Sa simple kong pamumuhay, ano-

ano ang mga maari kong maibigay sa mga tao sa aking paligid?

- Ano- ano ang mga istratehiya na maari kong gamitin upang mas maunawaan ko ang aking nabasang kwento?

Mga Nilalaman:A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

- Pagbibigay ng kahulugan sa salita ayon sa pagkakagamit nito.

B. Pagbasa- Pagtukoy sa detalye ng kwento

C. Wika- Pagbuo ng parirala at

pangungusap- Paggamit ng mga panghalip

panao at pananong- Paggamit ng pangungusap ayon

sa gamit

Mga Kasanayan:

-Nagagamit sa pasalitang komunikasyon ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.-Naisasalaysay na muli ang kwento gamit ang mga mahahalagang detalye-Naisasatinig ang kahalagahan ng pamumuhay ng payak- Nakakabuo ng usapan gamit ang mga panghalip- Nabibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa pagkakabigkas at gamit nito sa pangungusap

Pagpapahalaga:

Page 2: 2012 Fil UBD First Term #1

Mamuhay ng ayon sa aking kakayahan at huwag magkumpara kaninuman Bigyang importansya ang pangangailangan hindi ang aking kagustuhan

Lagumang Pagtataya:

G- Nakagagawa at naisasatao ang skit na nagpapakita ng isang simpleng pamumuhay na gumagamit ng mga panghalip panao, pananong at mga iba’t ibang pangungusap ayon sa gamit.

R- ArtistaA- Guro at kamag- aralS- Naatasan kang gumawa at magsadula

ng isang iskit na nagpapakita simpleng pamumuhay dala ng kahirapan

P-Bawat pangkat ay bubuo ng isang iskit na naglalahad ng mga sitwasyon o pagkakataon na nagpapakita ng simpleng pamumuhay

- Nawalan ng trabaho ang padre de pamilya.

- Umalis papunta ng ibang bansa ang iyong ina upang magtrabaho bilang katulong

- Pasukan na ngunit kulang pa ang pambili mo ng mga gamit sa paaralan.

- Kulang ang ibinigay na baon sa iyo ng iyong mga magulang para sa isang lingo.

S- Iskrip na gagamitin sa pagsasadula, rubrics, kagamitan Pagtatayang Pormatibo

Maikling Pagsusulit SQ#1 15/15- Homonyms- Parirala at pangungusap- Ayos ng pangungusap

SQ #2 10/10- Uri ng pangungusap- Panghalip panao

Lagumang Pagsusulit DyornalGawaing Upuan :

Graphic Organizer Sanayang Papel #1 Dal. 46 Gawain 3 (1-5) (parirala

pangungusap)

Dal. 61 Gawain 4 (Pang, ayon sa gamit)

Dal. 151 Gawain 2 (1-5) ( Panghalip Panao)

Dal.172 Gawain 3 (1-5) (Pang. Pananong)

Gawaing Bahay Sanayang papel #1 Dal. 46 Gawain 3 (6-10) (parirala

pangungusap)

Dal. 60 Gawain 3(Pang, ayon sa gamit)

Dal. 151 Gawain 2 (6-10) (Pang. Ayon sa gamit.

Dal. 173 gawain 4 (1-4) (pang.na pananong)

Pangkatang Gawain #1Rubrik sa Paggawa/Pagpapakita ng Isang Komersyal

Stage 3 – Mga Karanasan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Pamantayan 2 1Nilalaman Naging malinaw at

organisado ang paksang isusulat

Walang linaw at di organisado ang paksa

Layunin Malinaw at maliwanag ang layunin

Walang linaw at liwanang ang layunin

Gamit ng mga salitang hinihingi

Angkop ang pagkakagamit ng salita sa pagsulat ng iskit

Di gaaanong angkop ang pagkakagamit ng salitang sa pagsulat ng iskit

Pag-uulat Malinaw at maayos ang pagkabigkas at napukaw ang interes ng mga manonood

Hindi gaanong malinaw at maayos ang pagkabigkas at hindi gaanong napukaw ang interes ng manonood

Kaayusan Maayos, malinis at maliwanag ang ginawang pagsulat ng iskit.

Hindi nagging malinis at maayos ang binuong iskit.

TOTAL: 10 pts.

Page 3: 2012 Fil UBD First Term #1

Unang Araw ( Ang Pamilya Zamora)a. Talasalitaan ( Pagbibigay ng Kahulugan ng mga Salita)b. Pagganyak- Pagpapakita ng larawan ng aksidente sa kalsada ( Hook:bakit kaya

nagkaroon ng aksidente?)c. Pag-uugnay ng pagganyak sa kwentong babasahin.d. Paggawa ng mga pagganyak na tanonge. Pahasip na pagbasa ng akdaf. Pagsagot sa mga ibinigay na katanungang. Talakayan sa Pagpapahalaga- Pagsunod sa mga simpleng alituntunin sa paaralanh. Ano ang masasabi mo sa ugaling ipinakita ng pamilya sa kwento ( R of Crown)

Ikalawang Araw a. Pagganyak – Pagbasa ng Tula tungkol sa kwentong nabasab. Pagtalakay sa mensahe ng tulac. Paglalahad ng mga mahahalagang detalye ng kwentod. Pagpuno sa Graphic organizer (FGO)e. Pagbabahagi ng mga piling mag-aaral ng kanilang natapos na gawain.f. Pagbabahagi ng kanilang naramdaman tungkol sa natapos na gawain. (N of Crown)

Ikatlong Araw ( Homograpo )

a. Pagganyak- Pagbasa ng tula

Ako ay nalilito Mga salita ay nakahihiloAng sabi ng guro aklat ay binabasaNgunit sa tubig di dapat binabasaHuwag daw dumikit sa init at baka mapasoPero ang halaman sa paso tinatayo?Ano ba naman ito?Kung isusulat ay magkaperehoKapag babasahin ay nakaloloko

“Upo!” sa silya ay turo ni tatayHinintay ko tuloy ang upo na luto ni nanayParang hindi magkaibaBaybay nila ay iisaDi parehas kung bibigkasinDapat sa usapan ito ay pipiliinPara magkaintindihanAlamin muna ang kahuluganBigakasin ng malinawPara kausap ay hindi maligaw

Ayon sa tula, paano daw natin dapat gamitin ang mga salitang nakalilito? Bakit? ( EQ2)

b. Paglalahad Pagtukoy sa mga salitang nakasulat ng pahalang (ano ang masasabi mo sa

kanila?)c. Pagbabahagi ng iba pang halimbawa ng salitang parehas ng baybay ngunit magkaiba

ang kahulugan na alam na nilad. Pagsagot sa sagutang papele. Pagsulat ng dyornal #1: Pagsagot sa EQ # 3f. Pagbabahagi ng mga natapos na dyornal

Ikaapat na Araw (Kasanayan sa homograpo)a. Balik aral: Pagtapat tapatin ang mga salita sa wastong larawanb. Pagganyak- pagbigkas ng pilipit dilac. CLT: Number Heads Together

1. Pagtukoy kung wasto ang pagkakagamit ng 2 salitang homograpo sa pangungusapat pagbibigay ng wastong sagot kung mali

2. Bawat pangkat ay bibigyan ng puntos sa bawat wastong sagot nilad. Pagtalakay sa kinalabasan ng gawaine. Pagsusuri na muli ng mga pangungusap at pagbibigay dahilan kung bakit mali ang

pagkakagamit sa salitaf. Pagsagot sa sanayang papelg. Ano ang pinakamahirap na ginawa mo sa araw na ito?

Ikalimang Araw ( Parirala at Pangungusap)A.Pagganyak-Pagbasa ng palaispan (masasagot mo ba ang palaisapan kung hindi ito kunpleto? Bakit?) b. Paglalahad:

Paghahanay ng pangkat ng mga salita sa dalawang kolum Paghahambing ng dalawang pangkat Pagpuna sa pangkat ng mga salitang walang buong diwa. Pagbibigay pansin sa mga salita tulad ng TAYO!, UPO! HALIKA! at pagpansin sa

Page 4: 2012 Fil UBD First Term #1

pagkakaiba nito sa mga pangkat ng salita na hindi buo ang diwa Paglalagay ng leybel sa mga pinangkat ng PARIRALA AT PANGUNGUSAP Pagbibigay ng kahulugan ng PARIRALA at PANGUNGUSAP mula sa mga halimbawa

c. Pagsagot sa Dal: Pagbuo ng pangungusap mula sa pariralad. Gawaing Bahay: Sagutan ang Dal. 46 Gawain 3 (6-10)e. Pagbabahagi ng bawat grupo ng mga nabuong pangungusap.

Ikaanim na Araw( Kasanayan sa Parirala at Pangungusap)a. Balik Aral- Pagdugtong sa parirala upang maging pangungusapb. Pagganyak- Pagsasaayos ng mga salita upang maging pangungusapc. Gawain: Communal Writing

Mula sa mga parirala ay bubuo ng isang maikling talata ang bawat pangkat

d. Pagbabahagi ng mga natapos na gawaine. Pagbibigay ng kanilang reaksyon hingil sa nagawa ng kanilang pangkat. (R of

Crown)

Ikapitong Araw( Ayos ng Pangungusap)a. Pagganyak- Pagsusuri sa mga larawan at pagbibigay ng pangungusap hinggil sa

larawanb. Paglalahad

Pagsususri sa mga pangungusap na ibinigay ( Dapat ay naipangkat na ito kapag sinulat sa pisara)

Pagbibigay ng kaibahan pangkat Pagbibigay pa ng ibang halimbawa para sa bawat pangkat Paglalahad ng nagalan ng unang pangkat ay KARANIWAN at ang isa ay DI-

KARANIWANc. Pagbibigay turing sa KARANIWAN at DI KARANIWANG ayos ng pangungusapd. Pagsasanay: Pagtukoy kung ang pangungusap ay karaniwan o di karaniwan

( ensayo)e. Pagsagot sa gawaing upuan: Gawing karaniwan ang pangungusap na di-

karaniwan at bise-bersef. Pagwawasto ng mga kasagutan.g. Gamit ang mga daliri sa kamay ay bigyang puntos ang araw na ito. 5 ang pinaka

taas at 1 ang pinaka mababa.Ikawalong Araw- (Pakikinig at SQ#1)

a. Pagganyak- Pagsusuri sa larawan ng ilog Pasig, noon at ngayonb. Pagtukoy sa pagkakaiba ng dalawang larawan at mga maaring dahilan kung bakit

nangyari ang malaking pagbabago.c. Pagasagot sa EQ # 5d. Pagkikinig ng awiting “ Anak ng Pasig” e. Pagsagot sa sagutang papelf. Pagwawasto ng gawaing. Pagsagot sa maikling pagsusulith. Pagwawasto ng sagutang papel.i. Pagsusuri sa layunin

Ikasiyam na Araw ( Anghel) a. Pagganyak: Hook- Naniniwala ka ba sa anghel? Bakit? Paano ba nagiging isang

anghel?b. Pagbasa sa pamagat ng kwentong babasahin at pag iskan sa mga larawanc. Pagbibigay hinuha tungkol sa kwentong babasahind. Pagbasa sa kwentong “Anghel” sa Dal. Pah.53 gamit ang “ Stop and Go

Technique” e. Pagsagot sa mga tanong patungkol sa kwento.f. Dyornal # 2 : Pagsagot sa EQ # 4g. Pagbabahagi ng mga nataopos na dyornal

Ikasampung Araw ( Mahahalagang detalye ng kwento)a. Balik –aral- Pass the ball techiqueb. Pagganyak: sino ang kakilala mong anghel?c. Pagbuo ng balangkas ng kwneto gamit ang mahahalagang detalye nito

Pangkat 1 at 2= Character profile Pangkat 3 at 4= Sino ang anghel para sa iyo? Bakit? Pangkat 5 at 6= Pagguhit ng mga maaring mong magawa upang maging isang

anghel Pangkat 6 at 8= Pagsulat ng liham pasasalamat sa isang anghel

d. Pagbabahagi ng bawat pangkat ng kanilang natapos na gawain

Page 5: 2012 Fil UBD First Term #1

e. Pagbibigay ng kudos pangkat

Ikalabingisang Araw( Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit)a. Pagganyak-Pagbasa ng kwentong “Bakit Umiiyak ang Langit?”b. Pagtalakay sa nilalaman ng kwentoc. Pagpuna sa mga pangungusap na nakahiligd. Pagpansin kung paano ginamit ang bawat pangungusape. Pagbibigay ng pagkakaiba- iba at katangian ng bawat pangungusapf. Pagbibigay ng iba pang halimbawa ng bawat pangkat ng pangungusapg. Pagtalakay sa iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamith. Pagsasanay: Pagtukoy ng uri ng pangungusapi. Gawaing Upuan: Pagbuo ng hinihinging uri ng pangungusap gamit ang larawan.j. Dyornal #3: Pagsagot sa EQ # 1k. Pagbabahagi ng nabuong dyornal.

Ikalabindalawang Araw( Panghalip Panao)a. Pagganyak: Pagbasa ng isang diyalogo na hindi gumagamit ng panghalip. (Ano ang

masasabi nyo sa usapan nila?)b. Paglalahad:

Pagsasaayos ng usapan upang mas malinaw Pagpuna sa ginawa nila sa mga pangngalan upang mas maintindihan nila ang

usapan Pagbibigay ng katawagan sa mga salitang ginamit ( Panghalip panao) Pagbabahgi ng gamit ng panghalip panao Pagbibigay ng iba pang halimbawa nito

c. Pagsasanay: Bilugan ang panghalip panao sa pangungusapd. Gawaing upan: Dal. 172 Gawain 1e. Pagbabahgi ng kanilang nga natutuhan sa araw na ito

Ikalabintatlong Araw( Pakikinig #2 at SQ # 2)a. Pagganyak-Pagsusuri ng larawan ng isang alipin

Pagbibigay ng mga alam nila na katangian ng isang alipinb. Pagbabahagi na noon ay hindi pinagbabawal ang mga alipin at kadalasan ay sila ay

binibenta sa mga pamilihanc. Pagbasa ng kwentong “ Ang Matalinong Alipin”d. Pagsagot sa mga tanong ng kwentoe. Pagwawasto ng sagot.f. Pagsagot sa maikling pagsusulitg. Pagbabahagi ng kanilang naramdaman sa araw na iyon.

Ikalabingapat na Araw (Mapalad Ako)a. Pagganyak: Pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pagdiriwang ng kanilang

kaarawan. Pagsusuri sa larawan ng isang bahay ampunanb. Pagbasa sa pamagat ng kwento. ( Ano ang ibig sabihin ng mapalad?)c. Pagbasa sa kwentong “Mapalad Ako” sa Dal. Pah.27 gamit ang “ Popcorn

Technique” d. Pagsagot sa mga tanong patungkol sa kwento.e. Pasalitang sagutin ang EQ #5

Ikalabinglimang na Araw ( Pagsusuri sa tauhan ayon sa pahayag)a. Balik- aral: Paglaro ng “ Kwento ko, dugtungan mo”b. Pagganyak: Paglalahad ng mga di malilimutang diyalogo ng mga kilalang

personalidad at huhulaan nila kung sino ang nagsabi niyon.c. Pagsusuri sa mga sinabi nila at pagbabahagi ng kanilang naiisip tungkol sa

personalidad matapos marinig ang pahayag nito.d. CLT: Pagsusuri sa tauhan ng kwentong “mapalad ako” gamit ang kanilang mga

pahayag. Bawat pangkat ay bibigyan ng pahayag. Tutukuyin nila kung ang nagsasalita ay babae o lalake. Galit, masaya, nahihiya o nalulungkot.

e. Pababahagi ng mga natapos na gawainf. TPS: Bilang bata, ano ang magagawa mo para sa iyong kapwa?

Ikalabinganim na Araw (Panghalip Pananong)a. Pagganyak: Pagkikinig ng isang balitab. Paglalahad:

Pagbuo ng mga tanong mula napakinggang balita Pagpuna sa simula ng bawat tanong at kung ano ang sagot nito.

c. Patalakay sa mga panghalip pananongd. Pagsasanay: Pagtukoy ng angkop na panghalip pananong para sa pangungusap

Page 6: 2012 Fil UBD First Term #1

e. Gawaing Upuan: Pagbuo ng tanong gamit ang panghalip pananong mula sa mga larawang ipapakita.

f. Dyornal #3: Ano ang kahalagahan ng pagiging mapag usisa?

Ikalabingpito hanggang Ikalabing siyam na araw ( Lagumang Pagtataya)a. Paglalahad ng GRASPS para sa Performance Task.b. Paglalahad ng paghahanda para sa presentasyon. - Paggawa ng iskit ng bawat pangkat.c. Pagbibigay ng rubrics para sa presentasyon.d. Presentasyon ng bawat pangkat.e. Ebalwasyon ng isinagawang gawain.

Ikadalawampung Araw- Balik AralIkalabingisang Araw- Mastery test