TULA

Post on 12-Nov-2014

13.379 views 0 download

Tags:

description

Project po namin ito sa Filipino nung 2nd year, sana makatulong.

Transcript of TULA

Ang Kaligirang Pangkasaysayan

ng Tulang Pilipino

Ang Katutubong Panahon

Bago pa dumating ang mga Español, may panitikan nang pasalita ang mga sinaunang Pilipino. Kabilang dito ang mga tula, kwento at dula na isinasalin lamang sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng bibig.

Ang sinaunang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan at epiko. Maaaring naisulat ng ating mga ninuno ang mga ito, ngunit nawala ang karamihan sa kanilang akda dahil sinunog ng mga Español.

Ang mga di nasunog ay natunaw pagkalipas ng maraming taon dahil nakasulat lamang sa kahoy at dahon. Bagamat magkakaiba ang wikang gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

Ang mga di nasunog ay natunaw pagkalipas ng maraming taon dahil nakasulat lamang sa kahoy at dahon. Bagamat magkakaiba ang wikang gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

BUGTONG.

• Ang unang layunin ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at mga manlalaro. Kahit simple ang estruktura, dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

SALAWIKAIN at KASABIHAN.

• Ang salawikain at kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa ng ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay-aral at ang kasabihan ay nagbibigay-unawa sa mga pang-araw-araw na gawain.

TANAGA.

• Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod na may tigpitong pantig sa iisang saknong.

TULANG PAMBATA.

• Ito ay nagsisilbing pag-unawa sa kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapaalala sa mga maliligayang karanasan nila noong sila’y mga bata pa.

BULONG.

• Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espiritu at lamang-lupa. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa masasamang pangyayari.

AWITING-BAYAN.

• Ang mga paksa nito’y nagpapahayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon at kabuhayan.

Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay

EPIKO.

• Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan.

naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod.

Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito.

Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila.

Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.

Mga Bagong UriTUGMA.• Pagkakatulad ng tunog sa dalawa o mahigit pang salita sa katapusan ng mga taludtod.

PASYON• Sinasalaysay sa paraang pakanta ang buhay at pagpapakasakit ni Hesucristo.

DALIT.• Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen.

AWIT• Nagtataglay ng 12 pantig bawat taludtod. Higit na mas masigla kaysa korido.

KORIDO• 8 pantig, karaniwang mahaba at may mahusay na banghay

Sa kapanuhang ito marahil wala ng hihigit pa sa kontribusyon ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

Ang Panahon ng Propaganda at Paghihimagsik

Layunin ng Kilusang Propaganda ang paghingi sa Espanyang mga reporma sa Pilipinas. Pinakilala sa mga propagandista si Dr. Jose Rizal. Ginanyak niya ang mga Pilipino na labanan ang mga sakit ng lipunan at hamunin ang paghaha-

ri sa ating bansa ng mga Espanyol. Nang siya ay papatayin na, sinulat niya ang “Mi Ultimo Adios”. Dalawa pang pangunahing propagandista sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna.

Nang hindi makamtan ng mga propagandista ang kanilang layunin, ipinasya ng ilan sa kanila na maglunsad ng himagsikan. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang palayain ang Pilipinas sa mga pananakop sa pamamagitan ng armadong rebolusyon.

Ang Panahon ng Amerikano

Binigyang kalayaan ng mga Amerikano ang mga makatang sumulat tungkol sa mga paksang makabansa, relihiyon, politika, lipunan at demokrasya. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus na kilala rin bilang “Huseng Batute.”

Siya ay isa sa mga unang makata na lumayo sa mga tradisyonal na anyo ng pagsusulat. Dalawa sa mga kilalang tula ni Batute ang “Bayan Ko” at “Ang Pamana.”

Ang Panahon ng Hapon

Natutuhan ang pagsulat ng haiku na may 17 pantig lamang sa loob ng isang saknong at ng tanaga na binubuo ng 4 na taludtod na may tig-7 pantig at magkakatugmang tunog sa dulo. Namayani ang tulang may malayang taludturan sa panahong ito.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang “Ilaw ng Silangan” ni Idelfonso Santos.

Ang Panahon ng Kalayaan

Krisis sa politika ang pangunahing paksa sa panahong ito. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kanyang tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ay naghahayag ng mga makikitang sakit ng lipunan.

KASALUKUYAN…Ang tula sa kasalukuyan ay

naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng makata, ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawain at pagpapuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.

Ilan sa mga napabantog na akda ay ang “Giting ng Bayan” at “Himala ni Bathala” ni Francisco Rodrigo; “Alambreng May Tinik, Bombang Tubig at Usok Na Malupit” ni Remi Alvarez Alva.

MGA URI NG TALUDURAN

TRADISYONAL

• May sukat at tugma• Maaaring wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin ang taglay na pantig sa bawat taludtod.

MALAYANG TALUDTURN

• Walang sukat at walang tugma.• Malaya ang manunulat.

BLANGKO BERSO

• May sukat ngunit walang tugma

PONEMANG SUPRASEGEMNTAL

Ponemang Suprasegmental

-  ay ang pag-aaral ng ng diin (stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto (juncture).

1. Tono/Intonasyon

– ito’y tumutukoy sa taas at baba kaugnay ng pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap.

2. Haba at Diin

– ang haba ay tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa:

a. LAbib. LaBI 

Sa unang halimbawa, binigyan ng diin ang pantig na LA at hinabaan ang bigkas ng A. ito ay tumutukoy sa isang bahagi ng bibig na tinatawag na lips sa Ingles. Sa ikalawang halimbawa, binibigyan ng diin ang panlaping BI at iniiklian ang pagbigkas sa I. Ito ay nangangahulugan ng bangkay na nasawi.

3. Antala/Hinto

– ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais ipahayag sa kausap.

Halimbawa:

a. Hindi dumating ang Pangulo.b. Hindi, dumating ang Pangulo.

Ang unang halimbawa ay walang antala sa pagitan ng hindi at dumating. Ang kahulugan nito ay hindi dumating ang Pangulo wala ang Pangulo roon.

Sa ikalawang halimbawa, mapapansing may antala sa pagitan ng mga salitang hindi at dumating. Ito’y nangangahulugang naroroon ang Pangulo at dumating siya. Ang antala ay hinuhudyatan ng kuwit, tuldok – kuwit at tutuldok.

MGA ELEMENTO NG TULA

• SUKAT- tumutukoy sa bilang

ng patnig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong• SAKNONG

- isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod

• TUGMA- magkasingtunog ang huling

pantig ng huling salita ng dalawa o higit pang talutod ng isang saknong• KARIKTAN

- kailang magkaroon ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan

• TALINGHAGA- isang sangkap ng tula

na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.

PANG-URING PAMILANG

1.Patakaran/Kardinal - bilang sero hanggang trilion.

Halimbawa: isa ,dalawa, tatlo

2. Patakda/tiyak na bilang - inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.hal. iisa,tatatlo,dadalawa,aapat3. Pahalaga - pera ang tinutukoy

hal. mamiso,mamiseta,piso4. Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi

hal. 1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu5. Panunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang

HAL. una,ikalwa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo6.Palansak - grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlapinh

han/an.hal. tatlu-tatlo , pitu-pito / waluhan,limahan

2. Patakda/tiyak na bilang - inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.

Halimbawa:iisa, tatatlo, dadalawa,

aapat

3. Pahalaga - pera ang tinutukoy

Halimbawa:mamiso, mamiseta, piso

4. Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi

Halimbawa:1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu

5. Panunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang

Halimbawa:una, ikalwa, ikatlo, pangalawa, pampito, pangwalo

6. Palansak - grupo o maramihan; inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlaping han/an.

Halimbawa:tatlu-tatlo, pitu-pito / waluhan, limahan

Maraming Salamat !

^_^

Proyekto ng Pangkat Isa

Gawa ni:Kismith Aile Maceda

All Rights Reserved ©