Post on 19-Mar-2018
Portale Integrazione Migranti
www.integrazionemigranti.gov.it – Newsletter Multilingual (Abril 2014)
Ingles – Albanian – Arabic - Chinese - Pranses - Punjabi - Ruso - Espanyol - Tagalog - Ukranian
Ang Portale Integrazione Migranti ay isang
site na nilikha na may layunin na magsulong ng
integrasyon sa sambayanan italyana ng mga
mamayang nagmula sa ibang bansa.
Para sa mga dayuhang namumuhay sa Italya,
ang Portal ay isang instrumento na
makakatulong upang makatagpo ng
maraming impormasyon at mga sanggunian
na kapaki-pakinabang sa mga serbisyo sa
lugar na pinaninirahan ng mga imigrante.
Sa home-page ng portal ay mayroong isang
bahagi na nakatuon sa mga Serbisyo na sa
loob ay maaaring matagpuan ukol sa mga
taong maaaring dulugan upang makatagpo
ng kurso para sa lingguwahe, trabaho, bahay,
serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan,
atbp.
Upang mapadali ang paghanap ng mga
gayong serbisyo, matatagpuan sa Portal, ang
espesyal na search engine, at dito maaaring
matiyak kung, sa loob ng database, ay
mayroong impormasyon ukol sa serbisyo na
siyang hinahanap.
Ang paghahanap ay maaring matagpuan sa
pamamagitan ng paglalagay sa nakalaang
patlang
ang pangalan ng isang asosasyon o opisina
(munisipalidad, pagtataguyod , rehiyon) na
kung saan ay gustong malaman ang mga
serbisyo na inihahandog para sa mga
estranghero, maging sa pagpapasok ng isa o
higit pang mga salita na siyang naglalarawan
ng serbisyo na siyang hinahanap (halimbawa
sa pagsulat, ng salitang “italyano”, ay
matatagpuan ang listahan ng lahat ng mga
entidad na matatagpuan sa data base na
siyang nag-aayos ng kurso ng italyano)
Maari ding gawain ang advanced na
paghahanap
na kung saan sa pamamagitan ng paglalagay
ng higit na inpormasyon (serbisyo na hinanap,
heyograpikong lugar ng interes, atbp. ) ay
maaaring agad na matagpuan , kung ito ay
nasa data base , ang serbisyo na hinahanap
sa mismong lungsod.
Bukod pa sa mga serbisyo, ay available din sa
Portal ang ibang seksyon ng impormasyon, na
kung saan ang area ay binibigyang pansin
ang mga bagong panuntunan at mga
kasalukuyang balita na may kaugnayan sa
mundo ng imigrasyon, mga proyekto sa pag-
unlad at mabuting karanasan na nangyari sa
teritoryo.
Para maging madali ang paghahanap sa
Portale Integrazione Migranti aktibo ang
libreng serbisyo multilingual para sa
impormasyon sa telefono (numero verde
803.001)
Kapag nakumpleto ang aktibidad ng
impormasyon, Ang Portal ay magpa-publish
rin ng buwanang newsletter ng mga balita
at pagsusuri.
INDEX
ANG MGA BALITA
Gantimpala sa migrant entrepreneurship sa Italya - MoneyGram Award 2014
Maging ang mga dayuhan ay maaaring maging responsible director ng
pahayagan
MGA TUNTUNIN
Pana-panahong manggagawa - Magagamit na bagong quota para sa pagpasok
Purchase Card - Mula sa Abril 8, ay available ang form na magagamit para sa
pagsusumite ng mga aplikasyon ng mga EU mamamayan at mga dayuhan
Single Permit para sa pananatili at trabaho: ang mga pagbabago na nagpasimula
Highly skilled employees at mga mag-aaral: mga simplifications na nagpasimula
Human Trafficking – May bisa ang mga bagong panuntunan na nagpapatibay
ng pagsugpo ng krimen at proteksyon ng mga biktima
INTERNASYONAL NA PROTEKSYON
May bisa ang na ang atas na magkapantay-pantay ang karapatan ng mga may-
hawak ng subsidiary protection at ng mga refugee.
BALITA MULA SA MINISTERYO
Portale Integrazione Migranti - On-line ang isang bagong area na nakatuon sa
internasyonal na proteksyon
ANG MGA HATOL
Hukuman ng Milan – ipinagkaloob ang internasyonal na proteksyon sa isang
banyagang mamamayan na nasa panganib na mapasakop sa kaugalian ng
female circumcision.
PUBLIKASYON
Gabay sa mga serbisyo na may kinalaman sa imigrasyon sa pangangalaga ng Prefecture ng Pesaro-Urbino
PANGKASALUKUYAN
Gantimpala sa migrant enterpreneurship sa Italya - MoneyGram Award 2014
Para sa MoneyGram ang mananalo ay ang migrante na nagpapakita ng
kapasidad ng pananaw, tapang at pamumuno sa pagpapatakbo ng
kanilang mga negosyo. Maaring magparehistro para sa gantimpala
hanggang sa susunod na May 15, 2014.
Ang award na nilikha ng MoneyGram, na sa nakaraang edisyon ay nagkaroon ng isang
magandang tagumpay ay nakatuon sa mga negosyanteng imigrante na sa loob ng taon ay
nagawang magpakita ng mga kasanayan sa pananaw, tapang at pamumuno sa pagtaguyod o
pagsasagawa ng kanilang mga negosyo. Ito ay ang natatanging pambansang parangal na
nakatuon sa Entrepreneurship ng mga imigrante na kasalukuyang umiiral sa ating bansa.
Ang mga finalist ay makikipagkumpetinsya para sa premyo ng Immigrant Entrepreneur of the
Year at para sa 5 premyo ng " Kategorya: Paglago, Innovation, Pagtatrabaho, Youth
Entrepreneurship at panlipunang responsibilidad", ang lahat ay kinabubuuan ng 15.
Ang seremonya ng parangal ay gaganapin sa Roma sa Hunyo 12 sa Casa del Cinema sa Villa
Borghese.
Upang makilahok ay punan lamang ang form na available sa site
www.themoneygramaward.com o magpadala ng mail sa
candidature@themoneygramaward.com
Maging ang mga dayuhan ay maaaring maging responsible directors ng
pahayagan
Niliwanag ng Ministry of Justice na maging ang mga mamamayang
dayuhan na legal na namamalagi ay maaaring maging direktor ng
isang pahayagan.
Sa partikular, ang Ministeryo ay nagbigay ng opinyon bilang tugon sa katanungan na isinumite
nitong huling Hulyo mula sa Kapisanan ng mga mamamahayag. Ayon sa Ministry of Justice ang
pamantayan na kinakailangan ang Italian citizenship upang maging managing director, ay
pinawalang bisa dahil ito ay hindi tugma sa Immigration Consolidation Act na nagbibigay na
ang mga dayuhan na legal na namamalagi ay itinuturing na katumbas ng mga mamamayang
italyano sa mga usapin ng karapatan bilang mamamayan. Kabilang din dito sa huli ang
karapatan na malayang gamitin ang sariling propesyonal na aktibidad.
MGA TUNTUNIN
Pana-panahong manggagawa – Magagamit na bagong quota para sa
pagpasok
Abrile 9, 2014 – Nai-publish ang Decreto Flussi 2014 para sa pana-
panahong manggagawa - 15.000 na bagong quota ng pagpasok – Ang
pagsusumite ng mga application ay posible mula sa oras 08:00 sa Abril
10 at hanggang sa ganap na 24.00 sa Disyembre 31, 2014.
ANG PAGBABAHAGI
Ayon sa artikulo 1 ng bagong atas – D.P.C.M. ng marso 12, 2014 – ay pinapayagan sa Italya
ang pagpasok ng 15.000 banyagang manggagawa para sa kadahilanan ng pana-panahong
trabaho.
Sa loob ng quota ng 15,000 unit, ang 3.000 entry ay nakalaan para sa sa mga kahilingan ng
pluriannual seasonal clearance, o nauugnay sa mga manggagawa na nakapasok na sa Italya
upang magtrabaho sa pana-panahong trabaho na hindi bababa sa dalawang magkakasunod na
taon, ang employer ay maaaring magsumite ng kahilingan para sa pluriannual clearance para
sa pana-panahon na trabaho.
Ang artikulo 2 ng bagong atas ay nagtataglay din ng 2.000 bahagi para sa pagpasok ng
mga manggagawa non-EU sa batayan ng di-pana-panahon na trabaho para sa taon 2014,
para sa mga kalahok sa Universal Exhibition sa Milan 2015. Sa paggamit ng isang
hiwalay na circular ay nakabalangkas ang mga alituntunin para sa Milan Expo 2015, pati na rin
ang mga tagubilin para sa paggamit ng mga specific form.
PAMAMARAAN PARA SA PAGSUSUMITE NG APLIKASYON
Tulad ng dati, ang mga aplikasyon ay maaaring isinumite ng employer o ng mga asosasyon ng
kategoriya sa pamamagitan ng elektronikong pamamaraan sa website ng Ministry of Interior
(http://www.interno.gov.it), sa pamamagitan ng pagrerehistro at sa pagpuno ng application
form C -stag.
Ang mga application ay ipo-proseso sa batayan ng chronological order ng presentasyon.
Ang Pana-panahon na manggagawa
Ang pagpasok ng mga manggagawa non –EU na ang layunin ay pana-panahon na trabaho ay
posible lamang sa pamamagitan ng taunang itinatatag na quota sa decree planning ng daloy
ng pagpasok (decreto flussi) na ang layunin ay seasonal na trabaho. Ito ay isang atas na pinagtibay ng Konseho ng mga Ministro bilang isang panuntunan na karaniwan ay taunan.
Ang sektor kung saan ay posible ang pagtatatag ng trabaho na ang batayan ay pana-panahon,
ay ang mga sektor lamang ng agriculture touristic- hotel. Nararapat na ang sektor ay
kung saan inilalapat ang isa sa mga kontrata na limilitaw sa huwaran ng mga aplikasyon sa website ng Minitry of Interior.
Ang application para sa trabaho ay maaring gawin ng isang italian employer o estranghero na
legal na namamalagi sa Italya, para sa isang manggagawa na naninirahan sa ibang bansa na
kabilang sa isa sa mga nasyonalidad na nakatala sa atas (decreto flussi) (batay sa huling atas
Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Croatia, Egypt, Republika ng Pilipinas, Gambia, Ghana,
Indya, Kosovo, Republika ng ex- Yugoslavia, ng Macedonia, Marocco, Mauritius, Moldova,
Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukrain, Tunisia).
Ang pamamaraan ng pagpasok para sa pana-panahong trabaho, sa pangkalahatan, ay iyong
ipinatutupad para sa trabaho na pansamantala at permanente na hindi pana—panahon, na
may ilang pagkakaiba na inilunsad higit sa lahat upang gawing mas mabilis at mas maliksi ang
pagtatatag ng naturingan na trabaho.
Ang aplikasyon ng pagkuha ay maaaring isumite sa pamamagitan ng elektronikong
pamamaraan ng employer o ng mga asosasyon ng kategorya, para sa miyembro ng kanilang
asosasyon, matapos na mai-publish ang atas.
Ang clearance (nulla osta) sa pagpasok ay dapat na ipalabas ng Single desk (Sportello unico)
sa Immigration sa loob ng 20 araw ng pagsusumite ng application. Mula ng 2012 ay
ipinatutupad ang pinadaling proseso tacit-consent (katahimikan-pahintulot) na kung saan
kapag ang Imigrasyon, makalipas ang dalawampung araw, ay hindi ipinabatid sa employer ang
pagtanggi sa kahilingan, ito ay itinuturing na tinanggap kung natugunan ang mga sumusunod
na kondisyon:
- ang kahilingan ay para sa dayuhan na nagkaroon na ng awtorisasyon ng nagdaang taon na
magtrabaho ng pana-panahon sa kaparehong employer na nahiling;
- ang pana-panahon na manggagawa ng nagdaang taon ay regular na nagtrabaho sa employer
at siya ay bumalik sa kanyang bansa ng nag-expired ang permit.
Upang magamit ang mga simplications na ito, kinakailangan na ang employer ay tinutukoy, sa
patlang na kasama sa form ng C-stag ang data ng nakaraang taon, ang ipinag-uutos na pag-
uulat ukol sa pagtanggap sa manggagawa at ang residence permit, o kaya ay ang insured
(assicurata) na hawak nitong huli.
Ang awtorisasyon para sa pana-panahong trabaho ay may bisa minimun na 20 araw at
maximum na siyam na buwan, mula ng petsa ng pagkasulat ng kontrata upang manatili. Sa
panahong ito ay maaring magbago ng pinagtatrabahuhan, kung mananatili sa konteksto ng seasonal na trabaho.
Maaring tumanggap ng part-time seasonal worker, kung ang lingguhang oras ng pagtatrabaho
ay hindi bababa sa 20 oras. Ang empleyado ay kailangang bayadan ang buwanang sweldo na hindi mas mababa sa umiiral na pambansang kontrato kolektibo ng kategorya.
Pluriannual permit para sa pana-panahong trabaho
Ang dayuhan na mapapatunayan na dumating sa Italya na hindi bababa sa 2 taon na
magkakasunod upang magtrabaho ng pana-panahon ay maaaring mabigyan ng residence
permit para sa tatlong taon, na palaging para sa seasonal na trabaho. Ang pansamantalang
tagal ng bawat taon ay kapareho ng huling dalawang taon na nakaraan. Upang matanggap ang
aplikasyon ng awtorisasyon para sa maraming taon, ang dalawang nakaraang trabaho na
pana-panahon ay kinakailangan na hindi agad na nauuna sa pagkasumite ng application.
Ang employer ang dapat na humiling sa Single desk (Sportello unico) sa Imigrasyon upang
mabigyan ng clearance para sa trabahong pang maraming taon, sa paggamit ng form na
nakalaan.
Ang application ay maaaring isumite ng isang employer na kakaiba duon sa nagdaang
dalawang taon.
Isa sa mga pangunahing bentahe ng permit na maraming taon ay ang pahintulutan ang pana-
panahong manggagawa na makapasok sa Italya sa susunod na taon, na walang kinalaman
para sa pubblication ng daloy na atas (decreto flussi) para sa seasonal na trabaho.
Ang kahilingan para sa recruitment sa kaso ng pang maraming taon na seasonal permit, para
sa susunod na taon, na kasunod ng naunang taon ay maaring gawain ng isang employer na
na kakaiba kung saan ay nagkaroon ng tatlong taon na clearance para sa seasonal na
trabaho
Conversion ng residence permit para sa pana-panahon na trabaho
Ang dayuhan na manggagawa na nabigyan ng awtorisasyon na makapasok sa Italya para sa
seasonal na trabaho ay maaring i-convert ang pahintulot ng paninirahan (mula sa unang
pagpasok sa italya ayon sa circular ng nobyembre 5, 2013) ang residence permit para sa
mga pana-panahong trabaho sa iba pang para sa trabaho - pansamantala o permanente - na
bahagi ng mga yunit ng magagamit (para sa 2014 ang D.P.C.M. ng 25 nobyembre 2013,
ay itinakda na 4.000 yunit ang quota para sa mga nasabing conversion).
Kinakailangan na sa pagsusumite ng application ay balido ang residence permit para sa
seasonal na trabaho.
Ang banyagang manggagawa ay dapat na ipadala sa Single desk para sa Immigration ang
kahilingan ng conversion ng permit na seasonal na trabaho para sa subordinate work sa
elektronikong paraan lamang sa web site https://nullaostalavoro.interno.it.
Kung sakaling may magagamit na quota, ang dayuhan ay papupuntahin sa Single desk
(Sportello unico) para pumirma sa kontrata ng paninirahan at sa application form ng residence
permit para sa subordinate na trabaho.
Ang paglagda ng kontrata upang manatili sa Single Desk ay magsisilbi din upang matupad ang
mga obligasyon ng obligatoryong komunikasyon ng pagtanggap.
Purchase Card- Mula sa abril 8 ay available ang form na magagamit para sa pagsusumite ng
mga aplikasyon ng mga EU mamamayan at mga dayuhan
Abril 8, 2014- Sa pamamagitan ng publikasyon ng atas ng Pebrero 3,
2014 ay inilunsad ang extension ng Purchase Card maging sa EU
mamamayan at mga dayuhan (extra Ue mga miyembro ng pamilya ng
extra Ue na mga mamamayan ng EU o mga may-hawak ng residence permit EU para sa pang-matagalang residente).
Samakatuwid, mula sa 8 Abril 2014, ay available sa website ng Poste Italiane, INPS, ng
Ministero dell’Economia e delle Finanze e del Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali, ang
mga form na kinakailangan para sa pagsusumite ng aplikasyon sa post office.
Ang lawak ng mga benepisyo na para din sa mga dayuhan ay magsisimula sa dalawang buwan
enero-pebrero at samakatuwid, ang mga karapat-dapat na magsusumite ng aplikasyon
hanggang sa Abril 30, 2014 ay may karapatan na makakuha ng mga naantala na may epekto
mula noong 1 Enero 2014.
Ano ang purchase card?
Ang purchase card ay isang panukat ng pagsuporta sa kinikita na ipinakilala mula ng 2008
ng regulasyon Italyano at ito ay para sa mga matatanda at mga pamilya na may mababang
kita. Ito ay isang prepaid card kung saan ang Estado ang maglalagay bawat dalawang
buwan ng € 80, at pagkatapos ay maaaring gastusin ng may-ari upang bumili ng pagkain,
gamot at bayaran ang mga bill ng koryente at gas.
Ang purchase card ay maaaring hilingin ng mga pamilya na may mababang kinikita
(deklarasyon ISEE ng kinikita na hindi higit sa 6,700 EUR bawat taon) at ng mga may higit
sa 65 taon o may bata na nasa ilalim ng edad na 3 taon (sa kasong ito ang cardholder ay
ang magulang). Ang Purchase Card ay maaaring hilingin sa Post Office sa pamamagitan ng
pagsusumite ng application form kasama ang mga kaugnay na dokumento (para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan bisitahin ang website ng INPS,
ng MEF o ng Ministero del Lavoro.
Sa naunang batas 147/2013 ang purchase card ay nakalaan lamang para sa mga
mamamayang Italyano na naninirahan sa Italya, samantalang sa bagong batas ang
benipisyo na ito ay pinalawak na makinabang ang mga EU mamamayan, miyembro ng
pamilya non-EU ng mga mamamayang Italyano o EU mamamayan na may hawak ng
karapatan ng paninirahan o mga may hawak ng permanenteng paninirahan at mga
dayuhan na mayroong residence permit EU para sa pang-matagalang residente.
Single Permit para sa pananatili at trabaho: ang mga pagbabago na
nagpasimula
marso 22, 2014 – Ay nai-publish ang batas n. 40 ng marso 4, 2014
na nagpapatupad ng kautusan 2011/98/UE.
Sa buod, ang mga pangunahing pagbabago na ipinakilala ay:
Paglalagay ng denomination " permesso unico lavoro "- single permit trabaho
sa ilang mga residence permit na pinapayagan na makapagtrabaho.
Sa residence permit na nagpapahintulot na makapagtrabaho ay idadagdag ang
salitang “perm. unico lavoro”. Ang terminong ito ay hindi idadagdag sa: residence
permit para sa EU pang-matagalang residente, mga residence permit na ibinigay para
sa humanitarian grounds, para sa refugee status at subsidiary protection, para sa
pag-aaral, para sa mga pana-panahong trabaho, self-employed at para sa ilang
espesyal na mga kategorya na kung saan ito ay nagbibigay ng pahintulot na
makapasok na labas sa mekanismo ng flows program, na sa kabila ng uri ng mga
pahintulot na ito ay pinapahintulutan pa din na makapagtrabaho.
Para sa higit pang kaalaman tungkol sa mga pahintulot ng paninirahan na maaring
magtrabaho ay mag-click dito . Ang dokumento ay available din sa wikang ingles
Pagpapahaba ng taning para sa pagbibigay ng residence permit
Ang mga pagbabago na ipinakilala sa pamamagitan ng bagong atas ay nagbibigay ng
pagpapahaba ng deadline ng palugit na ipinatutupad ng batas para sa pagpapalabas ng
residence permit (20-60 araw) at awtorisasyon upang magtrabaho (40-60 araw).
Pagpapawalang bisa ng obligasyon na magtakda ng kontrata ng paninirahan
sa pagre-renew ng residence permit para sa trabaho
Nananatiling ipinatutupad ang patakaran na nagbibigay ng paglagda sa kontrata ng
paninirahan sa unang pagbibigay ng permit.
Pagpapawalang bisa ng mga panuntunan na pumipigil sa pagpasok ng mga
banyagang manggagawa sa mga kumpanya ng pampublikong transportasyon.
Bilang panghuli, ay hayagang isinaad ang pagpapawalang-bisa ng mga panuntunan na
naglalaan na kinakailangan ang pagiging isang mamamayang Italyano para sa mga
manggagawa sa kumpanya ng sektor autoferrotranviario. Maging ang mga dayuhan na
legal na namamalagi sa Italya ay maaaring lumahok sa pagpipilian para maging tauhan,
sa larangan ng lokal na transportasyong pampubliko.
Pagpasok para sa pananaliksik at para sa highly skilled workers – Ipinakilala ang simpilifications
Mar 17, 2014 - Sa batas ng Pebrero 21, 2014 ipinakilala ang ilang mga
panukala upang mapabilis ang pagpasok at paninirahan ng kategorya
ng mga dayuhan na highly skilled at para sa mga mag-aaral.
Narito ang buod ng mga panugunahing pagbabago:
Pagpasok at paninirahan para sa scientific research
Ang bagong batas ay nagbibigay ng mga benepisyo para sa mga mananaliksik ukol sa
disiplina sa pagpasok sa teritoryo Italyano at ukol sa Reunification ng miyembro ng
pamilya.
Sa partikular, sa ngayon ay inaasahan na ang buwanan na mapagkukunan, na
ipinahayag sa kasunduan sa pagtaguyod ng legal na kaugnayan at kundisyon sa
trabaho ng tagapagpananaliksik (researcher), ay maaring magmula hindi lamang sa
pamamagitan ng institusyon ng pananaliksik na nag subscribe sa Convention, kundi
pati na rin ang financial support ng European Union, ng isang internasyonal na
organisasyon, o ng iba pang institusyon sa pananaliksik o ng isang foreign entity na
katulad nito. Ang mga bagong modelo ng pagho-host ng kasunduan ay available sa
website ng Ministry of Education, University and Research at ng Ministry of Interior –
(Ministero dell’Istruzione, dell’Università e della Ricerca e del Ministero dell’Interno).
Bukod pa rito, para sa mga layunin ng Family Reunification ng tagapagpananaliksik ay
hindi na kinakailangan na magpakita ng availability ng tirahan na sumusunod sa mga
pamantayan ng pangkalusugan, pati na rin ang kaangkupan ng pabahay.
Panghuli ay nakalaan na ang tagapagpananaliksik na nangangailangan ng residence
permit EU para sa pang-matagalang residente ay hindi na kinakailangan na kumuha
ng test sa wikang Italyano.
Pagpasok at paninirahan para sa highly skilled workers (EU Blue Card)
Kabilang sa mga kinakailangan para maituring na lubos na kwalipikado ang mga
manggagawa na hinihingi ng batas ay ang pagkakaroon ng higher education
qualification na ibinigay ng may karampatang awtoridad sa bansa kung saan ito ay
natamo at nagpapatunay ng pagkakumpleto ng isang programa ng post-secondary
higher education na ang tagal ay hindi bababa sa tatlong taon. Bilang karagdagan sa
mga kinakailangan na ito ay kinakailangan din na may hawak ng isang higher
professional qualification. Ang bagong batas ay pinasimple ang proseso ng pagpasok na
nangangailangan lamang ng isang declaration of value, na may kaugnayan sa
banyagang diploma na sa ngayon ay ibinibigay ng mga Italian diplomatic na
kinatawan sa bansa na tinitirahan ng dayuhan.
Ang mga ipinanukalang kontrata sa trabaho o binding offer ay dapat, sa anumang kaso,
ay may kinalaman sa professional profile na nakapaloob sa mga antas ng 1, 2 at 3 ng
classificazione Istat delle professioni CP2011 (available sa website ng
http://cp2011.istat.it/).
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pamamaraan ng pagpasok ng highly skilled
workers mag-click dito.
Ang dokumento ay available din sa ingles.
Dayuhang mag-aaral
Ang bagong batas ay nagbibigay ng posibilidad na mai-convert ang residence permit
para sa pag-aaral sa isang residence permit para sa trabaho, gayundin ang mga may-
hawak ng unang antas ng Master, tulad ng ibinibigay para sa mga may-hawak ng
ikalawang antas ng master. Ang dayuhang mag-aaral na kumuha sa Italya na hindi
lamang ang doctorate o ikalawang antas ng master gaya ng nakaraan, kundi pati na
rin ang isang degree (degree o espesyalista), ay maaaring gamitin ang karagdagang
isang taon ng paninirahan matapos na mag-expire ang permit upang maghanap ng
trabaho at sa presensya ng mga kinakailangan, na mai-convert ang residence permit
para sa trabaho o self employment.
Ang batas ay inilagay din ang eliminasyon ng quota para sa mga banyagang mag-aaral
sa Unibersidad, mananatili ang pagsunod sa mga pamamaraan para sa pagpasok sa
faculty na limitado ang bilang.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagpasok ng mga dayuhang mag-aaral para
makapagpatala sa unibersidad mag-click dito.
Human trafficking – May bisa ang mga panuntunan na nagpapatibay ng pagsugpo ng krimen at ang proteksyon ng mga biktima
marso 13, 2014 – Nai-publish ang Pambatasan Atas n. 24 ng
marso 4, 2014 na binago ang direktiba 2011/36/UE.
Kabilang sa mga bagong ipinakilala ay ang pagbabayad ng pinsala para sa mga biktima.
Ang indemnisasyon ay maaring mabayaran na ang kabuuan ng halaga ay € 1,500.00, na
binawasan ng posibleng halaga na binayaran sa biktima ng pampublikong entidad.
Ang application para sa indemnisasyon ay dapat na isinumite sa pagkapangulo ng Konseho ng
Ministeryo sa loob ng 5 taon ng res judicata ng judgment of conviction para sa kabayaran ng
pinsala, o sa di-panghuling sentensiya para sa pagbabayad ng danyos na isang pansamantala,
na ibinigay kasunod ng Marso 28, 2014, sa kondisyon na hindi nakatanggap ng pamawing-
gutom mula sa may gawa ng pagkakasala, sa kabila na ang biktima ay nakaranas ng aksyon
sibil at pagpapatupad ng mga pamamaraan.
INTERNASYONAL NA PROTEKSYON
Internasyonal na Proteksyon - may bisa na ang atas na magkapantay ang mga karapatan ng mga may hawak ng subsidiary protection at ng mga
refugee
marso 7, 2014 – Nai-publish na ang Pambatasan Atas n. 18 ng
2014 na binago ang Direktiba 2011/95/UE
Ang layunin ng mga bagong panuntunan ay upang muling paglapitin ang dalawang katayuan
na may kaugnayan sa internasyonal na proteksyon, ng mga refugee at sa mga nakikinabang
ng subsidiary protection, gayundin ang pagpapataas ng antas ng proteksyon.
Kabilang sa mga pinakamahalagang pagbabago ay ang pagkakapantay-pantay sa larangan
ng Family Reunification, ang pagpasok sa mga pampublikong trabaho at pagpasok sa mga
serbisyo para sa accommodation Fay naira para sa mga nakikinabang ng subsidiary protection
at mga refugee. Ang tagal ng residence permit para sa subsidiary protection ay nadagdagan
mula sa 3 hanggang sa 5 taon.
Pagkatapos ay ipinakilala din sa isang nakahiwalay na artikulo na nakatuon para sa mga tao
na biktima ng malubhang karahasan o labis na pagpapahirap, kung saan dito ay inaasahan na
ang Ministry of Health ang magpapatibay ng mga tiyak na alituntunin para sa programming
ng "assistance at rehabilitation pati na rin para sa paggamot ng mga sakit sa kaisipan."
Bisitahin ang seksyon sa Portal kaugnay sa internasyonal na proteksyon.
BALITA MULA SA MINISTERYO
Portale integrazione migranti - On-line ang isang bagong area na nakatuon
sa internasyonal na proteksyon
marso 31, 2014 – Ang bagong area ng Portale Integrazione Migranti ay
naglalaman ng paunang pagmamapa ng mga serbisyo at mga proyekto
na nakatuon para sa mga aplikante at mga may hawak ng internasyonal
na proteksyon
Ang kalusugan, legal na proteksyon at integrasyon ay ang fulcrum ng mga bagong lugar. Sa
partikular, tungkol sa pangangalaga sa kalusugan, ay may posibilidad na makahanap sa
Portal ng mga serbisyo para sa proteksyon sikolohikal at saykayatriko para sa mga tao na
naranasan ang malubhang karahasan o labis na pagpapahirap sa bansang pinagmulan o sa
panahon ng pagbibiyahe. Ang serbisyo na iniaalok ng paggabay at legal na proteksyon na
may kaugnayan sa paghahanda ng mga pagdaraanan sa pakikipag-usap sa mga
Commission para sa pagkilala ng refugee status o para maka-access sa karapatan upang
magtanggol. May mga impormasyon din na nakatuon para sa mga administratibong
pamamaraan ng mga aplikante o mga may-hawak ng mga internasyonal na proteksyon. Ang
mga impormasyon na ito ay malapit nang maging available sa wikang Ingles.
Bisitahin ang area “Internasyonal Proteksyon ” sa Portale Integrazione Migranti
ANG HATOL
Hukuman ng Milan – Ipinagkaloob ang internasyonal na proteksyon sa isang
mamamayan ng Ivory Coast na nasa panganib na mapasakop sa kaugalian ng female circumcision
Hukuman ng Milan , unang seksyon, ang hatol ng pebrero 27, 2014.
Ang kaso ay may kilaman sa isang apela laban sa desisyon ng Territorial Commission para sa
Recognition ng refugee status sa Milan. Ang aplikante ay nagpahayag sa Commission at
pinatunayan sa Hukuman na siya ay tumakas sa bansang pinagmulan dahil sa pag-uusig sa
bahagi ng pamilya ng kanyang ama, na nais siyang pilitin na magpakasal sa isang lalaking mas
matanda.
Ang Court ay itinuring na maaasahan ang kwento at ang personal na buhay ng aplikante ay
katugma sa pangkalahatang kalagayan ng bansang pinagmulan, at kinilala ang karapatan ng
internasyonal na proteksyon. Ang mga gawain ng pag-uusig ay kailangan na sapat na malubha
upang mangahulugan ng isang seryosong paglabag sa mga pangunahing karapatan ng tao,
maaari ring maging anyo ng mga gawaing kaisipan o pisikal na karahasan kabilang ang mga
sekswal na karahasan, o mga kilos na partikular na nakadirekta laban sa kasarian o laban sa
pagkabata.
Ang pagbibigay ng residence permit para sa kadahilanang pampamilya ay posible din kahit na hindi magkasamang nanininirahan sa kaso ng
pagkamatay ng asawa.
Cassazione civile, section VI, sentensiya ng marso 6, 2014.
Ang kataas-taasang hukuman ay itinatag na ang pag-renew ng residence permit para sa mga
kadahilanang pampamilya sa pabor ng isang mamayan na nagmula sa third country na asawa
ng isang EU mamamayan ay hindi kinakailangan ang magkasamang paninirahan ng
mamamayang EU at ng aplikante o ang pangangailangan ng nakaraang regular na paninirahan
ng aplikante. Sa kaso ng kamatayan ng asawa ng mamamayang Italyano, sa katunayan ito
ay hindi nagtatakda ng pagkawala ng karapatan ng paninirahan ng miyembro ng pamilya non-
EU, kung sila ay tumira sa bansa na hindi bababa sa isang taon bago mamatay ang
mamamayan ng Union at natamo ang karapatan ng permanenteng paninirahan o may
maipapakita na may trabaho o self-employed at may sapat na mapagkukunan para sa
kanyang sarili at sa miyembro ng pamilya upang hindi maging pasanin sa sistema ng social
assistance ng Estado sa panahon ng kanilang pamamalagi, pati na rin ang health insurance na
sumasaklaw sa lahat ng mga panganib sa Estado
PUBLIKASYON
Pesaro-Urbino – Gabay sa mga serbisyo na may kinalaman sa imigrasyon sa pangangalaga ng Prefecture
Ang Immigrants guidebook ay inilathala ng
Prefecture ng Pesaro-Urbino at ito ay isang
kapaki-pakinabang na gabay na may mga
indikasyon at mga contact para sa citizenship,
family reunification, legalisasyon at iba pang
mga serbisyo na ibinibigay ng Prefecture na
nakakaepekto sa mga imigrante.
i-download ang guidebook
Mga Contact
Ministry of Labour and Social Policy
Directorate General of Immigration and Integration Policies
Via Fornovo,8
00192 Roma
tel: 06 46834679 o 06 468340182
Progect co-finance by the European Fund for the Integration of the
Third Parties 2007-2013
Para sa mga opinyon, mga mungkahi at pagwawasto sa nilalaman ng site,
makipag-ugnay sa naghahanda ng Portal Integration, magpadala ng email sa:
redazioneintegrazione@lavoro.gov.it