Twinkle Twinkle 2

Post on 03-Apr-2018

323 views 2 download

Transcript of Twinkle Twinkle 2

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    1/389

    Twinkle Twinkle 2:Bagong Delubyo

    Author: Paul Diaz

    Website: http://paulito-maligno.blogspot.com/

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    2/389

    Prologue

    Nanumbalik ang kapayapaan at

    katahimikan sa kaharian ng

    Plurklandia. Gamit ang salamangka

    mabilis naipatayo ang bagong palasyo

    ni Reyna Nella. Mga mamamayan ay

    nagsasaya, mga puno at halaman nanumbalik

    sa masigla nilang anyo atbumalik narin ang mga hayop sa

    kapaligiran. Isang lingo na ang nakalipas mula

    nung bumagsak yung kometa, mganatirang disipulo nagtipon sa

    kinalalagyan ng dating palasyo at

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    3/389

    nagbigay pugay sa namayapa nilang

    punong disipulo. Virgous! Wag kang galaw nggalaw

    kasi! Di pantay tuloy ang pagkaluto ng

    letson! pagalit na sabi ni Sarryno sa

    taong apoy. Hoy wag kang

    magrereklamo diyan, kung wala ako

    di niyo maluluto to sagot ni Virgous. Parang

    ang payat ng baboy pansinni Bashito. Tignan mo naman kasi

    sino pumapak sa dugo nito no,

    talagang sinimot e sagot ni Sarryno.At least dalawa ang letson niyo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    4/389

    banat ni Vandolphous. Shut up duling! sagot

    ni Bashito sabay

    nagtawanan ang mga bampira. Washup?

    That pig ish shooo cool

    men biglang sabi ni Tuti na

    gegewang gewang palapit sa bonfire.

    Ano nangyari diyan? tanong ni

    Virgous. Pinainom ni Nyobert ano pa

    nga ba? Kesa naman na magsawa tayo sakaiiyak niya alam mo naman

    close siya kay bossing sabi ni Mhigito. Nguti

    ngam here meng, ngets ngrink

    ngam more! sigaw ni Nyobert na

    bumagsak mula sa itaas ng puno.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    5/389

    Yesh meng am look fhor mah tit firsh

    sagot ng bungal na bampira atnagtawanan ang iba. Tinago niyo nanaman

    siguro pustiso

    niya no? bulong ni Sarryno. Tado,

    pag suot niya yon ang takaw niya sa

    dugo. Mas maganda nang ganyan

    para may matira sa amin. At least

    binigyan naming siya ng tsupon niya paralimited blood pare sagot ni

    Louis. Teka ano ginagawa nung dalawa

    don? Si Chado at Bombayno? Bakitang layo nila? tanong ni Virgous.

    Tinuturuan ni Chado si Bombayno

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    6/389

    bumulong, alam mo naman ang lakas

    lakas ng boses ni Bomby sabi ni Mhigito.Patay tayo pag natutong

    sumigaw si Chado, patay tayo lahat!

    banat ni Vandolphous at lalo pa sila

    nagtawanan. Samantala sa may kinatitirikan

    ng

    kometa ay nagpapaligsaan ang

    dalawang dwende. Sabi mo malakaska, sige nga buhatin mo nga yang

    kometa hamon ni Darwino. Tado ka

    nakikita mong ang laki laki nito e. At bakapag matanggal ko makita natin

    bangkay ni bossing na pisa sagot ni

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    7/389

    Bobbyno at nagtawanan ang

    dalawang dwende. San na kaya nagpunta siAhnica?

    Boring tuloy kasi di naman pwede

    silipan na ang reyna tanong ni

    Darwino at binatukan siya ni

    Bobbyno. Manyakis ka talaga, tara na

    don sa kanila sabi ng kaibigan niyang dwende.

    Nagtipon ang mga disipulo sa paligidni Virgous, yung iba nagsimula nang

    kumain at pinapak ang letson

    samantala ang mga bampira busog nasa dugo. Nasan na kaya si Wookie? tanong

    ni

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    8/389

    Mhigito. Nasan na si Ahnica? tanong

    din ni Darwino. Tayo nalang angnatira, binigyan naman tayo ng choice

    na umalis pero bakit tayo nanatili pa

    dito? tanong ni Chado. Kasi alam ko pati

    kayo

    nararamdaman niyo na parang may di

    tama at may masamang amoy ang

    hangin sabi ni Virgous at lahat

    napatingin kay Nyobert. Ngoy

    wangang nganyangan! Ngalingo ngamang ango

    sabi ng lasing nakapre at nagtawanan ang grupo. Tama ka

    may kakaiba akong

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    9/389

    pakiramdam kamakailan lang. Parang

    hindi maganda ang mangyayari sabini Louis. Wala na tayong pinuno,

    nawala pa si Wookie pero alam ko

    kakayanin natin kung ano man yon sabi ni

    Bombayno. Kung nandito lang sana si

    Wookie

    para malaman natin kung ano ang

    paparatingo kahit man lang sibossing sana para alam natin ano ang

    gagawin natin biglang drama ni

    Bobbyno. Relash meng, Thuthi ish herebanat

    ng bunging bampira at bigla sila

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    10/389

    nagtawanan ulit. Sa di kalayuan ay may

    dalawang

    nilalang na pinapanood ang mga

    disipulo. Alam ko nalulungkot ka at gusto mo

    sila makasama. Magtiis ka lang at

    kailangan natin patakbuhin ayon sa

    nakasulat ang lahat sabi ng

    matandang lalake. Sigurado ka ba na

    yon ang balak ni Aneth? At bakit ako angnapili mo? tanong ng mas

    batang lalake. Matanda na ako para lumaban,

    pareho tayong mambabarang kaya saiyo ipapasa ang lahat ng alam ko sabi

    ng matanda. E di ko naman

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    11/389

    kakayanin lumaban mag isa e,

    kailangan ko ang mga yan sabi ng binatanglalake. Mas magandang ganito at di nila alam

    na buhay ka pa. Mas maganda na alam

    ni Aneth na sila lang ang natira.

    Pasensya na kung kailangan natin sila

    isakripisyo pero para sa buong

    kaharian ito at buong mundo sabi ng

    matanda. Ano naman ang laban ko kungmagtagumpay si Aneth na ilabas yon?

    Kahit turuan mo ako o palakasin

    kailangan pa natin ng mas malakaspang kasama reklamo ng binata.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    12/389

    Kulang ka pa talaga sa training Wookie,

    hindi ba nararamdaman ng

    mga espiritu ang presensya niya?

    Akala ko nararamdaman mo din sabi

    ng matanda. Ha? Ibig mo sabihin buhay

    siya?

    tanong ni Wookie. Shhhh natutulog

    siyahalika ka na umalis namuna

    tayo. Pag handa ka na saka natin siyagigisingin sabi ng matanda at

    napatingin si Wookie sa malaking kometa at

    doon lang niyanaramdaman ang malakas na aura

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    13/389

    mula sa ilalim ng gumuhong palasyo. Bossing,

    babalik ako.matulog ka

    muna

    Chapter 1:Magkapatid

    Mga anak alagaan niyo siya maigi.

    Ituring niyo siyang kapatid sabi ng

    punong diwata sa kanyang dalawang

    anak. Pero ma, malalaman nila na di

    siya diwata tulad natin sabi ng mas

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    14/389

    nakakatandang batang diwatang si Aneth.

    Ako na bahala diyan sa bagay

    na yan, basta alagaan niyo siya maigi

    sagot ng nanay nila. Mama, gusto ko din

    alagaan yung

    isang baby sabi ng bunsong

    diwatang si Monica. Gabi na, bukas

    nalang sagot ng nanay at

    nagsimangot ang bata. Pagkalabas ngpunong diwata ay tumayo si Aneth at tinuro

    ang kapatid niya. Narinig mo

    yon, alagaan mo daw maigi yan sabi

    niya. Ate sabi ni mama tayong dalawa

    dawugghhhh ate tama naaa sabi

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    15/389

    ng bunso sabay hawak sa leeg niya.

    Wag na wag mo ako susuwayin kung hindi dilang yan ang matitikman

    mo sa akin banta ng ate niya. Bawat gabi

    binibisita ng bunso ang

    lalakeng bata na binigay ng mga tala.

    Tanging mga tagapangalaga lang sa

    bata ang maaring pumasok na

    munting barong barong niya perodahil bata pa si Monica ay pinapayagan nila

    itong makapasok. Ilang buwan ang lumipas

    gabi gabing

    tumatakas ang bunso para alagaan si

    Paulito. Isang gabi habang may

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    16/389

    pulong ang mga nilalang, lumabas ng

    kweba si Aneth. Ate saan kapupunta? Wala kami kasama dito sabi ni

    Monica. Wag kang makikialam at

    bantayan mo yang ampon! sigaw ni

    Aneth sabay turo sa kapatid niya at

    napatalsik itong palayo. Sa ingay nagising si

    Ahnica at umiyak

    kaya agad siya binuhat ng bunsongdiwata. Shhhh pasensya na kay ate

    ha, ganyan talaga siya kasi mas

    malakas siya sa akin bulong niMonica sa bata. Ilang saglit lang tulog na ulit

    ang bata,

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    17/389

    inayos ni Monica ang higa niya sabay

    lumabas ng kweba at nagtungo sakubo ni Paulito. Sa mga sandaling yon

    sa gubat, dahan dahan naglalakad si

    Aneth. Naabot niya ang dulo ng gubat kaya

    lumingon siya para tignan kung

    may sumunod sa kanya. Wag kang mag alala

    walang

    sumunod sa iyo biglang maybumulong kaya natakot si Aneth. Mula

    sa isang puno may mga nagtipon na

    usok at dahan dahan naging isangtao. Nadala mo ba ang hinihiling ko? tanong

    ng matandang lalake. Takot

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    18/389

    na takot si Aneth na lumapit sa

    matanda sabay inabot ang isangpulang bato. Eto nga siya, mahusay sabi ng

    matanda sabay naglabas pa siya ng

    mga kaparehong bato na ganon.

    Para saan ho ba yan? tanong ni

    Aneth. Para lumakas ako iha, o siya

    pinangako ko na tuturuan kita. Gusto mo

    lumakas diba? tanong ng

    matanda at natuwa ang diwata.

    Gusto ko po lumakas, maganda yung

    tinuro niyo sa akin. Pero gusto ko pa

    lumakas sagot ni Aneth. Kaya kita palakasin

    sa higit sa

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    19/389

    imahinasyon mo pero may kapalit

    sabi ng matanda. Kinuha ko na poyung gusto niyo diba? Sabi niyotuturuan niyo ako reklamo ng

    diwata. Oo tuturuan kita, sinasabi ko lang na kung gusto mo makapantay

    kapangyarihan ko may kapalit

    paliwanag ng matanda. Ano naman kapalit po? tanong ni

    Aneth. Yung asul na bato na laging

    suot ng nanay mo sabi ng matanda at

    nagulat ang batang diwata. Ay di ko

    po kaya kunin yon sagot ni Aneth. O

    siya, tuturuan kita pero kung gusto mo pang humigit sa lakas ko alam mo

    na kailangan mo. Isang oras tinuruan ng matanda si

    Aneth at aliw na aliw ang diwata.

    Kailangan ko nap o bumalik, bukas

    nalang po ulit sabi ni Aneth. O sige,

    bumalik ka bukas parehong oras

    sagot ng matanda. Ano po ba pangalan niyo? tanong ng diwata.

    Sabi ko sa iyo atin atin lang ito diba?

    sumbat ng matanda. Opo pero gusto

    ko lang malaman hirit ng diwata at

    unti unting naglaho na ang matanda. Fredaaaatoooooriaaaaaa narinig

    niyang bulong pero di naintindihan

    ng batang diwata. Okay lang kung

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    20/389

    ayaw mo sabihin, babalik nalang ako

    bukas sabi ni Aneth sabay

    tumakbong pabalik sa kweba. Nakita ni Aneth na pabalik na ang

    mga pinuno, mabilis siya tumakbo

    pero naririnig niya ang iyak ni Ahnica.

    Naunahan niya ang nanay niya

    makabalik sa kweba at agad binuhat

    ang sanggol. Bakit umiiyak yan? tanong ng punong diwata. Mommy di

    ko alam ayaw tumigil e palusot ni

    Aneth. Akin na, teka nasan si

    Monica? tanong ng nanay at mabilis

    nag isip ang batang diwata. Ma lagi siya tumatakas sa gabi

    pinupuntahan yung isang sanggol

    sumbong ni Aneth at nagalit ang

    nanay niya. Mabilis na pinatawag ang

    bunsong diwata at pagkabalik niya sa

    kweba ay agad siyang pinagalitan. Hindi ka na pwede lumapit sa batang

    yon! Delikado na baka madulas pa dila

    anak! Naintindihan mo ba ako?

    sermon ng nanay at iyak ng iyak ang

    bunso. Isang taon ang lumipas, habang

    mahimbing ang tulog ng lahat ay

    biglang nagising si Monica at

    nagsisigaw. Agad siya tumayo pero

    hinarang siya ng kapatid niya.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    21/389

    Monica! Bakit anak? tanong ng nanay nila. Si Paulito patay na! sigaw

    ng bata at nagsiiyak. Palusot niya

    lang mommy sabi ni Aneth pero bigla

    siya napatapis ng malayo. Nagliliyab ang mga mata ng bunsong

    diwata at puno siya ng galit. Takot na

    takot si Aneth at di niya maintindihan

    bakit ganon kalakas ang kapatid niya.

    Ikaw pinagbibigyan lang kita ate

    umalis ka sa daanan ko!!! sigaw ng bunso at pati ang nanay nila hindi

    makalapit. Tumakbo si Monica papunta sa

    tinitirhan ng sanggol na si Paulito,

    lahat ng naninirahan sa gubat ay

    nagising sa malakas na

    kapangyarihan ng batang diwata.

    Ilang sandal lang ay kumalma si Monica nang nakitang buhay pa ang

    lalakeng sanggol. Dahil sa hiya ay

    bumalik siya sa kwebang mag isa

    ngunit agad nagtipon ang mga

    punong nilalang. Yan bunso mo ang papalit sa iyo

    sabi ng punong kapre. Di nagustuhan

    ni Aneth ang narinig niya pero sa

    takot kumapit ito ng mahigpit sa ina

    niya. Mukha sa kanya nga naipasa

    ang kapangyarihan ng lola niya sagot ng punong diwata. Kailangan

    mo turuan ng maigi ang anak mo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    22/389

    kung hindi baka maimpluwensyahan

    pa ng kadiliman yan sabi ng punong

    bampira. Wag kayong mag alala ako

    bahala diyan, akala ko sa panganay ko mapupunta tong asul na bato

    ngunit kay Monica pala sagot ng

    punong diwata. Ipasoot mo na agad sa kanya yan,

    para makontrol niya ang

    kapangyarihan niya. Ikaw siguro

    kaya mo nang kontrolin ang

    kapangyarihan mo sa tagal mong suot

    yan. Ipasuot mo na sa kanya agad yan at ipaliwanag mo kung gaano

    kaimportante ang tanging asul na

    batong yan sabi ng punong

    mambabarang. Pabalik sa kweba ay masama ang loob

    ni Aneth, Ma, para saan yang asul na

    bato? tanong nung bata. Anak,

    itong bato ay may kapangyarihan na

    puksain ang kahit anong

    kapangyarihan. Bilang punong diwata kailangan ko itago ang aking

    pagkatao sa iba kaya kailangan ko

    isuot ito paliwanag ng nanay niya. Hindi ba magpapalakas yan? tanong

    ni Aneth. Hindi anak, kabaliktaran ito.

    Pag suot mo ito mababawasan ang

    kapangyarihan mo. Anak tayong mga

    diwata ang pinakamakapangyarihan

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    23/389

    sa lahat ng mga nilalang dito sa gubat. Pinapasuot ito sa punong diwata para

    walang tsansang umabuso. Minsan

    noong gera itong bato ang lumigtas

    sa lahat nang isuot ito sa kalaban,

    nanghina siya kaya madali siyang

    natalo paliwanag ng nanay niya. Eh ma, madali mo lang naman alisin

    yan kung gusto mo diba? O di babalik

    na lakas mo sabi ni Aneth. Hindi

    anak, pag ako ang nag alis nito di

    parin babalik ang buong

    kapangyarihan ko. May sumpa ang batong ito, ginawa ng mga ninuno

    natin. Kaya ang tanging makakapag

    alis ng nito at magpapabalik ng

    kapangyarihan ko ay ang mga

    punong nilalang. Dapat kasama sila

    lahat sa pag alis para bumalik kapangyarihan ko paliwanag ng

    punong diwata at napangisi si Aneth. E ma, pano kung may laban tapos

    tinanggal ni Monica yung bato para

    gamitin ito sa kalaban? Ibig mo

    sabihin hindi ito gagana? tanong ni

    Aneth. Ibang sitwasyon yon anak,

    eto suot ko ito ngayoneto hawakan mo siya sabi ng nanay at binigay ang

    bato sa bata. Pareho na tayong

    limitado ang kapangyarihan sa

    ngayon kahit hawak mo yang bato

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    24/389

    sabi ng punong diwata. E sabi mo

    mga punong nilalang lang pwede mag alis e bakit pati ako limitado na

    lakas ko? tanong ni Aneth at natawa

    ang nanay niya. Anak, kung dinaan sa seremonya

    ang pagsuot ng bato, sasanib ang

    kapangyarihan nito sa katawan ng

    pagsusuotan. Kaya kahit mawala ko

    yan nasa katawan ko parin ang

    kapangyarihan niyan. Pero diyan sa bato may natitira pa siyang

    kapangyarihan kaya pwede pa siyang

    magamit, parang sandata din yan.

    Kunwari may umatake sa akin bigla

    pwede ko isuot yan sa kalaban ko at

    hihina siya. Pero pag tinanggal ko yan sa kalaban babalik ang lakas niya.

    Naintindihan mo ba? paliwanag ng

    punong diwata at ngumiti si Aneth. Pano kung nasira ang bato? hirit ni

    Aneth. Kunwari ngayon sinira mo

    yang bato? E di hindi na

    manunumbalik ang kapangyarihan

    ko. Sa katawan ko na mamalagi ang

    kapangyarihan ng asul na bato. Wag kang mag alala mahirap sirain ang

    batong yan. Yan ang kinakatakutan

    ng mga kalaban natin, habang meron

    yang batong yan takot sila gumawa

    ng masama laban sa atin sabi ng

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    25/389

    nanay niya at sinoli na ni Aneth sa ina niya ang bato. Kinabukasan naganap ang

    seremonya sa pag aalis ng bato sa

    punong diwata. Mabilis ito nilipat kay

    Monica at di naintindihan ng bunso

    kung bakit nangyayari yon. Bandang

    hapon ay nagsama ang magkapatid at biglang bumait si Aneth sa kapatid

    niya. Ate bakit parang may kakaibang

    kapangyarihan ang nararamdaman

    ko sa gubat? tanong ng bunso.

    Kapangyarihan mo yon sinungaling

    ng ate. Pero alam mo ate talagang

    magaganap yung panaginip ko, papatayin si Paulito ng bampira. Kaya

    galit ako sa mga bampira sabi ng

    bunso at natawa si Aneth. E di wag

    na tayo makipaglaro sa mga bampira

    payo niya. Ate gusto ko lumakas at matuto ng

    pano magpabuhay ng patay sabi ni

    Monica. Alam mo naman na bawal

    yon. Mga bruha lang gumagawa

    niyan pagalit na sabi ni Aneth. E ate

    ayaw ko mamatay si Paulito. Alam ko mamatay siya pero bubuhayin ko

    siya pilit ng bunso. Tumigil ka nga,

    bawal yon. Isusmbong kita kay

    mommy. Itim na kapangyarihan na

    yan at di yan pwede! sermon ng ate

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    26/389

    niya. Nung gabing yon sa dulo ng gubat

    galit na galit si Aneth. Gusto ko

    lumakas pa, kukunin ko yung bato

    pero mahahalata nila pag wala yon

    sabi niya. Eto o, gumawa ako ng

    kapalit niya. Hindi mahahalata na peke. Ipalit mo ito sa suot ng kapatid

    mo sabi ng matanda. Ha!? Pano mo alam na nasa kapatid

    ko yung bato? tanong ni Aneth at

    tumawa ang matanda.

    Makapangyarihan ako Aneth, yan

    ang gusto mo diba? Gawin ito at

    ituturo ko sa iyo lahat ng alam ko sabi ng matanda sabay abot ng bato. E bakit mo ba kasi kailangan

    yung

    bato? tanong ng diwata. Wag ka na

    matanong sinasayang mo ang oras.

    Gusto mo lumakas o hindi? O

    hahayaan mo nalang ang kapatid mo

    maging punong diwata balang araw? tukso ng matanda at agad tumakbo

    pabalik sa kweba ang diwata. Lumipas ang isang oras nagbalik si

    Aneth sa gubat, nagtagumpay siya sa

    pagpalit ng mga bato at inabot niya

    ang tunay sa matanda. Mahusay,

    bilang pangako tuturuan kita, sabay

    tayo magpapalakas sabi ng matanda. Akala ko ba malakas na kayo. Bakit

    pa kayo magpapalakas? tanong ng

    batang diwata. Iha, tulad mo gusto ko d in

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    27/389

    magpalakas pa. Ikaw gusto mo

    maging punong diwata, ako gusto ko

    din mamuno sa lugar ko paliwanag

    ng matanda. Saan lugar po? tanong

    ni Aneth at natawa ang matanda. Malaking lugar iha, o siya ituturo ko

    sa iyo ang lahat ng alam ko. Sigurado

    ko ikaw ang magiging punong diwata

    sa pagdating ng panahon sabi ng

    matanda. Ilang taon ang lumipas lumakas ng

    lumakas si Aneth at napapansin siya

    ng mga punong nilalang ng gubat.

    Malaki narin sina Anhica at Paulito at

    lagi sila magkasamang naglalaro na

    kinaiinggit ni Monica. Isang araw nayanig ang gubat ng

    malakas na kapangyarihan. Halos

    mabulag ang lahat sa lakas ng ilaw.

    Paghupa ng ilaw agad nagtakbuhan

    ang mga punong nilalang sa gubat at

    natagpuan nila sina Anhica at Paulito, sa paanan nila ang isang naabong

    bampira. Sa may batis naglalaro si Monica,

    biglang siyang napatigil at napasigaw

    ng malakas. Agad siya tumakbo

    papuntang gubat ngunit bago pa siya

    makalapit ay nakita na niya ang patay

    na katawan ni Paulito. Hindi makasalita ang diwata, mabilis siyang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    28/389

    tumakbo palabas ng gubat at

    nagtungo sa bundok ng mga bruha. Pagdating ni Monica sa paanan ng

    bundok ay pagod na pagod na ito.

    Agad siya inatake ng mga bruha

    ngunit bigla sila tumigil pagkat may

    kakaibang kapangyarihan silang

    nararamdaman sa dalaga. Alam namin bakit ka nagpunta dito, gusto

    mo siya buhayin sabi ng punong

    bruha. Opo, nakikiusap po ako kung pwede

    niyo siya buhayin sabi ng dalaga

    sabay hingal. Hindi ganon kadali ang

    magbuhay ng isang namatay na.

    Kailangan may kapalit sabi ng bruha.

    Ano po kapalit? tanong ni Monica. Kaming mga bruha ay kokonti

    nalang, para sa isang buhay kailangan

    mo kami bigyan ng isang buhay na

    sasanib sa amin. Isang nilalang na

    magiging bruha at yayakap sa itim na

    kapangyarihan sabi ng matanda. Napaisip ang dalagang diwata at

    huminga ng malalim. Ibibigay ko sa

    inyo ang ate ko, salbahe yon at

    nababagay sa inyo sabi ni Monica at

    nagtawanan ang mga bruha. O siya

    sige, pero hindi madali ang magbuhay ng patay. May mahabang seremonyas

    ito, at habang hindi namin natapos

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    29/389

    ang seremonyas hindi ka pwede

    umalis dito sabi ng matanda at

    kinabahan ang diwata. Basta

    buhayin niyo siya sagot niya. Sa malayo nagpulong ang mga bruha,

    Pinuno, ano ang binabalak mo? Alam

    mo naman na binuhay na siya ng mga

    bampira sabi ng isang bruha. Oo

    alam ko, pero hindi niya alam yon. May

    kinikimkim na galit ang diwatang yan at konting udyok lang mapapasaatin

    siya. Napansin niyo siguro na suot

    niya ang asul na bato, ibig sabihin

    niyan makapangyarihan yang

    dalagang yan Ngunit pansin ko na peke ang suot

    niya ngunit ramdam ko ang

    kapangyarihan ng asul na bato sa

    katawan niya. Ngayon unang

    gagawin natin ay dapat mapasaatin

    siya ng kusa, saka natin siya tuturuan ng kapangyarihan natin. Tayo naman

    gagawa tayo ng paraan para masira

    ang kapangyarihan ng asul na bato sa

    katawan niya, alam ko mahirap pero

    kakayanin natin Pag napukaw ang kapangayarihan

    ng asul na bato sa katawan niya

    mapapasaatin ang buong lakas niya,

    magdidiwang tayong mga bruha

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    30/389

    pagkat kikilalanin muli nila tayo. Siya

    ang pag asa natin sabi ng matanda. Dalawang araw nanood si Monica

    habang isinasagawa ng mga bruha

    ang pekeng seremonyas.

    Nagbagsakan ang katawan ng mga

    bruha at agad lumapit ang diwata.

    Nabuhay niyo na ba siya? tanong niya. Niyuko ng punong bruha ang

    ulo niya sabay naglakad palayo.

    Nabuhay niyo ba siya? ulit niya. Iha, patawad. Ipinamigay ng mga

    nilalang ng gubat ang bata sa mga

    bampira. Yang batang lalake ay buhay

    ngunit isa na siyang bampira sabi ng

    matanda at natulala si Monica at

    nanggalaiti sa galit. Sinabi ko sa kanila na totoo yung

    panaginip ko pero hindi sila naniwala

    bulong ng dalaga at mga kamao niya

    naninigas at mga bruha nakaramdam

    ng kakaibang lakas na bumabalot sa

    bata. Ayaw nila maniwala sa akin at tinatawanan lang nila ako bulong pa

    ng dalaga at mga mata niya nanlilisik

    at buong katawan niya biglang

    nagliliwanag. Takot na takot ang mga bruha ngunit

    lumapit ang punong bruha sa dalaga.

    Pinamigay nila ang bata sa mga

    bampira ulit niya at lalong nagalit si

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    31/389

    Monica at palakas ng palakas ang

    kapangyarihang lumalabas sa katawan niya. Pinuno! Lumayo kayo! Delikado

    diyan! sigaw ng isang bruha. Wag

    kayong mag alala, hindi makakalabas

    ang kapangyarihan niya dahil sa asul

    na bato. Iha, pinamigay nila ang bata

    sa mga bampira at tignan mo ang ginawa nila sa iyo. Pinigilan ka nila

    lumakas. Hindi makalabas ang

    kapangyarihan mo. Ayaw nila sa iyo

    hirit ng matanda. Binabale wala nila ako? Tinawanan

    lang nila ako!!! Punong bruha!!! Ako

    ang sasanib sa inyo! Turuan mo ako!

    Palakasin mo ako! Gusto ko sila

    magsisi sa ginawa nila. Gawin niyo

    akong bruha!!! sigaw ng dalagang bruha at napangisi ang matanda. Ilang taon ang lumipas at lumakas

    ng

    todo si Aneth. Nakikipag duelo siya sa

    matandang lalake sa gubat at

    nananalo siya. Baka gusto mo alisin

    yang asul na bato sa katawan mo,

    minamaliit mo ata ang estudyante mo sabi ng diwata at natawa ang

    matanda. Suot ko nga to hirap ka pa manalo sa

    akin sagot ng matanda sabay

    nagpalabas ng pulang apoy sa kamay

    niya at natamaan si Aneth. Di nasaktan

    ang diwata pagkat mabilis ito

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    32/389

    nakapaglabas ng puting liwanag na kumontra sa apoy. Sa tingin ko kaya

    ko na kahit wala yang asul na bato

    sabi ng diwata at tumigil bigla ang

    matanda. O bakit ka tumigil? tanong ng

    diwata. Ikaw na ang

    pinakamakapangyarihang nilalang

    dito sa gubat sabi ng matanda at

    natawa si Aneth. Oo alam ko, takot ka

    ata e sabi ng diwata at natawa ang matanda at humawak sa asul na bato. Suot ko ito pero hirap ka na

    talunin

    ako. Alam mo ba sino kinakatakutan

    ko dati? biglang sabi ng matanda.

    Sino? tanong ng dalaga. Ang nanay

    mo, yung punong diwatapero

    ngayon hindi na ako takot sabi ng matanda. Bakit ka matatakot sa nanay ko?

    tanong ni Aneth. Kasi siya daw ang

    pinakamakapangyarihan. Hindi ko

    alam ano ang lakas niya pero sa

    tulong mo alam ko na ang lahat ng

    kaya ng punong diwata. Naipapasa sa anak ang kapangyarihan ng

    magulang, namana mo ang

    kapangyarihan ng nanay mo at

    ngayon alam ko na di niya ako

    kakayanin biglang sabi ng matanda

    at natakot si Aneth. Pero alam mo nakasaad sa mga libro

    na sa angkan ng mga diwata, bawat

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    33/389

    isang daan taon lumalabas ang

    pinakamakapangyarihan na nilalang

    nila. Akala ko ikaw yon pero kapatid

    mo pala. Ngunit nagawan ng paraan at di siya magiging hadlang sa mga

    plano!!! sigaw ng matanda sabay

    madaling sinira ang asul na bato. Napaluhod si Aneth nang bigla niyang

    naramdaman ang tunay na

    kapangyarihan ng matanda.

    Napakalakas nung matanda at mula

    sa katawan niya pulang ilaw ang

    lumabas at sinunog ang mga puno sa gubat. Ang hangin biglang uminit at

    nanlisik ang mga mata ng matanda. Ipagpaalam mo sa buong

    Plurklandia!!! Ipaalam mo ang

    pangalan ko!!! sigaw ng matanda

    huminga ito ng malalim at muling

    sumigaw. Fredatoria!!! Naglaho ang matanda at ilang

    segundo lang dumating ang mga

    punong nilalang sa lugar ni Aneth.

    Umiiyak ang diwata at agad yumakap

    sa nanay niya. Aneth!!! Ano yon?!!!

    sigaw ng punong diwata. Kailangan mo pa ba itanong yon?

    Dinig ng buhong kaharian ang

    pangalan niya, Fredatoria sabi ng

    punong mambabarang. Itong

    kapangyarihan na ito galing sa mga

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    34/389

    pulang bato, ikaw ang nagtago ng mga batong yon! sabi ng punong

    kapre. Kinuha ni Monica nung umalis siya,

    baka siya ang nagpabuhay kay

    Fredatoria sinungaling ni Aneth at

    galit nag alit ang punong diwata. Ano

    ang ginagawa mo dito sa gubat?

    tanong ng nanay. Hinahanap ko po kapatid ko, bigla nalang siya lumabas

    at akala ko papatayin niya ako iyak

    ng dalaga at niyakap siya ng nanay

    niya. Ipatawag ang lahat ng mandirigma

    ng lahat ng gubat, sabihin niyo

    pinapatawag sila ng punong

    diwata!!! utos ng punong diwata at

    mabilis na umalis ang ibang nilalang. Samantala sa bundok ng mga bruha,

    pinapanood nila ang lahat ng

    kaganapan sa isang mahiwagang

    lababo. Ikaw ang pinagbibintangan

    na nagpakawala sa nilalang na yon

    kahit na kapatid mo mismo nagpalakas sa kanya sabi ng punong

    bruha. Hindi ko siya kapatid! Hindi ako

    diwata! Isa akong bruha! Tama lang

    yan, sana mamatay sila lahat! Itigil mo

    na kapapanood diyan at tuturuan mo

    pa ako! sigaw ni Monica at takot na

    takot ang mga bruha sa kanya. Alam ko ito ang napanaginipan mo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    35/389

    mula nung dumating ka dito, paano

    magwawakas ang laban na ito?

    tanong ng punong bruha at tumawa

    ng malakas si Monica. Ako ang magiging reyna ng

    kaharian!!!

    Chapter 2: Trese Diablos Huminga ng malalim si Wookie at

    dahan dahan minulat ang kanyang

    mga mata. Kanina lang

    nakikipaglaban siya kasama ang mga

    disipulo nang bigla siya tinangay ng

    mga espiritu. Tumayo ang mambabarang at wala siyang maalala

    kung pano siya napunta sa kweba. Gising ka na pala, halika ka dito at

    kumain ka sabi ng isang matanda na

    nakaupo sa harapan ng isang apoy.

    Sino ka? Ano ginagawa ko dito?

    Kailangan ako ng mga kasama ko!

    sigaw ni Wookie at tumawa ang matanda. Wag kang mag alala tapos na ang

    laban at nanalo kayo sabi ng

    matanda nang biglang may kalansay

    ang lumapit at may dalang pagkain.

    Agad pumorma si Wookie at

    nagpalabas ng tatlong espiritu. Sa isang tadyak lang ng matanda ay

    nalusaw ang mga espiritu at nagulat si

    Wookie. Gawa gawa ko yang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    36/389

    kalansay, maupo ka at kumain sabi

    ng matanda. Sino ka ba? At pano mo nalusaw ang

    pinatawag kong espiritu? tanong ng

    mambabarang. Kumain ka muna,

    madami tayong panahon mag usap

    sagot ng matanda kaya kumain na si

    Wookie pero pinagmamasdan niya yung matanda. Pagkatapos kumain ay sumandal

    paatras si Wookie dahil sa

    pagkabusog. Alam ko nag aalala ka

    para sa mga kaibigan mo, pwes eto

    ipapakita ko sa iyo ang nangyari sabi

    ng matanda at natawa si Wookie. Tinaas ng matanda ang kamay niya at

    isang dilaw na espiritu ang lumabas.

    Nilapitan ng espiritu si Wookie kaya

    natakot at nagpaatras ang

    mambabarang. Wag kang matakot,

    hayaan mo siya sumanib sa iyo para makita mo ang nangyari sabi ng

    matanda. Huminga ng malalim si Wookie at

    hinayaan ang espiritu makapasok sa

    katawan niya, agad nanigas ang

    mambabarang at mga mata niya

    napapikit. Bawat eksena napanood

    niya pati yung pagtangay sa kanya ng mga espiritu. Napapaindak si Wookie

    sa bakbakan napapanood niya at sa

    huli bigla siya napanganga nang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    37/389

    mapanood niya bumagsak sa palasyo

    ang higanteng kometa. Umalis ang espiritu sa mambabarang

    at si Wookie niyuko ang ulo at

    nalungkot. Kaya kita tinangay palayo

    dahil may nagbabantang bagong

    delubyo. Dati hindi ako nakikialam sa

    mga gera dahil lahat nakatakda sa libro ng mga ninuno Ngunit yung libro ay hindi kumpleto,

    nawawala ang kalahati nito sabi ng

    matanda at may kalansay na lumapit

    at dala ang lumang libro. Sige

    buklatin mo at tignan mo ang laman

    niya. Lahat ng nangyari at mangyayari dito sa kaharian ay nakasaad diyan

    paliwanag ng matanda at agad binasa

    ni Wookie. Pati yung kometa nakasaad ditosi

    Aneth? Bakit si Aneth? tanong ni

    Wookie. Basahin mo para malaman

    mo sagot ng matanda. Nabasa ko na

    pero di ko inasahan na ganon siya.

    Ano yung gusto niya makamtan? Ano ang nakatago sa sentro ng

    Plurklandia? tanong ni Wookie. Noong unang panahon, nagdesisyon

    ang mga nilalang na sa sentro ng

    kaharian itago ang mga libro ng

    kapangyarihan. Itong mga librong ito

    ay pinagbabawal ng mga nilalang.

    Nagpasya ang lahat na wala dapat matuto ng mga kapangyarihan na

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    38/389

    nakasaad sa mga libro sabi ng

    matanda. E di sana sinunog nalang o sinira

    sabi ni Wookie. Patapusin mo ako!

    sigaw ng matanda at natahimik ang

    mambabarang. Ganon na nga sana

    ang ginawa nila ngunit naisipan nila

    na baka balang araw kailanganin nila ang kapangyarihan na nakasaad sa

    mga libro. Kaya sabi nila itago nalang

    nila sa sentro ng kaharian, sa ilalim ng

    lupa may templo at tanging

    makakapasok sa loob ng templo ay

    ang tunay na pinuno ng kaharian. Ang mga ibang sumubok pumasok sa

    templo ay agad malulusaw ng di

    namamatay na apoy kwento ng

    matanda. Kaya ang mga punong nilalang ay

    mahigpit na nagbantayan mula noon.

    Hindi sila pwede makalapit o

    mapalapit sa namumuno ng kaharian.

    Kaya nga nilagay ang lahat sa iisang

    gubat. Ngunit kahit na ganon, ang mga punong nilalang ay nagtalaga ng

    isang taga bantay sa namumuno, at

    ako yon Trabaho siguraduhin na walang

    nilalang ang manlinlang at manloko sa

    pinuno ng kaharian, mabuti o

    masamang nilalang magiging kaaway

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    39/389

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    40/389

    lahat ng kapangyarihan sa librong

    yon pero may kapalit...may sumpa sa

    katawan ko na pag ginamit ko ang

    kapangyarihan sa mali agad ako

    mamatay paliwang ng matanda. E bakit ako napili mo? tanong ulit ni

    Wookie. Kasi pareho tayo,

    mambabarang din ako noong

    panahon. At ang librong iniwan nila

    ay para sa mga espiritista lamang.

    Kung mamimili ako ng ibang nilalang mahihirapan ako sa pagturo sa kanya.

    Ikaw ang napili ko pagkat pareho

    tayo, mas madali kitang turuan, mas

    madali kong ipasa sa iyo ang lahat ng

    natutunan ko. Wala na yung librong

    iniwan sa akin, sinira ko na kaya lahat ng laman niya nandito sa utak ko

    sabi ng matanda. Teka naguguluhan ako, bakit hindi

    natin pigilan si Aneth ngayon na?

    Bakit pa natin kailangan mag hintay?

    tanong ni Wookie. Sigurado ko pag

    nagpakita ako sa mga disipulo at

    ipaliwanag ang lahat kakampihan nila tayo at madali natin siya matatalo

    dagdag niya. Alam mo ilang beses ko na

    sinubukan pigilan ang mga

    magaganap sa libro ng mga ninuno.

    Nagtagumpay ako ilang beses ngunit

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    41/389

    meron at merong paraan para

    masundan ang nakatakda. Kahit ano gawin ko pigilan ang nakasulat ganon

    parin ang mangyayari. Hindi mo

    pwede palitan kung ano ang

    nakatakda sabi ng matanda. Kaya pala relax ka lang dito sa

    kweba mo habang

    nagkipagbakbakan kami. Kaya pala

    napakadali mo ako dinakip kasi alam

    mo na ang magaganap. Bakit mo pa

    ako kinuha? Kung nakatakda na makakapasok si Aneth sa sentro ng

    kaharian at makukuha niya ang mga

    libro? E di hayaan mo nalang sana ang

    nakatakda. Mangyayari at mangyayari

    din lang pala e sabi ni Wookie at

    nagalit ang matanda. Tado! Gagawin ko yon kung sana

    kumpleto ang libro! Pero putol, wala

    yung ibang parte niya. Oo naksaad na

    makakapasok si Aneth sa sentro ng

    kaharian pero ano mangyayari

    pagkatapos di natin alam. Yan ang nakakatakot, ngayon lang ako

    nakaramdam ng takot na ganito. Dati

    tama ka, nagrelax lang ako pagkat

    alam ko magtatagumpay kayo pero

    ngayon hindi ko alam ano susunod

    kaya kailangan ko maghanda galit ng matanda. Isa pa, nawala ang mga kawal ng

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    42/389

    kaharian bigla. Ni anino nila hindi

    makita. Maski mga espiritu na pinadala

    ko para hanapin sila o mga espiritu

    nila wala nahanap sabi ng matanda.

    Mangyayari lang yon pag inalay sila sabi ni Wookie. Tama ka, inalay sila

    yun din ang hinala ko. Pero kung ano

    ang balak nila tawagin na nilalang

    hindi ko alam, pero madaming kawal

    ang nawala kaya sigurado ko kung

    anuman yon hindi maganda sabi ng matanda. Bakit hindi nakasaad sa libro?

    tanong ni Wookie. Malaman nandon

    yon sa nawawalang parte kaya hindi

    natin alam kung ano talaga ang

    hinaharap natin. Sa ngayon ang

    pwede nating gawin ay mag antay. Kahit ano gawin natin pigilan si Aneth

    ay magtatagumpay siya kaya wag na

    tayong magsayang ng oras sabi ng

    matanda. Ano ba ang magagawa nating mga

    mambabarang? tanong ni Wookie at

    ngumiti ang matanda. Magugulat ka

    iho, magugulat ka sagot ng matanda. Kinabukasan pagkatapos ng almusal

    ay atat si Wookie magpaturo.

    Pasensya ka na iho at madami tayo

    kailangan baguhin sa itsura mo sabi

    ng matanda. Bakit pa babaguhin ang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    43/389

    itsura ko? Ano naman kinalaman non sa pagpapalakas? reklamo ng

    mambabarang. Tumayo bigla ang

    matanda at mula sa kamay niya

    lumabas ang isang espiritu at inatake

    si Wookie. Tumayo ka at lumaban ka! Ipapakita

    ko sa iyo bakit sabi ng matanda at

    dalawa pang espiritu ang pinalabas

    niya pero mabilis nakuha ni Wookie

    ang manika niya at naglabas din ng

    mga kakampi niyang espiritu. Nagulat ang matanda sa galing ni

    Wookie, napaatras ilang beses ang

    matanda at napahanga. Hoy tanda

    baka gusto mo ako nalang magturo

    sa iyo. Kasi pag ito lang kaya mo wala

    kwenta pala pasikat ng mambabarang at natawa ang

    matanda. Nagulat si Wookie nang hinawakan

    siya ng dalawang kalansay, pati

    manika niya nakuha kaya wala siya

    mapalabas na espiritu. Sa lupa may

    sinulat ang matanda, nagdasal ito ng

    mabilis sabay mula sa lupa lumabas ang higanteng espiritu at nagulat si

    Wookie. Pano mo nagawa yan? tanong ni

    Wookie pero nagsulat muli ang

    matanda sa lupa at isa nanamang

    higanteng espiritu ang lumabas.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    44/389

    Ngayon, sabihin mo sa akin kung

    kaya mo harapin ang dalawa kong alaga. Baka kulang pa, kaya ko pa

    magpalabas ng madami pasikat

    naman ng matanda at agad sumuko si

    Wookie. Gusto ko yan! Pano mo nagawa

    yan? tanong ng mambabarang at

    lumapit sa matanda pero humarang

    ang dalawang higanteng espiritu.

    Pasensya ka na iho, at medyo loyalist

    yan sa amo nila. Over protective sila sabi ng matanda sabay sa isang iglap

    pinabalik niya ang mga espiritu sa

    lupa. Pano mo ginawa yon? Gusto ko din

    ng ganyan sabi ni Wookie sa tuwa.

    Ang tawag sa kanila ay ang trese

    Diablos, mga espiritu ng mga

    namayapang magigiting na

    mandirigma ng buong daigdig. Oo alam ko mga masasama sila pero

    kontrolado ko sila sabi ng matanda. So trese na higanteng espiritu ang

    kaya mo palabasin? tanong ni

    Wookie. Hanggang anim lang kaya

    palabasin, mahirap na isulat ang

    pantawag sa natitirang pito pagkat

    sila ang pinakamalakas paliwanag ng matanda. Akin na aralin ko na agad,

    ituro mo pano isulat at ituro mo yung

    dasal sabi ni Wookie. Hanggang sa anim kaya mo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    45/389

    imemorya, yun din ang kaya ko. Yung

    pantawag sa pang pito hanggang sa

    trese ay komplikado na masyado at

    kung magkamali ka sa sulat ay

    walang lalabas sabi ng matanda. E hanggang anim lang ituturo mo sa

    akin? tanong ng mambabarang. Lahat, pero kailangan natin baguhin

    ang anyo mo sabi ng matanda at

    huminga ng malalim si Wookie. Alam

    ko na ang gusto mo gawin, itatatak

    mo ang mga symbolo nila sa katawan

    ko sabi ng mamababarang ang napangiti ang matanda. Trese Diablossige simulan mo na

    sabi ni Wookie pero ngumisi ang

    matanda. Pati yang buhok mo

    kailangan matanggal sabi niya at

    nagreklamo na si Wookie. Kasi ano

    ba yang buhok mo parang basahan, at kailangan natin magtatak din sa ulo

    mo sabi ng matanda. Bakit pa sa

    ulo? Pwede mo naman ipagkasya sa

    katawan nalang e sabi ng

    mambabarang. Kailangan maayos ang espasyo nila.

    Di sila pwede magkalapit. Gusto mo

    bang tatakan natin bawat pisngi ng

    pwet mo? HA? Nakakahiya pag don

    ka magpapalabas ng espiritu! sabi ng

    matanda. Bwisit ka! Sige pero bwisit ka! Anopalang pangalan mo tanda?

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    46/389

    tanong ni Wookie. Isang araw pa pinadaan mo bago mo

    tinanong, ako si Wakiz pakilala ng

    matanda. Wakiz? Parang pamilyar

    unang pangalan mo Jaba? tanong ni

    Wookie at bigla siya binatukan ng

    matanda. Tado ka! Nakapasyal ka narin pala sa labas ng Plurklandia, oo

    magaling sila sumayaw sabi ni Wakiz. Hindi nabalitaan ko lang sa mga

    ligaw na espiritu. Bilib ako sa iyo

    nakalabas ka na sa Plurklandiaakala

    ko ba nagbabantay ka dito banat ni

    Wookie. Boring dito, at engot naman

    yung naghariharian kaya namansyal din ako minsan lang naman kwento

    ni Wakiz. Pero saka na ang kwento kwento

    kailangan na natin simulan ang

    pagpalit ng anyo mo sabi ng

    matanda. Dalawang araw tinatakan ang

    katawan ni Wookie, isang araw siya

    nabalot ng sakit kaya kinailangan nila

    antayin hanggang sa gumaling siya.

    Isang lingo ang lumipas ay nagising si

    Wookie, wala nang sakit sa katawan niya pero ulo niya ang sumasakit. Presko na ang pakiramdam niya

    at

    magaan ang ulo pagkat natanggal

    narin ang buhok niya. Tumayo si

    Wookie at biglang natawa ang

    matanda. Bakit mo ako

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    47/389

    tinatawanan? tanong ni Wookie. Tinuro ng matanda ang manika at

    nagulat si Wookie pagkat kalbo narin

    ito at may tattoo narin sa buong

    katawan. Natawa narin si Wookie pagkat

    kumakamot ng ulo ang manika,

    Teka! Pano gumagalaw ito e di ko

    naman kinokontrol? tanong ni

    Wookie. Naalala mo kalansay ko,

    yung espiritu niya nandyan na sa manika mo. Sa iyo na siya. Trained

    yang espiritu na yan kaya di mo na

    kailangan kontrolin paliwanag ni

    Wakiz. E pano ikaw? Sino na maninilbihan sa

    iyo dito? tanong ni Wookie.

    Maghahanap ulit ako ng panibagong

    espiritu na tuturuan ko. Di na

    importante yan, handa ka na ba?

    tanong ni Wakiz. Oo, simulan na natin ito sabi ng mambabarang. Wookie, madami pa ako ituturo sa

    iyo

    pero itong paglabas ng Trese Diablos

    ang uunahin natin. Hindi madali ito,

    hindi sila normal na espiritu na kaya

    mong kontrolin agad. Pag napalabas

    mo sila kailangan mo ipakita sa kanila na ikaw ang boss nila kung hindi ikaw

    ang aatakehin nila. Pero pag natuto

    sila na ikaw ang kanilang amo ay

    rerespetuhin ka nila at susundin kahit

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    48/389

    anong utos mo paliwanag ni Wakiz. Bandang hapon na nang natutunan ni

    Wookie ang mga dasal, pagkatapos

    nila kumain ay lumabas sila ng kweba

    para subukan magpalabas ng espiritu.

    Bakit pa natin kailangan lumabas?

    tanong ni Wookie. Sige na lumayo ka ng konti sabay subukan mo ipalabas

    ang una utos ni Wakiz. Nakalayo si Wookie at tinignan ang

    tattoo sa kanang kamay niya. Pinikit

    niya mata niya at nagsimulang

    nagdasal. Gamit isang kamay

    hinawakan ang tattoo sabay nagliyab

    ang kamay niya. Isang higanteng espiritu ang lumabas at tuwang tuwa

    ang mambabarang. Humarap ang espiritu kay Wookie at

    bigla ito inatake, Wakiz!!! Bakit

    ganito?!!! sigaw ng mambabarang

    habang tumatakbong palayo. Tado!

    Sabi ko sa iyo ipakita mo sinong boss

    e. Ayan di ka kinilala, there is a way sagot ng matanda. Anong way? Bakit

    ka nag eenglish? Hoy tanda tulungan

    mo ako!!! sigaw ni Wookie. Harapin moat kalabanin mo siya

    sabi ni Wakiz. Huwaaaaat?!!! Are you

    crazy?!!! sigaw ng mambabarang at

    di siya tinatantanan ng higanteng

    espiritu. Yun lang ang paraan, kung

    di mo siya mapapaamo di siya titigil. Ikaw kaya mo tumakbo ng walang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    49/389

    hanggang? banat ni Wakiz.

    Tulungan mo nalang ako!!! sigaw ni

    Wookie. Walang point pag ganon, kung

    tulungan kita sa akin siya

    mapapaamo. Wala din lang kwenta

    paliwanag ni Wakiz kaya tumigil si

    Wookie at hinarap ang higante. Peste

    ka akala mo porke malaki ka ha, come to Wookie!!! sigaw ng mambabarang

    at mula sa lupa isang libong mga

    espiritu ang biglang lumabas at

    kinalaban ang higante. Nabilib si Wakiz at tinignan ang

    manika ni Wookie na katabi niya. Sabi

    ko sa iyo magaling ang apo ko e

    bulong niya at napakamot lang ang

    manika. Sampung minuto lang ay

    natalo na ni Wookie ang higante, lumuhod ito at naging maamo.

    Bumalik ang espiritu sa katawan ng

    mambabarang, agad naman nilabas ni

    Wookie ang pangalawa. Sira ulo ka ba? Isa isa lang sa bawat

    araw! sigaw ni Wakiz. Quiet old man,

    this is how young people do it!

    sumbat ni Wookie at nagpalabas ulit

    siya ng isang libong espiritu para

    kalabanin ang pangalawang higante. Pagsapit ng dilim ay agad napaamo ni

    Wookie ang anim na higante. Pagod

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    50/389

    na pagod siya pero napabilib niya ang

    lolo niya. Bagsak ang katawan ni

    Wookie sa lupa at biglang tumawa.

    Wooohooo pito nalang sabi niya. Bukas na ulit o hanggang sa

    marekover mo lakas mo sabi ng

    matanda. Kinabukasan nagising si Wakiz sa

    sigaw ni Wookie. Wakiz!!! Tulong!!!

    sigaw ng mambabarang. Agad

    lumabas ng kweba ang matanda at

    nagulat siya pagkat napalabas ng apo

    niya ang pang pitong higante. Naku po, nagawa niya ang di ko nagawa

    bulong ng matanda. Wakiz!!! Pano to? Naka dalawang

    libong espiritu na ako ayaw pa

    tumumba!!! sabi ni Wookie. Ewan

    ko! Bahala ka diyan! Ngayon ko lang

    nakita yan e sagot ng matanda na

    tuwang tuwa. Mabilis tumakbo si Wookie, sa isang

    iglap napabilib nanaman yung

    matanda nang nailabas ng apo niya

    ang unang higante at lumaban ito sa

    pang pito. Naglabas pa si Wookie ng

    isang libong espiritu na nakilaban at pagkatapos ng trenta minutos ay

    napaamo na niya ang higante. Bagsak si Wookie sa lupa at agad

    lumapit si Wakiz, Oh em geeeee,

    ngayon ko lang napansin mga tattoo.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    51/389

    Nag iba ang kulay nila nung napaamo

    mo sila. Dati itim, ngayon may halong

    pula at ginto na sabi ng matanda. Ang dami mo pinapansin tanda,

    gutom akoooo!!! sigaw ng

    mambabarang at natawa ang lolo

    niya. Kinabukasan nagising ang matanda

    nang bumalik sa kweba ang apo niya.

    Agad nahiga si Wookie at natulog.

    Napansin ni Wakiz na nag iba ang

    pang walong tattoo kaya hinayaan

    nalang niyang matulog ang apo niya. Isang lingo ang lumipas at nakaupo si

    Wookie sa labas ng kweba. Tinabihan

    siya ni Wakiz at napansin ang mga

    sugat sa katawan ng apo niya. Isa

    nalang ang di mo napapaamo sabi ni

    Wakiz. Oo inantay kita magising para mapanood mo akololo sagot ni

    Wookie at nagulat ang matanda. Pano mo nalaman? tanong ni Wakiz

    at tinuro ni Wookie ang manika niya.

    Tumayo ang mambabarang at

    huminga ng malalim. Hey gramps,

    watch me sabi ni Wookie. Tumayo ang mambabarang sa

    malayo, humawak siya sa dibdib niya

    at sa isang iglap lumabas ang pang

    huling Diablos. Napatayo si Wakiz at

    napanganga pagkat napakalaking

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    52/389

    espiritu ang tumambad sa harapan niya. Ramdam ng matanda ang

    kapangyarihan ng huling higante,

    tumakbo siya palapit sa apo niya pero

    pinigilan siya ni Wookie. Pumikit lang si Wakiz at muli siyang

    nagulat pagkat nakatayo sa likod ng

    apo niya ang doseng Diablos. Nakita

    ng matanda na matatag ang apo niya,

    ang huling Diablos biglang nanginig at

    lumuhod sa isang paa at nagpaamo. So gramps, what else are you gonna

    teach me?

    Chapter 3: Punong Diwata

    Sa loob ng bagong palasyo abala ang

    reyna sa pagtanggap ng mga bisita.

    Binuksan niya ang pinto ng palasyo

    para sa mga mamamayan na nais

    makapasok at makahingi ng tulong.

    Ngunit sa paligid ng kwarto nagbabantay ang ibang disipulo. Bagay talaga niya maging reyna ano?

    Tignan mo mahal na mahal siya ng

    mga tao bulong ni Bashito sa mga

    dwendeng nakatayo sa balikat niya.

    Mahal ko din siya sagot ni Darwino.

    Pero pare, bakit parang nag iiba itsura niya? tanong ni Bobbyno at

    tinignan ng tatlo si Nella ng maigi. Baka stress lang sabi ni Virgous na

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    53/389

    nakitabi sa kanila. Stress? Pag ganon

    tatanda ang itsura, pero si Nella nag

    iiba itsura niya. Tawagin mo nga si

    Sarryno para amuyin baka naman

    hindi na siya yan utos ni Bashito. Ako nalang aamoy landi ni Darwino

    at bigla siya binatukan ng kaibigan

    niyang dwende. Seryosong usapan

    ito sabi ni Bobbyno. Seryoooosooo

    din akoooo landi pa ni Darwino. Pasimpleng lumapit si Sarryno sa

    reyna, kunwari bumulong siya para

    kumustahin. Bumalik si Sarryno sa

    mga disipulo at napakamot. Siya

    parin naman mga pre sabi niya kaya

    nagtaka nalang sila sa pagbabago ng itsura ng reyna. Kinagabihan nang tulog na si Nella ay

    nagtipon ang lahat ng disipulo at

    pinuntahan si Aneth. Ano

    mapaglilingkod ko sa inyo mga

    ginoong disipulo? tanong ni Aneth

    nang pinapasok niya sila sa kanyang kwarto. Punong diwata, wala ka bang

    napapansin sa reyna? tanong ni

    Bashito. Medyo nagulat si Aneth pero

    nagkunwari. Wala naman, bakit ano

    nangyari kay Nella? tanong ni Aneth.

    Napapansin lang namin na nagbabago itsura niya. Hinala namin

    nung una na napalitan siya pero

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    54/389

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    55/389

    iba ang itsura ni Nella? tanong ng

    bampira. Tumatawa si Aneth at pilit nilalabanan

    ang kapangyarihan ng duling na

    bampira, kahit ayaw niyang magsalita

    ay wala siyang magawa. Pinalitan ko

    anyo niya noong bata pa siya. Pag

    mga nilalang ang makakakita sa kanya magiging kamukha niya ang

    dating kasintahan ng pinuno niyo

    biglang sabi ng diwata at nagulat ang

    mga bampira. Bakit mo ginawa yon? tanong ni

    Chado at tumawa ng malakas ang

    diwata. Kasi nakita ko ang mga

    magaganap at kinailangan ko palitan

    itsura niya para. Pag normal na tao

    titingin, nakikita nila ang tunay na anyo ni Nella. Pero pag tayo, at lalo na

    si Paulito ay makikita natin ang itsura

    ng namayapa niyang kasintahan Bakit? Pagkat kailangan ko ang

    kapangyarihan ng sugo! paliwanag

    ni Aneth. Masamang diwata ka!

    Mapanlinlang! Ginamit mo lang kami!

    sigaw ni Bobbyno at susugurin na

    sana niya si Aneth pero pinigilan siya ni Darwino, Let her speak sabi ng

    dwende. Tama kayo ginamit ko lang kayo.

    Pano ko pa matatalo ang kapatid ko

    pag wala kayo? Hindi ko naman kayo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    56/389

    kaya tipunin, kaya kinailangan ko ang

    impluwensya ni Paulito at

    nagtagumpay naman ako!! sagot ni Nella sabay tawa. Pero alam niyo di lang yon ang

    nagawa ko. Alam niyo ba sino ang

    nagpalakas kay Fredatoria noon?

    Ako!!! At mula noon nais ko

    makamtan ang kapangyarihan niya!

    Sumama ang loob ko nung nalaman ko naikalat ang mga kapangyarihan

    niya sa inyong mga disipulo kaya oo

    ginamit ko lang kayo at nakuha ko

    din ang matagal kong

    pinapangarap!!! dagdag ng diwata. Hindi mo makukuha ang

    kapangyarihan namin!!! sigaw ni

    Sarryno sabay di natiis at sumugod.

    Nasugatan niya si Aneth sa mukha

    gamit ang mga kuko niya, ang diwata

    nakawala sa kapangyarihan ng duling na bampira at nagpasabog ng dilaw

    na ilaw kung saan napatalsik ang mga

    disipulo. Pagkabangon nila ay wala na si Aneth,

    Dito naamoy ko siya! sigaw ni

    Sarryno at sinundan siya ng iba. Sa

    likod ng palasyo nagulat ang mga

    disipulo pagkat nakatayo sa harapan

    nila ay mga kamukha nila. Eto nanaman tayo sabi ni Bobbyno.

    Nagkakamali kayo, napabilib ako sa

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    57/389

    ginawa ng kapatid ko kaya gumawa

    din ako ng sarili kong mga disipulo.

    Sayang kulang ng dalawa pero ayos

    narin ito. Alam niyo di ko na sana kailangan ng mga ito e, akala ko

    mapapaamo ko kayo at kayo mismo

    ang magiging alagad ko. Huli na ang

    lahat kaya sila nalang ang magiging

    alagad ko sabi ni Aneth na

    lumulutang sa hangin. Pano lalaban mga yan e di nga sila

    ata buhay e? tanong ni Bombayno

    nang napansin nila ang mga pekeng

    disipulo na nakatayo lang na parang

    estatwa. Tama ka kasi di pa sila buhay, sabi ko

    naman sa inyo gusto ko ang mga

    kapangyarihan niyo kaya kukunin ko

    sila! Tignan niyo kung saan kayo

    nakatayo! sabi ni Aneth. Pagtingin ng

    mga disipulo sa lupang kinatatayuan nila ay nasa loob sila ng isang

    malaking bilog na nakaukit sa lupa. Sinubukan nila makalabas sa marka

    pero parang may nagpipigil sa

    kanilang makalabas. Napatawa ng

    malakas si Aneth pero mabilis

    nagpaapoy si Virgous ngunit di

    umaabot ang lakas niya sa diwata. May humaharang! sigaw ng taong

    apoy, Baluuuuuuuutttttt!!! sigaw ni

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    58/389

    Bombayno pero mga kapwa niyang

    disipulo lang ang nabibingi at lalo

    pang tumawa ng malakas ang diwata.

    Kahit ano gawin niyo di niyo ako masasaktan. Wala na kayo magagawa

    at makukuha ko na ang mga

    kapangyarihan niyo sabi ni Aneth. Pinikit ng diwata ang mga mata niya at

    may dasal na binigkas. Mga disipulo

    sinubukan ang lahat para makawala

    pero biglang nagliyab ang bilog at

    nagsipagbagsakan sila sa lupa.

    Nanghihina ang mga disipulo at unti unti namang nabubuhayan ang mga

    kapareho nila. Ilang sandali pa ay hinang hina na

    ang mga disipulo, nakakagalaw na

    ang mga alagad ni Aneth at lalo pang

    natawa ang diwata. Vakit vah dhi niyo ako vinivilang na

    dishipuloow!!! sigaw ng isang

    bampira mula sa puno. Tumalon ito

    papunta kay Aneth, bago pa

    makalingon ang diwata ay naibaon na

    ni Tuti ang mga pustiso niya leeg ng diwata. Napasigaw ng malakas ang

    diwata at ang mga disipulo tila

    nabuhayan. Kumapit ng husto si Tuti kay Aneth at

    pinagkakalmot pa nito ang katawan

    ng diwata. Nanghihina na si Aneth

    kaya sinira niya ang bilog na marka

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    59/389

    gamit dilaw na ilaw. Nakagalaw ang

    mga alagad niya at nagsitalunan para maabot si Tuti. Sumigaw ang pekeng Bombayno at

    nabingi si Tuti kaya napabitaw sa

    diwata. Pareho sila bumagsak sa lupa

    at ang mga alagad ni Aneth agad

    inatake ang bungal na bampira.

    Sinubukan ng mga disipulo bumangon para matulungan ang

    kasama nila ngunit masama ang

    nangyari. Wala sa kanila ang nakatayo at

    nakatulong, tanging nagawa nila ay

    panoorin ang mga pekeng disipulo na

    kawawain si Tuti. Kahit ano pang galit

    ang nararamdaman nila, ubos talaga

    ang mga lakas nila. Bumangon si Aneth at tumawa nang tumigil ang

    mga alagad niya. Wala nang buhay si

    Tuti na nakahiga sa lupa, napapikit

    nalang ang mga disipulo at

    nagmumura. Wala na kayong silbi sa akin, nakuha

    ko na ang kapangyarihan niyo. Hindi

    naman ako masamang diwata, kaya di

    ko kayo papatayin. Mga disipulo ko,

    kunin niyo sila at ikalat sa bawat sulok

    ng kaharian! Siguraduhin niyo na hindi sila makakatakas, dalian niyo!

    utos ni Aneth at mga alagad niya

    kinuha ang kanilang kaparehang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    60/389

    disipulo at mabilis na lumayo. Kinabukasan ay pinatawag ni Aneth

    ang lahat ng punong nilalang mula sa

    lahat ng gubat sa kaharian. Lahat

    napansin ang sugat ni Aneth sa leeg

    pero nagpalusot lang ang diwata. Bakit mo kami pinatawag? tanong

    ng punong dwende. Meron tayong

    problema, matinding problema sabi

    ni Aneth. Ano ang problemang ito?

    Wala naman kaming nararamdaman

    na kakaiba sa kaharian sagot ng punong mambabarang. Ang mga libro ng kapangyarihan,

    may gustong makakuha sa kanila

    sabi ni Aneth at nagulat ang lahat.

    Bakit mo binibigkas yan?!!! Alam mo

    naman na sekreto natin yan. Pinasa sa

    atin ng mga ninuno natin. Bakit mo binigkas yan sa harap ng mga

    disipulo? tanong ng punong kapre. Mapagkakatiwalaan naman sila,

    sinisigurado ko yon. May nilalang na

    gusto makamit ang kapangyarihan ng

    mga libro sabi ni Aneth. Sino yan?

    Hindi magtatagumpay yan habang

    buhay tayo. Pipigilan natin siya! sabi ng dwende. Ako! sagot ng diwata at nagulat ang

    mga kasama niya. Hindi magandang

    biro yan Aneth! Bilang punong diwata

    hindi ka pwede magbiro ng ganyan!

    sigaw ng punong mambabarang. Hindi ako nagbibiro. Kaya ko kayo

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    61/389

    pinatawag ay itatanong ko sa inyo

    kung sino ang kontra sa balak ko.

    Yung kokontra ay magiging kalaban

    ng kaharian, at ang mga hindi kontra

    ay maninilbihan kasama ko paliwanag ni Aneth at nagsitayuan

    ang ibang nilalang at pumorma. Maaring kayong mga d iwata ang

    pinakamalakas pero pag nagsama

    sama kami kaya ka namin. Wala sa

    amin ang sasama sa iyo! sigaw ng

    punong tikbalang pero tumawa lang

    si Aneth at sa isang kumpay ng kamay ay napaupo ang ibang nilalang. Sabi ko na kokontra kayo kaya

    napaghandaan ko ito. Dito sa

    kwartong ito wala kayong

    kapangyarihan. Tanging ako lang at

    mga alagad ko. Papasukin ang mga

    impostor! sabi ng diwata at pinasok ng mga alagad niya ang mga patay na

    katawan ng ibang nilalang. Ano ang binabalak mo? Pakawalan

    mo kami dito Aneth!!! sabi ng

    dwende. Konting tiis nalang at

    mapapalitan na kayo. Wag kayong

    mag alala at sisiguraduhin kong

    kamukhang kamukha niyo ang kapalit niyo sabi ng diwata. Tulad ng ginawa niya sa mga disipulo,

    tinanggalan niya ng kapangyarihan

    ang mga punong nilalang at nilipat

    yon sa mga patay na katawan. Ilang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    62/389

    minuto ang lumipas at patay na ang

    mga punong nilalang at mga dating patay ay buhay na. Bantayan niyo maigi ang pinto, wag

    kayo magpapalapit ng kahit sino

    utos ni Aneth at nagsilabasan ang

    mga alagad niya. Pinagtabi ni Aneth

    ang katawan ng patay na punong

    dwende at yung muling nabuhay na dwende. Nagdasal siya at unti unting

    nagbago ang itsura ng nabuhay na

    dwende at gumagaya ito sa

    namayapang punong dwende. Tatlong araw ang lumipas at binisita ni

    Aneth si Nella sa kwarto niya. Mahal

    na reyna, may problema tayo sabi ng

    diwata. Aneth! Bakit parang

    nanghihina ka? tanong ni Nella na

    agad bumangon mula sa kama. Hindi lang ako mahal na reyna ang

    nanghihina. Lahat kaming mga

    nilalang ang tila nawawalan ng lakas.

    Hindi maipaliwanag kung bakit ngunit

    parang may ibang nilalang ang

    gumagawa nito kwento ng diwata na tinuloy ang pagkukunwari. Ha? Pano natin malulutasan ito? Pano

    mo nalaman na lahat ng nilalang ay

    nadali? tanong ng reyna. Mahal na

    reyna, nandito ang ibang punong

    nilalang para kausapin ka. May lunas

    ito pero kailangan ka namin makausap lahat paliwanag ni Aneth

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    63/389

    at agad sumama ang reyna sa diwata. Naupo si Nella sa trono at naupo sa

    harapan niya ang mga punong

    nilalang. Mahal na reyna, kaming mga

    punong nilalang ay tinatagong

    sekreto. Tungkol ito sa mga libro ng

    kapangyarihan sabi ni Aneth at nakwento ng diwata ang lahat sa

    reyna. Sigurado ba maisasalba ang lahat ng

    nilalang pag nakuha natin ang mga

    libro? tanong ni Nella. Opo mahal na

    reyna. Pero tangin ang naghahari lang

    sa kaharian ang pwedeng pumasok

    sa templo. Yan ang napagpasyahan ng mga ninuno namin. Pagkat pag tao

    ang nakakuha ng libro ay di rin lang

    nila maiintidihan at magagamit.

    Ginawa yon para walang nilalang ang

    pwede magmalabis paliwanag ni

    Aneth. Nasan ba yung templo? Kailangan

    natin magpunta doon agad sabi ng

    reyna at napangisi ng konti ang

    diwata. Samahan ko kayo mahal na

    reyna, isama narin natin ang mga

    disipulo para magbantay. Hindi natin alam kung sino ang gumagawa nito

    sa mga nilalang kaya dapat may

    gwardya tayo hirit ni Aneth. Teka napansin kong nawawala si

    Tuti, nasan siya? tanong ng reyna at

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    64/389

    kinabahan si Aneth. Mahal na reyna

    mukhang nagluluksa pa ata siya sa

    pagkawala ni Paulito. Tulad ni Anhica

    mukhang lumayo muna sila paliwanag ni Aneth at napabuntong

    hininga si Nella. O siya, tara na. Ayaw

    ko may mamatay na nilalang sabi ng

    reyna. Ilang oras ang lumipas at narating nila

    ang sentro ng kaharian, desyerto ito

    at walang makitang templo si Nella.

    Nasan ang templo? tanong niya.

    Mahal na reyna nasa ilalim ng lupa,

    atras muna kayo at ipahukay natin sa mga disipulo sabi ni Aneth. Mabilis nagtrabaho ang mga pekeng

    disipulo, nakatayo lang ang dalawang

    dwende sa tabi ng reyna kaya inayos

    ni Nella ang palda niya. Parang

    nagbago na ata kayong dalawa sabi

    niya. Respeto lang mahal na reyna sagot ni Darwino at nanibago talaga si

    Nella kaya natawa nalang. Ilang metro ang nahukay at isang

    sementong bloke ang nakaharang sa

    papasok sa templo. Tabi kayo utos

    ni Bombayno at bigla siyang sumigaw

    at nabiyak ang semento. Pati boses ni

    Bombayno nag iba pansin ni Nella pero walang kumibo. Nabuksan na nila ang papasok sa

    templo at agad bumaba si Nella.

    Natatakot ako Aneth sabi ng reyna.

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    65/389

    Pasensya na mahal na reyna ngunit

    pag sinamahan ka namin mamatay

    kami sagot ng diwata. Teka bakit hindi nanghihina ang mga disipulo?

    Diba dapat sila nanghihina? tanong ni

    Nella. Ahkaya siguro nagbago ang boses

    ni Bombayno at nagbago ugali ng

    mga manyakis na dwende sagot ng

    diwata at natawa si Nella. Oo nga,

    sigurado ka wala ako makakaharap

    dito? tanong ng dalaga. Sigurado ko wala mahal na reyna sagot ni Aneth

    na ngumiti. Pumasok si Nella sa templo, madilim sa

    loob ngunit may kakaiba siyang

    naramdaman. Biglang nagliwanag

    ang templo kaya napaatras ang

    dalaga, isang multo ang nagpakita sa

    dalaga kaya napasigaw ito ng malakas. Kinabahan si Aneth pero

    wala siya magawa pagkat hindi sila

    pwede makalapit sa loob. Wag kang matakot Nella sabi ng

    multo at napaupo ang reyna at

    nabalot ng takot. Hindi siya

    makasigaw nang lalong luminaw ang

    multo at nag anyong tao. Wag kang

    matakot Nella, ako ang taga bantay ng templo sabi ng multo at nanginig ng

    todo ang dalaga. Pano mo alam pangalan ko? tanong

    ng dalaga. Nakasaad ang iyong

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    66/389

    pagpunta dito. Matagal na kitang

    inaantay sagot ng multo. Nakasaad?

    Inaantay ako? Anong ibig mo

    sabihin? tanong ni Nella. Oo, lahat ng nagaganap sa kaharian

    na ito ay nakasaad na. Lahat ng

    naganap at di pa nagaganap ay

    nakasulat sa libro ng mga ninuno.

    Wag kang matakot Nella, hindi kita

    pwedeng saktan. Gwardya lang ako dito sa templo paliwanag ng multo. Tumayo dahan dahan si Nella

    at

    naglakad pa papasok sa templo, Ano

    pa ang nakasaad sa libro? tanong ni

    Nella. Patawad Nella hindi ko pwede

    sabihin, at kahit sabihin ko man ay

    wala ka rin magagawa pagkat ang nakasaad ay di na mababago.

    Mangyayari at mangyayari lahat

    paliwanag ng multo. Bakit parang malagim ang tono ng

    boses mo? Nandito ako pagkat may

    problema ang mga nilalang.

    Nanghihina sila at nawawala ang

    kanilang kapangyarihan. Sabi sa akin

    makakatulong ang kapangyarihan na nakasaad sa mga libro dito sabi ng

    dalaga. Yan ba talaga ang paniniwala mo?

    tanong ng multo. Bakit hindi ba?

    Sabihin mo sa akin kung ano

    nalalaman mo. Utos ko ito! sigaw ni

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    67/389

    Nella at natawa ang multo. Reyna ka

    nga pero patawag Nella, ang mga buhay lang ang nasasakupan mo.

    Kaming mga multo ay hindi kasama

    don. Naitanong ko lang kung yun

    talaga ang paniniwala mo paliwanag

    ng multo. Yun ang sabi sa akin at nakita ko ang

    ebidensya mariing sinabi ng dalaga.

    Taga bantay lang ako dito sa templo,

    hindi kita pwede pigilan kunin ang

    mga libro Ikaw tunay na

    tagapamahala ng kaharian kaya di kita pwede pigilan. Halika samahan

    kita sabi ng multo at pumasok ang

    dalawa sa templo. May tatlong malalaking lamesa at sa

    ibabaw nila ang mga libro ng

    kapangyarihan. Ang dami pala sabi

    ni Nella. Oo bawat nilalang ay may

    tanging libro. Nakalaad sa bawat libro

    kung paano nila makakamtan ang pinakamalakas na kapangyarihan

    nila paliwanag ng multo. Libro ng diwatapag binasa ito ng

    isang diwata matututunan niya pano

    lumakas ng todo? tanong ni Nella.

    Ganun na nga yon sabi ng multo. E

    sino ang mga gumawa nito? tanong

    pa ng dalaga. Noong unang panahon

    nagpapalakasan ang mga bawat

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    68/389

    nilalang. Nais nila mangibabaw sa iba

    kaya nag aral sila pano lumakas.

    Nagkaroon ng matinding gera ng mga

    nilalang. Dahil sa nais maging pinakamagaling halos nasira na nila

    ang kaharian Habang tumatagal ay napapansin nila

    na nanghihina sila, at doon nila

    nalaman na ang kapangyarihan nila

    nanggagaling din sa kapaligiran. Oo

    maaring malakas sila pero

    nakalimutan nila na mas makapangyarihan ang kapaligiran.

    Halos mamatay na ang kaharian at

    napansin nila pati sila nadadamay Tumigil ang gera at nagtipon ang

    pinakamalakas na mga nilalang.

    Nagpasya sila na itigil na ang laban at

    dahil nasisira ang kaharian. Wala din

    lang kwenta mamuno pag wala kang

    kaharian diba? kwento ng multo. Kaya yung mga pinakamalakas na

    nilalang ay siyang naging ng pinuno,

    pinunong diwata, pinunong dwende

    at madami pang iba. Lahat sila pinili

    ang kapayapaan pero may mga di

    sumang ayon sa kanila Kaya nagkaroon ng pwersa ng

    liwanag, at pwersa ng kadiliman. Mga

    pwersa ng liwanag ay yung mga

    nilalang na ninanais ang kapayapaan

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    69/389

    at ang kapangyarihan nila galing sa

    kalikasan. Ang mga tumiwalag ay nakahanap ng panibagong

    kapangyarihan na mula sa kadiliman

    ng budhi Nagpasya ang mga punong nilalang

    na itago ang mga libro dito sa templo

    at tanging makakapasok dito ay ang

    tao na walang kapangyarihan sabi

    pa ng multo. E paano kung makuha ng isang

    nilalang ang lahat ng libro? Kaya ba

    niya aralin ang mga kapangyarihan

    ng ibang nilalang? tanong ni Nella.

    Maari yon ngunit mahihirapan siya.

    Kahit na ganon, may ibang gamit din ang mga librong ito. Malalaman din ng

    nilalang na yon ang kahinaan ng

    ibang nilalang at pwede niyang

    gamitin ang kahinaan na ito para

    matalo ang isa pang nilalang. Pero ang

    labis na nakakatakot ay pag nakamtan ng isang nilalang ang lahat

    ng kapangyarihan na ito. Pag

    nangyari yon isa na siyang diyos

    paliwanag ng multo at natakot si Nella. Pero mahirap mangyari yon diba?

    Hindi naman siguro mangyayari yon.

    Nais ko lang tulungan ang mga

    nilalang kaya ako nagpunta dito sabi

    ni Nella. Yan ang paniniwala mo kaya

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    70/389

    wala ako pwede gawin kundi respetuhin yon sagot ng multo at

    nagdududa na talaga si Nella. Nandito din ba ang libro ng ninuno?

    Gusto ko siya mabasa kasi ayaw mo

    naman sabihin ang alam mo. Nasan

    ang librong yon? tanong ng dalaga.

    Patawad Nella, nahati sa tatlo ang

    libro ng mga ninuno at naikalat. Kung saan hindi ko alam pero nabasa ko

    lahat ng laman nito. Dahil sa kasalanan

    na yon ako ang napiling magbantay

    dito, kinulong nila ako dito at

    nandoon ang aking kalansay sabi ng

    multo at sa dulo ng templo nakita ni nela ang isang kalansay at kinilabutan

    siya. Dahil na nalalaman ko nagpasya ang

    mga punong nilalang na akoy ikulong

    dito para di ko maikalat ang

    nalalaman ko. Aminado ako binalak

    ko gamitin sa hindi maganda ang mga

    nalaman ko, kaya tanggap ko ang lahat. Hindi madali ang maging multo

    na taga bantay. Nais ko nang

    mamayapa sana pero napipigilan ako Pero sabi nila antayin ko ang

    pagdating mo, pag nagawa kong

    panatiliin ang nalalaman ko sa akin

    lamang maari na ako mamayapa sa

    pagdating mo. Kaya matagal na kitang

    inaantay Nella. Patawag gusto ko man sabihin sa iyo ang nalalaman ko, hindi

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    71/389

    ko na kaya manatili pa dito. Gusto ko

    na mamayapa, sana maintindihan mo

    sabi ng multo at huminga ng malalim

    ang dalaga. Masyado madami ito, matatagalan

    ako sa pagbuhat ng mga libro sabi ni

    Nella. Tutulungan kita, wag kang

    mag alala. Pero Nella payo ko lang sa

    iyo. Maging mapagmasid ka, sundin

    mo ang puso mo. Sigurado ka ba sa paniniwala mo? Yun lang masasabi ko,

    antayin ko nalang ang desisyon mo

    sabi ng multo at matagal napaisip si

    Nella. Bahala na, di ko kaya na madaming

    nilalang ang mamatay sabi ng dalaga

    at niyuko ng multo ang ulo at

    tinulungan na si Nella magbuhat ng

    mga libro.

    Chapter 4: Pagbangon

    Isang gabi, tahimik ang buong

    kaharian nang may isang nilalang na

    tumayo sa harapan ng lumang

    palasyo. Maliwanag ang buwan at ang

    simoy ng hangin ay mahalimuyak.

    Tinanggal ng nilalang ang kanyang hood at dinikit ang kamay niya sa

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    72/389

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    73/389

    Bossing naman e sabi ni Wookie at natawa si Paulito at dahan dahan niya

    minulat ang mata niya. Yo Kalbo bati ng bampira at

    huminga ng malalim ang

    mambabarang at natawa. Sorry

    naman, ngayon lang ako nakaranas

    na pinapakain ako e sabi ni Paulito at

    napakamot ang mambabarang. Buhay ka naman pala e, bakit di ka

    pa umalis diyan sa ilalim? tanong ng

    mambabarang. Ewan ko, wala akong lakas. Ngayon

    parang bumabalik na. Pero nung

    nakakulong ako sa ilalim walang wala

    kahit ano gawin ko. Hindi ko

    maintindihan paliwanag ng bampira.

    E ngayon? Bumabalik na ba? tanong ni Wookie. Oo unti unti pero

    nanghihina parin ako talaga. At may

    isa pang problema sabi ng bampira. Anong problema? tanong ni Wookie

    at nagulat ang mambabarang nang

    may kamay siyang nakita na

    lumalabas sa butas. Bakit mo ako

    iniwan doon mag isa?!!! sigaw ng

    babae at agad naghanda ang mambabarang pagkat nabobosesan

    niya ang babae, yun ang bruhang si

    Monica. Agad hinila ni Wookie ang mahinang

    bampira at nagpakawala ng isang

    daang espiritu para harapin ang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    74/389

    bruha. Bossing dito ka sa likod ko,

    ako bahala dito sabi ni Wookie. Di pa

    sumusugod ang mga espiritu, si Monica naman ay nakatayo lang at

    pinagmamasdan sila at tumatawa.

    Hoy kalbo pano mo nagawa to?

    Turuan mo nga ako sabi ng bruha. Wookie pare, paatrasin mo na ang

    mga espiritu mo utos ni Paulito.

    Bossing nasisiraan ka na ba ng bait?

    Malakas na bruha yan! sagot ng

    mambabarang. Hindi na, paatrasin

    mo na sila sagot ng bampira at di makapaniwala ang mambabarang

    pagkat nakikipaglaro ang bruha sa

    mga espiritu. Boss nasiraan ba ng bait ito? bulong

    ni Wookie. Parang ganon na nga.

    Monica gutom ka diba? sabi ng

    bampira at nagulat si Wookie nang sa

    isang iglap katabi na niya ang bruha.

    Inamoy ni Monica ang mambabarang at halos nanlambot si Wookie nang

    maglabas ng pangil ang bruha. Pau,

    pwede ba to? Maganda ang amoy ng

    dugo niya e sabi ni Monica. Sabi ko sa iyo bawal kumain ng dugo

    ng tao, hayop lang. Ito may baboy

    dito sabi ni Paulito at nagsimangot si

    Monica. Naupo ang bruha sa harap ng

    baboy at tinitigan ito. Pano ko

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    75/389

    kakainin blood nito? So kadiri the piggy sabi niya at napakamot si

    Wookie. Bossing, isa lang naiisip ko

    kung pano naging ganyan yan pero

    di ko maintindihan bakit sabi ng

    mambabarang. Mahabang kwento pare, may baso ka

    bang dala? tanong ni Paulito at

    inutusan ni Wookie ang manika niya

    na kumuha ng niyog. Wow! Ang cute

    naman niyan!!! sigaw ni Monica at

    hinabol niya ang mini Wookie. Habang wala yung dalawa ay naupo

    ang mambabarang sa tabi ng bampira.

    Boss, bakit mo siya binuhay? tanong

    ni Wookie. Di ko naman ginusto e.

    Wala na talaga ako lakas noon sa

    ilalim. Kinailangan ko ng dugo kaya kinagat ko siya. E alam mo naman

    kaming mga bampira pag inubos mo

    ang dugo ng isang nilalang tapos

    nakabaon kayo sa ilalim ng lupa na

    magkasamamabubuhay muli yun

    bilang bampira kwento ni Paulito. May kagat ka sa leeg, bakit pati siya

    kinain dugo mo? tanong ni Wookie.

    Oo eh, mga tunay na bampira di

    magagawa yan pero pareho kaming

    half half kung tawagin. Kaya para

    kaming nagpalitan ng kagat para lang mapanatiling buhay ang isat isa sagot

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    76/389

    ng bampira. Malakas ata kumain ng dugo, hinang

    hina ka samantala siya nakalabas nga

    mag isa e biro ni Wookie at

    nagtawanan ang dalawa. Pero pare,

    wag mo sana ipaalala na bruha siya

    sabi ni Paulito. Ha? Bakit? sagot ng mambabarang. Pag nabuhay ka muli

    makakalimutan mo ang nakaraan mo.

    Ganon nangyari sa akin dati, naalala

    ko kabataan ko at kung paano ako

    pinatay ng isang bampira. Nung

    nakaraan lang sa muling pagkabuhay ko nanumbalik ang lahat ng nakaraan

    kong alaala. Sana sa kanya wag na

    bumalik kwento ni Paulito. Oo sige pare, wag kang mag alala

    sagot ni Wookie. Pero meron akong

    hindi maintindihan sabi ng bampira.

    Ano yon pare? tanong ng

    mambabarang. Kilala niya ako e.

    Nakwento niya lahat hanggang sa pagkamatay ko nung bata ako sabi

    ni Paulito. Ha? Akala ko ba pag naging bampira

    mabubura ang pag iisip? tanong ni

    Wookie. Yun na nga e, nakwento

    niya pano nila ako natagpuan sa

    gubat nung sanggol ako. Pati daw si

    Anhica natagpuan din daw nila pero tinago at pinag kunwaring diwata.

    Kuhang kuha niya pati detalye ng

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    77/389

    maliit kong tirahan noon at itsura

    nung gubat na kinalakihan ko. Hindi

    ko talaga siya maalala e. Sabi naman

    niya pinagbabawal daw sila makalapit sa akin kwento ng bampira. Di ba kaya niyo malaman kung

    nagsisinungaling ang isang tao?

    tanong ni Wookie. Oo kaya namin,

    ginawa ko yon at bilang nagpabuhay

    sa kanya hindi siya pwede

    magsinungaling sa akin. Ako ang bumuhay sa kanya bilang bampira

    kaya ako ang amo niya at kailangan

    niya sundin ang lahat ng sasabihin ko.

    Nagsasabi siya ng totoo kaya di ko

    talaga maintindihan paliwanag ni

    Paulito. Bossing baka nagpapanggap lang

    yan, kaya mag ingat tayo sabi ni

    Wookie. Oo alam ko pero may

    katotohanan sa mga sinasabi niya.

    Nung namatay daw ako doon siya

    lumayas sa gubat para humingi ng tulong sa mga bruha para buhayin

    ako. Doon ko din nalaman na si Aneth

    pala ang nagbigay lakas kay

    Fredatoria pero binintang sa kanya

    kaya gusto niya gumanti sabi ng

    bampira at nagulat si Wookie. Si Aneth ang may kagagawan ng

    lahat? Oo nga pala bossing, si Aneth

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    78/389

    ang problema natin ngayon sabi ng

    mambabarang. Oo alam ko, siya din

    ang nagkulong sa amin at iniwanan

    kami para mamatay. Kaya nung nakwento ni Monica tungkol kay

    Aneth naniniwala ako sa kanya pero

    hindi ko maintindihan bakit naalala

    niya ang lahat e burado ang memorya

    niya sabi ni Paulito. Kung naalala niya ang nakaraan niya,

    imposible naman na hindi niya maalala

    na naging masamang bruha siya.

    Parang di tumutugma ata sabi ni

    Wookie. Yun na nga e, pero wala

    talaga siya maalala, pati yung pagkakulong namin at huling laban

    wala siya maalala sabi niPaulito. Bossing parang bumabalik ata lakas

    mo ha sabi bigla ni Wookie at tumayo

    ang bampira at huminga ng malalim.

    Oo nga no, pero kulang pa to, di ko

    pa nararamdaman ang lakas ng iba

    nating kadisipulo. Dati dati alam ko lagi nasan kayo, pero ikaw ramdam

    ko malamang kasi katabi lang kita.

    Wala pa ako sa wastong lakas siguro

    kaya ganon sabi ng bampira. Kailangan mo magpahinga, at

    habang binabawi mo lakas mo

    ikwekwento ko ang bagong

    delubyong hinaharap natin sabi ni

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    79/389

    Wookie pero narinig na nila ang tawa

    ni Monica papalapit. Akin na yang buko para mahiwa ko

    na. Para may baso ka na maarte kang

    bampira ka sabi ni Wookie. Tse!

    Diwata ako, ako na maghihiwa dito

    sabi ni Monica at nagulat ang dalawa

    nang may lumabas na dilaw na ilaw sa daliri ng dalaga at hiniwa ang buko sa

    dalawa. Kaya ba ng bampira ang ganon?

    bulong ni Wookie. Hoy! Naririnig kita

    wag kang bubulong bulong diyan

    sabi ni Monica. E di bampira ka nga!

    sabi ng mambabarang. Kasalanan ng

    katabi mo! Diwata na nga e gagawin pang bampira, gusto mo lang may

    kapareho kang napalitan ng anyo e

    reklamo ng dalaga at napakamot

    nalang si Paulito. Inabot ni Monica ang kalahating niyog

    kay Paulito, Ikaw na mag get ng

    blood, kadiri e sabi niya. Kadiri daw,

    kung di naman iinumin patay ka

    bulong ni Wookie at bigla siyang

    tinabihan ng dalagang bampira. Pauuusigurado ba na hindi pwede?

    Kahit konti lang na dugo nitong

    kalbong to landi ni Monica. Tsk sabi

    ko say o bawal ang tao! galit ni

    Paulito pero tinaas ni Monica ang kilay

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    80/389

    niya. Kahit isang patak lang, kasi matamis ang amoy ng dugo ng tao e

    sabi niya. Hindi pwede! Halika dito at

    ito ang inumin mo sabi ng bampira at

    nagdabog ang dalaga. Dinilatan ni Wookie ang dalaga,

    Bwisit ka kalbo! Pasalamat ka

    nandito si Paulito. Pag wala siya

    sabi ni Monica. Itigil mo yan, sundin

    mo ako pagkat ako ang amo mo!

    galit ni Paulito kaya tumahimik ang dalaga. Pasimpleng natawa si Wookie

    at dinilatan ulit ang dalaga,

    Demonikaaaa tukso niya. Paulito

    oh! Tignan mo yang disipulo mo!

    sumbong ng dalaga. Wookie itigil mo

    din yan! sabi ng bampira at nanahimik ang mambabarang at siya

    naman ang dinilatan ng dalaga. Ilang araw ang lumipas nagising si

    Paulito sa kweba, nakayakap sa

    kanya si Monica at hinang hina siya.

    Kinagat mo ba ako ulit? tanong ng

    binata. Hindi sagot ng dalaga. E

    bakit ako nanghihina? Lagi nalang ganito pag magigising ako sabi ni

    Paulito. Tumayo ang bampira at

    nagising din sina Wookie at Wakiz.

    Pare may problema? tanong ng

    mambabarang. Nanghihina ako lagi basta bagong

    gising e sabi ng bampira. Hoy bruha

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    81/389

    ano ginawa mo kay boss? tanong ni

    Wookie. Wala ako ginawa! Wala pa!

    sagot ng dalaga sabay tawa.

    Malamang may ginawa yan, sabi ko na nagpapanggap lang yan e sabi ng

    mambabarang. Ay wait, naalala ko nung bata ako

    nilagyan ako ng asul na bato sa

    katawan sabi ni Monica at biglang

    bumangon si Wakiz. Asul na bato?

    Sigurado ka asul na bato? tanong ng

    matanda. Opo lolo, kasi dati suot ng mommy ko

    yon. Pinapasa daw punong diwata

    yon sa anak niya na papalit sa kanya

    paliwanag ng dalaga at nagising na

    ng tuluyan ang matanda. Kaya

    naman pala nanghihina ka pag katabi mo siya. Nasa katawan pa niya ang

    kapangyarihan ng asul na bato. Pero

    pag nasa kanya pa yon e pano siya

    lumakas? tanong matanda at natulala

    ang tatlo at tinignan ang dalaga. Ibig mo sabihin yung kapangyarihan

    niya nung bruha siya hindi pa yon ang

    tunay na kapangyarihan niya?

    tanong ni Wookie at sinesyasan siya ni

    Paulito na manahimik. Ganun na nga

    apo, pero di ko alam pano niya nagawa yon bulong ng matanda. Ayan nanaman kayo bulong bulong

    bulong! Naririnig ko kayo at hindi ako

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    82/389

    bruha! Oo pumunta ako sa kanila para

    humingi ng tulong at nag aral pero

    wala na ako maalala pagkatapos

    non! sigaw ni Monica at lalong naintriga ang tatlo. Kaya pala hindi ko maramdaman ang

    presesnya ng ibang disipulo,

    tinatanggal pala niya ang lakas ko

    sabi ni Paulito. Hindi ganon iho,

    gagana lang ang kapangyarihan ng

    asul na bato pag suot mo ito o katabi mo yung may suot nito paliwanag ni

    Wakiz at nanigas ang bampira. Hindi totoo yan, sigurado ko may

    kinalaman siya dito kaya di ko

    nararamdaman yung iba pilit ng

    bampira. Alam ko natatakot sa isipin

    yung masama, pero iho ganun ang

    kapangyarihan ng asul na bato. Kung ayaw mo isipin ako magsasabi sa iyo Maaring patay na ang iba

    niyong

    kadisipulo sabi ng matanda. Humarap si Paulito sa pasukan ng

    kweba, mga kamao niya nanigas at

    nanggagalaiti siya sa galit. Nagliyab

    ang mga mata niya at buong katawan

    niya nagbagang pula. Oh shet, hindi

    maganda ito sabi ni Wookie. Monica iha dalian mo yakapin mo siya

    bago makalabas ang sugo! utos ni

    Wakiz at mabilis na gumalaw ang

    dalaga at mula sa likod niyakap ang

    binatang bampira. Tumigil ang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    83/389

    pagbabaga ng katawan ni Paulito, mga mata niya nanumbalik sa normal

    at napaluhod ito. Bakit niyo ako pinigilan?!!! sigaw

    niya at lalo pa siya niyakap ng

    mahigpit ni Monica. Paulito, alam ko galit ka. Pero hindi

    natin alam kung ano ang

    makakalaban natin. Pag hinayaan ka

    namin maging sugo ay

    mararamdaman ng buong kaharian

    ang kapangyarihan mo at maalerto si Aneth at yung isang grupo Mas maganda na yung ganito muna

    at mag antay tayo bago tayo

    gumalaw. Mas maganda na alam nila

    na patay na kayong tatlo para alam

    nila wala silang makakaharap.

    Mahirap makipaglaban pag hindi mo alam kung ano ang kalaban mo Sa ngayon sigurado ko hawak na

    ni

    Aneth ang mga libro. Sigurado ko

    nagsimula na siyang magpalakas at

    wala tayong magagawa kasi

    nakasaad yon. Hayaan mo na mag

    antay pa tayo konti para malaman natin ano ang balak niya Lahat ng plano hindi perpekto, laging

    may pagkakamali. Kung wala man

    mali laging may kahinaan ang plano.

    Kailangan natin malaman ang plano

    niya bago tayo gumalaw. Kung

    ngayon tayo kikilos sino na ang lalaban sa kanila pag nabigo tayo?

    paliwanag ni Wakiz. Kumalma si Paulito at tinapik ang

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    84/389

    kamay ni Monica para bitawan siya.

    Tumayo siya at hinarap ang bukanan

    ng kweba. Sabi mo ang nakasaad lagi

    nasusunod. Sige sasang ayon ako sa

    iyo ngayon Wakiz. Pero ito tandaan

    mo Habang akoy buhay, gagawin kong

    libro ng kasinungalingan ang libro ng

    mga ninuno!

    Chapter 5: Pagbabago

    Isang gabi sa kweba, natulog na ang

    maglolo habang ang dalawang

    bampira ay pagising palang.

    Bumangon si Monica at ginising si

    Paulito, Gumising ka na gutom ako

    bulong niya. Sabi ko kasi wag mo ako tatabihan matulog, nanghihina

    ako. Ikaw manghuli ng sarili mong

    kakainin sagot ng binata. Bahala ka, pag di ka babangon may

    dalawang pagkain naman dito

    hmmm sino kaya unahin ko sa kanila.

    Yung matanda o yung kalbo? biglang

    banat ni Monica kaya napabangon si

    Paulito. Sabi ko sa iyo wag kang kakain ng tao paalala niya at natawa

    ang dalaga. O ayan nakabangon ka

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    85/389

    na, halika na kuha tayo pagkain.

    Gutom na talaga ako lambing ng

    dalagang bambira. Lumabas ang dalawa sa kweba at

    tumayo sa tuktok ng isang puno.

    Bakit naman tayo nandito ang taas

    taas, nakakatakot reklamo ni Monica

    sabay kapit sa binata. Bampira ka

    nga e, kailangan natin dito para nakikita natin ang mga hayop sa

    baba. At wag kang maingay kasi

    tatakutin mo yung mga hayop sagot

    ni Paulito. Hello! Anong alam ko sa pagiging

    bampira e diwata ako dati. Ginawa mo

    akong ganito kaya turuan mo ako

    sabi ni Monica at biglang nalungkot

    ang binata. Oh bakit? May nasabi ba

    akong mali? hirit ng dalaga. Naalala ko lang si Tuti. Tinuruan ko siya

    maging bampira drama ni Paulito. Tanggapin mo na patay na siya

    okay? Kung gusto mo hingi tayo ng

    tulong sa mga bruha para buhayin

    siya sabi ni Monica at napangisi si

    Paulito. Hindi na kailangan yon sabi

    niya. O tanggap mo naman na palang patay siya e sagot ng dalaga. Hindi

    rin sabi ng binata. Ano ba talaga?

    Ang gulo mong kausap sabat ng

    dalaga. Ikaw bruha ka naman diba?

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    86/389

    biro ni Paulito. Hindi ako bruha! Bakit

    niyo ba pinipilit na bruha ako? Diwata ako tapos nagpunta ako sa mga

    bruha, tapos di ko na maalala. Pag

    gising ko kayakap na kita at bampira

    na ako! sigaw ng dalaga pero

    tinakpan ni Paulito ang bibig niya. Shhhh wag kang maingay bulong

    ng binata. Mabilis na nag dive pababa

    ang binata, agad niyang nayakap ang

    malaking baboy damo. Binaon ni

    Paulito ang mga pangil niya sa leeg ng

    baboy kaya ilang saglit lang patay na ito. Halika na dito para kumain sabi ng

    binata. Huy, sunduin mo ako dito. Di

    ako makababa e sagot ni Monica.

    Kaya mo yan, sige ka ako na uubos

    ng dugo nito sabi ni Paulito at galit na

    galit ang dalaga. Malalaglag ako! Sige na kasi! Dinala mo ako dito tapos di

    iiwanan mo ako hirit ni Monica at

    natawa ang binata at nagsimula

    kumain. Hmmm sarap ng dugo,

    naamoy mo naman diba? Halika na

    bago maubos ko to biro ni Paulito. Yumakap si Monica sa puno at dahan

    dahan nagpababa. Sunduin mo na

    kasi ako dito! sigaw niya. Ganyan

    din si Tuti nung una. Kaya mo yan,

    bilisan mo. Tumalon ka na kasi wag

  • 7/28/2019 Twinkle Twinkle 2

    87/389

    kang matakot sabi ni Paulito. Bwisit ka! Ikaw matagal ka nang bampira

    ako nagsisimula palang! Sunduin mo

    ako dito! reklamo ng dalaga. Bilang

    amo mo sundin mo ako! Bumaba ka

    dyan mag isa! bawi ni Paulito. Nakababa din si Monica pero ubos na

    ang dugo ng baboy. Di mo pa ako

    tinirhan drama ng dalaga. Monica

    bampira ka na, matuto kang mabuhay

    bilang isang bampira. Tama na ang

    drama halika na at hanap tayo ng makakain mo sabi ni Paulito sabay

    tumayo. Sa loob ng gubat yumuko ang dalawa

    at nag antay. Ilang sandal at m