126110136 Downloaded Lesson Plan

8
Banghay-Aralin sa Hekasi VI (Unang Markahan) Inihanda ni Gng. Luningning R. Racasa, Master Teacher I-VPES Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino I. Layunin: 1. Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. 2. Naiisa isa at naitatala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. 3. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain. II. Paksang- aralin 1. Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino. 2. Batayan: BEC I-B 2 p. 16 Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 pp. 44 45 Ang Bayan Kong Mahal pp. 56 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pp.32-46 Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan pp. 32-38 4. Mga Kagamitan Mga larawan na nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. Tsart 5. Integrasyon: Edu. sa Pagpapahalaga - Pagpapahalaga sa mga paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino III. Mga Gawain / Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1.Pag-uulat 2. Balik aral Anu-ano ang pangkat etniko sa bansa? Paano nagkakatulad ang mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?

description

jj

Transcript of 126110136 Downloaded Lesson Plan

Page 1: 126110136 Downloaded Lesson Plan

Banghay-Aralin sa Hekasi VI

(Unang Markahan)

Inihanda ni Gng. Luningning R. Racasa,

Master Teacher I-VPES

Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino

I. Layunin:

1. Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino.

2. Naiisa – isa at naitatala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga

Pilipino.

3. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain.

II. Paksang- aralin

1. Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino.

2. Batayan:

BEC I-B 2 p. 16

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 pp. 44 – 45

Ang Bayan Kong Mahal pp. 56

Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pp.32-46

Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan pp. 32-38

4. Mga Kagamitan

Mga larawan na nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod

sa mga Pilipino.

Tsart

5. Integrasyon:

Edu. sa Pagpapahalaga - Pagpapahalaga sa mga paniniwalang nagbubuklod sa mga

Pilipino

III. Mga Gawain / Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1.Pag-uulat

2. Balik – aral

Anu-ano ang pangkat etniko sa bansa?

Paano nagkakatulad ang mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?

Page 2: 126110136 Downloaded Lesson Plan

3. Pagganyak:

Nakakita na ba kayo ng mga mamamayang nagtutulong-tulong upang ilipat ang isang

bahay?

Ano ang tawag sa ganitong gawain?

Ano ang ipinapakita ng bayanihan sa mga mamamayan?

Paano ito masasabi na isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino?

Paano nito nabubuklod ang mga Pilipino?

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagbubuo ng Suliranin:

Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino?

2. Pangkatang Gawain:

a. Idikit sa paligid ng silid-aralan ang mga sumusunod na larawan:

Pamilyang Nagsisimba All Souls day

Bayanihan Pamilyang Nagtutulungan

Bayaning Nakikipaglaban para sa Kalayaan

Mamamayang Nakikipagtulungan sa Pamahalaan

Pamilyang Nagdadamayan kung may kasalan, namatayan, at iba pang okasyon

b. Isang makabayang awitin ang pakikinggan

c. Pagsimula ng tugtog, pupunta ang bawat grupo sa mga larawang nakadikit sa

bawat paligid ng silid-aralan

d. Pag-aralan ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa Pilipino na

ipinahihiwatig ng mga larawan.

3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

4. Pagtatalakayan:

a. Paano nabubuklod ang mga Pilipino sa bayanihan? Kasalan? Pagdiriwang ng araw

ng patay? Pasko? Bagong taon? Pananalig sa Diyos? Pagpapahalaga sa

Demokrasya at kalayaan?

b. Alin sa mga pagpapahalagang ito ang ginagawa ng inyong pamilya? Bakit?

c. Sa palagay mo, alin sa mga pagpapahalaga natin ang dapat panatilihin at hindi?

Bakit?

C. Pangwakas na Gawain:

Page 3: 126110136 Downloaded Lesson Plan

1. Pagbubuo ng kaisipan sa pamamagitan ng graphic organizer

Anu-anong pagpapahalaga at paniniwala ang nagbubuklod sa mga Pilipino?

2. Paglalapat:

Sa inyong barangay sa ngayon, alin-aling pagpapahalaga at paniniwala ang nakikita o

isinasagawa pa ?

Paano nyo ito sinasagawa?

Nakatutulong ba ito upang ang mamamayan sa inyong lugar ay magkabuklod? Bakit?

3. Pagpapahalaga:

Mahalaga ba na panatilihin natin ang ating mga pagpapahalaga at paniniwala? Bakit?

Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ating mga paniniwala?

Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapalaganap at mapapahalagahan ang mga

magagandang pagpapahalaga at paniniwala ng ating lahi?

IV. Pagtataya:

Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung anong pagpapahalaga ng mga Pilipino

ang ipinahihiwatig ng bawat isa. Piliin ang sagot sa kasunod na talaan.

1. Naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga dayuhang nais na sumakop sa kanila.

2. Ang mga mamamayan ang pumipili ng mga pinunong mamamahala sa bansa.

3. Magkakatulad sa mga tinatamasang karapatan at kalayaan ang mga mahihirap at

mayayaman.

4. Hindi tumatanggap ng anumang regalo o suhol ang mga pinuno at kawani

ng pamahalaan sa mga serbisyong ibinibigay ng mga ito sa mga tao.

5.Sinisikap ng tao na na gumagawa ng mabuti sa kapwa habang siya ay nabubuhay.

6. Kapag minamahal natin ang ating mga kapwa gumagawa tayo ng kabutihan sa kanila.

7. Pinararaan natin ang pagkakataong makapagpapa-unlad sa kabuhayan, huwag

lamang malayo sa pamilya.

8. Ginagawang dekorasyon sa tahanan ang diploma ng mga anak na nagtapos sa pag-

aaral.

Paniniwala sa kabilang buhay Kalayaan

Pagkakapantay-pantay Katapatan sa paglilingkod

Demokrasya Pag-ibig sa kapwa

Edukasyon Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

Maayos na pagtanggap sa bisita

Page 4: 126110136 Downloaded Lesson Plan

V. Takdang –aralin:

Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino.

Idikit ito sa bond paper at ilagay sa folder.

Page 5: 126110136 Downloaded Lesson Plan

Lesson Plan in Sibika at Kultura April 7, 2006 · 9 Comments · Uncategorized

I.Layunin:

A.Nakikilala ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling pook/bansa.

B.Nailalarawan angmagagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling pook/bansa.

Naiguguhit ang magandang tanawin ng Bulkang Mayon.

Pagmamalaki at Pagpapahalaga

II. Pinag-isang Tema: Pilipinong Makabayan

Paksa: Pilipinas ang Magandang Bansa

Kaisipan: Mahalin at Ipagmalaki ang bansa

Sanggunian: Sibika at Kultura1

PELC1.B.8

III. A.Panimulang Gawain:

Balik-aral

Ipakita ang larawan ng Talon ng Pagsanjan at Hundred Islands. Saan matatagpuan

ang Talon ng Pagsanjan? Bakit marami ang dumarayo roon?

Page 6: 126110136 Downloaded Lesson Plan

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Nakakita na ba kayo ng bulkan o isang larawan nito? Maganda ba ito o

nakakatakot?

2. Paglalahad:

a. Sa saliw ng awiting iparirinig ay ganyakin ang mga batana ipikit ang

mga mata at magkaroon ng imaginary trip sa isang magandang pook.

Anong pook ang inyong narating? Ilarawan ang mga bagay na inyong nakita sa

inyong isip.

b.Sa pamamagitan ng larawan ay magpakita ng ibat-ibang magandang tanawin o

pook pasyalan.

3. Pagtatalakay

Ipakita ang mga larawan ng mga batang nagkaroon na ng pagkakataong

makapunta sa mga pook na ito.

Page 7: 126110136 Downloaded Lesson Plan

Bakit ito dinarato ng mga Pilipino at dayuhan? Ano ang nadama nila sa pagka-

karoon ng Pilipinas ng magandang tanawing ito?

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Pumili ng isang larawan at hayaang magsabi ang mga bata kung bakit napili ang

larawan ng tanawin o pook pasyalan.

2. Paglalapat:

a. Dapat mo bang ipagmalaki ang magagandang tanawin sa Pilipinas? Bakit?

b. Iguhit ang paglubog ng araw sa isang puting papel.

IV. Pagtataya:

Isulat sa patlang ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali.

1. Dinarayo ng mga turista ang ating magagandang tanawin.

2. Matatagpuan sa Albay ang Bulkang Taal.

3. Sa Quezon matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan.

Page 8: 126110136 Downloaded Lesson Plan

4. Ang Banawe Rice Terraces ay ginawa ng mga Ifugao.

5. Dapat nating ipagmalaki ang magagandang tanawin.

V. Takdang Aralin

Maghanap ng larawan ng paglubog ng araw at idikit sa bond paper.

VI. Karagdagang Gawain:

Gumuhit ng isang magandang tanawin ng bansa na gusto mo.