Post on 20-Aug-2018
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 1
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 2
© Ironico Bañes
““AAnngg EE--BBOOOOKK nnaa iittoo aayy 110000%% FFRREEEE!! KKaayyaa ii--sshhaarree mmoo ssaa
llaahhaatt nngg MMaarriinnoonngg TTaammaadd mmaaggbbaassaa..””
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 3
ANG SEAMANUNULAT
Si Clint Mark “Ironico” Bañes ay
isang Lisensyadong Chief Mate at
aktibong Marino sa Container at Bulk
na mga Barko. Sa kasalukuyan ay
nag-aaral ng kanyang ‘Master’s
Degree in Maritime Management’ sa
pamamagitan ng Distance Learning
Education. Siya ay isa ring “Certified
Maritime Instructor and Assessor”.
Siya ang makata sa likod ng
mga ‘viral poems’ tungkol sa seafaring kagaya ng “I’m sorry, I’m just
a Seafarer”, “Because your Father is a Seafarer” at marami pang iba.
Ang E-Book ito ay kanyang isinulat para sa kanyang mga
kapwa Marino na hindi pa nadidiskubre ang kahalagahan ng
pagbabasa. Tinitiyak niyang makakatulong ito na magmulat sa
kanila tungkol sa importansiya ng “pagiging uhaw sa karunungan”
na isa sa mga mahahalagang susi sa pintuan ng tagumpay.
P.S.
Sa mga gustong mag-avail pa iba pang Free E-books ay
magsubscribe lamang sa link na ito >> FREE E-BOOK!
Maraming Salamat! Enjoy Reading!
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 4
NILALAMAN
ANG SEAMANUNULAT .............................................................. 3
PANIMULA ................................................................................ 4
CHAPTER 1: Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman? ........... 4
CHAPTER 2: Bakit Kailangan Mong Magbasa ? ....................... 4
CHAPTER 3: Ano ba ang Dapat Basahin Mong Basahin? .......... 4
EPILOGO ................................................................................... 4
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 5
Parekoy,
Diretsahan na agad…
Alam kong tamad kang magbasa,
Kaya nga ’di ko lubos maisip kung papaano ka
napadpad sa pahinang ito…
Marahil ay nacurious ka lamang sa pamagat…
O Baka kaya ay tinamaan ka sa tanong na “Bakit
Tamad kang Magbasa?”
O ‘di kaya’y shinare lang sa’yo ng iyong kasintahan…
At dahil mahal mo siya, hindi mo natanggihan…
PANIMULA
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 6
Baka napagtripan ka lang ng isa mong kaibigan at
sinabing maeenjoy mong basahin to, pero ang totoo
eh, niloloko ka lang niya… (O baka nagsasabi din siya
ng totoo…Malay natin…)
Gayunpaman, kahit gaano man kawalang kwenta ang
dahilan mo at binabasa mo ito ngayon, isa lang ang
maipapangako ko:
“Hinding-hindi masasayang ang oras mo.”
Sinadya kong iklian ang laman ng librong ito upang
maging ‘swak na swak’ sa haba na pasensya mo sa
pagbabasa… Maaari mo itong tapusin sa loob ng
sampung minuto.
Subalit sa oras na matapos mo ito, marirealize
mong mayroon kang napulot na isang bagong leksiyon
na magagamit mo ‘di lamang sa’yong paglalakbay sa
gitna ng dagat, pati na rin sa paglalayag mo sa
karagatan ng buhay…
“Para sa matagumpay na paglalakbay! Cheers!”
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 7
Alam mo kung bakit tamad kang magbasa?
Unang rason:
Kasi naaalala mo ang ‘masalimuot’ na nakaraan…
Nung mga panahong ika’y nag-aaral pa sa Elementary at High
School; na kailangan mong magbasa ng aklat kabisaduhin
ang iyong mga leksyon upang ipasa ang iyong mga exams.
Naiinis ka diba? Dahil kahit sumasakit na ang ulo mo sa
pagkakabisa ay hindi pa rin pumapasok sa kukote mo ang
iyong binabasa…
Kaya nung nagcollege ka at pinili mong maging seaman,
laking tuwa mo nang malaman mo na hindi ganoon kakapal
ang inyong mga aklat. Tama ba?
CHAPTER 1: Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 8
Di tulad ng Nursing, Engineering, o Education na
nagkakanda-ngalay na ang kanilang mga kamay sa sobrang
dami at bigat ng kanilang bitbit na mga librong babasahin.
Minsan ba ay ‘di mu ba natanong kung bakit marami sa mga
kabaro natin ang mas pinili na lamang na hindi na kumuha
ng exam upang maging opisyal? At manatili na lamang na
maging ‘ratings’ hanggang sa kanilang pagretiro?
Hindi pinansiyal na dahilan ang palaging rason, kundi ang
ideya na tinatamad na silang magbasa at magkabisa…
Sa isip-isip nila, “Total, kumikita na rin lang ako ng sapat para
sa aking pamilya, okay na kahit di na ako mag-exam at
maging opisyal…”
Pangalawang rason:
Kasi ang mga seaman ay kilala sa pagiging ‘cool’!… At sabi
nila, ang mga cool daw ay di na kailangang magbasa… kasi
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 9
nakakabawas ng pogi points sa mga chicks… Kumbaga
“nakakabaduy” sa mga marino ang pagkamahiligin sa
pagbabasa ng libro…
Nabuo kasi ang konseptong ito noong nag-aaral ka pa at ang
mga mahilig magbasa ay binabansagang “geek o nerdo”…
Pangatlong rason:
Tamad kang magbasa kasi hindi mo pa alam ang mga
benepisyong maari mong makuha sa pagbabasa…
Kung may trabaho sanang magbibigay ng sahod na 100K
pesos kada buwan at ang gagawin mo lamang ay magbasa ng
apat na libro kada buwan; sigurado akong mabilis pa sa
kidlat ang pagpasa mo ng resume’ para mag-apply…
Paano kung sabihin ko sa’yo na mayroong pagsasaliksik o
research na magpapatunay na may malaking ambag ang
pagbabasa ng libro sa pagiging successful ng isang tao?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 10
Susubukan mo rin bang baguhin ang pananaw mo sa
pagbabasa?
Paano kung sabihin ko sa’yo na ang paglalaan araw-araw ng
kaunting oras upang magbasa at matuto ng bagong
kaalaman ang siyang pinakamahalagang susi para sa iyong
mas maagang pagreretiro bilang marino?
Gaganahan ka na kayang magsimula magbasa ng aklat bukas
mismo?
Kilala mo ba si Bill Gates? Siya yung Founder ng Microsoft
and ang kasalukuyang pinakamayamang tao sa Mundo…
Hindi mo ba alam na bawat taon ay 50 aklat ang binabasa
niya? Ibig sabihin, kasa lingo ay natatapos niyang basahin
ang isang aklat.
Eh Si Mark Zuckerberg, ang Founder ng Facebook? Alam mo
ba naging panata niya simula 2015 na magbasa ng 1 aklat
kada dalawang linggo.
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 11
Eto pa, Si Warren Buffet na tinaguriang “Most Successful
Investor” ng America ay nagbabasa ng minimum na 500
pages ng aklat araw-araw…
Diyan pa lang kabaro ay masasabi mo na may malaking
tulong ang pagbabasa sa pagiging successful mo balsng
araw…
Ngayon, tatanungin kita:
Kumbinsido ka na ba na kailangan mong magbasa para
maging matagumpay, o hindi pa?
Kung 'hindi ang sagot mo mga tanong kong iyan, ay mabuting
huwag ka nang magpatuloy sa susunod na pahina…
Kasi hindi talaga para sa iyo ang librong ito… Eto nalng
panoorin mo, ( https://inspiretv.co/15-things-rich-people-do-that-the-
poor-dont/?unid=1514153004 )
Kung Oo ang sagot mo, ipagpatuloy mo lang at tiyak unti-unti
kang maliliwanagan sa mga susunod na matutuklasan mo sa
kahalagahan ng pagbabasa…
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 12
Sabi nila, “Experience is the best teacher”; at sang-anyon ako
sa kasabihan na ‘yan… Mas tumatatak kasi ang experience
kasi personal encounter mo ito at kadalasan ay may
emosyon na kasama…
Ngunit hindi lahat ng bagay sa mundo ay kailangan mong
matutunan ‘based on experience’. Bilang isang seaman,
hindi lahat ng pwerto sa mundo ay madadaungan ng barkong
sinasakyan mo.
Kaya kung aasa ka lang sa experiences mo bilang Marino ay
tiyak tagilid ka parekoy…
CHAPTER 2: Bakit Kailangan Mong Magbasa ?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 13
Iyan ang rason kung bakit may library ang barko… Kung bakit
lahat ng equipment ay mayroong manuals na dala. Ito’y
upang magbigay ng impormasyon ng mga kailangan mong
malaman upang ‘di ka na mahirapan...
“Shortcut” ang tawag diyan… Hindi mo na kailangan pang
tuklasin ang mga tinuklas ng mga Magigiting na Manlalayag
ng Nakaraan gaya nina Colombus at Magellan, kasi lahat ng
mga ito ay nakasulat na…
Hindi mo na kailangan pang hintayin na masira ang
makinarya ng barko at magtrial and error para ayusin ito.…
May mga manuals na available at pwede mong basahin
anuman oras na gustuhin mo.
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 14
Ganoong prinsipyo rin ang pwede mong i-apply sa buhay
mo…
Lahat ng problemang dinadaanan mo ngayon ay
pinagdaanan na ng ibang tao… Bakit ka pa magpapakahirap
na diskubrehin ang tamang gagawin kung may nakasulat na
palang step-by-step na solusyon para dito? Ang kailangan mo
lang gawin any buklatin ang aklat.
Hindi mo ba alam na halos lahat ng pinakamatagumpay na
tao sa mundo na namayapa na ay may iniwang isang
mahalagang kayamanan na kailanman ay hinding-hindi na
mabubura. Alam mo ba kung ano yun? Oo, tama ka, may
iniwan silang Aklat na kwento ng kanilang mag karanasan
bago nila nakamit ang tagumpay.
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 15
Kahit yaong mga buhay pa na kinokonsidera bilang
successful na mga tao ay ibahagi ang kani-kanilang mga
karanasan, ang lahat ng pagsubok sa buhay, at ang tamang
diskarte upang maging matagumpay sa buhay, pamamagitan
ng pagsusulat ng aklat…
Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ang mga ito at
basahin…
Problema mo ba ay pera? O Negosyo? Maghanap ka ng libro
tungkol sa “Personal Finance” pati na ang mga “Business
Books.” (https://inspiretv.co/15-business-books/?unid=1514153004)
Problema mo ba ay ang iyong relasyon sa iyong asawa o mga
anak? May nakasulat din para diyan… Hanapin mo ‘yung
libro tungkol sa ”Relationship at Family”.
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 16
Problema mo ba kung pano makakapagretiro ng mas maaga
bilang seaman? Naku ilang dosenang libro na ang nakasulat
tungkol diyan! TRY this: http://clikthis.link/ebook/?unid=1514153004
Kabaro, tulad nga ng kasabihan na lahat ng problema ay may
solusyon, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kesa
mag-aksaya ka ng oras sa kakaisip at mastress ng mga
problema,
Anu kaya kung subukan mong magbasa ng aklat na angkop
sa problemang pinagdaraanan mo ngayon…?
Hindi ba’t mas praktikal yun?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 17
Naalala ko noong kadete pa ako at umuwi ang isang
opisyal namin sa kubyerta. Wala nang pumalit sa kanya kasi
nagbawas ng tao ang aming kumpanya…
Sinabihan ako ng aking Kamote(Chief Mate) na ako na lang
daw ang gumamit ng cabina nito total wala din namang
gagamit dun… Mas malapad yun kumpara sa aking cabina at
may sarili pang banyo at T.V. kaya tuwang-tuwa ako…
Nang buksan ko ang isang drawer sa baba ng kama, natawa
ako kasi andaming tabloid dun na nakatago… ‘Yung mga
tabloid na may mga kwentong “pampainit ng katawan” sa
bandang likod ng dyaryo. Hindi lang yon, marami pang
CHAPTER 3: Ano ba ang Dapat Basahin Mong Basahin?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 18
nakaprint-out na papel na galing sa isang sikat na website na
puro kwentong malalaswa…(P*n****a.com)
Ang ‘petmalu’ ng opisyal naming ‘yon, mey edad na ito pero
kakaiba din ang trip nya…
Pero hindi ko sinasabi na masama ang ginagawa nya… Kasi
normal naman yan na pampalipas oras at pampawi ng
lungkot…(Alamz na!)
Ang punto ko lang, hindi ba kung nakakapukaw ng interes
ang isang babasahin ay willing tayong maglaan ng oras para
basahin ito? Kahit pa siguro mahaba ito kung alam mong
may benepisyo kang makukuha dito ay tiyak na magsasayang
ka talaga ng oras. Tama ba?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 19
Ngayon, kung nakakapukaw din ng interes sa iyo ang ideya
na hindi mo na kailangan magbarko at bumuo na lamang ng
magandang negosyo sa Pilipinas, kaya mo bang maglaan ng
oras para dito?
Kung mapupukaw ang interes mo ng ideya na mas
mapapatibay niyo pa ang pagsasama niyo bilang mag-asawa
kahit na may dagat na nakapagitna sa inyong dalawa,
gaganahan ka kayang magbasa?
Paano kung may aklat na tutulong sa’yo na maabot mo lahat
ng mga mithiin mo sa buhay sa petsa na nais mo talaga,
willing ka bang magsayang ng oras kabaro?
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 20
Kung oo ang sagot mo, maaari mong i-click ang link sa baba
at magsubscribe ka sa akin upang makareceive ka ng mga
“Food for the Mind” na mga babasahin at pati na rin ng mga
suhestiyon ng mga Aklat na maaari mong basahin.
CLICK HERE >>> FREE E-BOOK!
O para na din kung trip mo, share ku na lang din sa ‘yo ang
ibang collection ko ng e-books dito baka trip mo ring
basahin...
Maaari mo rin akong ifollow sa facebook, hanapin mo lang
ang pangalan ko, “Clint Mark Ironico Bañes”.
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 21
Parekoy,
Sana’y ‘di ku nasayang ang oras na ginugol mo upang
makarating sa pahinang ito…
At sana’y may napulot kang isang bara ng ginto na pwede
mong idagdag sa “bangko ng iyong karunungan”
At sana’y naging instrumento ang E-book na ito upang
mabuksan ang iyong kaisipan sa maaaring maitulong ng
pagbabasa para sa iyong kinabukasan at sa iyong mga plano
sa hinaharap… Apir!
EPILOGO
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 22
Pero… may Pero!
Pero kung umabot ka na sa pahinang ito at hindi ka pa rin
kumbinsido sa kahalagahan ng pagbabasa… Wala na akong
magagawa diyan…
Siguro baka trip mo na lang manood ng mga inspiring videos
na isusuggest ku sa’yo… Game? May 6 links ako na isi-share
na siguradong makakatulong magbigay sa’yo ng kaalaman
tungkol sa sikreto ng mga matatagumpay na tao… Game?
1. https://inspiretv.co/5-things-to-give-up-if-you-want-to-be-successful/?unid=1514153004
2. https://inspiretv.co/no-limits/?unid=1514153004
3. https://inspiretv.co/7-signs-you-are-going-to-be-successful/?unid=1514153004
4. https://inspiretv.co/take-time-and-invest-yourself/?unid=1514153004
5. https://inspiretv.co/change-your-mind-and-become-successful-2/?unid=1514153004
6. https://inspiretv.co/4-assets-that-make-people-rich/?unid=1514153004
Bakit Tamad Magbasa ang mga Seaman?
BAKITTAMAD? Clint Mark Ironico Bañes Page 23
Coming Very Soon!
P.S. Can I ask you a favor? Can you share this link to your friends on
Facebook? FREE E-BOOK!
“This book is a perfect guide for seafarers who are planning to have a
successful career and be financially wealthy.” –Engr. Rich Magpantay-
This E-book will open your eyes to the reality of a seafarer’s life and will
teach you some practical ways to become the helmsman of your own life
to reach your desired destination at a much earlier time. 2.99 USD
This E-book will reveal to you the secrets of success you can learn having
the vast ocean as your teacher. 10 great lessons of success you can apply
to your own life and will surely help you become the best version of
yourself in all aspects of your life. 2.49 USD
This E-book will answer the most common question among couples who
are in Long-Distance Relationship: “Will it really work?” This will also give
you amazing tips on how you will deal with this unique kind of LDR (Lupa-
Dagat Relationship) to navigate your “Ship of Love” to your destination
called “Everlasting Love.” 2.49 USD
This E-book is the author’s own compilation of the common sentiments of
his fellow seafarers as well as timeless pieces of wisdom gathered in his
years of experience; some of which are in the form of poetry and will
undoubtedly ouch every reader’s heart. As you read this book, the author
suggests you prepare some tissues for the tears you’ll shed. 2.49 USD