Himno Ng Paggawa Powerpoint

Post on 28-Oct-2015

703 views 18 download

description

Poem with Symbolism and Explanation(s)

Transcript of Himno Ng Paggawa Powerpoint

+

Himno ng Paggawa

Presented by: Ivy AgustinJosette PaganaMarymea Pequero

+Himno ng Paggawa

Salin sa tulang, “Himno Al Trabajo”

Isinulat ni Rizal sa kahilingan ng mga kaibigang taga-Lipa, Batangas upang awitin sa pagdiriwang ng pagiging Lungsod ng Lipa.

Inihandog niya ito sa masisipag na tao ng Lipa

Pinuri niyang maigi ang paggawa’t kasipagan ng tao at hinimok niya ang mga kabataan na humanlintulad sa mga ito.

+Himno ng Paggawa

KORO

Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,

Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,

Itong Pilipino ay maasahang

Marunong mabuhay o kaya’y mamatay.

+Pagbibigay Kahulugan

KORO“Itak”

Nag-aalab na damdamin ng mga Pilipino na ang bayan ang kanilang dahilan upang ipaglaban ang kapayapaan. Handa silang ibuwis ang buhay para sa bayan.

+(Mga Lalaki)

Nakukulayan na ang dakong Silangan,

Tayo na sa bukid, paggawa’y simulan,

Pagka’t ang paggawa’y siyang sumusuhay

Sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan.

Lupa’y maaring magmamatigas naman,

At magwalang-awa ang sikat ng araw

Kung dahil sa anak, asawa at Bayan,

Ang lahat sa ating pagsinta’y gagaan.

+Pagbibigay Kahulugan

Para sa mga Lalaki“Bukang Liwayway”

Ang pasikat ng araw sa Silangan ay tanda ng bagong umaga at pag-asa para sa kanilang pamilya. Ang lupang aararuhin ay tila nagnanais ng patak ng ulan na sumisimbolo sa bayang Pilipinas na humihingi ng saklolo mula sa mga anak nito; ang mga Pilipino.

+Pagbibigay Kahulugan

Para sa mga Lalaki“Direksyon”

Ang mga Ama ay itinuturing na gabay ng pamilya kung kaya’t kahit gaano kahirap ang trabaho ay hindi nila ito sinusukuan sapagkat ito ay para sa kanilang pamilya at sa inang bayan. Sinisimbolo nila ang direksyon o patnubay upang umangat ang ating bayan.

+KORO

(Mga babaing may Asawa)

Magmasigla kayong yao sa gawain,

Pagka’t ang baba’y nasa-bahay natin,

At itinuturo sa batang mahalin

Ang Bayan, ang dunong at gawang magaling

Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga,

Kayo’y inaantay ng tuwa’t ligaya

At kung magkataong saama ang manguna,

Ang magpapatuloy ang gawa’y ang sinta.

+Pagbibigay Kahulugan

Babaeng may Asawa“Lampara/ Ilaw”

Ang Ina naman ay ang ilaw ng tahanan na matiisin at masigla tuwing sinasalubong ang asawang pagod sa maghapong trabaho. Sila ang humuhubog sa mga anak na tinuruan nila ng magandang asal upang maging yaman ng bayan. At siyang hahalili sa ama kapag ito’y unang namaalam.

+KORO(Mga Dalaga)

Mabuhay! Mabuhay! Paggawa’y purihin

Na siyang sa Baya’y nagbibigay-ningning!

At dahil sa kanya’y taas ng paningin,

Yamang siya’y dugo at buhay na angkin.

At kung may binatang nais na lumigaw,

Ang paggawa’y siyang ipaninindigan;

Sapagka’t ang taong may sipag na taglay,

Sa iaanak nya’y magbibigay-buhay.

 

+Pagbibigay Kahulugan

Mga Dalaga“Kayamanan”

Ang mga bata’y kalauna’y magiging dalaga at binata. At nais ni Rizal na patuloy nilang ipagbunyi ang pag-unlad na nakakamit mula sa paggawa sapagkat ang kanilang paggawa ay isang kayamanan na buhat sa kanilang dugo’t pawis.

+Pagbibigay Kahulugan

Mga Dalaga“Perlas”

Ang matamis na “oo” ng mga dalaga ay dapat pinaghihirapan katulad ng paghahanap ng isang perlas sa ilalim ng karagatan. Sapagkat, dapat ang lalaki ay masipag at matyaga dahil ang pamumuhay ng masagana ay dapat pinaghihirapan. At ang katangiang ito ay mamanahin ng anak.

+KORO(Mga Bata)

Kami ay turuan ninyo ng gawain;

At ang bukas ninyo’y aming tutuntunin

Bukas, kung tumawag ang bayan sa amin,

Ang inyong ginawa’y aming tatapusin.

Kasabihan niyong mga matatanda:“Kung ano ang ama’y gayon din ang bata,”

Sapagka’t sa patay ang papuri’y wala.

Maliban sa isang anak na dakila.

+Pagbibigay Kahulugan

Mga Bata“Binhi”

Ang bata ay parang mga binhi na maliliit pa lamang at kapag lumaki’y kahawig ng mga magulang. Sa kanila ibinubuhos ang pag-aaruga, at pagtuturo ng tamang gawa upang kapag kailanganin ng baya’y handang nila itong tugunan at sila ang kumakatawan sa pag-asa ng bayan.

+Pagbibigay Kahulugan

Mga Bata“Bunga” Laging sinasabi ng

matatanda, “na kung ano ang ama, ay ganun din ang bunga” kung kaya’t ang ugali ng magulang ay namaman ng anak. Dahil kung pararangalan ang mga magulang kapag sila’y pumanaw mawawalan ito ng silbi kung ang anak ay hindi namana ang magandang asal ng magulang.