- Newsletter Multilingual ... · kailangang pang matiyak ang pamamaraan at sa mga naghihintay na...
Transcript of - Newsletter Multilingual ... · kailangang pang matiyak ang pamamaraan at sa mga naghihintay na...
www.integrazionemigranti.gov.it - Newsletter Multilingual (Enero 2013)
Ingles – Albanian – Arabic – Chinese – Pranses – Punjabi – Ruso – Espanyol – Tagalog - Ukranian
Ang Portale Integrazione Migranti ay isang site na nilikha na may layunin na magsulong
ng integrasyon sa sambayanan italyana ng mga mamayang nagmula sa ibang bansa.
Para sa mga dayuhang namumuhay sa Italya, ang Portal ay isang instrumento na
makakatulong upang makatagpo ng maraming impormasyon at mga sanggunian na
kapaki-pakinabang sa mga serbisyo sa lugar na pinaninirahan ng mga imigrante.
Sa home-page ng portal ay mayroong isang bahagi na nakatuon sa mga Serbisyo na sa
loob ay maaaring matagpuan ukol sa mga taong maaaring dulugan upang makatagpo
ng kurso para sa lingguwahe, trabaho, bahay, serbisyo para sa pangangalaga sa
kalusugan, atbp.
Upang mapadali ang paghanap ng mga gayong serbisyo, matatagpuan sa Portal, ang
espesyal na search, at dito maaaring matiyak kung, sa loob ng database, ay mayroong
impormasyon ukol sa serbisyo na siyang hinahanap.
Ang paghahanap ay maaring matagpuan sa pamamagitan ng paglalagay sa
nakalaang patlang
Ang pangalan ng isang asosasyon o opisina ( munisipalidad, pagtataguyod , rehiyon) na
kung saan ay gustong malaman ang mga serbisyo na inihahandog para sa mga
estranghero, maging sa pagpapasok ng isa o higit pang mga salita na siyang
naglalarawan ng serbisyo na siyang hinahanap (halimbawa sa pagsulat, ng salitang
“italyano”, ay matatagpuan ang listahan ng lahat ng mga entidad na matatagpuan sa
data base na siyang nag-aayos ng kurso ng italyano)
Maari ding gawain ang advanced na paghahanap
na kung saan sa pamamagitan ng paglalagay ng higit na inpormasyon (serbisyo na
hinanap, heyograpikong lugar ng interes, atbp. ) ay maaaring agad na matagpuan ,
kung ito ay nasa data base , ang serbisyo na hinahanap sa mismong lungsod.
Bukod pa sa mga serbisyo, ay available din sa Portal ang ibang seksyon ng
impormasyon, na kung saan ang area ay binibigyang pansin ang mga bagong
panuntunan at mga kasalukuyang balita na may kaugnayan sa mundo ng imigrasyon,
mga proyekto sa pag-unlad at mabuting karanasan na nangyari sa teritoryo.
Para maging madali ang paghahanap sa Portale Integrazione Migranti aktibo ang
libreng serbisyo multilingual para sa impormasyon sa telefono (numero verde 803.001)
Sa pagkabuo ng aktibidad ng inpormasyon, ang Portal ay maglalathala buwan-buwan
ng isang pahayagan ng mga balita at pagsusuri.
INDEX
ANG MGA BALITA
Emerdyensya – Hilagang Africa Tapos na ang emerdyensya at magbabalik
na sa karaniwang pamamahala
Kalusugan: Kasunduan Estado-Rehiyon para magkaroon ng parehong mga
panuntunan sa buong Italya para sa pangangalaga ng kalusugan sa mga
dayuhan
Pagpaparehistro/Pagpapatala sa paaralan para sa taong 2013/2014: ito ay
maisasagawa lamang on line ngunit maari ding makahingi ng tulong sa mga
paaralan. Magkaparehong panuntunan para sa mga Italyano at mga
banyagang mag-aaral
Pana-panahon na mga manggagawa (Lavoratori stagionali) – Ay maaari
para sa mga dayuhang mayroong pangmatagalang clearance (nulla osta
pluriennali) at maaaring makapasok sa Italya kahit na hindi kabilang sa daloy
na atas (decreto flussi)
Bahay: sa Cosenza may isang hakbangin upang gabayan ang paghahanap
ng bahay
Micro-enterprise at mga refugee: tinatawag na “RE-LAB: Start- Up Your
Business” ang proyekto na nakalaan para sa mga refugee na nagnanais na
maging negosyante
MGA TUNTUNIN
Mula 30 hunyo 2013 pati ang mga mamamamayang dayuhan ay maaaring
gumamit ng self-certification para sa proseso ukol sa imigrasyon
Mga mangagawang may mataas na kwalipikasyon at kung paaano
makakakuha ng pagkilala sa mga propesyonal na kwalipikado
ANG HATOL
Hindi maaring ibukod ang mga kabataang dayuhan mula sa National Civil
Service (Serbisyo Sibil)- Hatol ng Korte ng Apelo ng Milan
Ang permit CE para sa mga pang-matagalang residente ay para din sa
kanilang pamilya kahit na kulang ng limang taon ang legal na paninirahan –
Hatol ng Regional Administrative Court – Puglia . Hindi maaring tanggihan ang
mga magulang na higit na 65 taon na hindi mamamayang EU, na nakapasok
sa Italya sa pamamagitan ng family reunification (ricongiungimento familiare),
ang pagpapatala sa National Health Service – Hatol ng Korte ng Milan
PANGKASALUKUYAN
Emerdyensa Hilagang Africa – Matapos ang emerdyensa magbabalik
sa karaniwang pamamahala
Noong ika 31 ng disyembre 2012 natapos na ang estado
ng emerdyensya na inihayag ng Pamahalaang Italya
pagkatapos ng pagdating ng maraming mamamayan
mula sa Hilagang Africa, mula Marso at hanggang
Setyembre 2011.
Isang order ng Proteksyon Sibil noong ika 28 ng Disyembre 2012 ang pag kontrol
ng pag sasara ng estado ng emerdyensa at ang pagbabalik ng karaniwang
pamamahala sa parte ng Ministry of the Interior at iba pang may- katuturang
mga awtoridad.
Ang humanitarian interbensyon na ipinatupad ng pamahalaang Italyano ay
nakaepekto maging ang mga 28.123 banyagang dumating noong 2011 mula sa
Tunisia kasunod ng pulitikal na krisis ng bansang nabanggit maging ang 28.431 na
nagmula sa Libia na bunga ng digmaan, maging ang 6.000 na dayuhan na
nagmula sa Silangang Mediteranyo. Sa buong Italya ay naging laganap na
pagtanggap, na ang pinakamarami ay higit pa sa 26.000 refugee, gayundin ang
pagsusuri sa higit pa sa 39.000 na kahilingan sa pagpapakupkup sa parte ng
Teritoryal Komisyon at sa kanilang Seksyon para kilalanin ang proteksyong
internasyunal.
Ang konklusyon ng espesyal na mga panukala ay hindi matutupad- mababasa
sa pahayag ng Ministry of Interior – sa pag-abandona ng mga tao na
nangangailangan pa ng proteksyon, na may partikular na pagtukoy sa kanila at
kailangang pang matiyak ang pamamaraan at sa mga naghihintay na mailabas
ang humanitarian permits na ang tagal ay isang taon na siyang magpapahintulot
na makapagtrabaho.
Ang pamamagitan nito, hanggang sa ngayon, ay nagpahintulot na mabawasan
ang bilang ng mga tao na natanggap hanggang 18.000 at sa susunod pang
dalawang buwan ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng prefects, ay
ginagarantiyahan ang mga dayuhan na nasa tanggapan pa, ang layunin ay
ang sistema ng kanilang paglabas at maging sa pamamagitan ng mga
programa ng kusang pagbabalik sa sariling bayan.
Bukod pa dito, mula sa pondo Europeo, may mga karagdagang aksyon para
maitaguyod ang mga gawain para sa integrasyon at pagsasama sa teritoryo.
Para sa karagdagan
- Order n. 33 noong 28 disyembre 2012
- Press Release of Ministry of Interior
Kalusugan : Kadunduan Estado-Rehiyon para magkaroon ng
panuntunan na magkatumbas sa buong Italya para sa pangangalaga
ng kalusugan sa mga dayuhan
Ang kasunduan ay hindi nagbibigay ng bagong
panuntunan, subalit iniipon at nagbibigay kahulugan sa
umiiral na nasyonal at rehiyonal na batas ukol sa
pangangalaga sa kalusugan ng mga dayuhan
Sa Italya ang National Health System (Ssn) ay nagbibigay ng pangangalaga sa
kalusugan ng lahat ng mamamayan ng walang pagkakaiba.
Para sa mga dayuhan, ang mga mamamayan na may regular na pahintulot na
manirahan (permesso di soggiorno) ay itinuturing bilang mga mamamayang
italyano: dapat magpapatala sa National Health System (Servizio Sanitario
Nazionale), magkaroon ng doktor ng pamilya at makakatanggap sa lahat ng
serbisyo ng ospital (emergency room, ospital, surgery atbp.)
Maging ang mga dayuhan na hindi regular ay nagtatamo rin ng maraming
karapatan: kahit na di pwedeng magpatala sa na National Health System, sila ay
may access pa sa “pangmadalian at mahalagang pagpapagamot”.
Ang problema, ang mga panuntunang ito ay hindi pantay na ibinibigay.
Ang pangangalaga sa kalusugan ay responsabilidad ng rehiyon, at bawat
Rehiyon ay magkakaibang panuntunan. Gaya halimbawa sa Puglia ang isang
dayuhan na walang legal na papeles ng paninirahan ay maaaring magkaroon
ng doktor ng pamilya at pedyatrisyan na malayang napili, katulad ng sinumang
mamamayang italyano; sa ibang Rehiyon sila ay maaaring magpunta sa ospital,
subalit walang karapatan na magkaroon ng doktor ng pamilya.
Ang kasunduan sa pagitan ng estado at Rehiyon ay idinesenyo mismo dahil dito:
upang “magkakatulad”, o kaya ay maging malapit, ang mga nakasanayan sa
magkakaibang teritoryo. At upang matiyak sa lahat ang isang minimum na
pamantayan ng serbisyo (at karapatan).
Isa sa mga importanteng pagliwanag na ibinigay mula sa dokumento ay
mayroong listahan ng mga kaso na kung saan ang mga dayuhan ay obligadong
magpatala sa National Health System (Servizio Sanitario Nazionale) at sa mga ito
ay kabilang ang mga menor na dayuhan na walang kaukulang legal na papeles
at mga dayuhan na naghihintay ng regularization.
Niliwanag din ng dokumento na bukod pa na kailangang magpatala sa National
Health Service kabilang ang mga dayuhang naghihintay ng unang residence
permit, kung ito ay isang permit na nagbibigay ng karapatan na kailangang
magpatala sa Serbisyong Pangkalusugan.
Ang pagpapatala ay may bisa mula sa petsa ng pagpasok ng dayuhan sa Italya
hanggang sa huling araw ng residence permit at hindi mawawala habang na sa
proseso ng pag-renew. Kung sakali na sa sandali ng paghiling ng tulong ang
dayuhan na regular na naninirahan ay hindi pa nagawang magpatala, ang
health facilities gayunpaman ay gagawin ang pagganap at ang pagpapalista
sa tanggapan ng dayuhan sa SSN.
Mahalagang pagliliwanag din ay ibinigay tungkol sa serbisyo ng kalusugan sa
mga dayuhan na walang legal na papeles, na dapat matiyak ang alinmang
kaso ng pag aalaga kasama na ang bilang o tagal ng pagpapagamot at
pagbibigay ng mga posibleng lunas pati na rin ang mga transplant.
Ang mga imigrante na iregular, sa ngayon , ay maaring pumunta sa emergency
room kapag nasa panganib ang buhay (“kagyat na paggamot”). Ngunit maaari
ring makakuha ng mga “mahalagang pagpapagamot” kagaya ng mga
serbisyo sa pagbabakuna, tulong sa mga buntis na kababaihan at patuloy na
pag-aalaga sa ospital sa surgery, halos lahat, sa katunayan.
I-download ang kasunduan at ang kumpletong dokumento
Pagpaparehistro/pagpapatala para sa taon paaralan 2013/2014: ito
ay maisasagawa lamang on line subalit maari ding makahingi ng
tulong sa mga paaralan. Magkaparehong panuntunan para sa mga
Italyano at banyagang mag-aaral
Ang Ministeryo ng Edukasyon at Pananaliksik ay nagpalabas
ng sulat na nagbibigay liwanag ang paraan ng
pagpaparehistro a pagpapatala sa paaralan ng estado sa
lahat ng mga antas para sa taon paaralan 2103-2014.
Ang panuntunan ay naglalaan na mula sa taong 2012-2013 ang pagpapalista ay
magagawa lamang on line: ang pagpa-rehistro, sa paghanap ng paaralang
ninanais, ang pag-kumpila ng form ng pagpapalista at sa pagpapadala.
Upang maging mas madali ang Ministeryo ay nagtalaga ng isang web page
para sa madaling pag access sa http://www.iscrizioni.istruzione.it. Ang mga
paaralan na siyang tatanggap ng mga aplikasyon ay magbibigay ng serbisyo sa
suporta para sa mga pamilya na walang computer. Sa kabilang banda, kung
kinakailangan, ang paaralan na pinagmulan ay maaaring mag-alok ng
kaparehong serbisyo ng pag suporta.
Para sa mga mag-aaral na hindi Italyana gagamitin ang kaparehong
panuntunan para sa mga mag-aaral na mamamayang Italyana. Gayunman,
maaring magkaroon ng problema para sa mga anak ng mga ilegal na imigrante
na walang tax code (codice fiscale) (kailangan para sa pag kumpila ng
application on line). Sa kasong ito ang magulang ay kailangan pumunta sa
paaralan para kumuha ng application form.
- Tingnan ang site ng Ministeryo ng Edukasyon para sa pagpapalista on line
Pana-panahon (seasonal) na manggagawa -
Ay maaari para sa mga dayuhang mayroong pangmatagalang
clearance (nulla osta pluriennale) na makapasok sa Italya kahit na
hindi kabilang sa daloy na atas (decreto flussi)
Magagamit sa web site ng Ministeryo ang model electronic
communication ( CSP module), na kung saan ang employer
ay maaring ipahayag ang intensyon upang kumpirmahin ang
pagtanggap sa isang seasonal na manggagawa na kung
saan siya ay nagkaroon na ng taong nagdaan ng clearance
(nulla osta pluriennale) para sa seasonal na manggagawa.
Isa sa pinakamahalaga sa mga nakaraang taon ay ukol sa mga seasonal na
dayuhan na nagtatrabaho sa agrikultura o sa tourist facility- hotel ay ang
posibilidad na humiling ng nulla osta na tatlong taon sa pagpasok sa Italya. Ang
unang application ay kailangang isumite ng employer kapag lumabas ang daloy
atas (decreto flussi). Kapag ito ay nagkaroon na ng “nulla osta pluriennale”,
pagkatapos ng dalawang taon ang employer ay pwedeng muling tawagin sa
Italya ang seasonal na manggagawa sa anumang panahon ng taon, sa
pamamagitan ng isang simpleng komunikasyon , at di na kailangang maghintay
ng panigabong quota sa pagpasok.
Mula Enero 3, 2013 ang employer ay maaring magsumite ng komunikasyon
upang kumpirmahin ang pagkuha maging sa 2013 ng mga seasonal na
manggagawa, na kung saan ay nagkaroon na ng awtorisasyon pluriennali sa
nagdaang taon. At mula sa taon na ito ay maaring ibang employer at hindi ang
orihinal na pinagmulan sa pamamagitan ng paggamit ng module CSP-AD.
Ang procedure ay nasa on line lahat, sa site nullaostalavoro.interno.it. Ang
komunikasyon ay agad na maipapadala sa Ministry of Foreign Affairs upang
magbigay ng visa at ang mga dayuhan ay maaring mag-aplay para sa entry visa
sa mga awtoridad ng konsolato sa sandali na ang application ay makikita sa
“nulla osta inviato all’autorita’ consolare” (clearance na ipinadala sa konsolado
na may kapangyarihan). Ang impormasyon na ito ay matatagpuan sa pagpunta
sa web site http://domanda.nullaostalavoro.interno.it na kung saan dapat isama
ang mga kredensyal na ginagamit para sa pagpapadala ng komunikasyon.
Pagkatapos ng pagpasok sa pambansang teritoryo, ang manggagawa ay
kailangang pumunta, gaya ng dati, sa loob ng walong araw, kasama ang
employer, sa sportello unico na nanunungkulan para pumirma ng kontrata ng
paninirahan at humiling ng pahintulot ng pananatili.
Para sa karagdagang inpormasyon tingnan ang:
- Circolare congiunta Interno-Lavoro del 25 febbraio 2011
- Circolare Ministero dell'interno n. 6914 del 12 settembre 2011
Bahay:
Sa Cosenza isang hakbangin upang gabayan ang paghahanap ng
bahay
Ang proyekto, na pinondohan ng Ministeryo na Pangloob, na
nasa Kapatagan ng Sybaris sa probinsya ng Cosenza, ay
naglalayong magsulong ang pagkakaroon ng disenteng
bahay sa parte ng mga dayuhan na manggagawa na nasa
sitwasyon ng kawalan ng tahanan lalo na sa sektor ng
agrikultura.
Ang proyekto ay tumutugon sa mga lokal na pangangailangan at
nagpapanukala ng mga pamamaraan at ibat-ibang mga gawain para sa mga
nasa sitwasyon ng walang katiyakan na pabahay sa pamamagitan ng pagkilos
na naglalayong sa isang agarang solusyon at pansamantalang problema sa
kanlungan, Umaagapay sa pagdaraanan sa pagtugon sa kanilang pabahay,
maging para sa mga may sitwasyon na hindi nararapat ang tirahan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon , pamamagitan sa pabahay at
tagapamagitan panlipunan para sa pabahay
Para sa karagdagang inpormasyon
- Pumunta sa site ng Associazione Cidis Onlus
Micro-interprise at mga refugee:
tinatawag na “RE-LAB: Start- Up Your Business” ang proyekto na
nakalaan para sa mga refugee na nagnanais na maging negosyante
Ang proyekto na itinaguyod ng ILO na kasama ang Consiglio
Italiano per i Rifugiati, ay may layunin na suportahan ang mga
hakbangin na pang negosyo ng mga tao na may
internasyonal na proteksyon, na nagbibigay ng
kadalubhasaan at mga kagamitan na makakatulong sa
pagtatatag ng negosyo pati ang paggabay sa mga tao at
pagsuporta sa paglikha ng bagong negosyo.
Ang proyekto na mabubuo sa loob ng dalawang taon, ay inaasahan ng pagpili
ng 120 kalahok, na siyang makikinabang ng pagsasanay upang mapagbuti ang
kanilang kakayahan sa negosyo at sa paggawa ng business plan. Ang 13 ideya
na ituturing na pinaka-epektibo ay makakatanggap ng tulong sa pag sisimula ng
kumpanya; mula sa pag-uumpisa ay magkakaroon ng mga pagpapayo at tulong
pinansyal para sa pagsisimula ng aktibidad.
- Para sa karagdagang inpormasyon bisitahin ang web site www.ideatua.it
MGA TUNTUNIN
Mula 30 Hunyo 2013 maging ang mamayang dayuhan ay maaaring
gumamit ng self-certification para sa proseso ukol sa imigrasyon
Sa publication ng batas ng katatagan, ay ipinagpaliban ng
anim na buwan (ibig sabihin sa 30 Hunyo 2013) ang mga
tuntunin para sa pagpapatupad ng mga probisyon na
magkapareho ang mamamayang estranghero non – EU sa
Italyano para sa paggamit ng self- certification.
.
Mula sa 1 Enero 2012, ang mga mamamayang italyano ay maaring humiling
lamang ng mga certificate para sa mga pribadong entity, (bangko, insurance
atbp.) ngunit pagdating sa pagbibigay sa pampublikong administrasyon ng mga
sertipiko na nakabatay sa mga personal na katangian at mga bagay na maaring
makuha ng mismong entidad na nahiling, ay dapat na direktang makuha sa
tanggapan ng certicate na kinakailangan, na hindi tungkulin ng indibidwal na
gawin ito.
Ang mga bagong panuntunan ay dapat ding ilapat sa mg mamayang non-EU
mula sa Enero 1 2013 (batay sa probisyon ng batas n. 35/2012, habang sa buong
2012 ay mananatili ang lumang panuntunan, na ang mga mamamayang
dayuhan na regular na naninirahan sa Italya ang administrasyon ay maaaring
humiling na sila ay magbigay ng lahat ng sertipiko na kinakailangan para sa
layunin ng mga paglilitis na pinamamahalaan ng Pinagsama-samang Batas sa
Imigrasyon (halimbawa para sa pamamaraan para sa paggagawad/pag-renew
ng residence permit).
Ang mga bagong probisyon sa halip ay ilalapat lamang maging sa mga dayuhan
simula sa 30 Hunyo 2013.
Mga manggagawang may mataas na kwalipikasyon at kung paano
makakakuha ng pagkilala sa mga propesyonal na kwalipikado
Sa pamamagitan ng pagpasok ng Legislative decree n.
108 noong 28 Hunyo 2012, ay maaaring makapasok sa
Italya na kahit na labas sa quota (ibig sabihin buong taon at
walang anumang limitasyon na itinakda sa decreto flussi),
ang mga banyaga na may mataas na kwalipikasyon bilang
manggagawa.
Itinuturing na lubos na kwalipikado ang dayuhan sa pagkakaroon ng titolo ng
mataas na edukasyon na ibinigay ng awtoridad na may karampatan sa bansa
kung saan ito natamo, na nagpapatunay ng pagkumpleto ng isang programa
post-secondary higher education na hindi bababa sa tatlong taon at ang
kanilang mataas na propesyonal na kwalipikasyon.
Ang mataas na propesyonal na kwalipikasyon, na pinatunayan sa bansa na
pinagmulan, ay kailangang kilalanin sa Italya.
Para makilala ang mga propesyonal na kwalipikasyon ang estranghero, o ang
kumpanya na nagnanais na tanggapin, ay kailangang mag-sumite ng
application para maaprubahan sa Ministero dell’Istruzione, dell’Università e della
ricerca, Direzione Generale per l’Università, lo Studente e il diritto alla Studio
Universitario, Ufficio IX – Piazza J.F. Kennedy, n. 20, 00144 Roma, sa paggamit sa
format na nakalakip sa circular.
Sa aplikasyon, dapat na isaad ang kwalipikadong trabaho na nais na gawain sa
Italya, kailangang ilakip: mga pinag-aralan, mga pagsusulit na naipasa at mga
sertipikadong kopya ng foreign diploma na isinalin at legalisado, mga antas ng
pinag-aralan, mga pagsusulit na naipasa at mga kaukulang grado.
Mangyaring tandaan na tungkol sa mga kinakailangan para sa pagsusumite ng
aplikasyon para sa pahintulot para sa pagpasok sa Italya bilang propesyunal na
mangagagawa na may lubos na kwalipikasyon, ang halaga ng sweldo ng
empleyado ay hindi bababa sa 24.789 euro at ang kontrata sa trabaho na
ipinanukala ay hindi maaaring maging mas mababa sa isang taon.
Sa kaso ng gustong pumasok sa Italya upang ipatupad ang regulated ng mga
propesyon (medical) ay may karampatang tumanggap ng mga applikasyon
para sa pagkilala sa mga propesyon ang mga awtoridad na tinutukoy sa artikulo
5 legislative decree n. 206/2007 (halimbawa, Kagawaran ng Kalusugan para sa
propesyon ng kalusugan; ang Kagawaran ng Kabataan at gawaing
pampalakasan ng pagkapangulo ng Konseho ng mga Ministro para sa mga
trabaho na may kaugnayan para sa pampalakasan)
I-download ang Circular ng Ministry of Interior ng Disyembre 7, 2012 Para sa higit
pang mga detalye sa EU Blue Card mag-click dito
HATOL
Hindi maaaring ibukod ang mga kabataang dayuhan mula sa
National Civil Service (Serbisyo Sibil)- Hatol ng Korte ng Apela ng
Milan
Ang mga hukon ng Korte ng Apela ng Milan ay kinumpirma ang isang desisyon
ng Korte ng Milan noong Enero 9, 2012, kanilang kinilala na ang pag iisang tabi sa
mga batang dayuhan ng posibilidad na sumali sa pagpili ng mga boluntaryo na
kalahok sa mga proyekto ng serbisyo sibil sa Italya at sa ibang bansa, ay isang
diskriminasyon na labag sa batas.
- Para sa higit na kaalaman
Ang permit CE para sa mga pang-matagalang residente ay para din
sa pamilya kahit na kulang ng limang taon ang legal na paninirahan
Hatol ng Regional Administrative Court-Puglia
Sa naging hatol n. 2103/2012 Ang Administrative Regional
Court ay kinilala ang karapatan na magkaroon ng
residence permit CE sa mga miyembro ng pamilya
(asawa, mga anak o magulang na nakadepende) kahit
na walang sariling kakayahan upang makuha ito.
Sa partikular, ang Hukuman ay kinikilala na hindi tama na ipasakop pati din sa
kapamilya na ilabas ang residence permit Ce para sa matagal ng residente na
na mayroon na lahat ng ordinaryong kinakailangan sa ilalim ng artikulo 9 ng
Pinagsama-samang Teksto ng imigrasyon. Ang artikulo, sa katunayan na
hayagang nagbibigay sa pagkakaroon ng hindi bababa sa limang taon ng legal
na paninirahan, gamit ang mga karagdagang kinakailangan sa batas, ay
mabibigyan ng residence permit CE para sa mga matagal ng naninirahan para
sa kanya at sa kanyang miyembro ng pamilya. Samakatuwid ito ay malinaw, sa
opinyon ng Hukom, na ang mga miyembro ng pamilya, kahit na wala ang mga
kinakailangan para mabigyan ng nasabing pahintulot (partikular ang 5 taon na
legal na paninirahan sa Italya) ay mahihiram sa pamamagitan ng pagpapapakita
ng mga kinakailangan para sa karapatan na maibigay mula sa miyembro ng
pamilya na orihinal na may-hawak ng permit na may mahabang panahon.
- I-download ang hatol 2103/2012
Hindi maaaring tanggihan ang mga magulang na higit na sa 65 taon
na hindi mamamayan ng EU , na nakapasok para sa familiy
reunification (ricongiungimento familiare), ang pagpapalista sa
National Health Service – Hatol ng Court of Milan
Ang Labour Court ng Milan, seksyon trabaho, ng order na
may petsang Diyembre 5, 2012, ay tinanggap ang legal na
pagkilos anti-diskriminasyon laban sa Ministri ng Kalusugan
at Lombardy Region, sa hindi pagtupad na i-angkop ang
mga probisyon na kinakailangan upang mapayagan na
makapagpatala sa National Health Service (SSN) , ang mga
mamamayanag non-EU na may higit na 65 taon, na
dumating sa Itlaya kasama ang kanilang pamilya.
Ang Labour Court ng Milan, ay pinagtibay ang pagtrato ng pagkadehado at
hindi pag- sang-ayon sa pwersahang pagpapatala ng mga matatandang
dayuhan sa isang pribadong kumpanya ng seguro para sa pangangalaga sa
kanilang kalusugan, mas mababa o bahagya sa ibinibigay hindi lamang sa mga
mamamayang italyano subalit gayundin sa mga dayuhang legal na naninirahan.
Iniutos ng Hukom sa Rehiyon ng Lombardia na paganahin ang pagpapatala sa
SSN ng mga nabanggit kapalit ng pagbabayad ng kaukulang halaga taon-taon
at hindi pwedeng hatiin, gaya ng ipinatutupad na sa Rehiyon ng Veneto at
Emilia-Romagna, katumbas ng 387 euro.
- I-download ang Order ng Court of Milan
Mga Contact
Ministry of Labour and Social Policy
Directorate General of Immigration and Integration Policies
Via Fornovo, 8
00192 Roma
tel: 06 46834679 o 06 468340182
Progect co-finance by the European Fund for the Integration of the
Third Parties 2007-2013
Para sa mga opinyon, mga mungkahi, pagwawasto sa nilalaman ng site
makipag-ugnay sa naghahanda ng Portal Integration, magpadala ng email sa: