05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

10
H E K A S I 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KABABAIHAN SA PANAHON NG NINUNO Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Transcript of 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

Page 1: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

H E K A S I

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

KABABAIHAN SA PANAHON NG NINUNO

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

1

GRADE V

KABABAIHAN SA PANAHON NG NINUNO

Masdan mo ang larawan. Ano ang napansin mo sa paglalakad ng mga babae at lalaki?

Basahin mo ang salitang ito: KABABAIHAN. Ano ang pagkaunawa mo

tungkol dito?

Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung paano pinahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan.

Game ka na ba?

ALAMIN MO

Page 4: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

2

Sipiin ang dalawang larawan sa iyong notebook.

1. Isulat mo sa larawan A ang mabubuting ugali na ipinakikita mo sa kapatid mong babae o sa mga kaibigan mong babae.

2. Isulat mo sa larawan B ang mabubuting asal na ipinakikita mo sa

kapatid mong lalaki o sa mga kaibigan mong lalaki.

PAGBALIK-ARALAN MO

B A

Page 5: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

3

Basahin mo ang komik strip na ito. Nag-uusap ang mag-inang sina Tony

at Aling Mameng.

PAG-ARALAN MO

Anak, lubos ang paggalang sa mga babae noon. Alam mo bang pareho ang mga pribilehiyo ng mga babae at lalaki?

Page 6: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

4

Page 7: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

5

Naunawaan mo ba ang pinag-usapan ng mag-ina sa komik strip?

Magbigay ka ng mga halimbawa kung paano pinahalagahan ng mga

unang Pilipino ang mga kababaihan. Gumuhit ka ng bulaklak tulad ng nakalarawan. Dito mo itala ang iyong

sagot.

Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng

pagpapahalaga ng unang Pilipino sa mga kababaihan? Iguhit mo ang sa

iyong notebook kung nagpapakita ito at kung hindi. 1. Nauunang naglalakad ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. 2. May pantay na pribilehiyo ang mga lalaki at babae.

PAGSANAYAN MO

Page 8: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

6

3. Tanging ang asawang babae lamang ang makapagbibigay ng pangalan sa bagong silang na sanggol.

4. Pinaniniwalaan ang kakayahan ng mga babae sa pamamahala ng

pamayanan. 5. Mga anak na lalaki lamang ang maaaring magmana ng pagkadatu ng

ama.

Malaki ang paggalang ng ating mga ninuno sa mga kababaihan.

Pinahahalagahang mabuti ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan.

Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. Gumagawa ng takdang-aralin ang bunso mong kapatid na babae. Tinutukso siyang pandak ng iyong kapatid na lalaki.

2. Kaarawan ng iyong inay. Ibig mo siyang regaluhan ngunit wala kang

pera.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 9: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

7

Lagyan mo ng ang hanay ng iyong sagot.

Ginagawa mo ba ito? Madalas Minsan Hindi

1. Iginagalang ko ang kapatid kong babae 2. Tinutulungan ko ang aking ina sa

kanyang mga dala-dalahan 3. Inuunahan ko sa paglalakad ang kapatid

kong babae 4. Naiinis ako kapag si ate ang

pinagbibilinan ni nanay na tumingin sa amin

5. Ibinibigay ko ang aking upuan kung

walang maupuan ang kamag-aral kong babae

Isulat ang bilang 1 – 5 sa notebook. Sipiin ang mga titik ng mga sitwasyon na

nagpapakita ng pagpapahalaga sa kababaihan ng ating mga ninuno. a. Nang mamatay ang datu ng barangay maharlika, ang kanyang anak na

babae ang tinanghal na datu sapagkat wala siyang anak na lalaki. b. Nakikilahok sa kalakalan at paghahanapbuhay ang mga kababaihan sa

barangay ni Datu Abu.

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 10: 05_Kababaihan sa Panahon ng Ninuno.pdf

8

c. Habang naglalakad ang magkakaibigang babae at lalaki ng barangay

Bato, pinauuna ng mga kalalakihan ang kababaihan. d. Nang magsilang ng sanggol si Ara, ang kanyang asawa ang nagbigay ng

pangalan sa kanilang anak. e. Kung anong pribilehiyo ang ibinibigay ni Datu Amanah sa kanyang

nasasakupang kalalakihan ay gayundin ang ipinagkakaloob niya sa mga kababaihan.

f. Kinikilala ng mga kabarangay ni Mayumi ang kanyang kakayahan sa

pamumuno.

Sumulat ka ng iyong karanasan tungkol sa kung paano mo naipakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong ina, ate, o kamag-aral na babae.

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.