Mpmu Edited

Post on 05-Jul-2015

859 views 0 download

Transcript of Mpmu Edited

Batayang Prinsipyo sa Unyonismo

PSU TOPIC 3

Inihanda ng COURAGE

Pag-Oorganisa at Pag-Uunyon sa Publikong SektorLayunin

Maipaunawa ang konsepto, mga prinsipyo at tungkulin ng militante, progresibo at makabayang unyonismo (MPMU)

Maipakita ang pagkakaiba nito sa dilawan, oportunista at palasukong unyon

Maipaunawa ang proseso ng pagbubuo ng MPMU at ang mga sangkap na kailangan para sa pagpapatatag ng MPMU

Matransporma ang kalakhan, kundi man lahat ng mga unyon, sa direksyon ng MPMU matapos maarmasan ng mga kaalaman mula sa paksang ito

Depinisyon Militante – aktibo; mapagbantay, interes ng kawani ang

nasa unahan; uncompromising Progresibo – siyentipiko ang pagsusuri at pananaw; Makabayan – tangan ang interes ng sambayanan;

lumalahok sa pambansa usapin at mga pagkilos

Unyonismo Aktibong pakikibaka ng mga kawani at

manggagawa para sa pang-ekonomiyang kagalingan at mga likas at demokratikong karapatan ng sektor at ang aktibong pakikiisa sa pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na panlipunang pagbabago

Unyon Isang demokratikong organisasyon ng mga

manggagawa at kawani Naglalayong ipagtanggol at isulong ang kanilang

pang-ekonomiyang interes at mga karapatang likas at demokratiko

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos Sa balangkas ng MPMU ay naglalayong

magtanggol at magsulong ng kapakanan ng mamamayan bilang tungkulin na panglingkuran ang sambayanan

Pag-oorganisa at Pag-uunyon sa Publikong Sektor

1. Konsepto at mga Prinsipyo ng Militante, Progesibo at Makabayang Unyonismo

2. Mga Tungkulin ng MPMU

3. Pagbubuo ng MPMU at mga Sangkap ng Pagpapatatag Nito

Konsepto ng MPMU Magkaugnay ang usapin ng mga

kawaning publiko Demokratikong organisasyon ang

MPMU Sama-samang pagkilos ang susi

sa tagumpay Sa pagsasapraktika ng

organisasyon nasasalamin ang MPMU

Mga Prinsipyo at TungkulinMga Prinsipyo

1. Nasa pagkakaisa ang lakas. Umasa sa sariling lakas

2. Demokratikong prinsipyo ang pinaiiral sa unyon

3. Naninindigan ang unyon sa interes at kagalingan ng mga kawani at mamamayan

4. Mapanglikha ang unyon sa pagtuklas ng mga pamamaraan sa pagsulong ng kapakanan ng mga kawani at mamamayan

5. Naninindigan ang unyon sa katotohanan sa pamamagitan ng siyentipikong pagsusuri at pag-aaral

Mga Prinsipyo at Tungkulin ng MPMU

Tungkulin1. Pukawin, organisahin at pakilusin ang mga kawani sa

pamahalaan2. Pakikibaka para sa pang-ekonomiyang kagalingan at

demokratikong karapatan ng kawani3. Labanan at ilantad ang mga dikta ng dayuhang

monopolyong kapital4. Pakikipagkaisa at paglahok sa pakikibaka ng

mamamayan5. Labanan at ilantad ang malawakan at sistematikong

katiwalian at kabulukan sa pamahalaan

Pagbubuo/Pagtratransporma ng MPMU at mg Sangkap sa Pagpapatatag Nito

Mga Hakbang sa Pag-bubuo ng MPMU1. Pagsisiyasat at pagsusuri

2. Pormasyon ng komiteng ad hoc

3. Pag-aaral at pagkilos

4. Pormal na pagtatayo ng unyon

5. Pagpapatala ng unyon

Mga Sangkap sa Pagpapatatag ng MPMU Tuloy-tuloy, sistematiko at malawakang

edukasyon Aktibong paglahok ng buong kasapian sa mga

aktibidad ng unyon Matatag, subok, maasahan at

mapagkakatiwalaang pamunuan na mahigpit na naka-ugnay sa masa ng kasapian

Pagkilos at pakikibakang masa Pagpapalawak at pagpapatatag

NASA PAGKAKAISA ANG LAKAS

NASA SAMA-SAMANG PAGKILOS ANG TAGUMPAY!

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYAN!