Lesson 24 Kinasaihan ba ng Diyos ang Astrolohika at Psychics?

Post on 22-Jul-2015

28 views 7 download

Transcript of Lesson 24 Kinasaihan ba ng Diyos ang Astrolohika at Psychics?

Kinasihan ba ng DIOS ang mga ASTROLOHIKA at ang

mga “PSYCHICS”?

Lesson 24

1. Itinuturo ba ng Biblia na magkaroon ng mga tunay na propeta sa mga huling araw ng lupa?

“Sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong anak na lalaki at babae ay mangaghuhula.”

Gawa 2:17

2. Si Jesus sa kaniyang pagpapailanlang ay naglagay ng kaloob ng “mga propeta” sa kaniyang iglesia kasama ang iba pang mga kaloob: mga apostol, mga evangelista, mga pastor at mga guro (Efeso 4:7-11). Bakit inilagay ng Dios ang mgakaloob na ito sa iglesia?

• “Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawain paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.” Efeso 4:12

3. Limitado ba sa tao ang kaloob ng panghuhula noong kapanahunan ng Biblia?

4. Gaano katagal ang pananatili ng mga kaloob na ito sa Kaniyang iglesia?

“Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa, ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggan sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo.” Efeso 4:13

5. Ano ang mga pinagmumulan ng impormasyon ng mga tunay na propeta?

“Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.”

2 Pedro 1:21

6. Ang Dios ay nakikipag-usap sa mga propeta sa tatlong magkakaibang paraan. Ano ang mga paraan na ito?

“Kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.” “Sa kaniya’y makikipag-usap ng bibig, sa bibig.”

Bilang 12:6,8

7. Ano ang mga likas na katunayan ng isang tunay na propeta sa pangitain?

8. Ang paggaw ng dakilang tanda o himala ay nagpapatunay na ang propeta ay sa Dios?

“Sila’y espiritu ng mga demonio na nagsisigawa ng mga tanda.”

Apocalipsis 16:14

9. Sa anong peligrong panganib ang ipinapaalaala sa atin ni Jesus?

“Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, ano pa’t ililigaw, kung maari, pati ng mga hirang.” Mateo 24:24

10. Paano ko malalaman kung ang isang propeta ay tunay o huwad?

“Sa kautusan at sa patotoo! Kung di sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”

Isaias 8:20

11. Tuwiran bang pinangalanan at hinatulan sa Biblia ang mga payak na uri ng bulaang propeta?

12. Ang pangunahing gawain ba ng tunay ng propeta ay upang paglingkuran ang iglesia o ang paglinkuran ang mga hindi sumasampalataya.

“Ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya; kundi sa mga nagsisisampalataya.”

1 Corinto 14:22

13. Ang iglesia ba ng Dios sa huling panahon ay nagtataglay ng kaloob ng panghuhula?

14. Kung ikaw ay makianib sa iglesia ng Dios sa huling kapanahunan, na nagtataglay ng lahat ng mga kaloob, paano ito makakaapekto sa iyo?

“Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, mapapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabi-kabila ng lahat na hangin ng aral sa pamamgitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian.”

Efeso 4:14

15. Si Apostol Pablo, sa 1 Corinto 12:1-18, ay kaniyang inihalintulad ang ibinigay ni Jesus na kaloob sa iglesia sa mga bahagi ng katawan. Anong bahagi ng katawan ang higit na nagpapakilala sa kaloob ng panghuhula?

“(Nang una sa Israel, pagka ang isang lalaki ay mag-uusisa sa Dios, ay ganito ang sinasabi, Halika at tayo’y pumaroon sa tagakita: sapagka’t yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatag nang una na Tagakita).”

1 Samuel 9:9

16. Yamang ang panghuhula ay ang mata ng iglesia, ang iglesia na hindi nagtataglay ng kaloob ng panghuhula ay nasa anong kondisyon?

17. Dapat bang taglayin ng nalabing iglesia ang mga kaloob na ibinigay ni Cristo?

18. Pinagbigyang diinan sa Apocalipsis 12:27 na ang nalabing iglesia ng Dios sa huling kapanahunan ay “may patotoo ni Jesus.” Sinasabi rin sa Apocalipsis 19:10 na “Ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.” Maaari ba tayong makasiguro sa ibig sabihin nito na ang iglesia ay magtataglay ng propeta?

19. Ano ang ibang mahahalagang kahulugan ng mga salitang “ang patotoo ni Jesus”?

20. Ano ang mga katangiang inilahad ng Biblia para sa isang tunay na propeta?

21. Nagsugo ba ang Dios ng isang propeta sa Kaniyang nalabing iglesia sa huling kapanahunan?

22. Nagkaroon ba ng mga pangitain si Ellen White?

23. Ang mga salita ba ni Ellen White ay nalalayon para maging bahagi ng Biblia, o bilang karagdagan sa Biblia?

24. Si Ellen White ba ay nagsalita ng mga pakikiisa sa Banal na Kasulatan?

25. Paano ko matatanggap si Ellen Whjite bilang tunay na propeta, gayong hindi ko pa nalalaman kung ano ang kaniyang isinulat?

26. Ano ang tatlong puntong utos na ibinigay ni Pablo sa atin ukol sa mga propeta?

27. Paano ang pagturing ni Jesus sa di pagtanggap sa mga salit at payo ng isang tunay ng propeta?

28. Ang mga tunay bang propeta ng huling panahon ay lumilikha ng mga bagong doktrina o ang mga doktrina ay tumpak na nagmumula sa Biblia?

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.