Post on 18-Jul-2015
1
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
PAARALANG GRADWADO
MASTER NG ARTES SA FILIPINO
Sta. Mesa, Maynila
PAGSUSURI SA MGA AKDANG
MAPANGHIMAGSIK SA
PANITIKANG FILIPINO
Iniharap kay Prop. Rogelio L. Ordoñez
Guro
Bilang pagtugon sa kahingian
sa asignaturang
Panitikang Mapanghimagsik MAF 504
Mananaliksik:
Nimpha Landicho Gonzaga MAF-1
Septembre 27, 2014
2
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
PAARALANG GRADWADO
MASTER NG ARTES SA FILIPINO
Sta. Mesa, Maynila
PAMAGAT: PAGSUSURI SA MGA AKDANG
MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
Panitikan na Naghihimagsik sa Iba’t ibang Panahon
Dula at mga Tula ni Rogelio L. Ordoñez
MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA
KURSO: MASTER NG ARTES SA FILIPINO
3
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
PAARALANG GRADWADO
MASTER NG ARTES SA FILIPINO
Sta. Mesa, Maynila
PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON
I. Panahon na Kastila (1565-1898)
a. Panahon ng Propaganda (1872-1896)
Noli me Tangere at El Filibusterismo (Nobela) ni Dr. Jose Rizal b. Panahon ng Tahasang Paghihimagsik (1896-1898)
Ang Pag-ibig (Sanaysay) ni Emilio Jacinto
II. Panahon ng Amerikano (1900-1941)
Tanikalang Ginto (Dula) ni Juan Abad
III. Panahon ng Hapones (1941-1945)
Palitan (Maikling Kwento) ni Pedro S. Dandan IV. Panahon ng Isinuling Kalayaan (1946-1970)
Isang Dipang Langit (Tula) ni Amado V. Hernandez V. Panahon ng Aktibismo (1970-1972)
Canal de la Reina (Nobela) ni Liwayway Arceo VI. Panahon ng Bagong Lipunan ( 1972-1981)
Satanas sa Lupa (Nobela) ni Celso Al. Carunungan
VII. Panahon sa Kasalukuyan Sa pagkamatay ng Isang Newsboy (Tula) ni Lamberto Antonio
DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ
Pamagat ng mga Katha Saan Papunta ang mga Putok
Sa Bayan Ni Juan
Ave, Ave, Pater Patrum
Bakit Ganyan?
4
Introduksyon
Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang
tumatak at nag-iiwan ng latay ng pagpapaalala sa mga pangyayaring naghihimagsik, lumalaban at
sumasalungat ang mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan. Maraming akda ang naisulat sa
bawat yugto panahon na naghihimagsik, ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit na ipinagbawal
sa una pa lang na paglalathala at karamihan sa mga manunulat na ito ay ipinakulong.
Tinatalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika.
Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa
simbahan, sa paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag-asa ng mga manunulat sa
pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga magulang bilang awtoridad o mga dapat
taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang naghihimagsik bilang kalaban na pabigat sa
hinihingi nilang pagbabago. Humangga ang panitikang ito sa pagsasaad ng dapat gawin upang
lutasin ang suliranin.
Ang Panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga hinaing,
damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin,
nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na mapaghimagsik ang
panitikan kung ito ay tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng lipunan, tuwirang humahamon sa
umiiral na panahon, maaring ito ay laban sa maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura,
relihiyon at moralidad.
PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON
PANAHON NA KASTILA
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at
at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon, ito ang panahon ng propaganda at panahon ng
tahasang paghihimagsik. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila,
karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Sa
panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala
sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
5
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng
Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa
kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na
kalabanin ang pamahalaan. Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang pagkakahimlay ang
mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga
Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-
ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Naging lalong mahigpit ang
pagbabanta ng mga kastila, subalit hindi nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang
damdamin ng mga Pilipino. And dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at
humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalan. Dahil sa mahigpit ang
pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang
maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na
makasulat.
PANAHON NG PROPAGANDA
Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Dr. Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena. May kanya-kanyang ambag sa panitikan. Napiling suriin ng papel na ito ang naiambag ni Dr. Jose Rizal.
Dr. Jose Rizal
Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ang buo niyang panagan. Siya ay
ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang guro niya ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila. Nagsimula siyang mag-aral ng Medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Berlin, at Heidelberg. Ang kanyang buhay ay nagwakas noong Disyembre
30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Kastila na nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at
Dimasalang sa kaniyang mga panulat.
6
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
(Nobela)
Ang Noli Me Tangere ang una at walang kamatayang nobela na sinasabing nagpasigla ng
malaki sa kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat na ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahar i sa pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas. Mahigpit na ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit
maraming salin ang lihim na nakapasok sa kapuluaan, bagama’t ito’y nangangahulugang kamatayan sa nag-iingat. Ang “Noli” ay nagbigay sa panitikang Pilipino ng mga hindi malilimot
na tauhang larawang-buhay na mananatili sa isip ng mga bumabasa, gaya nina Maria Clara, Juan Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasyo, Basilio, Crispin, Padre Salvi at Padre Damaso. Makapangyarihan ang panitik ni Rizal sa paglalarawang-tauhan. Sa Fili ay naging Simoun si
Ibarra. Ang dating malamig, mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra ay naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot, at paghihiganti sa bulok at tiwaling pamahalaan.
Ang El Filibusterismo naman ay karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumatalakay sa mga sakit ng lipunan, ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang
katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang simbahan. Kaya’t madalas uriin ang Noli na nobelang panglipunan at pampulitika naman ang Fili.
Ang mga nobelang ito ay itinuring bilang mga repleksiyon ng buhay sa Pilipinas noong ikalabinsiyam na siglo. Sa gayon, mababasa ang mga nobela bilang representasyon ng mga
pangyayaring naganap sa Pilipinas, bilang pagtatangkang makalikha ng mga tauhang may katapat sa tunay na buhay, bilang pagpapaliwanag ng mga suliranin ng lipunang kolonyal, at bilang
pagpapahiwatig ng mga solusyon sa mga problemang sumisiil sa bansa. Malinaw na nakaugat ang mga nobelang ito sa mga puwersang pangkasaysayan at hindi lamang salamin ng buhay ang mga nobela kundi isa ring uri ng pagbalikwas sa pagpapahayag ng kabulukan ng sistema. Malinaw
ding makikita sa nobela ang pagtatagisan ng maraming ideolohiya ng ikalabinsiyam na dantaon na sinasagisag ng mga pangkating relihiyoso, pamahalang sibil, mga ilustrado, mga uring api at
indio.
PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin
sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalunagat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.
Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipino na ang nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik”. Ang naging laman ng panitikan ay pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino
upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.
7
Ang kikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. Napiling suriin ng papel na ito ang naiambag ni
Emilio Jacinto.
Emilio Jacinto
Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si Jacinto ay kinikilalang utak ng Katipunan,
sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na lamang
sa huling yugto ng paghihimagsik, nang mapasugo siya sa Laguna at si Bonifacio nama’y sa
Cavite. Anak-mahirap din, si Jacinto ay nakapag-aral at naging bihasa sa Kastila. Nagpakahusay
sa Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan, hanggang sa
makasulat ng mga maalab na katha bilang pagsunod sa tanging layuning makaakit ng mga kaanib
sa samahang mapanghimagsik. Si Jacinto ay sumulat ng mga paksang makabansa at
mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa Tagalog, na nilagdaang Dimas
Ilaw, ilan sa mga akda niya ang Kartilya ng Katipunan, at mga tulang A La Patria, at Mi Madre.
Ang Kalayaan, Ang Ningning at Liwanag, Ang Tao ay Magkapantay, at iba pa ay ilan sa
mga kasamahang sanaysay sa kanyang aklat katipunan na Sa Liwanag at Dilim. Si Emilio Jacinto
ang naging matalinong katulong ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan siya ang
tinaguriang “Utak ng Himagsikan.” Isa sa pinakadakilang nagawa niya para sa Katipunan ay ang
pagkakatatag at pamamatnugot niya sa “Kalayaan”, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ang
una at huling isyu ng pahayagang Kalayaan ay lumabas noong Enero 18, 1896. Bagamat minsan
lamang lumabas ang Kalayaan, ang mga siping ipinakalat sa mga karatig-lalawigan ay nagdulot
ng malaking epekto sa masa na naging dahilan ng pag-anib ng libo-libong tao sa Katipunan.
Iniurong ni Bonifacio ang kanyang isinulat na Kartilya bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto
bilang kalihim ng Katipunan. Ang kanyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib
sa samahan.
ANG PAG-IBIG
(Sanaysay)
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag -
ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at ang
kapwa tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at wagas na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid ay
ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig ang siyang tunay na may udyok kundi ang kapalaluan
at ang kasakiman
Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahaon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis..
Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang
8
gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan,
at kung magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga -
patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag -
iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag - ibig.
Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na
alaala sa nagdaan at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga
kahirapan at pagkadusta, ang pag - ibig ang siyang nagiging dahilan lamangkung kaya natin
minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa
mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak
naman kaya ay walang pag - ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan? Ang
kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at
nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag- aakay at makaaaliw sa
kanyang kahinaan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa
tayo'y mahikaya't na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi
hanggang sa isapanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat
kung tunay na umusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig?
Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan;
kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay
nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang
naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig!
Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng
di maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng
pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan. Gumagawa
ng dan tungo sa pag aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan
ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod - buklod ang mga mamamayan upang
kung mahina at dukha dahil sa pag - iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at
karupukan.
Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig?
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at
kung nagkakaisa na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang muling
ligaya'y matimyas na malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos ng mga
pusong hindi nakadarama ng tunay na pag - ibig.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng
kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o
matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip
9
ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na
magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at
di - mabatang kapaitan.
Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang
magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting
magparaan upang magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong marunong dumamay
sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang
walang katapusan! Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas
na pag - ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
Ang sanaysay ay isinulat noong panahon ng himagsikan laban sa mga Espanol. Sa panahong ito, nangingibabaw sa panitikan ang damdaming makabayan. Kabilang ang akdang Ang
Pag-ibig sa bahagi ng kodigo ng rebolusyon at katipunan ng mga akdang sanaysay ni Emilio Jacinto na may pamagat na Sa Liwanag at Dilim. Ang Liwanag at Dilim ay katipunan ng kaniyang mga sanaysay na may ibat ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa, paniniwala,
pamahalaan, at pag-ibig sa bayan. Sa panahong buong lakas na nagtatagisan ang mga puwersang panlipunan sa isang
kolonyal na sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang panlipunan sa isang kolonyal na sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang laban sa kolonyalismo. Bagamat daan-daang Pilipino ang sumapi sa kilusan matapos itong itatag, hindi sapat ang kanilang lakas upang
igupo ang mga kaaway na nagtataglay ng halos lahat ng uri ng kapangyarihan. Ang malaking tanong sa panahong ito ng maigting na labanan para sa puso at isip ng mga mamamayanan ay:
Paano maaantig ang damdamin ng mga inapi at nang sa gayon ay mapag-alab ang kanilang mga puso na siyang magtutulak sa kanila upang humawak ng armas sa paglaban sa mga Kastila? Ano-anong mga anyo ng panghihikayat ang nararapat gamitin ng mga namumuno sa kilusan upang
lantarang makibaka ang mga tao? Hindi mapasusubalian na ang mga panitikng nalikha sa mga panahong ito ang naging mahalagang kawig sa higanteng tanikala ng mga tekstong maituturing na
rebolusyonaryo. Ang mga panitikang naghihimagsik ang dahilan at siyang pumukaw sa damdamin ng mga mamamayan upang magising sa katotohanan ng mapang-aping kolonyalismo.
PANAHON NG AMERIKANO
Nagkaroon ng wakas ang tatlongdaan at tatlumpung taon ng pananakop ng mga Kastila at
nakatikim ang mga Pilipino ng kalayaan. ang mga Amerikano'y nagdulot ng mga kaluwagan sa mga nasanay maalipin sa loob ng mahabang panahon. Nabigyan nga ng kalayaan ang mga Pilipino subalit kataka-takang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang
makabayan.
10
Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Amerikano ng tanikala ng batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong makapagpapaalab sa
damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito na hindi naman pawang para sa
kapakanang Pilipino.Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga
Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang paghihimagsik tulad ng masasaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad. Isa sa mga
unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – angTanikalang
Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino.
Juan K. Abad
Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc, Maynila.
Taong 1875 nang siya ay isilang. Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sa
pamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siya sumanib sa Katipunan.
Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbong Amerikano. Noong 1899 ay
nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong
sa loob ng isang buwan at mag-ulat umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta na huwag
nang sumulat muli.Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isang
pahayagang para sa mga manggagawa. Pagkaraan ng maikling panahong paglalathala (3 buwan)
ay pinatigil din ito ng mga Amerikano.
Sumunod na napagtuunan ng pansin ni Abad ay ang komedia na sa kanyang paniniwala ay
lumalason sa isipan ng mga Pilipino. Nagalit sa kanya ang mga nagtatanghal ng komedia at moro-
moro kaya isinumbong naman siya sa pamahalaan dahil sa pagtatanghal ng mga dulang Mabuhay
Ang Filipinas at Mapanglaw na Pagka-alaala.Bilang parusa ay ipinatapon siya sa Olongapo at
doon niya nasulat ang isa nanamang dula, ang Manila-Olongapo." Ang dulang ito ay tumatalakay
sa buhay ng mga bilanggo. Nang siya ay lumaya, itinanghal ito sa dulaang Zorilla.
Noong Hulyo 7, 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang Tanikalang Ginto, isang
dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mga Amerikano. Dinakip siyang
muli at ibinilanggo. Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal naman sa
Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli't muling pagdakip at
pagpapabilanggo kay Abad ay hindi naging dahilan ng pagtigil niya sa pagsusulat ng mga dulang
makabayan.
11
Tanikalang Ginto
(Buod ng Dula)
Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan na si Liwanag. Si
Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin: pakasalan ang nag-iisang mahal na si Kaulayaw o
ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na
magpakasal si Liwanag kay Kaulayaw nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag
hanggang siya ay sumakabilang buhay. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya
upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa.
Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang
kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang tanikalang
ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Sandaling
nasilaw si Liwanag sa ganda ng tanikalang handog ni Maimbot, at nakalimutan ang panyong
iniwan ni Kaulayaw.
Inatasan ni Maimbot si Nagtapon (na kapatid ni Kaulayaw), ang kanyang alipin na
bantayan at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Si Dalita ang ina ni Kaulayaw at ni Nagtapon.
Mahina na siya at may malubhang sakit. Lubos siyang nangungulila sa anak niyang naglayas, si
Nagtapon. Si Nagtapon ay kapatid ni Kaulayaw na lumayas at iniwan ang kanyang ina para sa
pera’t ginto.
Nangangamba si Dalita na baka iwanan rin siya ni Kaulayaw kapag ito ay nagpakasal
kay Liwanag na sa dula ay nasa pangangalaga ni Maimbot. Subalit nanaig ang kagustuhan ni
Liwanang na sumama at magpakasal kay Kaulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang
pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.
Nais ng may-akda na buhayin at gisingin ang diwang makabayan ng bawat Pilipino at
labanan ang mananakop at mapang-aping uri. Ito ang tema ng dulang “Tanikalang Ginto” ang
pagbuhay sa nasyonalismo, at paglaban sa mga sumisikil sa bayan.Nararapat lamang pag-alabin
ang diwang makabayan noon at bawiin ang kalayaan na ipinagkait sa mamamayan. Ang
mensaheng ito ang nagdala kay Juan Abad sa piitan, ngunit kahit panahon pa ng mga Amerikano
ang palabas mahalaga pa rin ang panawagan sa atin sa kasalukuyan na pakinggan ang mensaheng
ipinapahayag sa dula.
Sinalamin sa dula ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng Amerika sa pamamagitan ng
isang paglalarawan sa pag-iibigan nina Kaulayaw at Liwanag, at ang iba pang mga tauhan na sina
Nagtapon, Maimbot at Dalita. Ang mga nabanggit na tauhan ay sumasagisag ang mga tauhan sa
mga papel ginaganap ng taong bayan at ang mga adhikaing makabayan. Sumasagisag sila sa mga
12
kaisipan, at sa paraang pagsasalaysay inilahad ng dula ang sitwasyon sa Pilipinas noon at ang
kailangang gawin upang makamit ang kalayaan.
Si Kaulayaw ay sumasagisag sa mga makabayan na naglalayong lumaya ang Pilipinas. Si
Liwanag na nangangahulugang pag-asa o kalayaan, siya ang minimithi ni Kaulayaw at
ipinagdadamot naman ni Maimbot. Hindi niya gustong habambuhay na mapasailalim sa mga
kundisyon ni Maimbot. Gusto niyang lumaya at magkaroon ng pagkakataong lumigaya sa piling
ni Kaulayaw. Si Nagtapon, na kapatid ni Kaulayaw, ay ang simbolo para sa mga taksil na piniling
kumampi sa mga Amerikano. Si Dalita ay maaring simbolo ng Inang-Bayan na nagdurusa at
sakitin. Binigyan ni Maimbot si Liwanag ng isang tanikalang ginto. Ano kaya ang sinasagisag ng
tanikala? Ito ang mga pangako ng Amerika ng demokrasya, yaman, at iba pa. Ngunit sa iba pang
kahulugan ng tanikala, hindi ba iisa ang kahulugan nito sa kadena na gumagapos sa isang tao?
Ang tanikalang ginto ay ang mga napakagandang pangako ng pagkalinga ng Amerika, ngunit
itatali lamang nito ang Pilipinas sa kung anumang naisin. Hinihingi nila ang katapatan ng
Pilipinas kapalit ng “tanikalang ginto” na ito.
Pinipigilan ni Maimbot na magpakasal sina Liwanag at Kaulyaw sa dahilang bata pa sila
upang mapag-isa. Sa parehong dahilan sinasabi ng Amerika noon sa Pilipinas na hindi pa handa
ang Pilipinas sa pagsasarili kaya “aakayin” muna tayo ng mga Amerikano. Pinanigan ng kanyang
dula ang nagdurusang bayan ng Pilipinas, at ang mithiing makabayan at ang harapang pakikibaka
laban sa paniniil ng dayuhan. Sa panahon natin ngayon, ang nais siguro iparating ng pagtatanghal
na ito ay ang pag-alabing muli ang pagmamahal sa Inang-Bayan, at labanan ang mapang-aping uri
na sa kasalukuyan ay patuloy na nililinlang ang mamamayan na sila’y makabayan at kapakanan
ng nakararami ang kanilang inuuna.
Ito ay isang dula na nagpapakita ng nasyonalismo at hindi pagsang-ayon sa kanilang
pamamahala. Sa dulang ito makikita ang mga tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan.
Ang kakaiba at makahulugang pangalan ng mga tauhan sa dula ang nagbigay buhay at kulay sa
simpleng dula na ito. Halimbawang gawing Lily si Liwanag, mawawalan ng silbi ang sinisimbolo
ng tauhan ni Liwanag. Ang mensahe tungkol sa pagmamahal sa bayan at pagtiwalag sa mga
mananakop ay ang nakatagong mensahe sa likod ng mga tauhan na ito. Hindi na magiging pareho
ang kahulugan ng dula kung iibahin ang mga pangalan ng mga tauhan
Masasabing ang dulang ito ay tipong maaring isabuhay paulit-ulit upang ipaalala sa atin
ang pagdurusa ng ating bayan sa kamay ng Amerikano. Kahit sa ngayon kung saan may sarili na
rin tayong pamahalaan, nabubuhay pa rin tayo sa anino ng mga Amerikano. Dahil dito ang dula
ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi may katuturan pa rin sa kasalukuyan. Ito ay
magmimistulang pagpapaalala sa pagkakamali noon na hindi dapat maulit sa kasalukuyan.
13
PANAHON NG HAPONES
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa
Amerikano) sa pagsulat ng panitikan.
Pedro S. Dandan
Si Pedro S. Dandan ay kwentistang postwar o taga-paggunita ng malagim na Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Lima sa kanyang kwento ang nanalo sa Palanca: Mabangis na kamay,
Maamong kamay, Sugat ng Digma, Lakas, Ang Anino ng kanyang Ama, at Ang Daong ni Noe.
Maaalaala rin siya sa mga kwentong May Buhay sa Looban at Nasa Dugo ni Tana na madalas
maisama sa mga antolohiya.
Ang digmaan ay nagdudulot ng pagkasalanta hindi lamang sa mga bagay at buhay kundi
maging sa puso at damdamin ng tao.
Palitan
(Maikling Kwento)
Ang mga buto ng bisig ni Klaro at ang mga buto ng tagiliran ng kanyang anak ay
nagkakakiskisan at nag-iinit at ang gasgas na nalikha niyon ay mahapdi. Ikalawang araw nang
nakababa sa kanyang balikat ang bata; ang dalawang paa’y nakayakap sa kanyang isang bisig .
Isang pingga ang itinutulong niya sa kanilang inot-inot na paglalakbay.
Kaipala’y ilang kilometro na lamang at sasapitin na nila ang kabayanan. Lumalaganap
na ang gabi at mula sa nagagaping liwanag ng takipsilim ay namamalas ni Klaro ang simboryo
ng lumang simbahan. Sumigla ang kanyang katawan at sandaling napawi ang kirot ng kanyang
mga namamagang paa, na humihilahod sa mumunting bato at alikabok ang dulo ng nakabalot na
sako’y nagtutumulin din sa paglakad .
“Malapit na tayo,anak. Natatanaw na rito ang simboryo.” At itinaas ni Klaro ang kamay
na may hawak na pinggaat marahang inulog ang bata. Ngunit ang bigat ng ulo nito’y paulit-ulit
na nagbabalik sa kanyang balikat.
Nararmdaman ni Klaro sa kanyang dibdib ang paghinga ng bata kaya niya natityak na
buhay ito. At lalo siyang napasagasag, na waring ipinakikipag-unahan sa pagtakas ng mga
sandal ang mga pintig ng buhay sa puso ng kanyang anak.
Manaka-naka’y napapapikit siya upang iwaksi sa guniguni ang mga pulubing mistulang
kalansay na nangamamatay ng gutom sa mga lansangan ng lunsod, at kung minsan ay nakakagat
14
niya ang kanyang labing nangangalirang sa paggumitaw ng alaala ng kanyang mag-iinang
naiwan sa walang katiyakan – matangi kung makapag-uwi siya ng kahit na anong pantawid-
gutom.
Hindi kalayuan ang bayan. Nakapagligpit na ang mga nagtitinda sa mga bangketa ng
liwasan, maliban sa magpapalayok na nasa isang panig ng harapan ng pamilihan. Pawisang-
pawisan ito sa pag-ayos ng mga balanga at kalan sa limang tiklis na nakahalayhay. Maingat at
is-isang isinalansan na kasama ng saping dayami upang di mabasag. Sa wari ni Klaro’y
makalilisan ang magpapalayok bago niya marating ang bangketa ng pamilihan .
Sa sandaling mailapag ng tao ang huling balanga sa loob ng tiklis ay nagtaas ito ng
tingin. Nakita ni Klaro na namaywang ang tao at ipinayong ang isang kamay sa itaas ng kilay.
Lihim na natuwa si Klaro. Nahiling niya na nawa’y ipagkamali siya nito sa isang namimiling
dinilim sa daan, sa halip sa isa sa mga pulubing naglisaw sa liwasan . Ngunit nang mapagsino
siya ng magpapalayok ay nagmamadaling inilulan nito ang tiklis sa katabing kariton.
Napatulin si Klaro at tuluyan nang nakalas ang nakataling sako sa kanyang isang paa at
iniwan sa dinaanan. Ang magpapalayok ang tanging malalapitan niya sa liwasan upang amutan
ng tulong.
“Kami po’y galling sa Menila. .. . wala po kaming matutuluyan ngayong gabi,” bungad
niya.
“Riyan . . riyan . . maraming natutulog sa bangketa ng palengke,” maikling tugon ng
magpapalayok na hindi tinitignan si Klaro at patuloy na binubuhat ang mga tiklis ng pal;ayok sa
may kariton.
“Me sakit po ang aking anak, baka hindi na abutin ng ilang araw . . .”
“Dalhin sa duktor kung me sakit . . . “
“Me makain po’y wala, sapol pa po kanginang medaling-araw!”
Tumigil sa kanyang ginagawa ang magpapalayok at masusing minasdan si Klaro at ang kanyang
anak nito. Nilapitan at hinipo ang batang nanlalamig sa gutom.
“Sige, sumalakay na kayo sa kariton nang hindi na tayo lalimin ng gabi. Baka tayo’y
masita pa ng tanod na Hapon sa garrison.”
Sumampa sa kariton si Klaro. Kandong ang anak ay pumagitna siya sa mga tiklis upang
hindi matagtag. Sumandal siya; ang kanyang butuhang puwit ay nasaktan sa matigas na sahig ng
sasakyan. Sumakay sa kalabaw ang magpapalayok. Hindi nalaunan at hila na sila ng hayop sa
isang bako-bakong libis.
15
Inabutan nilang nakahanda na ang dulang. Dalawang batang lalaking magkasinlaki,
magkamukha, at magsinlusog ang magkaibayong nangakasalampak sa harap ng dalawang
pinggan ng umaasong kanin. Ang ina ay nasa harap ng kalan at hinahango ang bulanglang.
“Ikaw ba, Teban?” malakas na sino ng babae.
“Itinanong pa. . . e . . . ako nga. Hale, at maghanda kana para sa dalawa katao . . Kung
meron pa tayong kamote riyan ay hanguin mo para rito sa batang me sakit . . . “ at inilapag ng
magpapalayok ang kanyang dala-dalahan.
Napajharap ang babae, at pagkakita sa mag-amang kasama ng kanyang asawa’y
nagsipanlaki ang mga mata nito.
“Ang abay ko, ito’y ospital?”
“Oyyy, para ngayon lang gabi, e . . . “ at inakbayan ng magpapalayok ang kanyang
asawa.
“ Kung gayon ay dulog na kau,” tukoy ng babae sa mag-ama. “Ere pala ang
hiwaan,ere.” Sabay dampot sa tabong nasa kakalanan at iniabot kay Klaro.
Binitiwan ni Klaro sa isang tabi ang kanyang pingga at matapos ikanaw ang kamay sa
tabong hawak ng babae, maingat na binakbak ang anak sa pagkakayakap sa kanya. Umingit ang
bata nang imulat ang mga matang mapagkakasya ang sampiseta sa lalim.
“Upon a riyan, anak , kakain na!” at makaraang maisaayos ang pagkakasalampak ng
bata’y tinabihan ito at hinugasan ng kamay.
Si Mang Teban ay paupo sa isang dulo ng dulang nakapagitna sa dalawang batang
lalaking magkamukha. Hinangong lahat ang nilagang kamote at saka idinulot ng babae sa bata.
Ang nakakatakam na amoy ng bulanglang na nsa tason, na inilapag sa kalagitnaaan ng dulang,
ay nanuot sa ilong ni Klaro at nagpakalam sa kanyang sikmura.
Malaki ang subo ni Klaro na tila buts eng manok ang magkabilang pisngi kahit napapaso
ang bibig sa umaasong kanin. Nanginginig ang kamay ng kanyang anak na tila gulilat na hayop
na sumusulyap-sulyap sa mga kaharap at dumampot ng kamote. Nanginginig din ang mga labi
nang isubo iyon. Namulagat at sumibi nang agawin ng batang lalaking kinakanan ni Mang Teban
ang kamote nito. Tinampal ni Mang Teban ang kamay ng kanyang anak.
“Barang, Barang, sawayin mo nga yang si Kambal at baka masabaran ko ng bena!”
sigaw ni Mang Teban.
“E, bakit, Tang,e hindi kami binigyan ni inang ng kamote kanina!” matuwid ng kapatid.
16
Hindi nagpamalas ng paglaban ang batang gutom, matangi sa sulyapan nang pailalim
ang umugaw ng kanyang pagkain. Sumubsob ito sa dibdib ng kanyang ama at umiiyak. Nagpilit
na ngumiti si Klaro.
“Pasensya na kayo sa aking anak . . . dala po ng kahinaan ng katawan kaya iyakin.”
“Talagang masyado po’yang si kambal, e . . . Nakakain nap o siya ng kaninang tanghali
ng kamote’y nang- aagaw pa!” sabi ng babae at binalaan ng tingin ang magkapatid.
Ang nauunsiyaming hangarin idulog ang kanyang suliranin sa mag-asaw’y muling
pinanariwa ng sinabi ng babae kaya iniharap na niya sa pagkain ang kanyang anak, ipinagtalop
ng kamote at saka sinubuan.
“Maniwala po kaya kayo na ang una kong pakay sa inyo’y ang isangla ang batang ito?”
madalang at tiyakang sabi ni Klaro.
“Isangla?” napabiglang tanong ni Mang Teban.
“Opo, sa halaga ng isang kabang bigas. . . Isang kabang bigas na siyang buhay ng aking
apat pang anak at asawang nasa Menila.”
“Sangkabang bigas ? Baka ang akala ninyo’y madali ang magsaka !” sambot ng babae.
“Kakatuwa ang pangyayari para mag-ampon kami ng alagain at hindi makasundo ng
aming mga bata,” susog ni Mang Teban.
“Gayon nga po ang masasabi ninyo, pero ang bata pong ito’y mabubuhay;makakain
lamang ng tatlong beses sa isang araw. At kung iibign po ng Diyos, makatutulong din sa inyong
mga pangangailangan kapag malaki na.”
“Hindi sangla ang ibig mong sabihin . . . palit!” pagtutuwid ni Mang Teban.
“Palit?”
“Oo, palitan ang iyong anak at ang aking sangkabang bigas…”
“Ga…gayon po ba?” waring nahihirinan si Klaro.
“Masama yata sa loob ninyo, e huwag na !” pagtiyak ni Mang Teban.
Natigilan si Klaro. Lumunok muna bago nagsalita, “Kayo na po ang bahala kung diyan
mauuwi ang salitaan.”
Inirapan ni Aling Barang si Mang Teban.
“Pumayag ka na, Barang, at harimunan din na kung mapalaki natin ang batang ere’y
magkaroon tayo ng pastol.” Himok ng lalaki sa kabiyak.
17
Sumulyap si Aling Barang sa batang lalaking may karamdaman. Umaliwalas ang
kanyang mukha. Walang imik na isinalansan ang kanyang mga pinagkainan.
“Kung mangyayari po sana ay maihanda na ang bigas bago magmadaling-araw upang
mailuwas ko na sa Menila,”basag ni Klaro sa katahimikan. “Baka po, hindi ko na abutan ang
aking mag-iina.”
Itinigil niya ang pagsusubo ng kamote sa kanyang anak. Banayad na kinabig ito sa
kanyang dibdib.
Tumango si Mang Teban. Nagngitian ang mag-asawa. Umisod ang lalaki sa pagkakaupo
sa harap ng dulang at lumapit sa bata. Marahang binuhat ito at kinandong .
“Hoy, ang bata . . Tatang ko’yan,a!” magkapanabay na sumbat ng kambal.
Binalaan ni Aling Barang ang kambal at nginitian ang batang kalong ng lalaki.
Ngunit umingit ang bata na nagmamakaawa sa kanyang ama, tila isang pipit na hindi
makakilos sa bitag.
Napailing si Klaro. Hindi niya matitigan ang kanyang anak sa mga matang waring
malalalim na mga balon ng di-maarok na pangungulila at kalungkutan.
Lalong lumakas ang pag-ingit ng bata.
Waring gumutay sa kaliit-liitang himaymay ng katauhan ni Klaro ang piyaos na ingit ng
kanyang anak.
Nararamdaman niyang isang pilas ng laman na pumipintig sa kanyang dibdib ang inagaw
ng Tadhana.
Panahon ng Hapones ang inilalarawan sa akdang ito. Sinasabing inilalabas ng digmaan
ang pinakamabuti at pinakamasama sa tao. Marami ang nanlalasi, nagnanakaw, at nagpapahamak
ng kapwa. Marami ring kababayan na nag-ampon ng mga bata at itinuring ang mga itong tunay
na mga anak, ngunit sa kasamaang palad maraming ginawang alila at katulong. Ang akdang ito ay
tuwirang naghihimagsik sa lipunang ating ginagalawan na nagsasamantala sa kahinaan ng ibang
tao. Ang panahon ng Hapones ay panahon ng matinding paghirap at gutom. Napakahirap ng
buhay lalo na sa Maynila. Marami ang namamatay sa matinding pagkagutom. Nauso ang buy and
sell. Maraming nagsamantala rito na babaratin ang nagtitinda kapag alam nilang lubha itong
nangangailangan. Sinasabing ang panahon ng digmaan ay nagpamanhid sa puso ng tao upang
sariling kapakanan lang ang isipin.
18
Kung susuriing mabuti, ang kuwentong ito ay isang metapora ng pagpapakasakit, sapagkat
pagtitiis ang awa na naghahangad ng kaligtasan sa kanyang anak. Sa panig ng nakipagpalit,
lumilitaw na bukas ang kanyang palad at pag-unawa ng magpapalayaok sa mga taong
nangangailangan ng bigas upang ipagdugtong-buhay kapalit ng pagkakaroon ng palakihing pastol.
Ito ba ay kasakiman at paghahangad sa panig ng magpapalayok o karamutan at pagkamakasarili
sa panig ng amang nagsakripisyo para sa naiwang pamilya na nagugutom.
Maiuugnay ang akdang ito sa kasaysayan ng Pilipinsa noong panahon ng digmaan o
maging sa ibang bansa na nahaharap sa kaguluhan o kahirapan sa panahon ng digmaan.
Lumilitaw sa kuwentong ito ang aspekto na pang-araw-araw na buhay na hindi matatakasan ng
tao upang mapanatili mismo ang pag-inog ng buhay.
PANAHON NG ISINULING KALAYAAN
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito
isinauli ang kalayaan. Ibinaba ang bandilang Amerikano at mag-isang winagayway ang bandilang
Pilipino. Nawala ang nakagapos na tanikala, naging makasaysayan sa mga Pilipino ang
pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. Muling sumigla ang panitik ng
mga Pilipino sa panahong ito.
Amado V. Hernandez
Bagamat mas nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng Amerikano.
Naisulat niya ang tulang ito sa bartolina ng Muntinglupa noong Abril 22, 1952. Si Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat
ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng
mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob
ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha
ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang
"Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas.
Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
19
makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang
Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Noong Marso 31, 1952, hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa sakdal na
“rebellion complex”. Siya’y nanatili sa bartolina mula noong Enero 1951 hanggang Hulyo 1956.
Naging instrumento ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang Dipang langit
,Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala lamang siya noong 1964.
Isang Dipang Langit
(Tula)
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
20
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!
Sa paniniwalang tungkulin ng manunulat na maging budhi ng lipunan at magpatunay sa
kadakilaan ng diwa ng tao sa harap ng kalupitan, hindi inalintana ng may-akda ang kanyang pagkabilanggo. Ang kanyang mga akda ay lagi nang pumapaksa sa nasyonalismo, demokrasya, at
panlipunang katarungan. Makatwiran bang ikulong ang isang taong nagpapahayag lamang ng kanyang malayang damdamin at kaisipan? Layunin ng may-akda na maimulat ang bawat Pilipino sa kawalan ng katarungan at pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa lipunang bulok na
sistema ang umiiral.
PANAHON NG AKTIBISMO
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga
mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Naging mainit ang aktibismo ng mga kabataan
noong 1970-1972.Sinasabing dahil sa pagkakadeklara ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972
ang bunhi ng aktibismo. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging
noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na ang
mga kabataang Pilipino ay may init ng dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat ang dahilan ng
paghihimagsik laban sa makapangyarihang lakas sa Pilipinas.
21
Liwayway A. Arceo
Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat.
Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reina at Titser. Mayroon din siyang
mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at
"Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng
ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.
Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa
radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso
1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo,
Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng
Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa
telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko.
Ilan sa kanyang mga napalunan ay ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang
maikling kuwento sa Filipino noong 1962, Gawad CCO for Literature Award noong 1993,
honoris causa Doctorate in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991,
Catholic Authors Award noong 1990 at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noong
1998. Ang kanyang huling natanggap ay ang National Centennial Commission Award para sa
kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino. Namatay siya noong 1999 sa edad
na 75.
Ang Canal De La Reina ay hindi lamang isang nobela, bagkus, ito ay isang tunay pook sa
Tondo, Maynila sa lugar na ito isinilang ang manunulat ng nobelang si Liwayway A. Arceo.
Naging malaking bahagi ng kanyang kamusmusan ang estero ng Canal De La Reina na natandaan
niyang nagtataglay ng maasul asul, malinaw, malinis at walang amoy na tubig.
Umalis sila sa lugar na iyon at nang muli siyang nagbalik pagkalipas ng maraming taon ay
isang kakaibang Canal De La Reina na ang kaniyang dinatnan. Hindi na niya halos makilala ang
esterong may maruming, mabaho at maitim na tubig. Ang paligid nito’y tinirikan na rin ng
napakaraming barong-barong ng mga eskuwater. Ang pagbabalik na ito’y naganap noong Enero
1972 ang panahon kung kailan nasa kainitan na rin ang aktibismo sa mga kabataan dahil sa
papasama nang papasamang kalakaran ng pamahalaan.
22
Canal de la Reina
(Buod ng Nobela)
Kabanata 1-3
Kabanata 1 : Panimula Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar
na kanyang sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa maputik at madaming basura na mak ik ita mo ngayon. Ang sariwang
hangin ay napalitan na ng mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa
maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinuwento ni Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarating
sila sa kanilang lote na k inatit irikan na ng bahay at t indahan, hinanap ni Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na siya
ang may-ari ng lupang t inatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan.
Kabanata 2: Alaala Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng
loteng kinatitirikanng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si
Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig
nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit , namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis niCaridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang
magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik mulisa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang m a lak ing punong k am at s i le , sa g i l id ng m ak it id a t m a lin is na C ana l de
la Re ina . Hind i r in n iya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at t init ingnan kung kaninong
bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya.
Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarating
sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador.Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari
at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas niCaridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga
resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isangalalalang napakahalaga sa
23
kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahaynila sa Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa
kanilang pamilya.
Kabanata 3: Linta
Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang mangutang dahil sa kakapusan sa pera. Ngunit dahil na rin sa pagiging gahaman ay imbes na tumulong sa kapwa ay
ginagamit niya pa ang sitwasyon nila upang maglagay ng malaking interes sa mga mangungutang. Ang bayan nila ay sumasalamin ng kahirapan ng buhay dahil na rin sa
katiwalian at kasamaan ng ugali ng mga opisyal ng gobyerno. Isang araw nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupang pag-aari, di umano ni
NyoraTentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa pag-aagawan nila sa tunay na
may-ari ng lupain kaya h ind i na iw asang m agk aroon ng a l i t an sa pag it an
ng dalawa.
Ngunit isang di inaasahang napakalakas na bagyo ang dumating sa bansa at apektado din
ang bayan ng Canal De La Reina. N ag ing du lo t n i t o ay ang pagkakatangay sa baha ng
mga naninirahan sa Canal de la Reina at hindi nakaligtas maging ang bahay ni Nyora Tentay. Sa
hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ng titulo
ng bahay ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya
dahil nais nilang maging patas.
Dah il na r in s iguro sa m ga pangyayar i ay na is ip na n i N yora
T en t ay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagk a t a lo a t
ib ina lik ang lupa sa t unay na nagm am ay -ar i .
Maliwanag na naipakita ng may-akda ang isang maruming kalakalan sa lipunan kung
saan ang mga mahihirap ay lalo pang nasasadlak sa kahirapan dahil sa pagsasamantala ng ibang
nakakaangat sa buhay. Ang mga eksena sa nobela ay pangkaraniwan sa ating lipunan kung saan
maraming kababayan natin ang kumakapit sa patalim magkaroon lamang ng panandaliang suporta
sa pangangailangang pinansiyal. Ang nobela ay epektibo, hindi lamang sa pagdudulot ng aliw
kundi sa pagmumulat sa mga mambabasa.
Ang tagpong ito ang naging inspirasyon ni Liwayway Arceo sa pagsulat ng nobelang ito.
Isang tauhan ang nabuo sa kanyang isipang gagalaw at magiging simbolo ng nakakarimarim na
tagpong ito. Ito si Nyora Tentay, ang ususerang matandang naghari sa kabuuan ng estero.
Nabuhay siya mula sa panggigipit sa mga maralitang kapitbahay na walang magawa kundi
kumapit sa patalim upang mabuhay. Nagsangla o nangutang sila sa matanda at kanya naming
24
pinatungan ng napakataas na tubo hanggang sa hindi na makabawi ang mga tao. Ang mga
isinangla’y nareremata kaya’t muli’t muli na naman silang magsasanla hanggang sa lubusan na
silang masakal ng kasakimaan ni Nyora Tentay. Sa gitna ng lahat nang ito’y naging tampok na
tauhan din si Caridad at ang kanyang pamilyang nagsilbing tila sinag ng pag-asa sa kapangitan ng
buhay na inilahan sa nobela.
Isang malking baha ang ginamit bilang sagisag sa paglilinis at muling pagbangon ng
Canal De La Reina. Sa lupang naging tampok sa nobela, sumibol ang simbolo ng pagbangon ng
pamayanang malaya. Ang nobelang ito ay may malakas na kamalayang panlipunan, nagamit ang
kabuuan ng nobela sa pagsalamin sa realidad ng buhay at mga totoong pangyayari sa lipunan.
Ang iba’t-ibang anyo ng paniniil sa mahihirap ay mabisang naipakita sa katauhan ni Nyora
Tentay, ang matandang usisera na nagsamantala sa lahat ng mga taong humingi ng tulong sa
kanya. Nagmistula siyang isang buwayang sumusunggab sa balang lumapit na karamihan ay mga
taong sagad na sagad na ang kahirapan sa buhay. Maraming kabuhayan ng mga tao sa paligid
niya ang nawasak dahil sa pagsasamantala ng matanda.
Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La
Reina. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang handang gawin
ang lahat mabuhay lamang sa pangaraw-araw.
Ang akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating
malafairytale na mundo. Maraming tao ang mapagsamantala sa kalagayan ng mga mahihirap.Ang
mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay nanatiling
mahirap.Kalagayang magpasahanggang ngayon ay namamayani sa ating lipunan.
Tunay ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang
ang hindi natin matatanggi, na bulok ang sistema at maraming nagdudusa sa mga taong walang
malasakit sa kapwa. Masakit mang aminin ngunit ang mundong ating ginagalawan ay kahindik-
hindik ang sitwasyon. Marami sa ngayon ang kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa, ang
makaantig damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa
mundo. Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat ay hindi tayo magpatangay at
labanan ang mapang-aping sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na maging
pantay ang pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang kalagayan nila.
Ang nobela ay tumatalakay sa iba’t- ibang isyung panglipunan na hanggang
kasalukuyan ay nagaganap pa rin. Mahirap man o mayaman ay sangkot sa mga
pangyayar ing ito. Buhat nito maraming tao ang apektado sa kasalukuyang sitwasyon
ng ating lipunan. Isa sa mga tinatalakay nito ay ang hindi maayos na pamamalakad
ng batas sa ating bansa. Dahil sa kawalan ng hustisya ay maraming tao ang nawalan
na ng tiwala sa gobyerno. Lumala la ang krimina lidad at maraming tao ang
ipinagsasawalang bahala ang mga batas.
25
Ngunit pinakita rin nito na lahat ng tao ay may pagkakataong magbago. Masama man
tayo kung gugustuhin naman natin na magbago ay maaari. Ang tao ang pumipili ng kaniyang
tadhana. Kung gugustuhin natin ay maaari natin baguhin ang lipunang nakasanayan. Kahit kailan
ang kasamaan ay hindi nanaig.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, naging paksa ng mga
panitik ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng
kapaligiran.
Unang nailimbag ang nobelang Satanas Sa Lupa noong 1971. Naging kontrobersiyal ang
nobela dahil sa matapang nitong paglalarawan sa maruming pulitika noong panahong iyon. Nang
idiklara ang Batas Militar, isa ang may-akda na ikinulong sa Camp Crame kasama ni Benigno
“Ninoy” Aquino,Jr. Isa sa mga dahilan ng detensyon ay ang pagkakasulat niya ng nobela. Ang
nobelang ito ay naglalantad ng mga suliranin at kahinaan ng ilang piling indibidwal na nagsisilbi
sa bayan at patuloy na nakikisangkot sa puwersang panlipunan at puwersang pulitikal.
Celso Al. Carunungan
Si Celso Al. Carunungan ay isang manunulat, nobilista, at mamamahayag sa Ingles at
Filipino. Isinilang noong Enero 7, 1923 sa San Pablo City. Ang mga isinulat niya ay kilala lalong
lalo na ang nobelang Like A Big Brave Man na isinalin sa maraming wikang banyaga.
Satanas sa Lupa
(Nobela)
Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista sa ating
Batasang-Bayan. Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya sa tagumpay
bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel.
Tulad ng karamihan sa mga Kongresista, si Benigno ay mabuti at matuwid. Ginawa niya
ang mga dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa pananamit at
pamumuhay ng pamilya niya, makikita na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan.
Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa hindi niya kagustuhan. Minsan, nagkasakit ang isa
niyang anak at kailangang ipasok sa ospital. Nang magaling na ito, wala siyang perang
26
ipambayad sa ospital nakiusap siya at pumayag naman ang may-ari na si Dr. del Rey. Makikita
sa katauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa pagpupumilit ni Dr. del Rey,
nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya upang ipalakad ang
“loan application” nito sa PNB. Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya nagpasalamat ang
huli. Binigyan nito ang kongresista ng iasang sobre na kinalalagyan ng maraming pera.
Nagpumilit sa Benigno na isauli ito ngunit umalis ang doctor, kaya’t ipinagpalagay na lamang
niya itong bayad sa kanyang nagawang paglilingkod.
Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang mga tuksong dumating kay Benigno.
Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito ay isang “smuggler” at si Benigno ang tagapaglusot nito
sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang tagalakad para mailabas
ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para sa
paglilingkod”niya ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim.
Ang pagpapalipas ng oras sa mga “niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mga
kongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni Benigno sa may Roxas Boulevard, nakatagpo niya si
Kongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang
bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong gulang at
sariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito.Pagkatapos ng inaasahang
maganap, ikinuwento ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya kaya sinabi niya na ititira na
lang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad ang babae. Sa pag-uusap nila, biglang may
pumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na kasamahan siya ni
Kongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na mga “black
mailer” lamang ang mga ito.
Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at napalapit
na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating Kongresista ang siyang naging tagapag-ayos ng mga
“deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyantg mag-anak
patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang naging sugatb ng anak
nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si Benigno. Isinumpa niyang
magbabayad ang may kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na
nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang may-ari ng trak.
Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa sa mga tumulong sa
kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya. Naisip nitong mas
mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila.
Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kay Virgie na
magbakasyon sila sa Roma. Alam ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr. Lim ang
bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr. Lim kay Benigno ang isang maleta
upang ibigay sa kapatid nang Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya sa
pamahalaan medaling nakalusot ang maleta sa Custom.
27
Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso silang mabuti.
Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na sila patungong
Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr. Lim. Nagtampo si Benigno dahil hindi siya
nabigyan ng babae.
Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas.Pinadalhan siya ng isang
kawani ng embahador upang tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo ang embahador para sa
karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni Benigno sa embahador na gusto niyang
magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa.
Sa “audience” nina Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libong rosaryo
upang pabendisyunan. Binalak ni Benigno na na magkaroon siya ng larawan na kasama ang
Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya kasama. Dahil sa pag
nanais ni Benigno na magkaroon ng larawan, nakalimutan niyang pabendisyunan ang mga
rosaryo.
Namasyal sila sa iba’t ibang pook ng Roma. Inutusan ng kongresista ang kawani ng
embahada na isama nito ang asawa upang ipasyal si Virgie. Nang silang dalawa pa lamang ang
magkasama, nagpadala siya sa mga babaing nagbibili ng aliw. Kinabukasan,nakaramdam si
Benigno ng kakaiba.Nahihirapan siyang umihi. Nag-alala siya dahil maaaring magkaroon siya
ng sakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong nakaraang gabi.
Pumasok siya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ioto sakit sa babae.
Bumalik siya sa Pilipinas. Sinalubong sila ng maraming tao na puro naman binayaran.
Nagkaroon ng salu-salo sa Manila Hotel para sa kanilang pagdating.Ang Pangulo at ang Unang
Ginang ay dumalo rin.
Pagdating nila sa bahay, nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester. Kasama ang
anak ni Kongresista David na si Rosendo.Hindi nagtagal at bumalik ang dalawa.Humingi sila ng
tawad at bendisyon. Noong una’y ayaw ni Benigno na maging balae si Kongresista David.
Ipinatawag niya ang mag-ama upang pag-usapan ang kasal.Sinabi niya na kailangang malaki
ang kasalan pero tumanggi ang ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silang pera.
Umuwi na si Rosendo at ang ama niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggang sa
maitulak nito ang anak. Namilipit si Ester kaya dinala siya sa ospital. Napag-alaman nila na
nalaglag ang sanggol sa dinadala nito.
Gumaling si Ester at umuwi na ng bahay. Si Benigno naman ay abalang-abala dahil sa
imbestigasyon ng kongreso sa masamang gawain niya. Naisip niya ang ama ni Rosendo.
Ipinatawag at kinausap tungkol sa kasal ng kanilang anak. Nagkasundo sila.
Sa pagpapalipas-oras ni Benigno sa isang niteclub, napag-alaman niya ang mga
pagmamalabis ng anak ni Kongresista Caprio na si Ricky. Nagkaharap ang dalawa at nag-usap.
28
Nagkasagutan sila at pagkatapos, bigla na lamang nakarinig ng isang putok. Bumagsak si Ricky
at naligo sa sariling dugo.
Mula sa insidenteng ito, sunod-sunod na ang mga problemang dumating kay Benigno.
Ang anak nitong si Ismael ay naging isang “drug addict”,si Diana naman ay nakikitungo kay
Balbino Marcial at ang anak niyang seminarista na si Conrado ay nahumaling kay Diana. Pati
ang pangarap niyang maging Bise-Presidente ng bansa ay naging malabo.
Si Conrado, ang seminaristang anak ni Benigno, ay unti-unting nahumaling kay Diana.
Umabot ang kanilang relasyon sa pagdadala ni Diana sa kanyang sinapupunan ng anak nila ni
Conrado. Nasaktan si Benigno nang malaman ito.
Lahat ng mga problema ni Benigno ay gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang
kasukdulan. Hindi na niya kaya pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng
loob. Dinadala siya sa ospital ngunit talagang wala na . . . hindi na niya gustong mabuhay. Hindi
nagtagal at binawian na siya ng hininga.
Sa bulwagan ng Kongreso, pinarangalan si Benigno bilang isang magaling na
Kongresista ngunit hindi ito nagustuhan ni Virgie. Sinabi niya na hindi niya kayang tanggapin
ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng mga pangkukunwaring ginagawa
sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at sinabing iyan na lamang siya. Nailibing si
Benigno nang matiwasay ngunit ang mga gawaing pulitika ay patuloy pa ring gumugulo sa
pamilya niya.
Tulad ng sabi ni Carpio kay Virgie, “Hindi po blackmail, Misis. Ito po’y pulitika!”
Pinag-iisip ng may-akda ang mga mambabasa upang tuklasin ang katotohanan sa
nakakubling kanser ng lipunan. Hinubog niya ang kaasalan ng mga mambabasa upang kilalanin
ang kabutihan laban sa kasamaan at ang katiyakan laban sa kamalian. Inantig niya ang damdamin
ng mga mambabasa upang makisangkot sa tawag at hamon ng tukso mula sa kasamaan. Tuwiran
tinutuligsa ng may-akda ang mga pulitikong may maruming gawain at pansariling interes lamang
ang pinahahalagahan.
29
PANAHON SA KASALUKUYAN
Lamberto Antonio
Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista, at mananalaysay. Isinulat ang akda
noong dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa ngayon ang mga batang naghahanap-
buhay sa lansangan. Ang child labor ay isa pa ring pangunahing problemang panlipunan.
. Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy
(Tula)
Hindi na siya maaaring ibangon Ng mga pahinang naging pananggalang
Sa kahubdan at matinding gutom.
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon, At ipagsanggalang sa mga langaw, Sa huling pagkakataon.
Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso,
Wala na siyang panahon upang gagapin Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo.
Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal
Ng mga taong nahirati sa pagbasa Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal.
Sayang at di na niya masisilayan
(Sa kauna-unahang pagkakataon) Ang sariling retratong naligaw
Sa espasyong batbat ng anunsiyo— Newsboy na biktima ng isang kaskasero,
Gumulong ang ulo na parang sensilyo.
Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa lansangan ay tanda ng matinding kahirapan.
Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang magkaroon ng mga batang manggagawa, mga batang
30
manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang magtrabaho ng maaga dahil sa
kagutuman, dahil hikahos ang mga magulang, dahil hirap ang buong pamilya.
Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang paksa ay naglalayong pukawin ang
ligalig ng mambabasang may nalalabi pang konsensya at malasakit sa kapwa lalo sa ating
gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy” ni Lamberto Antonio
na nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng kahulugan ng isang salita dahil sa mga puwersang
nilikha ng mga nakapaligid na salita sa pahina, isang sandali kung kailan masasabing nagkaroon
ng tunay na pagpukaw sa damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang dinanas
ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan.
Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol
ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan.
Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa
isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya.
Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Isa ang Pilipinas sa
may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila
bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon.
Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa
kanilang karapatan bilang bata at bilang tao.
Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang ito, sa kanyang kamatayan, wala na
siyang pagkakataong unawain ang mga pangyayaring taglay ng mga kopya ng pahayagang
kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na niya masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang
sariling retratong naligaw sa espasyong batbat ng anunsyo---
Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang sensilyo”---salapi ang sensilyo,
at salapi ang sagisag ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa buhay at kamatayan ng
newsboy. Nauwi sa isang walang halagang bagay ang buhay ng isang indibidwal. Naging balita
ang isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng balita anunsyo sa mga mamamayan.
Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong ng panitikan.
Laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at marami pang buhay ang
31
masasakripisyo lalo na ang mga batang umaasa lamang sa biyaya na makukuha lamang nila sa
lansangan sa halip na tulong ng gobyerno.
DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ
Maraming manunulat ang naniniwala at kumikilala sa panulat bilang isang matalim na
bolo na makakasugat sa manhid nating lipunan at walang pakialam na pamahalaan. Isa na dito si
Rogelio L. Ordoñez na nakilala at kinikilala sa kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan
bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan. Ang kanyang
mga tula at dula ay ilan lamang sa mga akdang tunay na naghihimagsik at sumasalungat sa
tahimik na bibig ng ibang manunulat. Tunay na nagpapakita ng paghihimagsik laban sa pang-aapi
ng mga maimpluwesya at makapangyarihan sa pamahalaan, inilalarawan at iminumulat ang mga
maralita sa kaapihan ng ating lipunang ginagalawan.
Saan Papunta ang mga Putok (Buod ng Dula)
Nagbubukas ang eksena sa panahon ng Administrasyong Cory Aquino kung kailan
patuloy na umiigting ang kilusan ng mga mamamayan sa hanay ng mga aktibistang estudyante at
mga manggagawa. Upang magprotesta at ipaglaban ang mga karapatan at interes ng maraming
maralitang Pilipino.
Sa unang eksena ay lalabas si Ador, ang estudyante na nakikilahok sa mga kilusang
pambansa at ang kanyang kapatid na babae na si Aida. May pagkakaiba sa pananaw ng
dalawang magkapatid at ito ang lagging inaalala ng kanyang ina na si Aling Ester. Palaging
nakikisangkot sa protesta si Ador, si Aida naman ay nakatuon lamang sa aknyang pag-aaral.
Nais ni Aida na maiangat ang kanilang abang kalagayan sa pamamagitan ng edukasyon at
sarado siya sa anumang kasalukuyang isyu na kinakaharap ng ating lipunan.
Magbabago ang lahat dahil mapagbibintangan ng mga military si Adorn a
nagproprotesta at kasapi ng mga NPA Sparrow unit. Dinakip si Ador at pilit na pinaamin habang
tinotoryur ng tatlong sundalo kasama ang kanilang Tenyente. Sa pagwawakas ng kwento,
bubunutin ni Ador ang baril ng isang sundalong nambubugbog sa kanya at maririnig na lang ang
sunod-sunod na putok.
32
Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay sumasalamin ng katotohanan at nagpapakita ng
lipunan na napupuno ng sigalot, korupsiyon at kaguluhan. Maikukumpara sa madugong
pangyayari noong 1987 sa Mendiola. Maihahambing si Ador sa napakaraming aktibistang
estudyante na nabilanggo, pinahirapan at pinatay dahil lamang sa napagbintangan na kasapi ng
Sparrow Unit. Inilalarawan nito ang brutal na pag-aapi at paglabag sa karapatang pantao ng mga
manggagawa at sa mga hanay ng estudyante na nais lang mag-organisa at magpahayag ng
kanilang mga hinaing at maipahayag ang saloobin.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating kabataan
ang naniniwalaang hindi na “demokratiko” kundi isa nang “gobyernong Kapitalista” ang umiiral
sa ating bayan sapagkat damang-dama na ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong
pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay patuloy na nanalig na matatag ang
pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga
kakulangan. At ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o
“komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t-ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating
mga kabataan upang mas maipakita ang tuwirang paghihimagsik sa bulok na sistema sa ating
gobyerno. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New Peoples’ Army),
may mga naging “Burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang mga walang
pakialam sa takbo ng pamahalaan.
Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong giting sa
pagtatanggol ng karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin ang kamatayan basta
maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na karapatan.
Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan. Ito’y mapatutunayan hindi lamang
sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at mga pagpapahayag. Ang mga pahayagan ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang pamantasan ay punung-puno ng damdaming mapanghimagsik.
Ang mga dating aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan. At maliban sa
makinilya ay gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa mga plakard, sa pulang pinturan ang mga
kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka.
Ang dulang ito ay tuwirang naghihimagsik sa kabulukan ng sistema, kawalan ng hustisya,
sa patay-malisyang mamamayan at abusadong naglilingkod sa gobyerno na may pansariling
interes lamang. Naghihimagsik sa mga nanunungkulan na kung hahayaan ang ganitong sistema ay
mas marami pa ang mga kabataan na masasayang ang kinabukasan.
33
Sa Bayan Ni Juan
(Tula)
sa bayan ni juan
mortal na kasalanan
ang maging makabayan
baka pulutin ka sa kangkungan
o saanmang basurahan
lasug-lasog ang katawan
utak at mukha’y pinagpipistahan
ng mga langaw at langgam
baka di ka na rin makita kailanman
kapag isinilid sa dram
sementuhan at ipalamon
sa pusod ng karagatan.
sa bayan ni juan… pakatandaan
huwag kang magsasabi ng katotohanan
basta paniwalaang umuunlad ang
kabuhayan
kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw
sa bituka ng maraming mamamayan
dumarami man nagkakalkal ng basura
para magkalaman ang tiyan
milyun-milyon man damit ay basahan
bata-batalyon man palaboy sa lansangan
mga parke’t damuhan man ang himlayan
o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan
basta isiping mahalimuyak ang buhay
sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan
ugaliing itaas ang mga kamay
maghosana sa kaitaasan
maghaleluya sa mga diyus-diyosan
laging may glorya daw sa bayan ni juan.
sa bayan ni juan
huwag mong isasaysay sa sambayanan
hokus pokus at kahiwagaan
ng kung anu-anong pandarambong
sa pondo ng bayan
huwag palalabasin sa lalamunan
inhustisya’t kasuwapangan
ng iilang hari-harian sa lipunan
baka dila mo’y hiwain
mga ngipi’y lagariin
pati mata ay dukitin
iturnilyo mga labi’t pasabugin.
.
sa bayan ni juan
huwag na huwag makipagkaisa
sa mapagpalayang adhikain
ng manggagawa’t magsasaka
huwag makipagtaling-pusod sa masa
sa uring alipin at ibinartolina
ng balintunang sistema
huwag kang sasama
sa kanilang sagad-langit na protesta
laban sa uring mapagsamantala
babansagan kang subersibo’t terorista
banta sa seguridad ng republika.
sa bayan ni juan
malupit mga senturyon ng unano
kaya huwag matigas ang ulo
kapag dinampot ka’t pinalad na ikalaboso
at hindi naging desaparecido
bababuyin ka ng mga utak-kurtado
paaaminin kang rebelde laban sa estado
ingungudngod ang mukha mo
sa mataeng inodoro
hubo’t hubad kang pahihigain
sa bloke ng yelo
pipilitin kang uminom nang uminom
ng tubig na naninilaw sa mikrobyo
hanggang pumintog nang pumintog
ang tiyan mo
saka biglang tatadyakan ng demonyo
di ka titigilan kapag di umaamin
sa nilubid na mga kasalanan
bayag mo’y kukuryentihin
isasaksak sa titi mo
bagong sinding palito ng posporo
o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara
lupaypay na ulo nito
o diyos ni abraham
malilibog ang senturyon ng unano
34
kung babae kang isinalampak sa kalaboso
lalaruin ang suso’t kiki mo
saka kakabayuhin ka nang husto
matapos laspagin ang puri mo
at hingal-aso ang berdugo
iiwan pang nakapasak sa ari mo
anumang boteng nakatuwaan nito.
talagang ganyan sa bayan ni juan
dinuduhagi’t sinisikil ang mga makabayan
ipinagkakait ang demokratikong proseso
mapapalad lamang ang basalyos ng unano
at kauri nilang salabusab at tuso
mga payaso’t sirkero
mga batikang salamangkero
nilalaklak nila ang dugo ng bayan
nilalamon ang laman ng mamamayan
sa paulit-ulit na pagtatanghal
sa karnabal ng kasinungalingan
isasakay sa ruweda ng panlilinlang
hinihilong masang sambayanan
iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran
at doble-karang katarungan
talagang ganyan sa bayan ni juan
ang taksil sa pambansang kapakanan
at interes ng kumain-diling mamamayan
silang mga tulisan sa kalunsuran
silang nagpipista sa mesa ng kawalang-
hiyaan
may lakas ng loob pang mangalandakan
na sila’y lantay na makabayan.
sa bayan ni juan… talagang ganyan
mortal na kasalanan ng masang
sambayanan
ang maging makabayan
at maghayag ng sagradong katotohanan
pero di habang panahong laging ganyan
sa bayan ni juan
naglalagablab na ang liwanag sa silangan
bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi
ang mga alipin
upang sa wakas mga sarili’y palayain!
Inilalarawan at pinaghihimagsikan na tulang ito ang patuloy na kaapihan at matinding
pag-aabuso sa karapatang pantao at dignidad. Sa kalahatan, maraming mamamayan ang
nakikilahok upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang
pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming
makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahilingan ay naging
matalim at mabalasik ang ilan nating kababayan. At dahil dito, marami sa kanila ang nangapiit sa
mga kampong militar ng bansa upang pahirapan at patayin ng walang kalaban-laban.
Layunin ng akdang ito na mailantad ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami
sa pagpapakasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng gobyerno, kawalan ng katarungan ng
mga inaping mamamayan. Sa mas malinaw na salita, isinasatinig ng akdang ito ang daing ng mga
palaboy sa lansangan at kumakalam ang tiyan habang nagpapakasasa sa buwis ng bayan ang iilan.
Ang hagulhol ng mga biktima ng kawalan ng hustisya at ipinaglalaban lamang ang kanilang mga
kakaunting karapatan. Malinaw na ang akdang ito ang tagapagtaguyod ng mga karapatan at
kapakanan ng uring anakpawis at nagbibigay na pag-asa na may darating na pagbabago sa
paglantad ng katotohanan.
35
Ave, Ave, Pater Patrum
(Tula)
giovanni battista montini
servus servorum dei
nang iluwa ka ng alitalia
mga magnanakaw naghaleluya
viva! viva! viva il papa!
hosanna in excelsis
benedictus qui venit
in nomine domini
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa!
patawarin ang anak mong nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
nang sa kanto’y magdaan ang santo papa
ako po’y nasa kubeta
nagbebendita’t nagdaraos ng sariling misa
ave, ave, pater patrum
inodoro’y nagkumunyon
nangumpisal pa sa poon.
ave, ave, birheng maria
ipinalangin ang anak mong nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
ni hindi ko man lamang nakita
ang tiara ng santo papa
nang magpunta siya sa luneta at magmisa
ako po’y umiinom ng hinebra
sa restawran ni san da wong sa ermita
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa!
ako po’y huwag bulagin
ng mga kalmen at estampita
habang ang kandila’y bangkay
na naaagnas sa bawat kandelabra
kahit ako po’y di lumuhod sa santo papa
nakita ko naman
ang kanyang anghel de la guardia
sa bote ng la tondena
michaelem archangelum
nakaamba kumikislap na espada
sa plato ng espagheting piccolinong
may bendita ng ketsap papa.
ave, ave, pater patrum!
ako po’y nagugutom
sitsiritsit alibangbang
salaginto’t salagubang
bawat oras, bawat araw
kampana’y kumakalembang
sit laus plena, sit sonora
sit jucunda, sit decora
mag-antanda at magdasal
ave, ave, ave maria!
ang pari’y nagbibilang
ng pilak sa sakristiya
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa!
ipinalangin kaluluwa ng anak mong
nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
krusipiho at rosaryo’y ipinanguya ko
sa basura.
santo papa, santo papa!
puto seko’t puto maya
inuuod ang kumbento’t mga mongha
bawat santo’y nakanganga
sa isusubong ostia
ave, ave, pater patrum
kalyehon ko’y inaagiw
barungbarong at estero’y nakatanghod
sa kopita’t kandelabra
araro ko’y nakapangaw sa tumana
armalite ay umaawit sa candaba
ave, ave, ave maria!
quod in carnem transit panis
et vinum in sanguinem
quod non capis
quod non vides
36
animosa firmat fides
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa!
kagabi, santo papa
ang utak ko’y talahib na naglagablab
at nagsayaw ang mga alitaptap!
Isang tula na naisulat noong dumalaw sa bansa taong 1970, si Papa Pablo VI o Giovanni
Battista Montini. Tuwiran itong tumutuligsa sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa banal ng
kataas-taasang sugo ng simbahan. Ang akda na sinangkapan ng salitang Latin na kadalasang
ginagamit sa pagmimisa at pagpapakalat ng salita ng Diyos. Inilalarawan ng akdang ito ang
immoral na gawi ng simbahan, pagpapayaman at pananamantala nito sa naghihirap na
mamamayan. Mababasa sa tula ang paghihimagsik sa kinamulatang kultura ng mga Pilipino na
pagsamba sa mga taong simbahan kahit lantaran ang mga pagkaimoral at nadadawit na sa isyung
korupsiyon.
Bakit Ganyan?
(Tula)
minsan lang akong daraan
sa mundong estupido
pero karapatan ko
ayaw irespeto
sinisikil, kinakatay, pinapatay
bakit ganyan?
di naman ako kriminal
di naman ako magnanakaw
di naman ako nandarambong
ng pondo ng bayan
lupa nang may lupa’y di kinamkam
at lalong di nanggahasa ng sinuman
ako pa nga ang laging ginagahasa
ng lipunang di makatarungan
bakit ganyan? bakit ganyan?
sobra-sobra ang ipinagbabawal
sabi ng mga banal sa simbahan
bawal magmura kahit galit na
bawal magsalita nang malaswa
bakit nagkaroon pa
ng gayong mga salita?
para saan at paano iyon
mailalabas sa bunganga?
lintik na ‘yan! ano ba ‘yan!
bawal malibugan sa iba
maliban sa asawa
sila namang mga santo’t santa
puwedeng-puwedeng magnasa
magpasasa’t magpakasawa
oras-oras, maya’t maya
sa macho’t tigasing binatilyo
o sa seksi’t dalagitang mabango.
anak ng galunggong at kabayo
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan!
karapatan lang nila
ang sagrado’t mahalaga!
bakit ganyan? bakit ganyan?
ako lang ang laging makasalanan
ako ang impakto
ako ang demonyo
impiyerno ang bagsak ko
por dios por santo
anong klaseng mundo ito?
bawal magsabi nang totoo
laban sa mga dorobo sa gobyerno
puputulin ang dila mo
bawal mithiin ang pagbabago
sa layuning lipuna’y di magago
37
at di dumami ang agrabiyado
pero birheng inang mahabagin
bubulukin ka pa sa kalaboso!
bakit ganyan? bakit ganyan?
dahil ba silang nagbabawal
ang iilang hari-harian
ang pinagpalang diyus-diyosan
at kaming maralita’y tungaw
layak lamang ng lipunan?
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan!
bakit ganyan? bakit ganyan?
pati katiting kong kaligayahan
lagi’t laging pinakikialaman
pobre lamang ako
di kaya ang maluhong bisyo
di mayamang tulad ninyo
puwedeng bumabad sa casino
magpakaligaya kaya sa paraiso
sa puklong matambok
sa susong maumbok
ng kinakalantaring kalaguyo
ligaya ko’y simple lamang
ang manigarilyo lamang
para mapayapa ang damdamin
at ligalig na isipan
sa hilahil na pasan-pasan
makasulat din ng kung anu-ano
kapag nababaliw ako
pero por dios por santo
bawal manigarilyo diyan
bawal manigarilyo kahit saan
bawal sa gusaling iyan
bawal sa pampublikong sasakyan
bawal makaamoy ng usok
malulusog, mararangal na nilalang.
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan!
karapatan daw nila iyon
pero paano naman ang karapatan ko
ang mga kagaya kong naninigarilyo?
bakit ganyan? bakit ganyan?
bakit nagkaroon pa
ng pabrika ng sigarilyo
bakit di pa sunugin ang mga ito
tupukin pati ang lumikha nito?
para di parang ketongin
ang mga gaya kong naninigarilyo
itinataboy kung saan-saan
pinagbabawalan sa maraming lugar
parang mundo lang nila ito
parang di sila mamamatay
kahit di manigarilyo
kahit di makaamoy ng usok nito
parang kami lang naninigarilyo
ang maglalaho agad sa mundo.
pero itatanong din ninyo:
bakit ganyan? bakit ganyan?
tinodas agad ng diabetes
ng alta presyon o atake de corazon
ng kanser sa atay o lalamunan
ng kanser sa baga’t bituka
sa bayag o suso o obaryo
siyang kailanma’y di nanigarilyo
o nakasinghot ng usok nito
siyang di nanigarilyo ni minsan
ay binaril naman, tinambangan
o biglang nasagasaan sa daan
nagkalasug-lasog ang katawan
nauna pang namatay
sa impaktong gaya ko
apatnapung taon nang naninigarilyo.
bakit ganyan? bakit ganyan?
siyang sigarilyo ang pamatid-gutom
ang iniiwasan ng lipunan
pati ni kamatayan
siyang sigarilyo’y iniwasan
pero nagpakabundat sa katakawan
at nagsamantalang lubusan
para yumaman nang yumaman
pundilyo nila’y hinahalikan
masaklap nga lamang
maaga silang kinakain ng libingan
at isinusuka ng kasaysayan.
bakit ganyan? bakit ganyan?
lintik na ‘yan! ano ba ‘yan?
hayop na ‘yan!
ang mundo ba’y estupido
o ako ang naloloko?
basta irespeto na lamang ninyo
38
ang karapatan ko
huwag lamang ang inyo
anak kayo ng galunggong
at kabayo!
Sa akdang ito naisasatinig ang tuwirang paghihimagsik na tanda ng pagpapahayag ng tao
sa kaniyang kaganapan bilang indibibwal na may karapatang dapat pangalagaan, kalayaang dapat
tahakin at saloobing dapat ipabatid sa iba at ang paglaban sa kung sinumang aayaw at yuyurak sa
kanyang karapatan. Isa rin paghihimagsik sa mapaniil na pangil ng Simbahang Katoliko na siyang
nagpapakilala at nagpapalaganap ng moralidad ngunit sila rin unang-una gumagawa ng mga
immoral na gawain. Maituturing na mapaghimagsik ang akdang ito sapagkat tumutuligsa ito sa
maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian at pag-aabuso sa karapatan ng bawat tao.
Mula noon at magpahanggang ngayon, maraming manunulat ang nag sisiwalat ng
kabulukan ng sistema sa pamahalan at lipunan na ating ginagalawan. Ang mga manunulat ay
nagkaroon ng kamulatang panlipunan, at nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka na may
diwang naghihimagsik. Tunay ngang ang mga panitikan na naghihimagsik ay hindi naglalaho at
habambuhay na umiigting.
39
Talaan ng Sanggunian
Aklat
Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para sa mataas na
paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House.Inc.2010 .
Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City: FNB Educational,
Inc.2009.
Fortunato, Teresita F.et al.Batingaw II Aklat sa Filipino-Wika at Panitikan-Antas
Sekundarya.Rex Bookstore.1996.
Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.2012.
Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon City:
Ateneo De Manila University Press.1997.
Rodillo, Gregorio M. et al.Batingaw I Aklat sa Filipino-Wika ta Panitikan-Antas
Sekundarya.Rex Bookstore.1996.
Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan. Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc.2010.
Websayt
“Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema:
Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang-
dula-mula-tradisyon.html
“Dimensiyon: Pagbabalik sa Kultura’t Tradisyong Third World”.
https://sites.google.com/site/fil3rdworld/entablado3
40
Mga Manunulat sa Pilipinas.http://tl.wikipedia.org/wiki/Juan_Abad
Talambuhay ni Liwayway Arceo.
http://tl.arceoliwayway.wikia.com/wiki/Talambuhay_ni_Liwayway_Arceo
Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/author/plumaatpapel/
Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/2010/02/12/sa-bayan-ni-juan/